Broken Strings || ✓

By gwynchanha

53.3K 2.1K 259

Status: COMPLETED Liking Kenji Suson was the best thing that ever happened to the then highschool girl Trish... More

Broken Strings
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Note
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
THANK YOU!!!
Other Stories

Chapter 36

703 34 2
By gwynchanha

Chapter 36.

ILANG MINUTO RIN kaming nanatili ro'n dahil ayaw akong bitawan ni Justin. Ilang beses ko siyang kinumbinsi na kailangan na naming umalis dahil pareho pa kaming may trabaho.

“Dito na lang,” sabi ko nang malapit na kami sa cafe ni Honey.

Nagbaling siya ng tingin sa akin. “Sure ka? I can drive you until--”

Kaagad akong umiling. “Huwag na. Sigurado akong kapag nakita na naman nila tayong magkasama, tutuksuhin na naman nila ako.”

Naningkit ang mga mata niya. “What does that mean, Adeline? Are you ashamed of us?”

Umiling ulit ako. “Hindi sa gano'n! Ano lang kasi...”

He chuckled, kaya napahinto ako sa pagsasalita at tinapunan siya ng matalim na tingin.

“I get it. I'm just kidding.” Hinawakan niya ang kamay ko, at saka pinagsalikop ang mga daliri namin. Nilapit niya sa kaniyang labi ang likod ng palad ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang marahang dumampi ang labi niya ro'n.

“K-Kailangan ko nang lumabas,” untag ko dahil parang wala siyang planong paalisin ako.

Tumawa ulit siya bago binaba ang kamay ko. “Okay. See you later, Adeline.”

Tumango lang ako sa kaniya. Pero bago ako lumabas, mabilis akong dumukwang papalapit sa kaniya at saka hinalikan ang kaniyang pisngi. Lumabas kaagad ako ng kotse niya pagkatapos. I smiled cheekily. “Bye!”

Tumalikod na kaagad ako at natatawang lumakad papasok sa cafe ni Honey. Hindi ako lumilingon dahil kapag nakita ko ang cute na reaksyon ni Justin, sure akong babalik ako sa loob ng kotse niya at gagawin ulit 'yon.

“Hinatid ng boyfriend?” malisyosang tanong ni Honey pagkapasok ko ng cafe. Nasa gilid siya ng counter at pinapaypayan ang sarili gamit ang menu.

Natatawang napailing na lang ako.

“Asus! Asus!” Bumilis ang pagpaypay niya sa sarili. Sinundan niya ako ng tingin habang naglakakad ako papasok sa locker room. “Halatang-halata sa pamumula ng mukha mo na may ginawa kayong kababalaghan sa loob ng kotse, ano!?”

Napahinto ako at kaagad na pinandilatan siya. “Bibig mo, Honey!” suway ko. “Pero wala, mali ka ng iniisip. Wala kaming ginawang kung ano sa loob ng kotse, 'no!”

Ang tawa niya ang huling narinig ko bago ako tuluyang pumasok sa locker room para makapagbihis na at masimulan na ang trabaho ko rito. Habang nagbibihis ako ay naisipan kong i-check ang cellphone ko kaya nilabas ko mula sa bulsa ng pants ko at nang buksan ko, nakita ko kaagad na may message galing kay Justin.

From: Justin

That was unfair :'(

Natawa ako sa message niya. Hindi na ako nag-reply at nilagay na lang sa loob ng locker ang cellphone ko bago ako tuluyang lumabas ng locker room para simulan na ang trabaho ko rito.

--

“GOOD EVENING PO, Manong Guard!” bati ko kaagad pagkarating ko sa tapat ng glass door ng ShowBT.

“Uy! Ma'am!” bati niya rin pabalik. “Na-late po yata kayo ngayon?”

I smiled apologetically. “Sorry. Naging busy kasi ro'n sa unang part-time job ko, Manong. Madami ang customer sa store kasi nagkaroon ng sale.” Pumasok na ako sa pinto. “Sige, Manong. Sa taas na muna ako. Bye po!”

Patakbong pumanik ako papuntang storage room at mabilis na sinuot ang uniform at nilabas ang mga panglinis para simulan na ang trabaho ko rito. Halos 30 minutes din akong late dahil may sale nga sa store. Nakalimutan kong ngayong araw pala magsisimula 'yon at matatapos sa Linggo pa dahil one week ang promo.

Sinimulan ko na kaagad ang trabaho ko pagkarating ko ng second floor. Medyo nakakaramdam na ako ng pagod dahil nga na-busy sa naunang part-time pero kaya ko pa namang tapusin ito. Mamaya, pagkauwi ko, sure akong bagsak ako kaagad sa kama.

Habang nagpupunas ako ng glass window kung saan kitang-kita ang city lights sa labas, napahinto ako at napatitig na lang muna ro'n, at biglang sumagi sa utak ko si Justin kaya parang timang na napangiti ako. Ang cute niya kasi kanina.

Naagaw ang atensyon ko nang may isang pigura pa bukod sa repleksyon ko ang nagpakita sa glass window. Napaawang kaagad ang mga labi ko at napalingon dito.

Nasalubong ng mga mata ko ang kulay kapeng mga mata niya na parang pagod na na nakatitig sa akin. Napakurap ako at napatikhim bago nag-iwas ng tingin.

Surprisingly, I didn't feel anything right now with his presence here.

“Uhm...” I pursed my lips para mag-isip ng sasabihin sa kaniya. “O-Overtime?”

Hindi niya ako sinagot, nanatiling nakatitig sa akin si Ken. Nakasuot siya ng itim na hoodie jacket na nakabukas ang zipper kaya kitang-kita ko ang polo shirt niya sa loob at ang denim pants. Medyo magulo rin ang buhok niya pero malalaman mong naka-pushed back ang buhok niya kanina.

“You look happy,” sa halip ay sagot niya.

Awkward na ngumiti naman ako. “Ah... H-Hindi naman. May naalala lang.”

Hindi na ulit siya nagsalita, kaya I took it as a cue na ituloy ang trabaho ko dahil nandoon naman talaga ako para magtrabaho, hindi para makipag-usap kung kanino.

“Pwede ka bang sumama sa 'kin saglit mamaya?”

Napahinto ako sa tanong niya at kaagad akong napalingon. My guts were telling me not to, pero may parte sa aking gustong pumayag dahil ayaw kong sumama ang loob niya sa akin.

He was once a major part of my life, at ang payagan siya sa request niya, is the least I could do for him. May idea na ako kung bakit gusto niya akong sumama, pero gusto ko ring marinig at malaman mula sa kaniya mismo.

Awkward ulit akong ngumiti. “Saan naman?”

He sighed. “Gusto ko lang na makausap ka... for old time's sake, I guess?”

“Ah...” Tumango-tango ako at napaiwas ng tingin. “P-Pwede naman, pagkatapos nitong trabaho ko. Makakahintay ka ba?”

Tumango lang din siya bilang sagot bago ipinasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng hoodie niya, at saka siya bumuntonghininga.

“See you at the lobby, then.”

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang tumalikod na siya at lumakad na pababa ng hagdan. Nang nawala na siya sa paningin ko, doon ko lang naibuga ang hangin na kanina ko pa palang tinitipon sa dibdib ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa telang pinangpunas ko sa glass wall.

Don't worry. This would be the last time you'll ever be talking to him. End things with him, kahit wala naman talaga kayong sinimulan. You already have someone in your heart, and it's finally time to let go of the past that can't be brought back.

Bumalik na agad ako sa trabaho ko at halos dalawang oras bago ako natapos. Nagbihis lang ako bago ako nagpunta sa lobby kung saan sinabi niyang doon niya ako hihintayin. And true to his words, nandoon nga siya. Nakaupo siya sa pang isahang couch, at nakayuko sa cellphone niya. Nakikita kong may tinetext siya pero hindi ko mabasa ang convo nila dahil malayo ako.

Tahimik lang akong lumakad papalapit sa kaniya. Wala pa nga akong sinasabi, napansin niya kaagad ang presensya ko kaya nag-angat siya ng tingin sa akin sabay pinatay ang screen ng cellphone niya.

I awkwardly smiled at him. “So... saan tayo?”

Mabilis siyang tumayo at pinasok sa bulsa ng kaniyang hoodie ang kaniyang cellphone bago siya humarap sa akin.

“Let's go,” aniya at saka siya tumalikod. Nang nagsimula na siyang lumakad, sumunod na lang ako sa kaniya.

Kami na lang palang dalawa ang hinihintay ni Manong Guard na lumabas bago niya isara ang buong building. Pagkalabas namin, nagsimula na siyang mag-check ng floors, pinatay ang mga ilaw, at saka ini-lock ang mga pinto at exits.

Dumiretso kami ni Ken sa parking area kung saan ang kotse na gagamitin niya. Tahimik lang kaming dalawa na sumakay doon, siya sa driver's seat at ako sa passenger's seat. Hindi na rin ako nagtanong ulit kung saan niya ba talaga balak na pumunta kami, hinayaan ko na lang siya at hinintay kung saan hihinto ang kotse niya.

Buong byahe, tahimik lang ulit kami. Hindi rin naman ganoon katagal ang byahe, mga kalahating oras lang, huminto kami sa isang convenience store dahil mga ganito naman lang ang bukas pa rin nang ganitong oras.

Pagkababa namin, tinanong niya kaagad kung anong gusto kong kainin or inumin. Ginutom rin ako kaya sinabi ko na lang sa kaniyang gusto ko ng instant noodles. May table sa loob, kaya doon ako umupo habang hinihintay siyang matapos na bayaran at kunin ang mga pinamili namin.

Napabaling ako ng tingin sa kaniya nang makitang papalapit na siya sa direksyon ko mula sa cashier. Umuusok pa ang cup noodles na hawak niya, at nilapag niya kaagad sa tapat ko 'yon nang nakarating siya sa table.

“Salamat,” sabi ko kaagad. Ang binili niya pala ay soju, dalawa. Hindi naman ako iinom, kaya sure ako sa kaniya 'yan lahat. “Iinom ka? Wala ba kayong work bukas?”

Napaangat siya ng tingin sa akin, tinitimbang kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko, bago siya mahinang natawa. “Concerned ka sa 'kin?”

“Malamang,” sagot ko kaagad. “Baka maaga pala ang simula ng work n'yo bukas, 'tapos iinom ka ngayon.”

“Don't worry.” Ngumiti siya. “Two bottles aren't enough para malasing ako, Trisha.”

“Bakit ka muna iinom?”

He sighed. “I just... felt like drinking, lalo pa't ikaw kasama ko, at baka dahil rin sa magiging direksyon ng usapan natin.”

Speaking of...

“Ano pala ang gusto mong pag-usapan natin?”

Hindi siya kaagad nakasagot. Binuksan niya ang bote ng soju at saka siya lumagok doon. Hindi man lang nagbago ang expression ng mukha niya, parang umiinom lang siya ng tubig.

“Kayo na ba?” tanong niya. Kahit hindi niya sabihin, alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

Napayuko ako sa cup noodles na sumisingaw ang usok sa takip. A small smile crept onto my lips. “Hindi pa.”

“Pero gusto mo rin siya?”

Tumango ako bilang sagot.

Napaangat na ako ng tingin sa kaniya nang marinig ko siyang tumawa. Lumagok ulit siya sa soju niya, at nangalahati kaagad 'yon.

“He's... a good guy,” aniya sa mahinang boses. “I'm sure he can treat you well... and better.”

I chuckled. “He is, kaya nga nahulog na rin tuloy ang loob ko sa kaniya nang tumagal.”

We fell into an awkward silence after that. Binuksan ko na lang ang cup noodles ko at sinimulang kainin 'yon.

“Ken...” I called him, breaking the silence between us. “Hindi ko pinagsisihang nakilala kita at... minsang nagkagusto ako sa 'yo. The young Trisha would've been so happy if she found out I'm here, eating with her crush, who happened to like her too. Ang kaso...”

“I understand, Trisha,” he cut me off. Ngumiti siya sa akin. “We can't do anything about that kung naglaho na nga talaga ang nararamdaman mo para sa akin. Malas ko lang, naunahan ako ng takot. At kung kailan ako nagkaroon ng lakas ng loob, nahuli na nga ako.”

I smiled awkwardly. “Well... if we're not for each other, it won't really work out.”

Hindi siya nagsalita at bumuga na lang ng hangin bago lumagok ulit sa soju niya. Isang lagok niya lang, ubos na kaagad ang isang bote.

“I'm happy for you,” aniya bigla kaya napatitig ako sa kaniya. Nakayuko lang siya at nakatitig sa bote na hawak niya. “I have to.”

Tumango lang ako. Hindi ko na alam kung ano ang gusto kong sabihin, kaya nanatili na lang akong tahimik at kumain.

Aniya ay gusto niyang manatili muna kami roon ng ilang minuto pa. Inuubos niya ang soju niya at ako naman ay inubos na rin ang instant noodles ko. May iba pa kaming pinag-usapan na random, at unti-unti'y nagiging comfortable na kami at gumaan ang atmosphere namin. Pagkatapos namin doon, hinatid niya na ako pauwi.

In the end, we decided to remain as friends, and he's fine with it.

I'm happy that I'm finally able to get rid of this feelings of my chest, after years of bottling it all inside my heart.

My heart's finally free. It's finally mended after years of being broken.













Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 417 33
"I love you until the last uncountable stars in the universe." ****** Viana lost her twin sister at a very young age and suffered emotional trauma br...
231K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
40.3K 1.6K 54
[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you...
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...