Light in your Darkest Night

Oleh Eiszcelili

801 174 79

Sometimes she wonder, if we could see everything in reverse, would we change our mind? If we only see how it... Lebih Banyak

CHAPTER I
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 17

20 3 0
Oleh Eiszcelili


RILEY POV

"Wala ka ng ginawang mabuti sa pamilyang ito!" galit na galit na sabi ni Daddy sa'n

Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyana

"ILANG ESTUDYANTE KO PA ANG TATARATADUHIN MO HA!?" malakas na sigaw n'ya

"Dad calm down ano ba pinapahiya mo naman ang bata" awat ni Mommy

"Dapat lang na ikahiya 'yang batang 'yan Suzette. May bago ka na namang biktima at talagang kapatid mo pa!"

"She's not my fucking sister---

Hindi pa ko tapos magsalita ng masampal ako ni Daddy.

"Hindi mo na nirespeto ang pamilyang to Riley!" nanggagalaiti sa galit na sabi ni Daddy

"Hindi naman ako miyembro ng pamilyang iniingatan mo di'ba!? Ang sabi mo nga wala kang anak na isang kagaya ko!" naiinis na sabi ko

Naikiyom ko ang mga kamao ko sa galit "Mas itinuring n'yong anak ang babaeng 'yan kahit hindi naman ikaw ang ama!"

"Anak" awat ni Mommy sa'kin

"Totoo naman di'ba Ma!? Anak mo ang babaeng 'yan sa labas!"

"Umalis ka na!" sigaw ni Daddy sa'kin

Halos magsisi naman ako ng makita ko kung paano lumandas ang luha sa pisngi ni Mommy

"M-Mom---

"I SAID GET LOST!" sigaw ni Daddy

"Mom h-hindi ko sinasadya" mangiyak ngiyak na sabi ko ngunit sa halip na magalit ito ay isang matamis na ngiti lang ang binigay nito sa akin.

'Mommy I'm sorry'

Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Daddy sa braso ko. Nagpupumiglas ako pero hindi ko kayang sabayan ang lakas n'ya. Kinalakad ako nito palabas ng Hospital.

"Wag na wag ka munang magpapakita sa amin!" galit na sabi ni Daddy at dinuro duro pa ako

'Anak mo din ako Pa'

Napangiti na lang ako ng mapait. Araw araw n'yang ipinaparamdam, ipinapamuka sa akin na hindi ako miyembro ng pamilya namin. Na puro kahihiyan at kamalasan lang dala ko sa pamilya namin.

Napaiyak na lang ako dahil sa sitwasyon ko sa pamilyang meron ako 'May pamilya pa ba ako? Kahit anong tigas ko mahina pa rin ako'

Naalala ko ang nangyari kay Sin kanina. Sinadya kong sirain ang imahe n'ya sa school namin kasi gusto ko s'yang mawala sa School na pagmamay ari namin.

'Isa lang naman s'yang anak sa labas. Totoo ang sinabi ko kanina'

Nang makita ko ang paghihirap ni Sin sa School ay hindi ko man lang narinig itong magreklamo o kaya magalit sa'kin. Palaging ngiti ang pinapakita n'ya sa'kin na ikinakainis ko naman pero no'ng makita ko ang luha n'ya kanina punong puno iyon ng sakit wala akong makitang galit.

'Nakakaguilty. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ba s'yang harapin pagkatapos ng mga nagawa ko sa kaniya. Hindi ko rin s'yang narinig na nagsumbong sa mga magulang namin'

"You must be angry with me. You have a reasons to hate me, Sin" bulong ko sa sarili ko

Tiningala ko ang madilim na kalangitan malakas pa din ang ulan pero natatanaw ko pa rin ang bilog na buwan sa di kalayuan.

"Saksi ka na naman sa mga luhang 'to" pinunasan ko ang luha sa pisnge ko napatawa na lang ako dahil sa sinabi ko

"Nasiraan ka na naman ba?"

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng marinig ang pamilyar na tinig na 'yon.

'S-Shiraha'

Nakahoodie jacket ito at pantalon na itim. May hawak s'yang cup of tea.

"A-Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ko sa kaniya agad akong nag iwas ng tingin

'Baka makita n'yang umiiyak ako'

"Namamasyal" aniya

"Muka bang pasyalan 'to?" inis na tanong ko sa kaniya magsasalita pa sana ako ng ihara n'ya sa muka ko ang kapeng hawak n'ya

"Ano ba! Alisin mo nga 'yan!" inis na sabi ko

"Sa'yo talaga 'to" aniya na ikinakunot ng noo ko

"Paano magiging akin 'to e hindi naman ako bumili---

"Pwede bang inumin mo na lang o kaya naman ibuhos mo na lang sa muka mo" napipikong sabi n'ya wala sa sariling kinuha ko ang kapeng hawak n'ya

'Puro brutal na linya talaga lumalabas sa bibig ng babaeng 'to'

Nag aalin langan pa kong inumin ng magsalita na naman s'ya

"Safe 'yan kung papatayin kita dapat ginawa ko na" sabi n'ya

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi n'ya ininom ko na lang kapeng ibinigay n'ya

'Mabait pala 'to e'

"Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko sa kaniya

"Bakit mamimiss mo ba agad ako?" tanong n'ya na may kasunod na "Biro lang. May hinihintay lang ako"

Naalala ko iyong ginawa n'ya kanina.

"S-Salamat d'on sa kanina" nahihiyang sabi ko nakita ko ang pagtango n'ya

"Kapatid mo talaga s'ya ang malas naman n'ya" sabi n'ya na ikinainis ko

Walang nakakaalam na kahit na sino bukod kay Aelia na kapatid ko si Sin

"Nandito ka ba talaga para iapmuka mo sa'kin 'yan!? Ha!? I can't believe you imbes na i-comfort mo ko pinapasama mo pa lalo ang loob ko" inis na sabi ko dito na ikinakunot ng noo n'ya

"Pinagsasasabi mo? Bakit kita icocomfort? Kaano ano ba kita? Tssss magkaaway tayo tapos icocomfort kita sira talaga ulo mo" sarkastikong sabi n'ya

Iyong nangyari sa Cafeteria kanina

"Y-Yung sa Cafeteria kanina---

"Kagaya mo ay ayaw rin sa'kin ng mga estudyante do'n. Ang pinag kaiba lang natin isa kang apo, anak ng may ari ng eskwelahang pinapasukan ko habang ako naman ay normal ma estudyante lang" aniya

Nilingon ko ito at nakatingala ito habang pinagmamasdan ang buwan. Ngunit natigilan ako ng makita kong ngumiti ito yung ngiti na nakita ko habang kumakanta s'ya. Ang mga mata n'ya.

Humangin ng malakas at pinagmasdan kong mabuti kung paano n'ya ipinikit ang mga mata n'ya habang nilalanghap ang hangin at nililipad nito ang ilang hibla ng buhok n'ya.

Walang salitang lumabas sa'kin habang pinagmamasdan ang mukha n'ya. Hindi ko alam kung sadya bang mabagal ang kilos n'ya dahil bawal galaw n'ya sa tingin ko ay napaka bagal.

"Anong ginagawa mo?" tanong n'ya at doon lang ako nagising

"H-Ha?"

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan ko?" tanong n'ya sa'kin na ikinakunot ng noo ko

'May ibig sabihin pala ang pangalan n'ya'

"Pagmasdan mo ang buwan na 'yan" aniya na sinunod ko naman

'Moon never failed to amuse me'

"Hindi mo ako makikita d'yan" aniya na ikinakunot ng ko

Sandali akong natigilan ng marealize ko ang sinabi n'ya ay agad akong nainis.

"Ibig sabihin ng pangalan mo ang topic dito Shiraha---

"Totoo naman ang sinabi ko na wala ako d'yan na hindi mo ako makikita d'yan" seryosong sabi n'ya na ikinakunot ng noo ko

"Bakit ano bang ibig sabihin ng pangalan mo!?" naiinis na tanong ko

'Kahit kailan talaga ay hindi ko s'ya maintindihan'

"Pinaka malaking buwan sa pinakamalamig na planeta" aniya

Hindi ko alam kung bakit tumataktak sa isip ko amg salitang binitawan n'ya

'Pinakamalaking buwan sa pinaka malamig na planeta'

'Pinakamalaking buwan sa pinaka malamig na planeta'

'Pinakamalaking buwan sa pinaka malamig na planeta'

"Pinaka malaking buwan sa pinaka malamig na planeta" bulong ko sa sarili ko

"Maganda hindi ba?" tanong n'ya

Tumango ako 'Maganda nga'

"Sa dinami rami ng planeta bakit sa pinakamalamig pa?" tanong ko dito

'Uranus planetang Uranus ang pinakamalamig na planeta'

"Sa tingin ko ay napakaganda nun ang makitang nagliliwanag ang buwan na yun sa planetang nababalot ng kadiliman ay napaka gandang pagmasdan" sabi n'ya

Nakita kong tumingala s'ya na ikinakunot ng noo ko. Sinundan ko ang tinitingnan n'ya at halos maibuga ko ang kapeng nasa bibig ko.

Narinig ko ang tawa n'ya kaya naman natigilan ako at nilingon ito.

Ilang beses ko naman ng narinig ang tawa n'ya at nakita na 'yon mismo ng mga mata ko pero naninibago pa rin ako. 'Siguro nasanay lang ako na walang emosyon ang muka. Hindi ngumingit o tumatawa'

"Now you know why I know" sabi n'ya at wala sa sariling napatango ako

"Kaya ka ba nandito?" tanong ko

"Yeah" sagot n'ya akmang aalis na s'ya na magsalita na naman s'ya

"Nakita ko" aniya na ikinakunot ng noo ko

"Ang a-alin?" naguguluhang tanong ko

"Iyong takot sa mga mata mo no'ng mabitawan mo ang kamay n'ya" huling sinabi n'ya bago umalis at iwan ako.

Napahawak naman ako sa dibdib ko. Bumalik 'yung kaba ko kanina no'ng mabitawan ko ang kamay ni Sin. Halos malagutan ako ng hininga sa takot.

Pinagmasdan ko ang kapeng binigay n'ya sa'kin. Napansin ko ang ang isang sticky notes na nakadikit dito happy face lang naman ang nakalagay pero napangiti pa rin ako.

'Nakita n'ya kaya akong umiyak kanina? Nakakahiya naman. Teka lang! Ano bang pakialam ko sa kanya!?'

Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko na naman si Sin. Hanggang ngayon ay wala pa din s'yang malay.

"Babe"

"A-Aelia? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"Bibisitahin ko si Sin---

"Hindi pwede" I said

"At bakit?"

"Daddy is there and he's mad at me!" hinawakan ko ng mahigpit ang braso n'ya 'yong tipong masasaktan s'ya

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?"

"Ha!? Are you kidding me babe!? Humingi ka ng tulong sa'kin then ito na 'yon tinulungan na kita! Hindi mo ba naappreciate!?"

"Ilang beses kong sasabihin sa'yo na tigilan mo na ang kabebabe mo sa'kin! Hindi ka ba makainitindi"

"Ano ba Jeal! Nasasaktan ako!" daing n'ya

"Tigilan mo na ako! Tigilan mo na ang kapatid ko at higit sa lahat tigilan mo na ang pamilya ko!" banta ko sa kaniya

"Why are you doing this to me? Kalat na sa school na ako ang nagpakalat ng pictures ni Sin---ARAY!"

Tinulak ko s'ya ng malakas palayo sa akin "May usapan tayo pero hindi ka sumunod! Ayoko ng makita ka pa Aelia" inis na sabi ko at iniwan s'yan nakasalampak sa sahig.

TANIA POV
Nabigla din naman ako sa sinabi ko. Pero totoo yung sinabi Tatania ang pinakamalaking buwan sa planetang Uranus

'Ang ganda kaya nun kaso mukhang may galit ang nanay ko dahil sa malayong planeta pa n'ya nakuha! Tssss'

"Boss s'ya 'yun di'ba?"

Nakita ko ang grupo ng mga kalalakihan di kalayuan sa'kin. Kumunot ang noo ko nang mapansin kung ako ang pinag uusapan nila. Nandito na ko sa parking lot ng Hospital kaya naman wala masyadong tao. Perpektong lugar para gumawa ng katarantaduhan.

Napailing na lang ako sa naisip ko at hindi na lang sila pinansin pa. Naglakad ang mga ito papalapit sa'kin kaya naman natigilan ako. Ngingisi ngisi ang mga ito may mga dospordos pang hawak ang mga ito.

"Kamusta Binibining Titania?" sabi ng isang matangkad na payat, gwapo naman ang mukha n'ya may suot itong bonnet sa ulo habang humihithit ng sigarilyo

"Maayos lang ako" sagot ko dito

Narinig ko naman ang tawanan nila na ikinainis nung leader nila

"Manahimik kayo!" saway nito sa mga tauhan n'ya nilapitan ako nito at hindi naman ako nagpatinag

"Ang lakas ng loob mo magsalita" aniya

Natawa naman ako dahil sa sinabi n'ya "Pagsagot ang ginawa ko Mister" sarkastikong sabi ko dito

'Yun na naman ang malakas na tawanan nila

"SINABI NG MANAHIMIK KAYO E!" malakas na sigaw nitong leader bago ako tinapunan ng masamang tingin

"Hindi ka ba natatakot sa'min?" tanong n'ya na ikinakunot ng noo ko "Hindi ka ba magtatanong kung anong kailangan namin sa'yo ha!?"

Umiling ako na talaga namang ikinagalit n'ya

May hawak itong baseball bat ihahampas n'ya sana ito sa'kin ng masalag ko yun gamit ang kanang kamay ko.

Nabalot ng katahimikan ang paligid namin lahay sila'y gulat na gulat dahil sa ginawa ko.

"Ikaw ang tatanungin ko" pangbabasag ko sa katahimikan

Malakas na hinablot ko ang baseball bat na hawak n'ya at dahil sa higpit ng hawak nito ay nadala ang katawan n'ya papalapit sa'kin ngunit bago pa lumapat ang mukha n'ya sa'kin ay tinuhod ko ang panga n'ya dahilan para tumalsik ito palayo at tuluyang mabitawan ang baseball bat na hawak ko

"AAAAAHHHHHH" malakas na sigaw n'ya nagpagulong gulong pa ito dahil sa sakit

Inilagay ko ang kaliwang kamay ko sa bulsa ng jacket ko habang ang kamay ko na nakahawak sa baseball bat ay nakapatong sa balikat ko.

'Ang angas ko na ba?'

"B-Bossing!"

'Hindi pa nga ako tapos dun sa muntik ng mambaboy sa'kin dadagdagan n'yo na naman'

Ibinaba ko ang kanang braso ko at dahan dahang naglakad papalapit sa leader nila. Nginisian ko ito ng magtama ang paningin namin. 'Duguan na agad ang bunganga nito' napailing ako.

"Ikaw ang tatanungin ko ngayon" seryosong sabi ko "Hindi ka ba natatakot sa'kin? Hindi ka ba magtatanong kung anong kaya kong gawin sa'yo ha!?" ginaya ko yung tono ng boses n'ya ng sabihin n'ya sakin yung kanina

"B-Babae ka lang---ARAY!"

Babangon pa sana s'ya ng walang kaano ano'y inihampas ko ang baseball bat sa ulo n'ya dahilan para muling bumagsak ito sa sahig.

Ang kanina'y mga tauhan n'ya na dapat sana ay susugod na sa akin ay biglang napaatras

"Babae lang ako na kayang basagin ang bungo mo" malamig na sabi ko

"T-Tama na" nanghihinang sabi nito gumagapang ito palayo sa'kin na ikinatuwa ko naman

"Ang lakas ng loob mong magpakita sa harapan ko, Figaro" sabi ko dito habang dahan dahang lumalakad palapit sa kaniya

"K-Kilala n'ya si Bossing"

"Paanong napabagsak n'ya si Boss"

"Sino ba ang babaeng 'yan?"

"Nakakatakot s'ya pare"

"Parang hindi uso sa kan'ya ang pagdadalawang isip. Ganon lang kadali sa kanyang ihampas ang baseball bat hindi ako makapaniwala"

"S-Sino ka!? A-Anong kailangan mo sa'kin!?" sunod sunod na tanong ramdam na ramdam ko ang takot n'ya

Ipinatong ko ang paa ko sa ulo n'ya at idiniin ko mukha n'ya sa semento.

"Nakalimutan mo na agad ako" sarkastikong sabi ko dito

"T-Tama na!" aniya ngunit hindi ko ito pinansin "S-Satania"

Sinipa ko s'ya ng malakas patihaya naliligo na ito sa sariling dugo n'ya

"S-Satania parang awa mo na w-wala akong alam. H-Hindi agad kita nakilala"

Itinutok ko ang baseball bat sa ulo n'ya na talagang ikinatakot n'ya. Umakto ako na para bang may sinisipat sa malayo.

"Namiss mo ba ang larong ito, Figaro?" tanong ko dito habang nakatapat na ang baseball bat malapit sa ulo n'ya "Namiss mo bang maglaro ako ng ganito, Figaro?" tanong ko pa dito

"P-Parang awa mo na Satania. H-Hindi na kita g-guluhin pa---

"Hinding hindi mo na talaga ako magugulo pa Figaro mamili ka buwan, taon o panghabang buhay?"

"Satania nagmamakaawa ako sa'yo---

"Pinapipili kita Figaro hindi mo gugustuhin kapag ako ang pumili para sa'yo" sabi ko dito

Malaks ang iyak nito na talagang ikinatuwa ko

"B-Buwan" aniya

Napangiti ako sa sagot nito "Labindalwang buwan" sabi ko itinaas ko ang baseball bat

"Ngunit isang taon na ang katumbas n'yan Satania---AAAAHHHH"

Malakas na ihampas kung muli ang baseball bat sa ulo n'ya at agad itong nawalan ng malay

"Labindalwang taon kang matutulog Figaro good luck sa paglalakbay mo" sabi ko

"B-Boss---

"Sinong gustong sumunod?" tanong ko sa mga ito mabilis silang umiling pabato kong binitawan ang baseball bat na hawak ko bago ako tuluyang umalis sa lugar na 'yon

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

Ice Cold Oleh m

Fiksi Umum

2.2M 83.2K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...
438K 15.9K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
47.6K 1.1K 32
It had been mere months after her eighteen birthday, when she was pulled from the safe haven of her life and forced into the fantasy the women had cr...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...