Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

بواسطة Invalidatedman

496K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ المزيد

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XLVI

5.4K 205 65
بواسطة Invalidatedman



*Reggo










Pagkababa ko ng sasakyan, sumalubong sa akin 'yung mahalumigmig na ihip ng hangin. Saglit kong ipinikit 'yung mga mata ko at dinama 'yung maginhawang pakiramdam na dulot ng lugar na ito. Minsan na lang kasi ako makahanap ng oras para manahimik. Palagi na lang may kailangang tapusin doon sa siyudad, palaging may party, palaging maingay, palaging may iniiwasan, palaging may kabanggaan. Minsan, kung iisipin, nakakapagod na rin. Parang nakakasawa na na puro na lang mga away, puro gimikan, puro busina ng sasakyan 'yung naririnig mo.





"Naaalala mo pa 'to?" na siyang nagpabalik sa akin sa aking ulirat na kasama ko nga pala siya dito.




"O... oo naman." awkward kong tugon.




"Ako rin." tsaka siya sumandal sa kotse niya sa kabilang bahagi ng sasakyan. "Hinding hindi ko 'to makakalimutan eh. At hinding hindi ko nakalimutan lahat ng ginawa natin dito. Diba nga dito tayo unang nagcelebrate ng monthsary natin outside our house?"





Nginitian ko lang siya bilang tugon. Naaalala ko naman lahat eh. Ayoko ko na lang sigurong magsalita pa. Ayoko na lang din sigurong maalala. Kasi sa tuwing inaalala ko 'yung nakaraan, pati 'yung sakit bumabalik. 'Yung pakiramdam na kulang pa ako, na hindi pa ako sapat kaya niya ako nagawang gag*hin at mangaliwa sa iba. Walang kasing bigat 'yung pakiramdam na 'yun.





"Halos isang buong araw tayo noon dito. Wala tayong ginawa kundi magkulitan ng magkulitan. Para bang tayo lang ang tao sa mundo?" pagpapatuloy niya. "'Yung punong 'yun? Tanda mo pa 'yun?"




"Oo." maiksi kong tugon.




"Ang tatag niya 'no? Hanggang ngayon, hindi pa rin tinutumba ng panahon. Halika, puntahan natin." saka niya hinigit 'yung kamay ko.





Napatingin ako sa mga kamay naming dalawa habang banayad kaming tumatakbo. Ganitong ganito. Ganitong ganito noong nangyari 'to. Hawak niya 'yung kamay ko habang tumatakbo kami papunta sa punong iyon. At pagkatapos ay hahabulin niya ako kasi kikilitiin niya ako. Ako naman, bilang malakas ang kiliti, nagpapahabol. Bawat tawa, bawat halakhak, natatandaan ko pa. Ganitong ganito. Walang pinagbago. Ang kaibahan lang, noon, masaya ako. Ngayon, nasasaktan ako. Noon, mayroong 'kami'. Ngayon, mayroon 'siya' mayroong 'ako' pero walang 'kami.'





"Haaaa! Namiss niyo ba kami ha?" sigaw niya sa paligid.





Hindi ko mapigilang hindi bumigat 'yung dibdib sa nasasaksihan ko. De ja vu. Magkahawak kamay namin 'tong ginawa noon at hindi matatawaran 'yung mga ngiti sa aming labi noong mga panahong 'yon. Nakakalungkot lang isipin na nagbago na lahat ng 'yon. Na hindi na ganun. Bakit kaya kailangang lumipas ng lahat? Bakit kailangang magbago? At kung kailan natanggap na natin 'yung mga pagbabagong 'yon, saka naman ipapaalala sa atin ng tadhana kung ano 'yung nagbago. Nakakagag* lang eh.




Kinagat ko na lang 'yung lower lip ko para mapigilan 'yung nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng magpakita ng emosyon. Malakas ako. Kaya ko ng wala siya. Bale wala na sa akin 'yung nakalipas. Hindi ako naapektuhan. Hindi ako nasasaktan. Hinding hindi ako masasaktan.





"Uy! Astig oh. Andito pa rin pala 'yung inukit nating puso. Tapos Reggo oh... halika tingnan mo." saka kami yumuko ng kaunti. Napatitig ako sa mga mukha niya. Kung alam mo lang kung gaano ko inaasam asam na mahaplos ulit 'yang mukhang 'yan. Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong ibalik 'yung nakaraan. Pero hindi na pwede. Ayoko na. Kung masasaktan lang ulit ako, mas pipiliin kong ibaon na lang lahat 'yun sa limot. "... andito pa rin 'yung mga pangalan natin oh. Gray love Reggo. Reggo love Gr..."




"Gray ano ba?! Dinala mo lang ba ako dito para mag-reminsce ng mga nakalipas? Eh 'di sana pala sa bahay na lang tayo pumunta! Marami akong photo album dun! Isama mo pa 'yung mga diaries ko para detalyado." singhal ko sa kanya.





Nakita kong rumehistro 'yung pagkagulat sa reaksyon ng mukha niya.





"Pasensya ka na. Akala ko kasi magugustuhan mo eh." nakayuko niyang sabi.





Napapadyak na lang ako sa lupa at napasuntok sa kawalan. At pagkatapos, 'yung mga traydor kong luha ay isa isa ng nagbagsakan.





"Bakit 'di mo na lang kasi ako diretsuhin? Bakit 'di mo na lang kasi sabihin sa'kin niloko mo lang ako *sob*, na pinaglaruan mo lang ako?! *sob* Na hindi mo ako minahal?! Matatanggap ko naman eh. Sabihin mo lang sa'kin. Sabihin mo sa'kin para alam ko kasi isip ako ng isip tuwing gabi *sob* kung... kung ano bang kulang sa'kin, kung ano bang mali sa'kin para palagi mo na lang akong *sob* akong saktan? Para palagi mo na lang akong iwan?!"






Saglit akong tumalikod at pinunasan 'yung mukha ko.






"Ano nanadya ka ba ha?! Nanadya ka ba!" saka ko itunlak tulak 'yung katawan niya. "Dinala mo ko dito para ano? Para ipaalala 'yung nakaraan? Eh put*ng-in* mo pala eh." nag-crack na naman 'yung boses ko at nag-unahan na namang tumulo 'yung luha ko. "Hindi mo ba alam na kanina pa ako nasasaktan. Ha?! Hindi mo ba alam na habang ikinekwento mo 'yung mga ginawa natin dati, kung gaano tayo kasaya dito dati, alam mo bang hirap na hirap na akong huminga sa *sob* sa sakit? Sa sobrang sakit? Hindi! Hindi mo alam! Kasi manhid ka! Wala kang alam kundi manakit."




"Alam mo 'yung naiisip ko nung ipinapaalala mo sa'kin lahat lahat ha? Lahat lahat?! Naiisip ko kung paano mo ako napasaya dati. Naiisp ko kung paano mo ako napa-ibig dati. Naiisip ko at bumabalik sa ala-ala ko kung paano ako naniwala sa isang kasinungalingan. Kung gaano ako katang* para hindi marealize na katulad ng iba, mangloloko ka rin!"




"At ngayon, heto. Heto na naman tayo. Sinuyo mo na naman ako. Nagtigas-tigasan ako. Konting suyo pa, ako naman itong si tang*, nagpasuyo. Pinayagan kitang mangligaw ulit kahit may takot sa puso ko na baka saktan mo ako ulit. Pero hindi ko inisip 'yun. Naniniwala kasi ako sa'yo. Ganoon kita kamahal Gray. Ganoon kalaki 'yung tiwala ko sa'yo. Tapos ano?! Anong ginanti mo sa'kin? Wala! Sinaktan mo na naman ako! Niloko mo naman ako!" saka ko pinagsusuntok 'yung dibdib niya.




"Pero hindi kita niloko Reggo!" tugon niya.




"At ano 'yung nakita ko, ha? Ano 'yung nakita ko? Shooting?!"




"Kung bakit kasi hindi mo ako paniwalaan na hindi ko sayda 'yun." tumataas na rin 'yung boses niya at nangingilid na rin 'yung luha niya.




"Ayun! Ayun naman kasi tayo! Kapag gumagawa ng mali at nahuli, hindi sinasadya. E puch* sana pala wala na lang batas kung hindi rin lang pala sinasadya."





Hinawakan niya ako sa balikat ng mahigpit at saka ikinulong sa dalawa niyang kamay. Magkalapit ang aming mga katawan at ramdam namin ang init ng katawan ng bawat isa. Napatitig ako sa mga mata niya at ganoon din siya sa akin. Ramdam ko 'yung init ng paghinga niya at 'yung bilis ng kaniyang puso.





"For the nth time, Reggo! For the nth time! Paniwalaan mo naman ako." this time 'yung boses niya, sobrang lakas at sobrang may diin. Nito ko lang siya nakitang umasta ng ganito. Natameme ako. "Nitong mga nakaraang araw, Reggo, hindi kita pinilit na pakinggan ako dahil akala ko kailangan mo lang ng kaunting panahon para magpalamig ng ulo. Pero Reggo naman! Sa tuwing magpapaliwanag ako, parati mo na lang akong ipinagtatabuyan at mas pinipili mong paniwalaan si Jandrix na niloko ka, ginag* ka kaysa sa akin."




" Wala naman kayong ipinagkaiba eh." mahina kong tugon/




"Meron Reggo! Meron!" singhal niya. "Mahal kita Reggo! Mahal kita!" gigil na sigaw niya sa mukha ko. "Mahal kita kaya hindi kita kayang saktan. Ang sakit lang kasi mas pinapaniwalaan mo siya kaysa sa akin."




"Ok sige. Nakita mo kaming dalawa nung pinsan mo, magkalapat ang labi. Oh eh ano ngayon? Hindi mo man lang ba naisip na baka hindi ko ginusto ang lahat? Hindi mo man lang ba naisip na baka plano 'to ni Jandrix para sirain tayo? Ano ba Reggo..." lumayo siya ng bahagya sa akin. "Psychology ka for pete's sake! Ganyan ba kababaw 'yung natutunan mo sa kurso mo? Diba dapat kayo 'yung unang-una malawak dapat ang pang-unawa? Dapat kayo 'yung unang-una humahanap ng mga impormasyon para malaman ang katotohanan? Anong nangyari sa'yo, Reggo?"




" Hindi kurso ko ang pinag-uusapan dito! Ang pinag-uusapan natin dito, 'yung pangloloko mo sa'kin!" sabat ko.




"Hindi nga kasi kita niloko! Dumating ako sa tagpuang sinabi mo ng maagap kesa sa oras na sinabi mo..."




"Ah? Para magkaroon pa kayo ng oras ni Jandrix na maglandian? Sana inaga-agahan mo... para hindi ko kayo nakita!"




"Pwede bang patapusin mo muna ako? For once, 'wag mo munang isingit 'yang sarado mong pag-iisip. Hayaan mo naman akong ipagtanggol 'yung sarili ko." napatahimik ako. "Maagap akong pumunta 'ron kasi hindi na ako mapakali. Excited na akong makita ka. May tumawag sa likod ko 10 minutes pagkatapos mong magtext na on the way ka na. Akala ko nga ikaw eh kaya excited akong lumingon. 'Yun pala si Jandrix. Iniwasan ko siya. Kung alam mo lang kung gaano ako kaiwas sa kanya kaso hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote nun at bigla na lang niya akong hinalikan. Siyempre, nagulat ako kaya hindi kaagad ako nakareact. Kaso, kita mo naman diba? Itinulak ko siya. Hindi ko ginusto 'yun, Reggo. Maniwala ka naman sa'kin oh."






Napapalakpak na lang ako.






"Sh*t. BA-Communication student ka nga. Ang galing mong gumawa ng kwento! Manloloko! Sa tingin mo maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo ha? Sa tingin mo madadala mo pa ako sa mga paganyan ganyan mo ha? Ikaw na ang nagsabi, Gray. Psychology student ako at hindi ako basta basta nadadala ng mga pangloloko niyo!"




"Ano bang gusto mong gawin ko para paniwalaan ako?" napahilamos na lang siya sa mukha niya.




"Gusto kong gawin mo? Umalis ka! Kung pwede nga lang tumalon ka na jan sa bangin para hindi na kita makita! Para mabawasan na rin 'yung mga manloloko sa mundo." wala sa sarili kong nasabi.




"Gusto mo akong... mawala?" nag-crack 'yung boses niya habang sinasabi 'yun.




"O...oo. Ayaw na ki...kitang makita." napaiwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ko kayang tingnan 'yung mga mata niya.





Saglit siyang tumahimik at saka humarap sa kawalan. Nagpakawala siya ng sigaw at nagpakawala ng isang tawa... na hindi totoo.





"Talagang naniniwala kang niloko kita 'no? Sabihin mo nga, naniniwala ka talagang niloko kita?" nakatawa siya pero hindi umaabot sa mga mata niya habang itinatanong iyon sa akin.





For once, naestatwa ako. Bakit hindi ako makasagot? Bakit hindi ko masabing 'oo'? Parang kani-kanina lang, ang tapang tapang ko para awayin siya pero bakit parang biglang umurong 'yung dila ko?




May kakaiba sa tingin niya. Parang pinagdadalawang isip niya ako. 'Yung isang parte ng utak ko, sinisigaw na 'oo. manloloko!' pero 'yung isa, lalo na 'yung puso ko, sinasabing niloko. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya for a minute at hindi makasagot. Bakit hindi ko masagot?! Ang simple lang ng sagot. Dalawang letra lang pero hindi ko pa mabigkas. Para bang tinakasan ako ng lakas para magsalita. What if, hindi nga niya ako niloko? What if, pakana lang 'to lahat ng pinsan ko para masira kami? Ehh.




Pero dapat hindi ako nagpapatalo sa emosyon ko. Ilang gabi ko na 'tong pinag-isipan. At siguradong sigurado na ako sa desisyon ko. At kung hahayaan kong manalo na naman 'yung puso ko kaysa sa utak ko... masasaktan na naman ako.




"O...oo." sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya. Sagot ko ng labag sa kalooban.




"Tss. Sakit. Sakit palang mairnig sa'yo mismo." saka niya ako iniwang nakasandal sa puno. Tulala. Hindi makapaniwala sa mga nabitawan kong salita. Alam ko sa loob-loon ko, hindi ko ginustong sabihin 'yun."Halika na. Ihahatid na kita, Mr. Redentor."





Nagulat ako sa inasal niya. Tinawag niya ako sa last name ko. May naalala ako noong sinabi niya sa akin eh.





*Flashback...





"Galit ka kay Liam?" tanong ko. Medyo tumaas kasi 'yung boses niya habang nakikipagtalo sa kalaro niya ng basketball, at the same time, kapitbahay namin.




"Hmmm. Hindi. Inis lang." cool niyang sabi habang nagpupunas ng pawis niya.




"Weh? Talaga?"




"Oo nga." tugon niya.




"Talagang talaga?" tumitig siya sa akin ng masama at saka lumapit sa akin at inilingkis 'yung kamay niya sa bewang ko.




"Hindi nga. Ang kulit mo naman eh. Kapag nagalit ako sa isang tao, wala ng bawian 'yun. Kumbaga, for life. At saka isang palatandaan kapag nagalit ako sa isang tao, kapag tinawag ko sila sa apelyido nila."




***


Comments? Reactions?

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

195K 10.5K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
6.9K 643 9
Toby cannot deny the irresistible attraction he felt for Augustre. Kahit pa sobrang naiinis siya sa lalake dahil wala na itong ibang ginawa kung 'di...
4.5K 401 22
(COMPLETED) Nikolai (Singto) has always been dreaming of having a boyfriend for a long time now, but doesn't seem to have someone who wants him -or a...