Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XLIII

4.8K 187 36
By Invalidatedman



*Reggo








Sabi nila, ang tanging paraan lang para malaman mo kung karapat-dapat nga bang pagkatiwalaan ang isang tao ay pagkatiwalaan ulit sila. Ang ironic diba? Para sa isang mundong ang parati na lamang nating naririnig at nakikita ay kung paano sirain ng isang tao ang pagtitiwala ng isang tao, parang ang hirap ng magtiwala.




Parang 'yung dati lang. Parang naulit lang. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing bubuksan ko 'yung puso ko para sa kanya, palagi na lang niya akong sasaktan sa huli. Kung kailan handa na ulit ako, kung kailan gusto na ulit siyang papasukin sa buhay ko, saka niya ulit babasagin 'yung puso ko at iiwang pira-piraso. Kagabi, naisip ko, tanungin ko kaya siya, masarap ba? Masarap ba akong saktan? Bisyo mo na yatang saktan ako eh. Sa simula pa lang nung mga panahong malaman ko, marealize ko, na may pagtingin ako sa'yo, sinasaktan mo na ako. Hanggang sa magtapos tayo, nasasaktan pa rin ako. At ngayon, kung kailan magsisimula tayong muli, nasaktan mo na naman ako. Siguro nga. Siguro nga masarap akong saktan. Masaya kang nakikitang nagdurusa ako. Masaya kang nakikitang lumuluha ako.




Kagabi, hindi ko na alam 'yung mararamdaman ko. Basta ang naramdaman ko lang, pagod na ako. Noong nakita kong magkalapat ang labi nila sa isa't isa, parang bumalik lahat. Parang bumalik lahat ng sakit. Pero parang mas mahirap ngayon. Patuloy lang sa pagtulo 'yung luha ko noong gabing 'yun. Ayaw tumigil. Kahit anong sabi ko sa sarili ko na tama na, na hindi siya karapat dapat doon sa mga luha ko, wala eh! Ayaw tumigil. Mahal talaga kita. Pero ako? Mahal mo ba ako?





When someone you love hurts you, you have to make a decision: you allow it to destroy you, you let it make you stronger or you take the opportunity... and walk away.






Dati, akala ko, kapag tumakbo ako, matatapos na lahat ng problema. Kaya 'yun 'yung ginawa ko before. But now, siguro I already learned my lesson. That walking away is never a solution. So if I were to ask kung anong pipiliin ko, I'll let it make me stronger.






***






Sa school...





I already made up my mind. Kung magpapaapekto ako, talo ako. Talo na naman ako. So I decided to act normal. 'Yung parang walang nangyari. Although it hurts inside, wala na namang magbabago. Niloko niya ako ng dalawang beses. Nagpakatanga ako ng dalawang beses. The damage has been done sabi nga ni Mirana sa DotA so deal with it.




Nakita ko sila na nakaupo doon sa parati naming inuupuan sa school. Papalapit na sana ako kaso nakita ko siya, naunahan niya lang ako ng kaunting lakad. Saglit akong napatigil. Tinanong ko 'yung sarili ko, handa na ba talaga ako? Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Sinaktan niya ako diba? Niloko niya ako. Kaya wala akong dapat ipagalinlangan.





"Ba't 'di mo kasama si Reggo? Oh... ayan na pala siya eh. Ano, Reggo, kamusta kagabi?" masayang tanong sa akin ni Trey.




"Siya na lang tanungin niyo." nakangiti kong sagot at saka tumingin kay Gray.





Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Kita ko sa mata niya 'yung panghihinyanag, 'yung pagtatanong. Gag*! Hindi mo na ako madadaan sa ganyan.





"Ano? Gray? Ba't di mo sabihin? Ayaw mong malaman nilang niloko mo na naman ako? Na sinaktan mo na naman ako? Na sa mismong Valentines Day mo pa nakuhang makipaghalikan sa iba? At hindi lang siya basta iba ha, sa pinsan ko pa!" nakangiti pero gigil na gigil kong saad.





Napasinghap naman 'yung lima. Oo, 'yung lima. Kasama kasi ni Jam 'yung nanliligaw sa kanyang varsity habang si Jed naman ay nananatili lang kasama nina Trey.




Nagpalipat-lipat 'yung tingin nilang lima sa amin. Parang nagtatanong. Kita ko 'yung concern sa mga mata nila pero hindi lang nila masabi.





"Don't worry guys, ok lang naman ako. Isa pa, parang de ja vu lang diba? Nangyari na to dati kaya sanay na ako."




"Pero hindi ganun 'yung nangyari." bulong ni Gray na hindi nakaligtas sa pandinig ko.




"Ahh. Hindi ganun 'yung nangyari? So nag-sisinungaling pala ako? Sige nga, paano mo ipapaliwanag 'yung nakita ko? Na naghahalikan kayo nung malandi kong pinsan? Ha?! Don;t tell me nainip ka kakahintay sa akin kaya naghanap ka ng mapaglilibangan? Don't tell me 'yun na naman ang sasabihin mo, na mali 'yung iniisip ko? C'mmon Reggo! Nagamit mo na 'yan nung gag*hin niyo akong dalawa noon! Wala na bang bago?!" pero nanatili lang siyang tahimik. "Sa bagay, Communication student ka nga pala. Mamaya lang, makaka-isip ka na naman ng panibagong palabas. Jan ka naman magaling diba? Magaling kang umarte! Sa galing mong umarte, napaniwala mo ako. Napaniwala mo ako na mahal mo ako, na hindi mo na ako lolokohin ulit, na hindi mo na ako papaluhain ulit. Pero ayun nga, nakalimutan ko, magaling ka nga palang umarte."





Pagkatapos kong sabihin lahat ng gusto kong sabihin, natagpuan ko na lang 'yung sarili ko sa loob ng CR. Naghilamos ako at saka ko tiningnan 'yung sarili ko. Outside, nakatawa ako. Parang nakakataba ng puso na nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Na naipahiya ko siya sa harap ng mga kaibigan namin. Pero deep inside, hindi 'yun 'yung nararamdaman ko.




Anger. Betrayal. Pain. Frustration. It all hurts. Pero wala ng mas sasakit kapag 'yung sakit na ito ay galing sa taong mahal mo. Alam mo kasi, I take the word 'Love' seriously. Love between two people in a relationship, Love between family members, Love between friends, Love for work... any kind of love! Lahat 'yan pinahahalagahan ko. Siguro ang masakit lang, dahil mahal nga natin sila, ineexpect natin na mamahalin din nila tayo kagaya ng binibigay natin sa kanila. 





"Crying?"




"No. Why would I?" matapang kong sagot sa kanya.




"Bakit hindi? Niloko ka naman ng boyfriend... aww. Hindi mo pa nga pala siya boyfriend." tugon ni Jandrix. Ngumiti lang ako ng bahagya at saka naghanda papaalis pero bigla niyang hinablot 'yung braso ko.




"Kung hindi lang din naman mapapasa'kin si Gray, mabuti na 'tong walang makinabang sa kanya." nanlilisik ang mata niyang sinabi sa akin.





Inalis ko 'yung pagkakahawak niya sa braso ko.





"'Wag mo nga akong hawakan. Wala akong panahong makipag-usap sa'yo." aalis na sana ako ng CR pero mabilis siyang nakatakbo sa pintuan at hinarangan ako.




"Alam mo ba ang nangyari pagkatapos mo siyang iwan doon kagabi ha? Gusto mo bang malaman?" tumingin siya sa malayo at saka parang inalala ang mga nangyari. "Pinuntahan niya ulit ako doon sa garden. Akala ko nga papatayin niya ako kasi ginulo ko na naman kayo. Ay tama! Pinatay niya ako... pinatay sa sarap."





Napataas naman ang kilay ko sa narinig ko. Mga baboy talaga. Ano pa bang aasahan ko? Hindi ko lang matanggap na pagkatapos niyang humingi ng sorry sa akin ay nakipaglampungan na kaagad siya sa higad na 'to. Sumikip 'yung dibdib ko, oo. Hindi dahil nasaktan ako. Kundi dahil namumuyos ako sa galit. Hindi ko na narinig 'yung iba pa niyang pinagsasasabi dahil kinakain na ako ng galit ko.





"Ah. Ganun ba? Ang cool naman pala. Alam mo kasi 'yung ex kong 'yun, 'Rated E' 'yun, for everyone." taas kilay kong sagot.




"Oo nga eh. Tapos baka mag-date din kami mamaya. Ang sweet 'no?" napapuyos 'yung kamao ko.




"Talaga? Naku! Akala ko pa naman sa pagkain lang inaapply 'yung five second rule, na kapag nalaglag, madumi na. Sa ex ko rin pala." saka ko siya nginitian ng pang-asar.




"Bitter eh? Sa bagay, sino nga ba namang hindi mabibitter sa sitwasyon mo. Dalawang beses ka ng ginag* para sa akin. Siguro, hindi ka masarap magmahal."




"Ay naku hindi. Sanay lang talaga 'yung ex ko sa mga low class. Kung baga sa bag, 'yung naka-sale. Siyempre 'cheap'. Tsaka kilala na naman kita for over... umm... 15 years? Alam kong mahilig kang magrecycle. Mahilig ka sa mga tira-tira. Magbasurero ka kaya?"




"Ay naku, wag! Baka ikaw ang una kong maitapon."




"Ikaw ang basura. Ah! Alam ko na kung bakit sa'yo bumabalik 'yung ex ko na ex mo rin." nakita kong parang nagtanong 'yung mukha niya. "Hindi mo alam? HAHAHA. Palagay ko kasi pulubi na si Gray eh kaya ayan, namumulot na lang ng basura."





Biglang nag-ring 'yung bell...





"So pa'no? Time na... tabi!" hinawi ko 'yung kamay niya sa daan dahilan para mapadapa siya. "I hope karma will slap you in the face first before I do."





Saka ako lumabas. Pero saktong paglabas ko, nakita ko si Gray sa may tapat, papasok din yata ng CR. Tamang-tama, magrereunion sila nung pinsan kong makati. Kita ko 'yung gulat sa mukha niya pero kaagad 'yung napalitan ng malambot na ekspresyon. Hindi ko siya pinansin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad pero nahawakan niya ako sa braso.





"Reggo... pakinggan mo naman ako. Kahit ngayon lang." nagsusumamo siya.






Pero bigla kong naalala 'yung sinabi ni Jandrix kanina...





"'Wag mo akong hawakan! Nakakadiri ka!"



Continue Reading

You'll Also Like

15.6K 731 38
Simon De Vera, isang introvert student at discreet na nag-aaral sa isang sikat na school sa lugar nila. Matagal na niyang tinatago ang buong pagkatao...
200K 3.8K 21
Dice and Madisson
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...