Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XLI

5.9K 182 11
By Invalidatedman

A/n: SABBBBAAAAW 'tooo T________T Sorry. 

 *Tim

"PwedeBaKitangAyaingLumabasSaValentinesDay?" 

Tumigil ang oras. Gusto ko mang bawiin 'yung mga sinabi ko, kasi naisip ko, parang nag-confess na rin ako sa kanya dahil dun sa mga sinabi ko, kaso, wala na. Nasabi ko na. Wala ng bawian. Wala na akong nagawa kundi ang tumungo at hilinging sana, bigla na lamang bumukas 'yung lupa at kunin ako. Nakakahiya eh. 

"Ahh.. ano kasi eh. May... may gagawin na ako sa Valentines eh. I already m...made plans? Alam mo na?" nag-aalangan niyang sagot. 

"Talaga? Kahit lunch lang? Saglit lang. Wala pa namang isang oras 'yun." pangungumbinsi ko sa kanya.

"Sorry. I made plans na talaga eh." 

Frustrated man, hindi ko na lang ipinahalata. Ewan ko. Biglang sumikip 'yung dibdib ko eh. Kahit papaano naman, kahit hindi pa kami ganoon katagal magkakilala, siguro naman sapat na 'yung mga mabubuting gawa ko para pagkatiwalaan niya. Hindi naman sa binabaoy ko siya kaso kahit papaano, umasa ako na baka mapagbigyan niya ako this time. Kaso, mali ako. Rejected. 

Masakit man, sinikap ko na lang na umaktong parang wala lang. Kahit masakit na, ngumiti pa rin ako. Tinapik ko siya sa balikat.

"Ano ba 'yang plan mo na 'yan at mukhang importante?" tanong ko. 

"Sorry... hindi ko pwedeng sabihin eh." nahihiya pa rin niyang sagot. 

"Ganon? Kahit 'yun lang bawal pa din?" tumatawa ako pero deep inside, masakit.

"Ano kasi eh... surprise kasi 'yun kaya ayoko muna sanang ipagsabi." tugon niya.

"Surprise? Ayos ah. Sige na oh. Kahit 'yun na lang. Kahit nito lang naman tayo nagkakilala, mapagkakatiwalaan mo naman ako eh. Sige na. Ano ba 'yung surprise mo?" pagpupumilit ko sa kanya. 

"Ahh..Ehh. Pa'no ba 'to?" sa kakapilit ko sa kanya, napapayag ko rin siya na sabihin sa akin 'yung surprise niya. "Promise ha? Atin lang 'to."

"Promise!" itinaas ko pa 'yung kanang kamay ko bilang tanda ng promise ko. 

"Ano kasi... balak ko sanang ano..." 

"Ano?" 

"Balak ko sanang sa Valentines Day mismo sagutin si Gray.

Dapat pala hindi na lang ako nagtanong eh ano? Ang sakit tuloy. 

*Reggo

Pagkatapos naming mag-usap ni Tim, kaagad na akong umuwi papunta sa'min. Bigla kasing nagtext si Gray na hindi daw siya makakapunta kasi kinakausap pa siya ng Chairman ng BA-Communication. Napailing na lang ako. Sana wala namang complications sa grades niya para hindi maapektuhan 'yung darating naming graduation day. 

Habang naglalakad, hindi ko pa rin malimutan 'yung ibinatong tingin sa akin ni Tim noong sinabi kong sasagutin ko si Gray sa Valentines Day. Parang may kakaiba eh. Tapos bigla siyang naging abala sa pagtetext kaya naisipan ko ng umalis. Ewan ko talaga pero bigla akong naging uneasy noong mga oras na 'yun eh. Oh ako lang 'tong napaparanoid? Ay ewan.

Sa 'di kalayuan, natanaw kong naglalakad patungo naman sa direksyon ko si Jed. Hindi ko alam kung nakikita ba niya ako o hindi kasi nakatungo siya. Sinisipa 'yung latang nasa harap niya. Napabuntong hininga na lamang ako. Ang dami na talagang nagbago, nagbabago at posibleng magbago. Doon ko narealize na wala pala talagang permanenteng bagay sa mundo. Parang kailan lang, tuwing nakikita ko 'tong si Jed, kabuntot na niyan si Jam. Pero dahil nga sa sinasabi kong pagbabago, wala na 'yun. Wala na 'yung palaging nangungulit sa kanya, 'yung bumababa sa kanya. 

"Uy. Jed! Ano na? Kamusta ka na?" tama nga ako. Hindi niya ako napansin. 

"Uy bro..." nagbro fist kami. "Heto... nagpapaka-Ok. Ikaw?"

"Ok naman. Ba't di ka nga pala nagpapapasok nitong nakaraan? Baka sumabit ka niyan brad." 

Hindi kasi siya nagpapapasok nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung anong dahilan. Kung dahil ba 'to doon sa kanila ni Jam o ano. Sa pagkakaintindi ko, parang hindi naman. Kasi noong nagbreak sila ni Jam, pumapasok pa rin siya. 'Yun nga lang, hindi na sila nagpapansinan. Pero pumapasok pa rin siya. Kaya wala talaga akong clue kung bakit hindi siya nagpapapasok this past few days. Isa pa, simula noong magbreak 'yung dalawa, madalang na siyang sumama sa'min kaya hindi namin alam kung ano na ang nangayayari sa kanya.

"Ewan ko pare. Parang... parang hindi ko pa kaya." 

"Teka, bakit? May problema ba?" sa tono kasi ng pagsasalita niya, mapapansin mong hindi siya ok. 

"Halata ba, Par?" ngumiti siya para kahit paano'y itago 'yung lungkot sa kanyang mata pero may mga bagay lang talagang hindi kayang itago at dayain. 

Tiningnan ko lang siya. Tumingin lang din siya sa akin. Parang sinasabi ko doon sa mga tingin ko sa kanya na handa akong makinig. Maya-maya'y ibinaling niya 'yung tingin niya sa iba at saka nagpakawala ng isang malalim at isang mahabng buntong hininga.

"Sana pala brod, nakontento na lang ako 'no? Ang tang* ko kasi eh." pagsisimula niya. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo 'to, Reggo. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan eh. Isa pa, wala na akong mukha maiiharap sa tropa. Sirang-sira na ako." pagpapatuloy niya. Tinanguan ko lang siya bilang tanda na ipagpatuloy lang niya, nakikinig ako.

"Simulan mo sa una." tugon ko. 

Tumingin muna siya sa akin ng makahulugan at saka muling ibinalik ang tingin sa kawalan.

"Una? Ok naman eh. Wala naman talagang problema noong simula. Wala nga kong matandaang dahilan ng away namin noon eh. Basta nag-iba lang noong gabing nakipag-inuman ako doon sa mga ka-batch ko nung Highschool." napatingin ako sa kanya. Kita ko 'yung hirap habang isinasalaysay at binabalikan niya 'yung mga pangyayari. "Nagpaalam naman ako sa kanya noon na magkakameron nga kami ng get together ng mga batch ko nung Highschool at pumayag naman siya. Ok naman. Wala namang naging problema. Masaya nga eh. Kaso noong medyo napaparami na inom namin, napadako usapan namin sa ano... sa s*x. Nalaman ko na silang lahat eh may mga girlfriend na, all boys kasi kaming nag-iinuman. Ayun nga, may mga girlfriend na silang lahat at may mga experience na sila sa s*x." 

"Todo sila... todo sila sa pagkukwento. Nagpapayabangan sila kung gaano kagagaling 'yung mga partner nila sa kama. Kung gaano kasarap 'yung pakiramdam noon ganun. Ako naman, tahimik lang. Siyempre, wala pa naman akong karansanan doon eh. Napansin nilang tahimik ako kaya naitanong nila kung may girlfriend daw ako. Sabi ko 'Oo'. Eh kung may nangyari na daw sa'min, sunod nilang tanong." 

"Anong sinabi mo?" curious kong tanong.

"Ano... sa... sabi ko meron na. Kahit wala pa talaga. Ayoko kasing mapahiya sa kanila. Ang idinahilan ko na lang, gusto kong maging private 'yung mga ganoong bagay sa pagitan namin ni Jam. Habang nagkakakwentuhan ng ganun, parang nakaramdam na lang ako ng inggit. Sila nadaya ko, napaniwala ko silang may karanasan na ako pero alam ko sa sarili ko na wala pa kaya naman ganoon na lang 'yung kagustuhan kong maranasan 'yun." tumigil siya ng sandali. "After noong gabing 'yun, hindi na mawala sa isip ko 'yung mga pinagsasabi nila. Kung gaano kasarap, kung anong pakiramdam. Gabi gabi akong nagsasarili. Kaya noong nagkaroon ako ng chance, noong kami lang ni Jam sa bahay, tinanong ko siya kaso ayaw niya talaga. Hindi ko alam, parang bigla akong sinapian non, nagalit ako sa kanya." 

"Nagkaayos naman kami kaso hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung mga bagay na sinabi noong mga kabarkada ko noong Highschool. Nagdedate pa rin kami ni Jam kaso kapag nakakakita ako ng mga babaeng sexy at maiiksi ang suot, bigla na lang akong nalilib*gan eh. Hindi naman ako dati ganoon." 

"Naging cold ako kay Jam. Naisip ko kasi, hindi tama 'yung ginawa ko sa kanya. Siya 'yung kasama ko pero 'yung isip ko, nagloloko sa iba. Sa kagustuhan kong maranasang makipag-s*x, nagawa ko 'yun kay Dianne. 'Yun ay noong mga panahong may inaasikaso 'yung group namin para sa presentation. Tanda mo 'yun?" Tanda ko 'yun. 'Yung mga panahong naghahapit 'yung teacher namin sa lessons sa isang major namin kasi finals na. "Hindi ko dun ka-group si Jam kaya nauna na siyang umuwi. Isa pa, madalang ko na siyang masamahan nun kasi nga malamig na 'yung pakikitungo namin sa isa't isa. Nahuli akong umuwi kasi ako lang 'yung lalaki sa group namin, akong nag-ayos ng lahat. Noong palabas na ako, nakita ko si Dianne. Kakaiba 'yung ngiti niya. Parang nang-aakit. Biglang nag-init 'yung pakiramdam ko noong mga oras na 'yun. Idagdag mo pa na medyo madilim na, kakaunti na lang ang tao sa school."  kita ko 'yung pagkabalisa sa kanya habang nagkukwento. "'Yun nga, may nangyari sa amin doon sa Room 205. Hindi ko malilimutan 'yung gabing 'yun. Ganoon pala ang pakiramdam noon. Kaya naman noong mga sumunod na araw, hindi na ako nakapagpigil. Hiningi ko 'yung number ni Dianne at hapon hapon, pinupuntahan ko siya sa kanila, nagtitirahan kami. Hindi lang isang beses par, nakakatatlo kami sa isang araw. Ang sarap naman kasi pare. 'Yun pala 'yung sarap na tinutukoy noong mga kaibigan ko. Kakaiba talaga." 

"Kaso ayun. Napabayaan ko si Jam. Puro 'yung pangsarili kong pangangailangan ang inintindi ko. Nakipag-break siya sa akin. Pumayag ako kasi bukod sa nagkakalabuan na nga kami, parang ang unfair naman kung ako pa 'yung mag-iinsist na ipagpatuloy pa 'yung relasyon namin eh ako nga 'tong may kinikitang iba. Akala ko ay ok lang dahil nanjan naman si Dianne. Noong mga una, ok naman kami ni Dianne. Hindi man siya kasing sweet at thoughtful ni Jam, bumabawi naman siya sa kama. Talagang bawing bawi. Kaso isang hapon, pagpunta ko sa kanila, naabutan ko sila sa akto nung isa pang lalaki niya. Akala ko, magugulat siya kaso ngumiti pa siya at inaya pa ako. Kung gusto ko daw makipag-threesome. Tang-in* talaga doon umakyat 'yung dugo ko. Gahaman pala sa t*t* at tam*d 'yung babaeng 'yun. Kaya ayun, kinalasan ko na." 


"May balak sana ako nung humingi ng sorry kay Jam. Actually, nasa may tapat na nila ako noon eh. Doon ko kasi narealize na sobrang mali ng nagawa ko sa kanya. Kaya desidido akong mag-sorry. Kaso, sa 'di kalayuan, nakita ko siya. May kasabay siyang lalaki. 'Yung captain ball ng volleyball team ng school? 'Yun. Magkasama silang dalawa. May dala pang flowers si Jam. Alam kong nakita niya ako pero parang hangin lang ako  sa kanya. Ni hindi man lang niya ako nagawang tingnan o ngitian kahit peke."  medyo nangingilid 'yung luha niya noong mga oras na 'yun. "Noong mga nagdaang araw Pare, doon ko lang narealize kung gaano ako kaswerte noong nasa'kin pa siya eh."

Aaminin ko noong una, talagang naiinis ako sa ginawa niya kay Jam. Lalo pa't nalaman ko 'yung rason na dahil lang sa init ng katawan, nagawa niyang ipagpalit sa iba 'yung taong mahal niya? Nakakainis. Parang bumabalik 'yung karanasan ko noon dati kay Gray. Ganyang ganyan din eh. Kaso, ngayon, nakikita ko 'yung pagsisisi sa mukha niya. Nararamdaman ko naman talaga na talagang nagsisisi siya kaso may mga bagay talagang kahit anong gawin nating pagsisisi, once na sinayang mo na, once na pinakawalan mo na, dapat alam mo 'yung chances na baka hindi mo na ulit ito makuha pa once na dumating 'yung oras na gustuhin mo siya ulit. 

Dapat aware tayo sa mga consequences ng mga ginagawa natin. Dahil hindi lahat nabibigyan ng second chances. Hindi lahat may happy ending. 'Yung iba ending lang, hindi happy. Kailangan nating matanggap na hindi lahat ng nagmamahalan may happy ending. At hindi lahat ng may ending ay nagmamahalan. 

Wala na akong nagawa kundi hagudin na lang 'yung likod niya at iparamdam na nandirito lang kami sa likod niya kasama ng barkada. Hindi naman kasi makakatulong na ipamukha ko pa sa kanya na kasalanan niya ang lahat kung bakit naging ganito. Aminado na naman kasi siya eh. Narealize na niya 'yung mga pagkakamali niya. Lalong hindi makakatulong kung ipaparamdam mo pa sa kanya na 'yung mga taong pwede niyang sandalan ay sinisisi rin siya. Siguro ang magagawa ko na lang, namin, ay tulungan siyang tanggapin kung ano man 'yung mga nagyayari. 

"Sorry par, nagdrama na naman ako. Ikaw? Kamusta pala kayo ni Gray?" pag-iiba niya ng topic. 

"Heto... ok lang." masaya kong sagot.

"Mukhang going strong kayo ah. Kayo na ba?" tanong na siya namang ikinapula ng mukha ko. 

"Hi...hindi pa. Actually ano...sasagutin ko pa lang siya." nakatungo kong saad.

"Haaa! Kailan naman?" bakas 'yung excitement sa boses niya.

" Sa ano... sa Valentines day." 

***


Nagtext sa akin si Gray. Nagsosorry kasi hindi na daw niya ako naihatid sa amin. Sabi ko naman eh ok lang, naglalakad na naman kami ni Jed papunta sa bahay. 

"Ba't di na lang kaya ako mainlove sa kapwa ko lalaki 'no? Para kasing ang saya saya niyo ni Gray eh." out of the blue, bigla niya 'yung sinabi.

"Alam mo, Jed. Ang payo ko lang sa'yo, kung maiinlove ka dapat kapag handa ka na. Hindi 'yung kapag malungkot ka." 

Ngumiti lang siya bilang tugon. 

 

"O pa'no? Madilim na din eh. Ang haba pala nung kwentuhan natin. Sige, una na ako. Salamat pala!" 

"Oo nga eh. 'Di ko napansin 'yung oras. Sige! Byeee. Ingat!" tugon ko.

Kanina, lumbas ako, medyo mataas pa ang araw. Tapos ngayon, palubog na siya. Ang tagal din pala noong oras na nagamit ko sa pakikipagkwentuhan sa kanilang dalawa. 

Pagpasok ko ng pintuan may nakita akong isang envelope na nasa lapag. Tinawag ko sina Manang kung kanino galing 'yung envelope kaso bigo akong makakuha ng sagot. Hindi rin daw nila iyan napansin. Kaya naman dali-dali akong pumuntang kwarto para makapagbihis at para na rin mabuksan 'yung envelope na para sa'kin. 

"To: Reggo Redentor. Aba, talagang buo pa 'yung pangalan ko ha." 

Pagkatapos kong makapagbihis, dali-dali kong binalikan 'yung sobra. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng excitement doon sa sobra. Parang... ewan. basta! Pagkapunit ko sa sobre, nakita ko 'yung isang short bondpaper na nakatupi. May nakasulat itong date na February 14, 2015. Napa-advance? Pagdako ng tingin ko sa baba, nabitawan ko 'yung papel sa nabasa ko. Kasabay ng paglapag sa sahig ng papel na kanina'y hawak hawak ko ay unti-unting pagrehistro ng mga katagang nakasulat doon sa short bond paper.

"HAPPY BROKEN HEARTS DAY, REGGO! - February 14, 2015"

Continue Reading

You'll Also Like

121K 4.4K 57
Si Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo a...
47.7K 956 33
Second installment of Zambales Series
603K 21.7K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
754K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.