Must Have Been The Wind (3G S...

By Maecel_DC

6.1K 780 16.1K

Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigil... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue

Chapter 78

61 10 165
By Maecel_DC

Chapter 78:

Hakuna Miran's Point of View.

Natataranta kong hinanap si Laze, "Laze!" Malakas na tawag ko sa kaniya ngunit muli pa sana akong hahakbang ngunit awtomatiko akong na-estatwa dahil sa malakas na pagsabog.

Sa unang pagsabog sa parte sa kung nasaan si Laze ay kinabahan ako ng sobra, ngunit halos mabingi ako at tumilapon sa malakas na pwersa ng pangalawang pagsabog sa mismong harapan ko.

Pagkahagis ko sa tubig ay naramdaman ko ang mahapdi na parte sa buong braso ko. Sa lalim ay sinubukan kong kumawag kawag, ngunit hindi ako marunong lumangoy.

Sa pagsipa sipa ko ay inalala ko si Laze ngunit unti unti akong nilamon ng malalakas na alon at tinangay papalayo sa yate na unti-unti ng lumulubog habang umaapoy at nagmumula ng makakapal na usok.

Si Laze?

Naalimpungatan ako sa mahihinang pagtapik sa pisngi ko, tinig ng isang matanda at tinig ng batang lalake. "Ate, ate! Gumising ka po!" Mariin akong napapikit sa pagsakit ng ulo.

"Apo, gumising ka." Tinig ng matandang babae.

"Lola yung buong braso niya dumudugo, ano pong gagawin natin? Dalhin na po natin siya sa ospital!"

Dahan dahan akong nagmulat, "S-Si Laze?" Wala sa sariling tanong ko.

"Laze.."

"Laze.."

Sa muli ay nanghina ang katawan ko at tila mawawala ako sa ulirat..

Huminga ako ng malalim, tila kagagaling ko sa mahabang pagtulog ngunit pagmulat ko ay kakaiba ang kisame, tila isang lumang ospital na ang kinatatayuan ko.

Luminga linga ako ngunit nakita ko ang lalakeng nasa taong trese, katorse. "S-Si Laze?" Nangunot ang noo niya at napakamot sa kaniyang ulo.

"Ate, hindi ko naman po kilala yung hinahanap niyo. Sino po ba kayo? Ano pong pangalan niyo?" Napatitig ako sa kaniya tsaka ako natigilan ng makita ang babaeng matanda na mukhang lola niya.

"Gising ka na pala apo, pina-identify na kita sa pulisya. Hintayin mo na lamang ang pamilya mo na sunduin ka rito, mabuti pa." Napatitig ako sa kaniya.

"N-Nasaan po ako?" Kinakabahan na tanong ko.

"Ay apo nandirito ka sa cebu, yung barko na sinakyan namin ng apo ko ay natagpuan ka mabuti nga't buhay ka pa." Napalunok ako, hindi ko maintindihan.

"W-Wala na po ba kayong iba na nakita?" Kwestyon ko.

"Ikaw lang apo, malakas rin ang alon. May kasama ka bang lumalangoy? Napano ka ba?" Nakagat ko ang ibabang labi sa pag-aalala kay Laze.

"Hindi ko rin po maintindihan," mahinang sabi ko.

Natignan ko naman ang braso ko na naka-benda. "Parang galing ka po sa sinit 'no? Dahil sa braso niyo." Tukoy ng apo ni lola na kasama ko ngayon.

"May cellphone po ba kayo?" Tanong ko.

"Wala po eh, yung cellphone ko po nabasa ng kuhanin namin kayo.." sagot ng binata sa akin.

"Dito po sa ospital, pero papunta na po yung family niyo eh." Huminga ako ng malalim at sumandal, sana maayos lang si Laze.

Sana hindi siya kasama sa pagsabog ng yate, sana tulad ko ay ganito lang ang inabot niya o wala ng mas lalala pa.

Mga ilang oras akong nahiga hanggang sa malakas na bumukas ang pinto at nakita ko sila Ate Janella, Jem, pati na si mama, dad at Yamato.

"Ate," nilapitan ako ni Yamato.

"Si Laze?" Tanong ko kaagad.

"Nasaan si Laze? Ligtas ba siya?" Kwestyon ko, hinanap siya ng mata ko ngunit ng hindi ko siya makita ay kinabahan ako.

"Jem? May alam ka na ba?" Kwestyon ko.

"At the moment Miran, hinahanap rin nila ang mga kasama niyo sa yate." Nanlumo ako at nasapo ang mukha.

"Wala pa si Laze?"

"Hindi pa siya nahahanap? Wala pang anuman na reports?" Umiling si Jem kaya naiiyak akong nagmaktol.

"Dadalhin ka na namin sa ospital sa Palawan, dahil baka nasa paligid lang si Laze anak, hinahanap na din siya ng pamilya niya.." Wala ako sa sariling naghintay na makalabas sa kwartong ito.

"Ano bang nangyari anak?" Umiling ako.

"Hindi ko po alam, b-basta po may sumabog, mga dalawang beses at sa pangalawa na 'yon ako na po yung tinamaan." Nang maalala ko ay mas natakot lang ako sa lakas no'n.

"Nakawala yung mommy ni Terry sa kulungan, nakatakas." Napatingin ako kay Ate Janella sa sinabi.

"Huh?"

"Terry's phone got tap wired, may spy na sa bahay nila Terry. Prosecutor Sandoval found out about the tap wire and then exactly Terry received a message from an unknown number that he should leave the yacht as his mom planned something on it." Napapikit ako ng mariin.

Umuusbong ang galit sa dibdib ko.

Nang makarating sa Palawan ay ginusto ko ng tumayo para tumulong sa paghaharap, ngunit lahat sila ay pinipigilan ako hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto ay nahihiya kong sinulyapan ang mommy ni Laze.

"You're a Garcia now, please huwag mo ng pahirapan ang parents mo na awatin ka. Hahanapin namin si Laze," napalunok ako at naluluhang tinignan siya.

"Okay? Relax, get treated and then you can help us. Laze is a strong person. He'll survive wherever he is, he was trained like that." Napatitig ako sa mommy niya at tumango.

Matipid itong ngumiti, "Get some sleep, I'll call you first if we find him." Tumango ako at humiga na lang, kumalma sa kaniyang pakiusap.

Kung nag-aalala ako, paano pa ang kaniyang ina? Kung may tiwala ito sa kaniya na maayos siya, dapat magtiwala ako na maayos si Laze.

Isa, at dalawang araw lang ako nagpagaling sa ospital, sumama rin ako sa paghahanap.

Malapit na ang pasko ngunit wala pa rin siya, hindi pa rin siya nakakabalik.

Pinupuntahan rin namin ang mga isla na walang signal, ngunit hindi namin siya mahagilap.

Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ang mommy ni Terry, kinagabihan ay tumigil kami at tsaka nagpahinga ng isang oras.

Doon rin ako kumain at naligo, pagkatapos no'n ay muli na akong lumabas ng kwartong tinutuluyan ko. Even though it's a hotel, and Laze's parents advised me to stay with them ay wala rin naman sila doon dahil buong araw silang naghahanap.

Even Jami, she can't focus on her studies. Nag-suot ako ng jacket upang muling sumama sa paghahanap.

"Aalis ka na agad anak?" Natigilan ako sa pagtawag ni mama.

"Kailangan ko pong hanapin si Laze ma," matipid kong sabi. Huminga siya ng malalim, "Matulog at magpahinga ka naman anak. Hinahanap pa rin naman siya ng mga magulang niya eh."

"Okay lang ako ma, hahanapin ko na para mas mapabilis. Kasi baka nasabugan rin siya," mahinang gitil ko.

"Anak naman."

"M-Ma naman." Naiiritang reklamo ko sa kakapigil niya, "Ma kung ako yung nawala panigurado ako hahanapin niya rin ako tulad ng ginagawa ko ngayon." I tried to calm myself and lower my voice.

"Kaya pabayaan niyo po muna ako, kasi kailangan ko na siyang mahanap." Huminga ng malalim si mama at walang nagawa.

Pagkababa ko sa hotel ay nakita ko kaagad ang grupo ng mga naghahanap kay Laze kaya lumapit ako sa kanila. "Sasama kayo ulit ma'am? Kakasama niyo lang po kanina hindi ho ba kayo magpapahinga?" Umiling ako.

"Nakakapagpahinga naman ho ako habang nakaupo." Matipid kong tugon, wala naman silang nagawa hanggang sa sumalang na muli kami.

Muli ay naghanap kami hanggang sa isang linggo na at tila nawawalan ng pag-asa ang iba, ngunit naniniwala akong okay lang si Laze. Maybe he's still adjusting.

O gumagawa pa siya ng paraan para ma-contact kami, tahimik akong nakaupo kaharap ang iba't ibang team at ang parents ni Laze. "They reported that maybe napalayo rin si Laze like Miran, kaya I'm hoping Miran siguro kailangan nating maghiwalay?" Napatitig ako sa mommy ni Laze.

"You can look for him in the city, kami rito, his dad will make a route." Tumango ako.

"Sige po," ngumiti ito.

"Don't think negatively, okay, si Laze 'yon." Tumango ako ng maraming beses, I know she's assuring me.

After that day, We flew back to the city. Pati mga kaibigan namin ay tumulong sa paghahanap, napaupo ako sa isang silya sa labas ng tindahan, paano ko siya mahahanap nito?

Bumili ako ng tubig, nang medyo pagabi na ay umuwi na muna ako sa rest house dahil pag sa bahay mas mag-aalala lang sila mama.

Tulala kong sinuri ang buong daan pauwi, ngunit tanging sasakyan niya lang ang nakikita ko. Nanlulumo akong napayuko sa harapan ng sasakyan niya, naiiyak.

Kasalanan ko ba 'to?

Nanatili siguro ako ng mga ilang minuto bago inayos ang sarili at tsaka ako pumasok sa rest house. Dumeretso ako sa kwarto at mabilis na naligo.

Lumipas ng lumipas ang araw ay buwan na mula ng mawala siya, apat na araw na lang ay pasko na. Kumusta kaya si Laze?

Nang tumunog ang cellphone ko ay nadampot ko kaagad 'yon, nang text message 'yon ng mommy ni Laze ay napatayo ako kaagad at nagmamadaling pumunta sa sinabi niyang address.

Nag-aalala ako ng malaman na sa police station 'yon, pagkarating ay nakita ko kaagad ang parents niya. "S-Si Laze po?" Huminga ng malalim ang mommy niya at inakbayan ako.

"May i-isang katawan ang natagpuan ng mga scuba divers, sa 15 meters away sa pinagsabugan ng yate niyo." Nanghihina ang tuhod ko sa panimula ng mommy ni Laze.

"H-Hindi po si Laze 'yon 'di ba po?" Natatakot na tanong ko.

"Sasamahan nila tayo sa morgue, hija." Nasapo ko ang noo sa matinding kaba.

Sana ay hindi si Laze 'yon. Pumunta kami sa morgue kasama ang dalawang pulisya, pagkarating ay nasa harapan kami ng isang katawan na may takip na tela.

Tumayo ang police sa harapan no'n tsaka niya inabot ang naka zip lock na gamit, "Ito yung gamit na nakita sa mismong bulsa niya," natigilan ako noong makita ang wallet ni Laze pati na ang cellphone niya.

Nanginginig ang kamay kong inabot 'yon, kaba at takot ang nararamdaman ko sa dibdib. "S-Sa kaniya ba ito hija?" Dahan dahan akong tumango, binuksan ko ang wallet niya at napatingala ako ng makita ang isang buradong litrato ngunit alam kong litrato naming dalawa 'yon.

"Y-Yung suot niya po? Ano po yung pang itaas?" Kwestyon ko.

"Lapnos ang kalahati ma'am, siguro ay wala na siyang suot pang-itaas." Napakurap ako, "Ang katawan?"

"May tattoo si Laze, sa bandang tagiliran, sa batok at sa malapit sa pulsuan, wala po ba kayong nakita na bracelet?" Tanong ko.

"Ma'am, lapnos ho itong parte. Saan ho ba lahat ng tattoo niya?"  Muli akong nanlumo ng ipakita sa akin na lapnos nga ang parteng naka-suot na bracelet at ang tattoo.

"Yung batok niya ho?" Kwestyon ko.

"Medyo lapnos ang kalahati, idagdag na natin yung matagal na siyang nasa tubig."  Napapikit ako.

"Paano po namin malalaman kung 'yan nga yung hinahanap namin? Sapat na dahilan na po ba 'to para sabihing katawan niya 'yan?" Galit na sumbat ko.

Mabilis naman na humagod ang palad ng mommy ni Laze sa likuran ko, "How about the DNA test of this body?" Kalmado niyang tanong.

"We're still waiting ma'am, nahirapan ho kasi dahil sa isang buwan mahigit na ang katawan sa tubig." Nakagat ko ang ibabang labi sa sagot nito.

"Wala kayong kwenta," mahinang sabi ko.

"Ma'am ginagawa naman ho namin ang trabaho namin," ngumiwi ako at iritableng lumabas sa police station.

Pagkatapos sa police station ay hinatid ako sa rest house ng parents niya, tulala akong pumasok sa loob hawak ang wallet ni Laze.

Sunod na araw ay tumawag sa akin ang mommy ni Laze. "Hija, tumigil ka na sa paghahanap." Sa panimula niya ay natigilan ako.

"P-Po?"

"Tumigil ka na sa kakahanap kay Laze." Nangunot ang noo ko.

"B-Bakit po?"

"Ano pong dahilan?"

"It turned out positive, it was Laze." Napalunok ako at tsaka pekeng tumawa.

"H-Hindi po si Laze 'yon, hindi po siya 'yon. Imposible po." Naiiyak at naluluhang sabi ko, natakpan ko ang bibig ng sunod sunod akong humikbi.

"H-Hindi po si Laze 'yon," napasinghap ako sa hangin ng tuluyang humagulgol.

"Sorry." Ayon lamang ang narinig ko sa kabilang linya, narinig ko rin sa kabilang linya ang iyak ni Jami at ang pagwawala niya kung kaya't mas nasaktan ako.

N-Napatay ko ang tawag at tsaka ko nasapo ang mukha.

Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at ramdam ko ang panghihina, kung ganoong kumpirmado nila. Ano pang magagawa ko? Ano pang dapat kong patunayan?

Buong araw akong nagkulong sa kwarto, panay ang katok nila ngunit wala akong gustong tugunan. Sobra akong nanlalata at hindi ko alam kung papaano ako babangon ng alam kong hindi na siya sasalubong sa akin.

Kasalanan 'to ng mommy ni Terry.

Kinaumagahan ay lumabas akong nakabihis, hahanapin ko na lang siya.

Third Person's Point Of View.

Nagulat si Jem at Crizel nang lumabas si Miran na nakabihis pa, "Saan ka pupunta Miran?" Tanong ni Crizel.

Nalingon sila ni Miran, "H-Hahanapin ko ulit si Laze," bahagya pa itong namaos kaya naman hindi alam ni Crizel kung maiiyak ba siya dahil alam niya na ang balita na nakarating.

"Miran," pigil ni Crizel.

"P-Pumunta na lang tayo sa wake ni Laze, ha—"

"A-Anong wake? Buhay si Laze!" Galit na sigaw ni Miran at hinawi ang kamay ni Crizel.

"H-Hahanapin ko na siya." Nagmamadaling umalis si Miran at walang nagawa sila Crizel.

Panay ang hanap naman ni Miran, ginagawa ang nakasanayan, pumunta rin sa posibleng puntahan ni Laze ngunit kahit anong bakas ng binata ay wala.

Hindi siya tumigil at umabot sa puntong nalipasan na siya, kahit tubig ay hindi niya ininom. Tila pinahihirapan niya ang sarili, umabot siya sa comic store ngunit hindi nila matagpuan si Laze.

Nang gumabi ay umuwi siyang muli, "Nandito na ba si Laze?" Sa tanong niya sa mga kasama ay napayuko ang lahat.

"Miran, tama na." Pagsusumamo ni Crizel at hinawakan sa kamay ang kaibigan.

"T-Tama na okay?"

"Pupunta tayo sa bahay nila, mag-ayos ka na." Nakatulala lang na tumitig si Miran sa mukha ni Crizel.

Wala sa sariling sinunod ang utos, isinama nila si Miran sa wake ni Laze at pagkarating ay natigilan si Miran dahil nakita niya kaagad ang malaking tarpaulin at ang mga bulaklak.

Nangunot ang noo niya, naiirita sa nakikita. Nang makapasok ay napatigil siya sa paglalakad, dahil nakita niya ang litrato ni Laze na naka-frame at ang kabaong.

Nanginig ang kamay niya, nakakunot ang noo at masama ang tingin sa kabaong. "H-Hindi si Laze 'yan," mahinang sabi niya at umiwas tingin.

"Hija.." Namumugto ang mata ng lola ni Laze.

"Mrs.Sandoval, hindi po si Laze 'yan." Gitil niyang muli.

"Hindi po siya 'yan, h-hindi po ba kayo naniniwala sa akin? Hindi po— h-hindi po siya 'yan." Tuluyan ng pumiyok si Miran ng sunod sunod na siyang humikbi at dahil doon ay nayakap na lang siya ng lola ni Laze.

Mas lumakas ang hagulgol ni Miran, pilit itinatanggi na hindi si Laze 'yon, na buhay at kailangan lang mahanap ni Laze.

Nang sandaling kumalma si Miran ay dahil sa nawalan na siya ng malay, pagod na pagod ang katawan at wala pang kain at maayos na tulog.

Ilang oras ang lumipas ay nagising si Miran, sa isang kwarto ngunit kahit nanlalabo ang mga mata niya ay natanaw niya ang anino at likuran ng isang tao.

"L-Laze." Pagtawag niya, ngunit tumigil lamang sa pag-alis ang bultong iyon at muli na siyang naglakad papaalis. Napapikit si Miran at nasapo ang noo dahil sobrang sakit ng kaniyang ulo.

"Laze," muli niyang pagtawag ngunit wala na ang kung sino.

Sakto namang pumasok ang isang doctor, ang tiyuhin ni Laze. "How do you feel?" Kwestyon nito.

"Si Laze po? Galing po si Laze rito, doc." Naguguluhan na sabi ni Miran, naka-swero.

"No one is here, but me, huwag mo naman akong takutin." Nangunot ang noo ni Miran sa sinabi nito.

"Kayo po si Doctor Zai? Hindi po ako nagkakamali may nanggaling po rito doc." Pagpupumilit niya, hindi sigurado ngunit nagtitiwala sa sarili.

"Kapapasok ko lang Hakuna Miran, kung kalalabas niya lang edi sana ay nagkaharap kami?" Nakagat ni Miran ang sariling labi, naguguluhan.

Hindi niya na maintindihan ang tumatakbo sa isipan, kung nawawala si Laze, bakit niya makikita? "B-Buhay pa po si Laze." Mahinang pilit niya.

"I wish," bulong ng doctor niya at inayos ang swero ni Miran.

"Tusukan kita ng para sa lagnat," paalam niya at napapikit siya ng tumusok 'yon sa mismong ugat niya, bahagya pang napadaing si Miran sa hapdi.

"Baliw na po ba ako?" Nanlulumong bulong ni Miran, natigilan si Doctor Zai at mahinang umiling.

"Magpahinga ka muna," matipid na sabi nito at tsaka tumayo na.

///

@/n: Happy Birthday ivy_joves , cute ka pa rin mare. 😂

Continue Reading

You'll Also Like

999 96 39
(Town of Calbañas Book 1) Together we chant, 'MONSTER, FEED ME HARDER.' People are driven by their own mental deficiency such as negative emotions...
37.4K 1.1K 65
"My mom wants another grandchild. Available ka bang maging ama, Kurt Valenzuela?" ©️ 2022
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...