Must Have Been The Wind (3G S...

By Maecel_DC

6.1K 780 16.1K

Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigil... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue

Chapter 76

55 8 175
By Maecel_DC

Chapter 76:

Hakuna Miran's Point of View.

Inabot kaminng alas dose ng madaling araw dahil bumyahe pa si prosecutor, pagkarating niya naman ay mahaba-habang diskusyon pa.

Dama ko na ang antok, "Laze, take her home. May kasama naman ako rito," natigilan ako at umayos ng upo.

"Okay lang ako," sagot ko.

"Ihahatid na kita, babalikan ko na lang siya dito." Mahinahon na sabi ni Laze.

Ngumuso ako, "Sabay sabay na lang tayo, ayos lang." Sa paghinga ng malalim ni Laze at sa tingin niya ay tumayo na ako.

"U-Uuwi na." Kinakabahang sabi ko, "Ingat." Paalam ni Terry kaya ngumiti ako.

Inunahan ko na si Laze sumakay sa sasakyan kaya naman sinuotan ko na rin ang sarili ng seat belt.

Pagkasakay niya ay pinainit niya muna ang makina, nanatili ang isang palad niya sa manibela.

Nang magmaneho siya ay natigilan ako ng tumigil kami sa isang drive thru. "Order some food, bilhan mo na lahat." Laze handed me his card and open the windows as we settle at the order station.

"A-Ano bibilhin ko?"

"Ako na," mahinang sabi niya kaya nakagat ko ang ibabang labi.

Matapos niyang umorder ay pumunta kami sa collect station kaya matapos ko abutin 'yon ay maingat ko silang inilagay lahat sa likuran ng sasakyan.

Lumarga na kami muli at ilang minuto pang bumyahe, nang nasa rest house na ay tinulungan niya akong buhatin 'yon papasok sa bahay.

Halata naman na hinintay kami ni Jem at Crizel dahil nasa sala sila habang inaayos yung mga files.

"Si Terry?" Tanong nila.

"Nandoon pa, kasama yung tito niya," sagot ko at ibinaba sa center table ng sala yung foods.

"Hindi ba kayo mag-shower? Galing kayo presinto." Nagtatakang sabi ni Crizel at sa paglingon ko kay Laze ay blangko ang mata niyang may sinagot na tawag sa cellphone.

"You'll be done tito? Okay. Sure, just send him here or if not take him with you." Ibinaling ko na sa iba ang tingin ko.

Naupo ako sa sala matapos mag-alcohol, kumuha ako ng burger ay nilantakan 'yon.

"Oh juice," abot pa ni Jem kaya tumango ako at uminom tapos muling kumain.

Nagkwentuhan muna kami ng kaunti, hanggang sa hindi namin namalayan na nag-shower ulit si Laze. "Ah oo nga pala, I saw a big cockroach inside the bathroom. Pinatay ko na," biglang naalala ni Jem kaya natignan ko kaagad si Laze.

Kaya ba siya mabilis na lumabas kanina?

I mean si Laze, kanina noong naligo siya. Takot ba siya sa ipis? Pigil akong nangiti noong maalala ang hitsura niya.

"Terry will be staying with my uncle for the meantime since the trial of his case will be conducted for another next two days."  Naupo si Laze sa bandang katabi ng kinauupuan ko tsaka siya umabot ng pinamili niyang food.

Sumandal siya at blangkong tinitigan ang pagkain, "If you're tired, you better rest." Natignan ko si Laze sa sinabi niya.

"Mamaya," sagot ko.

Matapos naming kumain ay tumayo ako at nilinisan ang sarili ko sa banyo dahil gusto ko matulog.

Inaantok na din talaga ako, pagkatapos ko mag-shower ay napatingin sa akin si Laze kaya ngumiti ako, nangunot ang noo niya at umiwas tingin kaagad kaya mahina akong natawa.

Kaarte nito, nginitian na nga eh. "Uwi muna ako sa bahay, may kasama ka naman na dito," kausap ni Jem si Crizel.

"Tanga, sama mo na ako. Iiwan mo pa ako sa dalawang mahal ang isa't isa pero walang label—" Umawang ang labi ko at sinamaan siya ng tingin ngunit napansin niya ang tingin ni Laze.

"Hindi naman sa sinasabi kong kayo 'yon, pero parang ganoon na nga." Napairap ako at tsaka ako pumasok sa kwarto, papikit na ako ngunit kumatok si Crizel at nagpaalam na aalis siya.

Niyakap ko na ang unan at tsaka ako pumikit, ngunit baka maagang umalis si Laze kaya naman tumayo ako at bumangon para lumabas ng kwarto.

Nang mapansin na nakapatay na ang ilaw sa sala ay dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto niya, kakatok na sana ako ngunit biglang bumukas yung pinto kaya nasapo ko ang dibdib sa gulat.

"What are you doing in front of my room?" Kwestyon niya.

"P-Paano mo alam?" Gulat na sabi ko, wala naman akong ingay na ginawa..

"My hearing is good, so why are you here?" Striktong tanong niya kaya tumayo ako ng maayos at inilagay ang dalawang kamay ko sa likuran ko at pinaghawak ko doon.

"Can I ask you to eat breakfast with me tomorrow?" Nagbabakasakaling kwestyon ko, his brows furrowed and sighed.

"We have work tomorrow, with everyone?" He cleared his throat, nakagat ko ang ibabang labi ko at umiling.

"Just the two of us?" Patanong ko muling sabi, at pinaglapat ang labi ko dahil kinakabahan ako ma-reject.

"Time?" Ibig bang sabihin no'n pumapayag na siya?

"6am? P-Para early tayo kasi by 7:30am nandito na sila." Sandali niya akong tinitigan bago siya tumayo.

"Alright, I'll see you tomorrow." Ngumiti ako at tsaka sa loob loob ko ay kulang na lang mapa-yes na ako.

"Okay." Masiglang sagot ko at tatalikuran na sana siya pero tinawag niya ako, "Hakuna, about this gift you gave me. I-I can't just throw it away, that's all." Nalingon ko siya.

He looked nervous, but I was forcing myself not to smile. I once did that too, so I won't buy his alibi. "I didn't ask," mahinang sagot ko.

"I don't want you to get the wrong idea," wika niya at pasimpleng hinawakan ang batok niya at tsaka tila inayos niya na ang buhok niya.

"I am not getting the wrong idea naman talaga," nakagat ko ang ibabang labi. I don't want to smile at this state baka bawiin niya yung breakfast together.

"Okay," tipid niyang sagot.

"Goodnight Laze," pangunguna ko, natigilan siya sa pagsarado ng pinto.

"Likewise," dahil doon ay tinalikuran ko na siya dahil masyado ng nabubusog ang puso ko.

Kinaumagahan ay 5:45am pa lang ay nag-ayos na ako sa loob ng kwarto ko, naligo ako at nag-suot ng maayos ayos na damit.

Inayos ko rin ang mukha ko upang hindi ako maputla tignan, naglagay ako ng kaunting blush sa mga pisngi ko at tsaka ako nag-suot ng tinted lipgloss.

Nang lumabas ako ay natigilan ako ng makita na si Laze na nakaupo sa sala at nakapatong ang dalawang siko niya sa tuhod at magkahawak ang mga 'yon.

Kanina pa kaya siya?

Napahawak ako sa sling bag na suot ko, tumikhim ako dahilan para malingon niya ako. "Good morning," nahihiyang bati ko.

"Hmm, let's go?" He asked and stood straight that made me glance from his toe to head.

Amoy expensive, dahil sa stretchable cotton trousers na itim at sa loob ng hoodie niya ay halatang turtle neck tapos sa leeg na 'yon ay ang parating suot niya na kwintas.

Suot ko rin naman yung kwintas na 'yon, nakatago sa leeg ko. Kahit pa naka-hoodie siya ay may suot siyang silver watch na halatang mamahalin.

Ibinulsa niya ang isang kamay tsaka tinitigan ako, napalunok ako at lumapit. "Tara na?" Anyaya ko, tumango siya at tsaka sinenyasan ako kaya sumunod ako.

Pagkalabas namin ay pinindot niya ang susi ng sasakyan niya kaya naman tumunog at umilaw 'yon at ibig sabihin no'n bukas na yung pinto niya dahil may unlock naman sa car keys na 'yon.

Pagkasakay ko ay sumakay na rin siya, "Do you have plans?" Nalingon ko siya.

"Ako, I have plans for us. What should we follow?" Nakagat ko ang ibabang labi ko at napangiti.

"Do you have a plan for us?" Natigilan siya at tsaka mabilis na umiling iling, "I mean I have plan for this morning." Paglilinaw niya kaya napangiti ako at mahinang natawa.

"Okay." Sagot ko, pigil ngiti.

"I'm serious." Nalingon ko siya tsaka ako tumango, "Wala naman akong sinasabi." Pabulong ko pang sabi.

"Yung plano mo na lang for us ang sundin mo," huminga siya ng malalim at nag-drive na.

"For this morning," paglilinaw niya pa kaya hindi ko na siya pinansin.

Pagkarating namin sa isang kainan ay bumaba na ako at hindi siya hinayaang pagbuksan ako, namangha naman ako dahil maganda ang exterior ng resto.

Nang makababa na siya ay sumenyas siya kaya sumunod na ako, binagalan niya naman ng bahagya ang paglakad upang makasabay ako sa malalaking hakbang niya.

Pagkapasok ay siya na ang kumausap sa sumalubong sa amin, "For two please."

Hinatid kami sa table na bilog at may two seats, ang upuan nito ay kahoy ngunit may foam sa upuan at may carvings rin ito. May nakaayos ng plates and utensils sa table, pagkaupo ko ay napailing si Laze at naupo na rin.

"Here's our menu sir," tumango si Laze at inabot ang menu kaya kinuha ko ang isa at tsaka ako tumingin.

"Hmm should I eat rice.." Nasulyapan ko si Laze, hindi ba siya makapili?

"I'll just get the brunch option 3, how about you?" Natignan ko muli ang menu dahil natitigan ko siya ng ilang mga segundo.

Nakita ko naman ang brunch option 3, "Ganoon na rin sa akin, mukhang masarap." Tumango siya.

"How about your dessert?" Wow, umagang umaga may dessert.

"I'll get the mini watergate cake, the chocolate." He said, I looked into the dessert section and the chocolate chip got my attention.

"Chocolate chip," tumango siya at tinawag na ang kukuha ng order namin.

Siya na ang nagsabi ng orders kaya naghintay muna kami with their free fortune cookies. Laze cracked it and ate the cookies. Ginaya ko naman siya at habang ngumunguya ay in-open ko yung folded paper.

You'll be granted one wish, just one wish but be careful what you wish for.

Napalunok ako sa sinabi ng fortune na para sa akin, parang banta naman 'to at hindi nakakatuwa yawa. Natignan ko si Laze na hawak pa rin 'yon, "Tingin kung ano yung sa'yo." Sumilip ako pero huminga siya ng malalim at pinunit 'yon.

"Nonsense." Ngumuso ako at ibinaba ang sa akin, tinignan niya 'yon.

"What wish?" He asked.

"I mean what's your wish?" Paglilinaw niya, napatitig ako sa kaniya tsaka ako ngumiti.

"Were you the one who'll grant it?" Nadismaya siya kaagad sa sinabi ko kaya naman huminga ako ng malalim.

"Joke lang, sasabihin ko sa'yo pag may pagkakataon." Huminga siya ng malalim at tumango, nang dumating ang food ay kumain na kami.

Habang kumakain ay napansin ko na may lumampas na ketchup sa gilid ng labi niya kaya kumuha ako ng tissue at inabot ang gilid ng labi niya upang punasan.

Natigilan siya at hinawakan ang kamay ko, "Kaya ko." Pinigilan kong mangiti ng mamula ang tenga niya sa ginawa ko.

Pagkatapos namin kumain ay tinignan ko ang cake na kinakain niya, natigilan siya at natignan ako. "What?" Naguguluhan niyang tanong.

Natignan ko muli ang dessert niya tsaka ako dahan dahan na umiling, "Do you want this?" He stated, natignan ko siya sa mata tsaka ako ngumiti at tumango.

"Buy some." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ngunguso na sana ako pero bigla niyang itinapat sa bibig ko ang fork na may cake.

Nakagat ko ang ibabang labi tsaka ko tinanggap 'yon, "Salamat." Nagtama ang mata namin ngunit nauna siyang umiwas tingin at kinain na ang cake niya.

Okay pa ba ako? Hindi naman siguro ako kakabagin gayung pigil na pigil ako sa ngiti sa harapan niya.

Pagkatapos namin mag-breakfast ay huminga ako ng malalim, "Christmas is coming, saan kayo mag-Christmas Eve?"  I asked, habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

Napahawak pa ako sa tyan ko sa sobrang busog, "Palawan, I guess." Mahinang sagot niya.

"Doon ba talaga kayo nakatira?" Nakangiting tanong ko.

"I was born there," kwento niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan kaya napatango ako at naupo. Ngunit hindi niya namalayan na napagbuksan niya na pala ako?

Napangiti ako muli, not until makasakay na siya. "Ah hindi kayo taga-city talaga?" Kwestyon ko.

"Uhm my grandparents live here, then my grandfather bought an island at Palawan for lola. Then, they thought of a business and started a tourist island. It became famous because it's exclusive." Tumango ako sa kaniyang kwento.

"Kaya pala sobrang mahal sa Palawan 'no, worth it yung payment. Ang dami pang artista," nakangiting sabi ko.

"Yeah."

"Let's buy them a coffee," anyaya niya at nagmaneho na.

Matapos bilhan ng coffee ang mga kasama ay ako na ang nag-ayos ng lagay no'n sa seats namin sa tapat ng white board. 7am na at saktong kadarating lang nila sabay sabay nang matapos kong ayusin ang coffee.

"Wow, good morning architect." Bati nila Ruri at Carl sa amin.

Inalis naman ni Laze ang hoodie niya at dahil doon ay napalunok ako ngunit si Ruri ay natulala na agad ring binawi ng malakas na tumikhim ang nobyo niyang si Carl.

Friends lang sila noon, then biglang sila na. Nagka-develop siguro.

Suot pa rin ni Laze ang turtle neck na itim bago siya naupo at uminom rin ng coffee, "Umalis kayo mare?" Tanong ni Crizel.

"B-Bakit?" Tanong ko, paano niya nalaman.

"Gaga may sling bag ka eh, nag-date kayo 'no?!" Pang-intriga niya kaya umirap ako.

"Nag-breakfast lang kasi may inasikaso," mahinang sabi ko.

Inasikaso ko si Laze, oh it's not a lie.

"Ah, k dot. Thanks sa coffee architect." Nakangiting sabi ni Crizel kay Laze, tumango lang si Laze.

"Wow, imported 'to 'no?" Ngumiwi si Jem at tila na-curious kaya tumikim.

"Parang?" Sagot ni Jem.

"Imported or what, it's a coffee." Sagot ni Laze.

Nang maupo silang lahat ay kinuha nila ang burger at tsaka kumain, nagsimula naman si Laze sa rooftop ng hotel na itinatayo namin.

Pagkatapos no'n ay ipinasa ko yung isang ideya ko para sa pumapaligid sa roof top, para mas maging safe at sa ibaba naman no'n ay may pool.

"'Di ba may DSLR ka?" Biglang tanong ko kay Laze.

"Hmm, do you need it?" Tumango ako. "Kuhanan ko lang yung buong site for reporting sa company at sa owner." Tumango si Laze at tumayo.

"Jem, samahan mo 'ko." Anyaya ko.

"Sige lil' sis." Ngumisi ako sa sagot niya, kinuha ni Laze yung camera niya at inabot kay Jem.

Pagka-abot ay tinignan ni Jem 'yon, ngunit napalunok siya bigla kaya nagtama ang mata namin. "Ganda mo naman dito, Miran." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko.

"May picture ka dito, yung sa architectural trip yata." Nangunot ang noo ko at lalapit na sana pero mabilis na kinuha ni Laze ang camera niya.

"I gave the wrong cam, wait." Paalam niya at pumasok sa kwarto niya.

"May pic ako?" Pabulong na tanong ko kay Jem.

"Oo." Sagot niya nagtataka.

"Gaga, kilig ka naman?" Siniko ako ni Crizel kaya nakagat ko ang ibabang labi ay pinigilang magbigay ng ngisi o ngiti.

"Uy kinikilig oh," umirap ako at umayos na ng upo.

"This one," natignan ko si Laze na seryoso ang hitsura.

After that, pasimple kong nilapitan si Laze na nasa sala tinitignan ang blueprint.

Pasimple akong naupo sa arm rest ng single sofa dahilan para matigilan siya at lingunin ako. "What?" Masungit niyang tanong.

"May picture ako sa DSLR mo?" Nakangiting tanong ko.

Nangunot ang noo niya, "I just forgot to delete them, m-matagal na 'yon." Pagdadahilan niya.

"Hmm—"

"I'm serious." Sagot niya kaya tumango ako.

"Wala naman akong sinasabi," pabulong kong sabi.

"That's not a seat," striktong sabi niya.

"Go sit there—"

"Hoy—"

"Ay!" Sa gulat ko ay dumulas ako palaglag sa gilid ni Laze, nanlaki ang mata ko at bumangon ngunit hindi ako makataas sa taas rin ng arm rest ng single sofa.

"Ay gaga, kandong." Bulong ni Crizel.

"Tulungan mo kaya ako!" Singhal ko at pinilit hanggang sa alalayan ni Laze ang bewang ko upang makatayo ako sa pagkakaupo sa kandungan niya.

"Get lost," ngiwing sabi niya at huminga ng malalim.

Napanguso ako at tsaka siniko si Crizel, bumalik ako sa tinatrabaho ko. Panay kasi kalokohan si Crizel, nanggulat pa.

Makalipas ang ilang araw ay pumunta sila prosecutor at Terry dito, "Makukulong na si mom at Tina." Nanlaki ang mata ko at napapalakpak.

"Sa wakas!"

Ngumiti si Terry at tumango, "Tina got sentenced for 10 years. Since she's an accomplice of murder. My mom will be sentenced for 68 years." Ngumiti si prosecutor.

"I've done my part," nakangiting sabi nito sa akin at kay Laze.

"How about the two of you?" Tukoy ni prosecutor kaya natignan ko si Laze.

"Kami po?"

"Kasalan na," sagot ni prosecutor.

"We can't tito, I've asked the officials already and they've declined me, death is the punishment." Dismayadong sabi ni Laze.

Nanlaki ang mata ko, "Seryoso ba 'yan?"

"Ay bakit?" Tanong ni prosecutor.

"They got married," turo ni Laze sa akin ay kay Terry.

Huminga ng malalim si Laze at tinalikuran kami, pumasok siya sa kwarto. "Ako na bahala sa papers natin, para mapawalang bisa na yung marriage." Sambit ni Terry at dahil doon ay tumango ako at tsaka sinundan si Laze.

Pagkapasok ko sa kwarto niya ay natigilan siya at nilingon ako. "We should just part ways, now it has become more complicated and hard for us." Nangunot ang noo ko.

"Laze naman," lumapit ako sa kaniya.

"You'll just get hurt," matipid niyang sabi.

"By our law," natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Hmm? J-Just find someone else, who's as normal as you.." Huminga ako ng malalim at tsaka ako lumuhod sa carpet niya.

"Miran?" Kwestyon niya.

Pilit niya akong itinatayo, "I want you, please don't push me away like I did." Natigilan siya at napatitig sa akin ngunit halos mapalunok ako ng lumuhod rin siya sa harap ko.

"If you're gonna kneel then I will too," napakurap ako sa sinabi niya.

Why is he doing this?

///

@/n: Any thoughts? Merry Christmas!

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 209 44
This is a story of a girl who's stuck in a fictional world. Dream come true siguro para sayo. Pero hindi pra sakanya. Una sa lahat, hindi siya mahili...
49K 788 25
WARNING - SPG: contains mga super poging gangsters, read at your own risk /Azen Del Mercedez/ This is Nicole Athena C.Reyes, silent but deadly. She g...
65.9K 1.6K 79
"I fell in love with the Campus Playboy and that's my biggest regret in life. Masyado akong nagpadala sa mga pakulo at gimik nya,nakalimutan ko na fo...
586K 18.5K 35
(UNEDITED) "She's like a pretty red rose,Beautiful and attractive but if you won't be careful enough,she might easily hurt you with her bloody thorns...