Must Have Been The Wind (3G S...

De Maecel_DC

6.1K 780 16.1K

Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigil... Mai multe

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue

Chapter 72

57 8 330
De Maecel_DC

Chapter 72:

Hakuna Miran's Point of View.

"Doon muna ako," paalam ni Yuno.

Hindi na ako muling tinignan ni Laze kaya yumuko na lang ako sa mesa at tsaka pumikit. "Kung matutulog ka pumunta ka na sa taas." Masungit na sabi ni Laze kaya tumayo ako ngunit bahagya pang nawala sa balanse.

Mahina akong natawa, "A-Akala mo matutumba ako 'no?" Napapikit ako ng sumakit ang ulo ko.

"Nahilo ka?" Kwestyon ni Laze.

Pumikit ako muli at nanumbalik sa akin ang ala-ala sa itaas ng rooftop at halos mapaupo ako ng muli kong maramdaman ang takot dahil nakalutang na ako sa mismong palapag no'n.

"Hakuna," sa pagtapik ni Laze sa braso ko ay napaiwas ako kaagad na ikinataka niya.

"What's happening?" Niyuko niya ako upang masilip ang mukha ko, nahilot ko ang sintido ko.

Napaupo ako ng sunod sunod na pumasok sa isipan ko ang mga ala-ala na hindi ko ma-sort out, ngunit napatitig ako kay Laze ng pumasok sa isip ko ang pagkatok niya sa condo ko noon at ang pag-amin niya.

I bit my lips, it's making my heart beat faster. "Miran." Natitigan ko si Laze.

Bumalik ako sa pagkakaupo, hindi ko mapigilan ang sunod sunod na pagbalik ng ala-ala ko na para bang isang transition ng mga nangyari sa akin mula pagkabata ko.

"Hakuna Miran." Sa pagmulat ko ay nahilo pa ako, mahina akong tumawa ng tumigil 'yon tsaka ko nasapo ang mukha.

"What a brave woman," mahinang bulong ko after remembering everything that happens to me in one click.

"What do you mean?" Nalingon ko si Laze ng bigla siyang magsalita, napalunok ako at matagal siyang tinitigan.

"I like you." Sa sinabi ko ay nangunot ang noo niya, napaayos siya ng tayo tsaka ipinamulsa ang kamay sa suot niyang jogging pants.

"I didn't ask," mahinang sabi niya at tinalikuran na ako.

"I like you!" Malakas na sabi ko pa na ikinatigil ng paglalakad niya.

"I don't," sagot niya at umakyat na sa kwarto niya.

Ngumuso ako at napaupo sa mesa, "Don't tell me sumusuko ka na?" Napalingon ako kay Yuno na pinantatakip ang braso niya sa mata niya habang nakahiga siya sa sofa.

"Huh?"

"You did worse back then, he never gave you up." Napatitig ako kay Yuno ng lingunin niya ako.

"It's okay to bother him, but don't make it too desperate." Huminga ako ng malalim at tinanaw ang kwarto ni Laze sa itaas.

Lumapit ako sa tabi niya at isiniksik ang katawan ko sa paanan niya. "Doon ka na sa taas, kulitin mo." Utos ni Yuno kaya ngumuso ako at yumuko sa tuhod ko.

"Magkaiba kami okay? Never niya akong tinaboy nang panahon na siya yung nangungulit. Pero ako tinaboy ko siya ng maraming beses so papaano pag sinabi niya na tinanggihan ko siya noon bakit ako naghahabol ngayon?" Napaupo si Yuno sa pagkadismaya sa akin.

"Alam mo kung anong tawag diyan?" Napatitig ako sa kaniya, "A-Ano?" Inabot ko ang unan at ipinatong sa lap ko.

"Pride mo, ego." Napairap ako.

"Bawal ka lumabas ng mag-isa naiintindihan mo ba ako? Aalis na ako." Paalam ni Yuno at basta-basta tumayo.

Humiga ako sa sofa at niyakap ang unan na maliit ngunit hugis square. Sa pagpikit ko ay naging mabilis ang oras at nagising ako dahil may naririnig akong nagsasalita sa 'di kalayuan.

Sobrang bilis ko talaga magising pag may naririnig akong pag-uusap. Nangunot ang noo ko at dumapa sa sofa tapos sinilip 'yon.

Nakita ko naman si Laze na may kausap sa telepono, "Terry can't be find yet?" Napaupo ako ng marinig ang pangalan ni Terry.

"Didn't he travel outside the country?" Dahan dahan akong tumayo at lumapit kay Laze.

"Ano nangyari?" Nalingon niya ako at nagpaalam sa kausap niya, "Are you eavesdropping?" Masungit niyang tanong.

"I-I just heard."

"Next time don't listen," masungit niyang dagdag at tsaka tatalikuran na sana ako pero hinawakan ko ang braso niya.

Natigil siya at nilingon ako, "What?"

"Sorry." Binawi niya ang braso at tsaka pinagkrus 'yon sa tapat ng dibdib niya. Napansin ko na bahagyang lumalaki ang braso niya.

"What are you sorry for?" Tinitigan niya ako, parang nakakainsulto na kailangan pa niya akong yukuin dahil sa height ko.

"B-Because I-I hid the fact that I married Terry." Huminga siya ng malalim, "It can't be take back anyway, I can't marry a woman who was married once." Napayuko ako at pinaghawak ang kamay ko.

"It doesn't matter if we'll get married or not," nangunot muli ang noo niya hanggang sa blangko akong tinignan.

"Hindi na kita gusto." Napalunok ako at tsaka huminga ng malalim, "I-I can make you like me again," tumaas ang kaniyang kilay, natigilan ako ng hawakan niya ang buhok ko.

"How confident are you? Do you think I liked you because you're at least average?" Nang-iinsulto niyang sabi na ikinatikom ng bibig ko, "Height pa lang, bagsak ka na sa standards ko." Bahagyang lumaki ang mata ko.

"A-Ang sama mo ah." Hindi na siya nagsalita at itinikom na lang ang bibig niya tsaka niya ako tuluyan na tinalikuran.

"What is your standard in partner ba?" Humabol ako sa kaniya, hinarangan ko ang hagdanan na aakyatan niya.

Tinitigan niya ang mukha ko. "Someone who can reach my chin, so I could rest my chin on the top of her head." Ngumiwi ako.

"Edi nabutas—"

"Hakuna." Nagbabanta niyang sabi kaya alanganin akong tumawa.

"J-Joke lang eh." Nahihiyang sabi ko.

"Someone who is lovely, someone who will choose me, someone who won't make me feel I'm worthless." Lumabi ako ng panay parinig niya sa akin.

"Edi sana sinabi mo na hindi ako," inis na sabi ko na ikinaawang ng labi niya.

"Ako pa may kasalanan?" He talked back, which made me rolled my eyes and crossed my arms.

"Maybe I liked you too early and you liked me too late, that's our fate Hakuna Miran. Embrace it." I stared at his face, even saw his jaw clenched as he told me those heartbreaking phrases.

"Y-You can't unlike someone t-that fast tho.." I whispered and swallowed hard, I looked down thinking what I could say to make him change his mind.

"It feels exhausting with you here, it feels like you're just a burden but I can't get rid of you." Natulala ako sa mukha niya matapos niyang seryoso na sabihin 'yon.

"L-Laze," mahinang tawag ko sa pangalan niya. Tila may tumutusok sa puso ko at sobrang sakit no'n sa dibdib.

"Kidding," nanlalaki ang mata ko siyang nalingon sa sinabi niya, matipid siyang ngumiwi ng makita ang mukha ko. "I don't like you anymore but you're not a burden." Huminga siya ng malalim at umakyat na sa kaniyang kwarto.

G-Ganoon na ba siya magbiro ngayon? Mananakit tapos biglang bawi?

Upang makabawi man lang ay pinaglutuan ko siya ng tanghalian, ginamit ko ang mga nasa refrigerator niya. Habang naghihiwa ako ay bigla siyang dumating, "Maliligo ako." Nangunot ang noo ko siyang nilingon.

"S-Sige?" Nag-aalangan na sagot ko.

Napailing siya at isinabit ang twalya sa balikat niya, sobrang tangkad niya talaga pero maganda naman yung tangkad niya.

Pumasok siya sa banyo, naririnig ko nga ang malakas na tunog ng tubig niya sa loob ng banyo. Itinuloy ko ang pagluluto, makalipas ang kinse minutos ay natapos na din ako.

Hinihintay ko na lang kumulo at nasa low heat naman na kaya hindi masusunog, naghugas ako ng kamay at saktong napalingon ako sa banyo ng bumukas 'yon.

Nangunot ang noo niya ng magtama ang mata namin, "Expecting me to be topless?" Sa kaniyang saad ay nanlaki ng sobra ang mata ko sa pagkakapahiya.

Somehow?

"N-No. I-I just normally glance when someone opens a door, it's a habit." Paglilinaw ko at matipid na ngumiti, hindi niya na ako pinansin at pinunasan niya na lang ang basa niya pang buhok.

"What did you cook?"

"Food." Sagot ko, napailing siya sa sagot ko at naupo na lang sa dining area niya.

Makalipas ang oras ay may kumatok at nag-bell sa labas ng pinto ni Laze dahilan para lumunok ako at kabahan.

Lumapit si Laze sa pinto, nagtataka kong tinignan si Laze ng gumilid siya at binuksan 'yon. "Mrs.Bautista," nang sabihin niya 'yon ay lumapit ako at sumilip sa likuran ni Laze ng buksan niya ang pinto.

"Why are you here?" Kwestyon ni Laze.

"I usually don't accept visitors at this hour," maayos na sabi ni Laze.

"I heard that Hakuna Miran is staying here, she's still married. Alam niyo bang pwede kayong kasuhan dalawa?" Pinagkrus ni Laze ang braso.

"Did you see us making love?" Sa tinanong ni Laze ay lumaki ng sobra ang mata ko.

"A-Ano?" Nakakunot ang noong tanong ng mommy ni Terry.

"Did you have proof that we made love?" Nangunot rin ang noo ko, anong sinasabi niya.

"No right?"

"You can do check up on her to see if we made love, if not ako ang magsasampa ng kaso sa'yo." Lumunok ako.

"This is not about just making love—"

"But you won't pass the evaluation without it, in short we can't be held responsible." Laze cleared his throat and tapped his foot on the floor.

"Tell that woman to go home, Terry's coming home already." Nalingon ako ni Laze, sumilip ako at tsaka tumayo na rin sa harapan ng mommy ni Terry.

"H-Hindi na po ako uuwi," sagot ko.

"At bakit hindi? Kasal pa kayo ni Terry—"

"Si Terry po mismo nagsabi sa akin na ipapahamak niyo lang ako, kayo rin ho ang dahilan kung bakit siya lumayo ngayon dahil hindi niya matanggap na ganyan kayong pamilya niya." Mariing sabi ko sa akmang pagsampal no'n ay nahila ako paatras ni Laze dahilan para hangin ang masampal niya.

Sobrang talas ng tingin no'n sa akin sa sinabi ko. "Hindi po ba kayo nakokonsensya sa ginawa niyo?" Kwestyon ko.

"Hindi po ba kayo naawa sa sarili niyong anak? Simpleng buhay lang naman po ang gusto niya pero ganito pa ang ginagawa niyo para sa pera." Kalmado kong sabi.

"H-Hindi pa ho ba sapat na nawalan na kayo ng isang anak dahil sa ginagawa niyo?" Galit na galit ako nitong tinignan.

"Huwag kang makialam sa pamilya namin, saling pusa ka lang naman—"

"Kailangan po ba mawala pa silang lahat bago kayo matauhan?" Sumbat ko.

"Alam mo dapat tinahi ko na lang din yung bibig mo ng hindi ka na dumada eh! Kulang pa lahat ng 'yan sa'yo—"

"Hindi pa po sapat yung ginawa niyo sa akin?" Napipikon na tanong ko, "Halos sumuko na yung katawan ko kakabugbog niyo sa akin! Dapat kayo po yung nasa kulungan, kayo dapat yung nabubulok doon!" Sobrang galit ito at susugurin pa sana ako pero sinarado na ni Laze ang pinto niya.

Prenteng nakapamulsang naupo sa harapan ng malaking tv, akala mo ay wala siyang nasaksihan.

"That woman will find a way to detain you, you better move or else she'll get you first and that's when you'll lose."  He advised.

"Your lola's case against you is not yet solved since my uncle is still collecting a lot of evidence that you aren't the suspect." Nasapo ko ang mukha sa narinig.

"I didn't murder my grandmother, alam mo 'yon. You were there with me," nanlulumong sabi ko.

"I know," hinawakan niya ang baba at tsaka malayong tumingin tila may iniisip.

"I won't ask for your help, huwag ka mag-alala. You don't need to be responsible of me anymore," natignan niya ako sa sinabi ko.

"Thank you for helping me a lot, I appreciated it. Since day one, you've been a big help and a good friend." Ngumiwi siya at umiwas tingin.

"I'm sorry for hurting you a lot, after I solved everything I'll beg for your love once again." Nangunot ang noo niya at sarkastikong tumawa.

"It'll be too late, don't beg me anymore. I don't want you to experience how desperate it is to beg for someone's love." His lips rose up, staring at my eyes emotionally.

"It will be too heartbreaking, to the point that it will affect your physical health. I feel so weak waiting for you Miran, huwag na." Tumayo siya at tsaka mabilis akong tinalikuran ngunit humabol ako at yumakap mula sa likod niya.

Natigilan siya at dahil doon ay nahihiya akong pumikit ay idinikit ang pisngi ko sa likuran niya. "Miran," he tried to unclasp my hands but I held it both tightly.

"I'm sorry." My lips trembled as I hear his heart beating so fast from his back, narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Let go of me Hakuna Miran," he succeeded unclasping my hands because I let him, hinarap niya ako at matagal tagal na tinitigan.

"Sobrang traumatizing ng ginawa mo Miran, you gave me hope but then it was a false hope." He murmured, "It's painful, y-you see. I'm still worried about you, so I'm asking you to stop making my hopes high again because I want to stop myself from loving you." Nakagat ko ang ibabang labi ng seryoso siya ngayon.

"S-So instead of loving me back, this late. Let's just stop, w-wala na rin namang pupuntahan pa yung mga plano ko para sa ating dalawa. Matagal mo na silang ginuho." He calmly stated, his hands were so relaxed, it's not a fist.

"Kumbaga, you are the one who demolished the building I built so long and so hard. My efforts, you invalidate it." Naluha ako sa sinabi niya, sobrang init ng singaw ng mata ko at malakas na kumakabog ang dibdib ko.

Matipid siyang ngumiti, tila mas sumama ang loob ko ng pahirin niya ang luha ko. "Let's not complicate things okay? Let's just let it b—"

"A-Ayoko." Naitikom niya ang bibig at mas tinitigan ako.

"Do you want me mad then?" I pouted my lips and held both of my hands, nervously.

"N-No."

"Then—"

"A-Ayoko rin tumigil." He licked his lips, hands on his hips and staring at me, "Matigas pala ulo mo, sige. It's on you, if you got hurt then it's not my fault." Ngumuso ako.

"Sorry na nga eh."

"Hakuna ang kulit, wala na nga." Napakamot siya sa sintido niya.

"Pasaway ka kasi, kaya ko namang solusyunan lahat hindi ka nagtiwala sa akin." Yung tagalog niya ay tila kakaiba ang pananalita dahil sa accent niya.

Pero ang gwapo niya pa rin kahit anong lenggwahe ang gamitin niya, "Yung pamilya ni Terry kaya kong gamitin, pero ikaw hindi. Naiintindihan mo na?" Sumbat ko.

"Hindi, Hakuna Miran." Sagot niya kaya napadabog pa ang paa ko sa carpet niya.

"Ba't mo ba kasi tinatawag yung buong pangalan ko Jeremiah Laze?" Natigil siya at hindi makapaniwala sa narinig, napailing na lang siya at tumalikod na.

"Bahala ka diyan," ngumiwi ako.

Kinaumagahan ay nanatili ako sa puder niya at ako na rin ang nagluluto ay hugas ng mga pinggan kahit na may automatic naman na naghuhugas sa mga 'yon.

I lasted there for a week, ngayon ay tutuloy na kami sa rest house. Pagkarating sa rest house ay nilapitan ako kaagad ni Crizel.

"Totoo ba? Binubugbog ka ng mga Bautista?" Huminga ako ng malalim.

"Kanino mo narinig?"

"Kay Yuno, alam na rin ng parents mo at nagsampa na sila ng kaso against sa pamilya na 'yon." Napalunok ako at tumango.

"Si Terry, isa rin ba siya sa nanakit sa'yo?"

"Hindi, hindi pa nga siya bumabalik sa pamilya niya." Dahil doon ay ikinwento ko kay Crizel lahat at napabuntong hininga siya.

"Pahinga ka na, I'll just call you pag dinner na." Paalam niya kaya humilata muna ako at pumikit.

I woke up as someone tapped my shoulders and his voice was so cold, I knew that it was Laze. I opened my eyes and stared at his face.

"Hmm?" Antok ko pang sabi.

"Wake up, and come with me." Nagmamaktol akong dumapa sa kama at nagtakip ng unan ngunit inalis niya 'yon.

"Si Terry," awtomatiko akong napabangon.

"Nasaan—" Natigilan ako noong dismayado niya akong tignan, "Lumabas ka na." Matipid niyang sabi at nauna ng umalis kaya napasunod ako.

Pagkalabas ay nakaupo na sa mesa si Crizel, Laze, at Jem kasama si Ate Janella. "Ate, nandito ka pala." Matipid akong ngumiti.

"Hindi ka man lang nagsabi sa akin na sinasaktan ka na nila, specially that Tina. Gosh, she's getting into my nerves, ang bata pa niya." Tumahimik na lang ako.

"Terry didn't do anything at all? Hinayaan niya lang—"

"Ate, he's treating me right. You don't need to worry," paglilinaw ko.

"Tapos they plan to harm you pa, ang kakapal ng mga mukha nila—"

"Nasa hapag naman tayo ng kainan ate, let's stop talking about them. Nawawalan ako ng gana," dahil sa sinabi ko ay tumahimik si Ate Janella at kumain na lang.

Tahimik rin si Laze, pagkatapos kumain ay hindi ko na sila kinibo lahat. Nang umalis si Ate Janella ay hinatid siya ni Jem kaya naman tumingin ako sa laman ng fridge.

Nang wala akong makitang makakatulong sa akin ay kinatok ko si Crizel sa kwarto niya, nakakunot ang noo niyang binuksan halatang iritable pero ng makita ako ay nawala 'yon.

"Gusto ko uminom." Mahinang sabi ko.

"Tubig?"

"Alak." Sagot ko pa.

"Gaga, teka bibili ako." Napangiti ako at tumango, hinintay ko siya sa sala, saktong lumabas si Laze at napatingin siya agad sa akin.

"Saan ka?" Mabilis na tanong ko ng hindi niya ako pansinin, "Diyan lang." Turo niya sa labas.

"Saan?"

"Diyan—"

"Saan po?" Tumitig siya sa akin.

"Papatay ako ng tao, sasama ka?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "S-Seryoso ka?" Gulat na sabi ko.

"What the hell, you believed that?" Napapahiya akong umiling, ngunit ang totoo ay naniwala talaga ako.

"By the way, why do you have a real gun? Real 'yon 'di ba?" Tumigil siya sa paglakad dahil sa kakatanong ko.

"'Cause I'm a guy, and I need it to somehow protect myself?" Napatango ako sa kaniyang sagot.

"Don't talk to me," ngiwing sabi niya at tumuloy na sa labas kaya sumunod ako.

"Saan ka?"

"Miran, pumasok ka na sa loob. Mabilis lang ako," tumango ako at bumalik na sa loob ng rest house.

Naiinis na ba siya sa kakulitan ko? Saan naman siya pupunta gayung naka-pajamas at hoodie lang siya.

Kalaunan, isang oras na kaming umiinom at nagkekwentuhan ni Crizel ay hindi pa rin nakakabalik si Laze. Papaano kung may ka-date na 'yon na iba?

O 'di kaya tinawagan siya ng babae na kailangan siya kaya siya nagmamadali?

Nasapo ko ang mukha sa naiisip, "Nakakainis." Bulong ko at inabot na lang yung baso tapos ay ininom 'yon.

"Hoy kalmahan mo gaga," sita sa akin ni Crizel.

Lumipas pa ang ilang oras hanggang sa may tama na ako ngunit hindi pa rin bumabalik si Laze, "Mare hindi ko na keri, sleep na ako bukas ako na mag-aayos niyan. Babyeeee." Ngumiwi ako at kinuha pa ang baso ko.

Ngayong mag-isa ko na lang ay panay ang tanaw ko sa pinto, alas tres na ng madaling araw bakit hindi pa rin siya bumabalik?

Tumayo ako at lumapit sa pinto, ngunit pagbukas ko no'n ay 'yon din sanang paghawak niya sa door knob. Nagitla pa siya, "Uminom ka?" Tanong niya.

"Hindi." Sagot ko.

"Ikaw saan ka galing? Sabi mo mabilis ka lang." Reklamo ko na ikinakunot ng kaniyang noo.

"Saglit lang naman 'to?" Kwestyon niya.

"Bakit ba? Hindi naman ako inabot ng 24 hours na wala." He explained.

"Saan ka nga galing?"

"May sinundo lang ako, hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sa'yo—"

"Sino?"

"Miran, huwag ng matanong matulog ka na." Pumasok siya sa loob kaya mas nainis ako.

"Sino nga? May girlfriend ka na 'no? Ang bilis mo naman mag-move on," reklamo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Ano kung meron nga?" Sumbat niya kaya mas ngumuso ako.

"S-Sana maghiwalay kayo." His eyes widened and amused by my words.

"You're so harsh, no worries I don't have a girlfriend yet." Nanlaki ang mata ko ng sobrang lapit ng mukha niya matapos pantayan ang mukha ko.

I wanted to say something but he made me speechless by that distance, "You'll pursue me right?" Nakagat ko ang dila ko, "Pumapayag ka na?" Kwestyon ko.

"With or without my permission, gagawin mo 'yon." Ngumiwi siya at lumayo na.

"Mahihirapan ka sa akin, I'm not an easy guy." Pagmamayabang niya kaya sumunod ako sa kaniya, inaantok pa.

"You reek of alcohol, you better take a shower. Ayoko sa amoy alak." Ngumuso ako at tsaka pilit inayos ang sala.

"Bakit amoy babae ka?" Tanong ko bigla, natigilan siya at tsaka humarap sa akin.

"May sinundo ako," sagot niya pa.

"Sino muna?" Lumapit ako muli sa kaniya.

"Babae ko," nanlaki ng sobra ang mata ko.

"Laze!?"

"You mad? We're not in a relationship," taas noong sagot niya kaya ngumuso ako.

"Sinong babae 'yon?" Nalulungkot kong tanong.

"Mahal ko siya, maganda siya, mabait, medyo masungit." Lumabi ako, "Sino nga?"

"My mom, Hakuna Miran." Naitikom ko ang bibig at tsaka alanganin na tumawa.

"Ah mommy mo, mommy mo pala." Pabulong na sabi ko, "Well are you jealous of my mom?" Yumuko siya at sinisilip ang mukha ko kaya naman tinitigan ko ang mukha niya.

Mabilis akong tumiklay at ninakawan siya ng halik sa pisngi na ikinalaki ng mata niya, naitikom niya ang bahagyang umawang na bibig.

"I didn't teach you that," turo niya sa akin kaya ngumiti ako at tinalikuran na siya.

Pigil ngiti akong pumasok sa kwarto ko at humilata.

Sana hindi na ako mahirapan.

///

@/n: Any thoughts?

Continuă lectura

O să-ți placă și

18K 1.5K 43
Kilala sila bilang mga BITCH, BRATS, QUEENS, sa kanilang pinapasukang university. Paano kapag nag bago ang kanilang buhay dahil lang sa mga lalaking...
14.8K 1.1K 50
ENDLESS SERIES # 2 Si Kaizer ay isang playboy. Kung sino-sino ang kaniyang dine-date ngunit ni isa sa mga iyon ay wala siyang sineryoso. Ayaw niya sa...
310K 5.1K 58
Sabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? La...
49K 788 25
WARNING - SPG: contains mga super poging gangsters, read at your own risk /Azen Del Mercedez/ This is Nicole Athena C.Reyes, silent but deadly. She g...