Must Have Been The Wind (3G S...

By Maecel_DC

6.1K 780 16.1K

Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigil... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue

Chapter 52

54 7 379
By Maecel_DC

Chapter 52:

Hakuna Miran's Point of View.

"I-I have to go," napunasan ko ang sariling bibig bago hindi ako mapakaling umalis sa harapan niya. Nang makabalik sa table namin ay hindi ako mapakali dahil nandito na rin si Terry.

What would he feel if he found out?

Natapos ang party ng hindi ko nakita si Laze, kaya naman lumipas ang ilang araw na umuwi ako sa bahay at hindi pumasok sa trabaho dahil sa nangyari.

Kinahapunan ay tinawag ako ni mama para bumaba. "Pupunta yung fiancé mo anak, para sa gabihan. Mag-ayos ka." Matipid na sabi ni mama.

"Opo."

Sinaktuhan ko lang ang ayos sa sarili ko at tsaka ako bumaba, "Nasa labas na ata, sunduin mo anak. Ang aga pa." May tumigil na sasakyan sa harapan kaya naman tinatamad akong lumabas ngunit nakita ko ang pamilyar na sasakyan.

Sasakyan ni Laze.

Bumaba siya ng sasakyan at ngayon ko lang siya ulit nakita, simpleng itim na long sleeves lang ang suot niya na may kanipisan tapos ay naka-slides in slipper at manipis na cotton shorts na kulay itim.

Pinagmasdan ko siyang lumapit sa akin, ano kayang sasabihin niya ngayon? Nang makatayo siya sa harapan ko ay bahagya akong napaiwas tingin. "A-Anong ginagawa mo rito?" Panimula ko.

"Was that really true?" Mukhang tinutukoy niya ang engagement party.

"Yes." Mahinahon kong sagot.

"Is it true?"  Pag-uulit niya tila nais niyang baguhin ko ang sagot ngunit ano pang babaguhin ko?

"Yes, Laze." Napaiwas tingin ako ng mapaiwas tingin ang mga abo niyang mata sa mukha ko tila hindi matanggap ang sinasabi ko.

"Hakuna Miran, please don't lie to me." Pakiusap niya kasabay ng mga blangko niyang tingin ay hindi ko na alam ang sasabihin pa.

"Hakuna." Sambit niya muli sa pangalan ko.

Hindi ko maalis ang titig sa kaniya habang hindi siya makapaniwalang nakatitig sa akin, bahagyang umawang ang labi niya at tsaka ako nahiya nang yumuko siya sa sariling palad. "H-How on the earth did that happen?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"It just happened," matipid na sagot ko.

"You're joking, hmm?"  Dahan dahan akong umiling upang masagot ang katanungan niya ngunit, napaiwas tingin siya ng hindi alam ang sasabihin at mararamdaman.

"You're getting married?" Sumbat niya, itinuro ako na may ilang hakbang ang layo sa kaniya, "At that age? That early?" Huminga ako ng malalim at dahan dahan na tumango.

"Do you even love that person? Do you?" Itinuro niya ang kung saan kaya matipid akong ngumiti at tumango.

"You're lying," ngumisi siya.

Umiling siya at mahinang tumawa, "You're lying, I don't believe every word you say." Its lips smiled on me, staring at both of my eyes. Alternatively.

Hindi ko matagalan 'yon dahilan para mag-iwas tingin ako, "You can't do anything, you'll just watch me. And I'll watch you regret and get hurt because of me."  Matipid akong ngumiti sa sinabi, ngunit hindi ko masalubong ang tingin niya dahil ako mismo ay nasasaktan sa mga pilit niyang ngiti.

Natigilan kaming dalawa ng lumabas si Terry mula isang sasakyan na huminto sa harapan ng bahay namin dahilan para kabahan ako, "Terry." Matipid na sambit ko sa pangalan niya.

Nangunot ang noo nito at nasulyapan si Laze. "What are you doing here, Architect Garcia?" Nakangiting bati ni Terry, natahimik si Laze at nasulyapan ako.

"I guess I can visit her anytime I want to?" Pabalang na sumbat ni Laze at sinulyapan lang si Terry na para bang wala siyang pakialam kung fiancé ko 'yon.

"I was just asking, did her parents call you for dinner too?" Blangkong tinitigan ni Laze si Terry at tsaka siya matunog na ngumisi.

"I don't like having a talk with you," Laze stated directly that widened my eyes.

"Laze." Sita ko.

"What? Should I tell him why I am here?" Seryosong tanong niya kaya huminga ako ng malalim.

"You can now leave," nakagat ko ang ibabang labi at tinalikuran si Laze.

"Hakuna." Bumuntong hininga siya at ubos na ubos ang pasensyang inabot ang pulsuhan ko.

"I'm not yet done talking—"

"I have nothing to talk about, makakaalis ka na. Nandito na ang boyfriend ko," mariing sabi ko at binawi ang pulsuhan ko tapos ay kinuha ang palad ni Terry at tinangay siya papasok sa loob ng bahay namin.

Napipilitan kong pinaghawak ang kamay namin ni Terry kahit na labag 'yon sa kalooban ko, at least I can do this for my grandparents?

Matipid kong nginitian sila dad, ngunit nakakunot lang ang noo ni Yamato habang nakatingin sa amin. I know he's not in favor of this, but what can he do?

"Are you really getting married in the next three months, anak?" Tanong ni mama kaya tumango ako at matipid na ngumiti.

Matapos no'n ay umalis na din si Terry after dinner, umakyat na ako sa kwarto pero hinarang ako ni Yamato. "Ate, what the hell was that?" Nakakunot ang noo niyang tanong.

"We both know who you really want, why are you hurting the person you really like?"  Tinitigan ko ang mata niya at matipid na ngumiti, "Don't smile." Naiinis niyang sabi.

"Sorry." Matipid na sabi ko.

"Why would you apologize to me? Hindi naman ako ang sinaktan mo?" Napipikon siya ngunit nagkibit balikat na lang ako at tinalikuran siya.

"Ate naman," pinigil niya ako kaya ngumiti ako.

"Okay lang ako, mabait si Terry. What could I ask? He's enough." Sambit ko.

"Si Kuya Laze? Papaano si Kuya Laze?" Ngumiti ako at nagkibit balikat.

"Ate."

"Hayaan na Yamato, hayaan na please lang. Wala namang kami ni Laze eh, wala naman talaga." Nauubusang pasensya kong sabi.

"Alam naman natin na gusto mo siya, bakit mo ba ginagawa 'to ate?" Inis niyang tanong.

"Kasi nga gusto ko! Tama na, magpapahinga na ako." Inis na sagot ko at pumasok na sa kwarto ko.

Lumipas ang araw at nakakasama ko pa rin sila Laze dahil sa project, hindi niya ako gaano kinikibo dahil madalas sa site si Terry. Habang nakaupo ay nagulat ako ng may bulaklak na tumambad sa harapan ko.

Tinignan ko ang nagbigay ngunit pilit ang ngiti na ibinigay ko. "Thank you, Terry." Pekeng ngiti na kahit 'yon ay pilit ko pang maibigay sa kaniya.

"You good? How about dinner at my condo?" Ngumiti ako at tumango, "Sure."

"That's great, I'll pick you up at 6pm since out mo 'yon. Take care," ngumiti ako at tumango, nang humalik siya sa pisngi ko ay pilit kong tinanggap 'yon.

Nang tumalikod siya ay pinahid ko ang pisngi, tumayo ako at tsaka ko tinitigan ang bulaklak. Why am I not happy receiving flowers?

Nanlumo ako at dahan dahan na ibinaba 'yon sa kinauupuan ko tsaka ako naglakad papunta sa rest house pero natigilan ako ng makita kong naka-upo sa bandang terrace sa ibaba si Laze at tahimik na umiinom ng nasa tasa niya.

Nagtama ang mga mata namin kaya umiwas tingin ako at naglakad na, nilampasan ko lang siya pero bago pa man ako makalampas ay nahuli niya na ang kadulu-duluan ng damit ko.

"Happy?" Kwestyon niya.

Pilit akong ngumiti ng harapin siya, "Yes."

"Alright, he gave you the flower you hate. Still you're happy," tumitig ako sa kaniya.

"Doesn't concern you."

"Hakuna Miran," lumunok ako ng sambitin niya ang dalawang pangalan ko. Tinitigan ko siya, pero nakatitig lang rin siya sa akin.

"Are you willing to watch a war between two men over a woman?" Bahagya akong napaatras ng subukan niyang hawakan ang pisngi ko.

"You already gave me up," matipid siyang ngumiti ngunit nakakakaba ang abong mga mata niya na blangko ang tingin kahit na nakangiti ang labi niya.

"Laze, things were always not meant for you. It doesn't seem to be clear to you yet, I am getting married in the next three months." Huminga ako ng malalim.

"Tama na," pabulong na sabi ko.

"Huwag mo ng saktan pa lalo yung sarili mo sa akin kasi hindi ko na alam ang gagawin ko para mapatawad mo pa ako."  Pakiusap ko, umiwas tingin siya at ngumiti.

"Save yourself, because I can't save your feelings, not anymore." Tumango si Laze.

"Don't mind me then," tumayo siya at tsaka pumasok sa loob kaya natulala ako sa pintong pinasukan niya at nanghihinang napahawak sa kung saan.

Kinagabihan ay sinundo ako ni Terry pero naunang umalis si Laze at sa sobrang paharurot niya sa sasakyan ay kahit buhangin napunta sa sasakyan ni Terry.

"Galit ba sa akin 'yon?" Nagtatakang tanong ni Terry kaya umiling ako.

"G-Ganoon lang talaga siya, tara na?" Anyaya ko.

Tumango siya at pinagbuksan ako ng pinto, isang buwan na mula ng i-anunsyo ni lola ang engagement, binigyan lang ako ni Terry ng apat na buwan para ma-enjoy ko.

Kahit na ang gusto nila lolo at lola ay kasal na kaagad within a month, nang nasa condo niya na ay napatitig ako sa mga niluto niya.

Mukhang masasarap at mabango ang mga 'yon, inalalayan niya akong maupo sa dining niya na may dim lights pa.

So romantic.

Kumain naman na kaming dalawa, tahimik lang ako dahil sa dami ng iniisip ko. "You can sleep over," nakangiting sabi niya kaya matipid akong ngumiti.

"I'll think about it," matipid kong sagot.

I have to love him right? He'll be my husband soon.

Matapos kumain ay naramdaman ko na ang antok dahil na rin sa wine siguro, "Do you even like me, Terry?" Matipid na tanong ko.

"Of course," tumango ako sa sagot niya.

"Don't you have a girlfriend?" Kwestyon ko, matipid siyang ngumiti.

"Ikaw." Itinuro niya ako.

Matipid akong ngumiti at tumango, "We're in arranged marriage, Terry. Wala bang masasaktan na iba?" Kinakabahan na tanong ko.

"Wala, I didn't have a girlfriend before I met you." Tumango ako sa kwento niya.

"Ikaw? Nagka-boyfriend ka?" Napakurap ako sa tanong niya, napaisip ako bigla.

"Oo, isa." Matipid kong sagot.

"Ah, may nasasaktan ba ngayon?" Umiling ako bilang sagot.

Naupo ako sa sofa niya at humarap sa tv, ngunit natigilan ako ng humalik muli sa pisngi ko si Terry, nang hawiin niya ang buhok ko ay alam ko na kung saan ito pupunta kaya umiwas ako at ngumiti.

"Hindi ako marunong humalik. Pwede bang bigyan mo muna ako ng oras?" Napangiti siya at tumango, "Sure."

Mabilis na dumaan ang araw at nang makauwi ako sa condo ko ay natigilan ako ng makita si Terry. "Nandito ka pala," matipid na sabi ko.

"I dropped off a gift, monthsary natin."  Nagulat ako at nahiya.

"Hala sorry, hindi ko alam—"

"It's okay," nakangiting sabi niya.

Days passed and Laze was not even talking to me not until one day, he came to me. He smells a bit of liquor, nasa rest house kami papaanong nagawa niyang uminom?

"Laze." Gulat na sabi ko.

"Hakuna," ngumiti siya at sinapo ang pisngi ko.

"Laze ano ba," sita ko at bahagyang sinita siya ngunit para siyang makulit na bata at hinawakan muli ang pisngi ko.

"I miss you." Ngumuso siya at maluha luhang tinitigan ako, napaatras ako ng ilapit niya ang mukha ngunit huli na ang lahat dahil nasiil niya na ng ganoon kabilis ang labi ko.

Halos manlaki ang mata ko ng isandal niya ang likuran ng ulo ko sa tabi ng pinto ng rest house. Hindi ako makagalaw ng siya mismo ang magpunta sa kung saan saang direksyon ang ulo ko upang mas mahalikan niya ako.

Madiin akong napapikit at napakapit sa braso niya ng malasahan ko ang alak na kaniyang ininom, ngunit mas kumabog ng malakas ang dibdib ko nang sandaling subukan ng dila niyang maglikot.

Nang tumigil siya at tinitigan niya ang mukha ko at ngumiti, ganoon ako napalunok ng sumubsob ang mukha niya sa balikat ko. "L-Laze." Natapik ko ang likod niya.

"Laze."  Ngunit doon ko na-sigurado na bumagsak na siya sa rami ng nainom, huminga ako ng malalim at walang nagawa kundi alalayan siya papunta sa tinutuluyan niya sa rest house.

Nang mabuksan ang kwarto niya ay nahirapan ako sa bigat ng katawan niya, nahiya yung maliit kong katawan para alalayan siya. Ibinaba ko siya sa kama niya ngunit nagmamaktol pa siya na parang bata na init na init kaya naman nilakasan ko yung aircon at huminga ng malalim.

Bigla ay nahawakan ko ang sariling labi at tsaka ako napayuko sa sariling palad. I am not a cheater, I will not cheat. Lumabas na ako ng kwarto na 'yon at dumeretso sa kwarto ko.

We're both taken, siguro wala na talagang pag-asa sa aming dalawa sa kahit na anong sitwasyon? Hindi ko na dapat sinimulan 'to. Nasasaktan ko na naman siya dahil sa pagiging makasarili ko.

Matapos ko magpahinga ng ilang minuto ay tumayo na ako para umalis, pupunta muna ako sa condo ko. Kahit nanlalata akong pumasok ay natigil akong muli ng makita si Terry. "Nandito ka ulit," mahinang sabi ko.

"May naiwan ka ba?" Kwestyon ko.

"I want to talk," mahinang sabi niya. Tumango naman ako at pumayag, nang makaupo ay hinintay ko siyang magsalita.

"I want to marry you already, this month." Nanlaki ang mata ko sa sinabu niya.

"Pero may tatlong buwan pa ako Terry—"

"I'm changing it." Umawang ang labi ko at mahinang natawa.

"Ayoko pa, hindi pa ako handa." Mariing sabi ko.

"Why? Is it because of him?" Naitikom ko ang bibig, ano bang sinasabi niya?

"Sino?"

"That Architect Garcia, may gusto 'yon sa'yo 'di ba? Kaya galit na galit siya sa akin. I won't let him have you anyways, so I'll change the wedding date. It will be next week."  Umawang ang labi ko ng diktahan niya ako.

"Pwede bang huwag mo akong diktahan? Ikakasal rin ako, kasal ko rin 'to kaya may karapatan akong magdesisyon." Nauubusang pasensya na sabi ko.

"If your grandparents will listen to you." Napatitig ako sa kaniya dahil parang pagbabanta 'yon.

"W-Why are you suddenly doing this to me, Terry?" Napaiwas tingin siya.

"I started to like you." Napapikit ako sa narinig.

"But I don't feel the same—"

"Then put an effort into it, or else I'll just ruin your company." Gitil niya, napatitig ako sa kaniya.

I can't believe he's saying this, mali ba ako ng pagkilala sa kanya?

Nang wala na akong masabi ay tumayo ako at tinitigan siya. "You can leave. Leave because I am disappointed in you." Gitil ko, huminga siya ng malalim at basta basta na lang na tumayo at lumabas ng condo ko.

Makalipas ang araw ay pumasok ako sa trabaho, wala ako sa mood pero may meeting. Pagkapasok ko ay nakaupo na silang lahat lalo na si Laze sa pinakagitna.

Sandali niya lang akong sinulyapan bago siya tumayo, "Now that all of you are here, I'll start discussing how would the glass walls would be attached."  He started discussing, Even though he's not staring at me feel ko masama ang loob niya sa akin.

Lalo na sa last conversation namin sa harap ng bahay. Nang matapos ay tatayo na sana kami, "But first, let me tell you about myself. Ayoko kasi na panay hindi sigurado ang nalalaman niyo." Napalunok ako.

"I am Jeremiah Laze Sandoval Garcia, an architect, single and not committed." Pagkasabi niya no'n ay nasulyapan niya ako seryoso ang mga kilay at tingin.

H-Hindi ko naman alam.

"Sino yung babae last time, architect?" Paglilinaw ni Carl.

"She's my cousin, Sierah Garcia." Napaiwas tingin ako at tumikhim na lang, napaubo rin si Crizel at uminom ng tubig.

"Awit." Bulong ni Jem at napasipol.

"G-Ganda architect." Sagot na lang ni Carl.

"Pero nagka-girlfriend ka architect?" Tanong ni Carl, tumikhim si Laze at tsaka ibinaba ang ballpen na hawak niya sa mesa.

"Yeah, she's actually sitting here with us." Nang tignan niya ako ay nanlaki ang mata ko, k-kailangan niya bang i-broadcast? Napatingin ako sa ibang kasama at bahagyang napairap.

"So what?" Sumbat ko.

"Hindi bigdeal, ikakasal na ako." Singhal na sabi ko tsaka ako inis na tumayo sa table at kinuha ang purse ko tsaka ako dumeretso sa labas.

Buong araw ay wala ako sa mood, iniisip rin ang sinasabi ni Terry. Later on while I was standing by in the balcony of the rest house my phone rings and it's my grandmother.

"Good afternoon lola." Mahinang bati ko.

"Good afternoon apo, Terry just decided to turn the wedding date next week. Be ready to fit your gown and whatever it may be—"

"I can't do it next week, lola."  Maayos na sabi ko.

"But it was set already, have a vacation off." She suggested.

"Lola, I can't be married next week." Mariing sabi ko.

"I am a busy person who will face the wedding next week, I will decline."  Tumikhim siya sa kabilang linya.

"I'll talk to your boss then, the main architect of your project." Umawang ang labi ko

"Why do you need to talk to the main architect of this project lola? Does my opinion not important—"

"I'll talk to her," nanlaki ang mata ko ng kunin ni Laze ang cellphone ko at tsaka niya ni-loud speaker.

Tinaasan ko siya ng kilay at inilingan. "Good afternoon, are you the main architect?" Nang marinig si lola ay naitikom ko ang bibig.

"Yes, Mrs.Lapiz. What's the problem?" Propesyunal na hinarap ni Laze ang lola ko mula sa telepono, nakapamulsa ang isang kamay niya sa slacks na suot niya.

"My granddaughter will get married next week, I'd like to request a 2 week vacation for her to get ready and have a honeymoon after her wedding." Lumunok ako at umiwas tingin ng bahagyang tumaas ang kilay ni Laze bago siya tumikhim.

"We're actually in the site, due to heavy construction. I'm afraid I can't give her a vacation. She's the second architect in charge, and if you'll forcely ask me there will be consequences." Lumunok ako dahil sa sinabi ni Laze.

Consequences?

"What consequences? Maybe we could comply?" Lola stated.

"Her, losing her license for life." Umawang ang labi ko ngunit seryoso niya lang akong tinignan.

"What? That's harsh."

"Weddings are not that important these days because of annulments and divorce, why bother having a vacation for that wedding?" Nahawakan ko si Laze sa pulsuhan sa kung saan nandoon ang cellphone pero tumaas ang kilay niya sa akin.

"Not important? H-How could you say that architect? May I know your name and your company, I'd like to talk with the CEO and report you—"

"I am Architect Jeremiah Laze Sandoval Garcia, familiar?" Hindi ako makapaniwalang tumitig kay Laze sa sinabi niya, his name is powerful without pulling strings.

"You're the grandchild they're talking about?" Tumikhim si Laze.

"Maybe? But then if a wedding is more important than your grandchild's career, I understand. License is not a joke, this project is also not a joke. She signed a contract." After those words, Laze handed me the phone but my grandmother hung ups.

Huminga ako ng malalim at itinago ang cellphone ko. "I thought that's your wedding? Why can't you declare a date that they would follow?" Nangunot ang noo ko at seryoso siyang tinitigan.

"None of your business." Walang ganang sabi ko at nilampasan siya pero natigilan ako ng makita si Terry na nakatayo sa gilid ng sasakyan niya.

"Oh, your boyfriend is here." Sarkastikong sabi ni Laze.

"Edi puntahan mo." Inis na sabi ko at pumasok sa loob, ayoko ring harapin si Terry, nababadtrip ako sa ginawa niya.

"Ano namang pakialam ko sa nobyo mo? Baka gusto mo makakitang walang malay 'yon?" Humabol si Laze sa akin maya tumigil ako sa harapan niya at tinaasan siya ng kilay.

"Malay ko sa'yo. Layuan niyo nga ako, naiinis ako sa inyong lahat." Inis na sabi ko at pumasok sa kwarto ko, sinaraduhan ko siya ngunit kumatok siya.

"Sure ka? I can do anything even if it will hurt him?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, binuksan ko ang kwarto at inis siyang tinitigan.

"Huwag mo ng subukan, Laze." Banta ko.

"Try me." Tinaasan niya ako ng kilay kaya inis ko siyang tinitigan.

"Laze, huwag mo ng subukan. Huwag mo na akong bigyan ng problema, kung nasasaktan ka sa akin. Fire me—"

"Do I even have the right to fire you?" Sumbat niya.

"Malay ko sa'yo."

"Hakuna Miran." Naninitang tawag niya sa pangalan ko.

"Magpapahinga na ako kasi masakit yung ulo ko, huwag mo akong guguluhin, huwag niyo akong guguluhin." Seryosong sabi ko.

Bahagyang umawang ang labi niya. "Whatever." Lumunok ako ng siya mismo nagsara sa pinto ko, nangunot ang noo ko. Ang weird talaga ng mannequin na 'yon ang sarap sakalin!

Umidlip ako at hindi ko namalayan ang oras, hanggang sa lumabas ako ng kwarto ngunit nakita ko si Terry na nakaupo sa sofa ng sala sa rest house.

Habang si Laze ay naka-sandal ang balikat sa shelves habang nasa maliit na sofa naman si Jem na hindi alam ang sasabihin dahil sa sama ng tingin ni Laze kay Terry.

"Miran." Nang matignan ko si Terry ay napairap kaagad ako.

"Why are you here?" Kwestyon ko at pinagkrus rin ang braso ko.

"I came here to apologize for what I've done last night." Tumaas ang kilay ni Laze sa ginawa, huminga ako ng malalim ay seryosong tinignan si Terry.

"Don't just apologize to me, Terry. Take back whatever you mentioned to my grandmother." Kundisyon ko, huminga siya ng malalim at tumango.

"I will."

"Okay then, pwede ka ng umuwi." Sambit ko, huminga ito ng malalim at umiling.

"I'm sorry," nang kunin niya ang kamay ko ay mabilis kong nasulyapan si Laze na nakatayo na ng tuwid matapos makita si Terry na kunin ang kamay ko.

"Just take back what you told my grandmother, Terry." Ngumiti si Terry at yayakap na sana pero napaatras ako ng dumaan si Laze sa gitna namin.

"No boyfriend and girlfriend are allowed in this rest house." Seryosong sabi ni Laze at blangkong tinignan si Terry, both of them were intimidated by each other.

"That's not for you to decide, Architect Garcia—"

"And that's not for you to take care of,"  lumunok ako ng maging blangko ang tingin niya at kahit na emosyon niya ay hindi magawang basahin.

Nagagalit ba siya?

"Bro, mabuti siguro kung susundin mo si Architect Garcia. Siya kasi talaga yung may karapatan sa amin, kung ayos lang." Sumingit si Jem at inakbayan si Terry.

"Alright, magpapaalam lang ako kay Miran." Ganoon ako natuod ng yumuko si Terry at dinampian ang labi ko dahilan para mabigla ako ay mapaatras habang hindi makapaniwala sa ginawa niya.

"I'll go ahead," paalam ni Terry.

Nang makalabas si Terry ay napakurap ako at tinignan ang mga kasama na napapailing at hindi alam ang sasabihin, nang sulyapan ko si Laze ay blangko lang siyang nakatitig sa akin na para bang gusto niyang alisin ang labi ko.

Ganoon ako napaatras ng parang galit siyang lumapit sa akin ngunit napakurap ako ng gamitin niya ang hinlalaking daliri at pinunasan ang nadampian kong labi ni Terry. "That germs." Mahinang bulong niya.

Pero agaran kong naramdaman ang konsensya ng biglang mabasa ko ang emosyon ng mata niyang nasasaktan habang pinupunasan ng ilang beses ang labi ko. Napakurap ako at tsaka inawat ang daliri niya.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

Tumitig siya sa labi ko na para bang hindi niya mai-alis ang tingin doon, kumurap siya at umiling. Tsaka niya ako tinalikuran at parang wala lang siyang pumasok sa kwarto niya.

Nang tignan ko si Jem ay napailing iling siya sa akin, "Ouch." Mahinang sabi niya sa akin kaya napanguso ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

///

@/n: Any thoughts? Oo, ako lang 'to guys 😳

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
14.8K 1.1K 50
ENDLESS SERIES # 2 Si Kaizer ay isang playboy. Kung sino-sino ang kaniyang dine-date ngunit ni isa sa mga iyon ay wala siyang sineryoso. Ayaw niya sa...
213K 3.7K 40
* Ken Chan - Rusty * Katrina Halili - Lilet * Lharby Policarpio - Wendell * Kiko Estrada - Andy * Enzo Pineda - Buddy * Wilbert Ross - Kris * Anjo Da...
41K 3.5K 37
[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin an...