Must Have Been The Wind (3G S...

By Maecel_DC

6.1K 780 16.1K

Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigil... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue

Chapter 51

63 6 278
By Maecel_DC

Chapter 51:

Hakuna Miran's Point of View.

"Like what?" Kwestyon ko, hindi ko gusto na nahahalata niyang iniiwasan ko siya so I'm trying my best to make it not obvious.

"Have a debate with me, I'm giving you the chance to choose between love and money." Naupo kami sa kung saan natatanaw namin ang karagatang kaharap ng rest house.

"You know how to debate right?" Tumango ako.

"Choose."

"I'll give you the chance to make me lose if you'll choose love." Ngumuso ako sa sinabi niya.

"Then I'll choose love over money." Ngumisi siya at tumango.

"Then start, or should I?" Kwestyon niya, "Simulan ko na syempre." Sagot ko at tsaka ako sumimsim habang siya ay nakatitig sa mata ko mismo.

"I'll start with the basic, no rules naman. How can you be happy without love?" Sinimulan ko sa tanong dahilan para yanigin ang interes niya.

"Money can also buy happiness, buy what you want, buy food. What can you afford in love?" Napangisi ako.

"With pure love, you'll know how to be content in life. There is this quote saying that if you are contented you'll be happy." Pinanlakihan ko siya ng mata matapos sabihin 'yon.

"Love can make you go crazy." Sa sinabi niya ay naitikom ko ang bibig.

"Money can make you do bad things." Tumaas ang kilay niya.

"Love can make you starve in hunger because you can't buy food with love." Naningkit ang mata ko sa rason niya.

"Money can get you in trouble." I stated, confidently.

"Love gets me in trouble, love is selfish." Tumaas ang kilay ko sa winika niya.

"Money will make you corrupt."

"Money will also make you have friends who only love your money." Gitil ko.

"Money is evil." Singhal ko.

"Love can't save you from illness, you'll need money on an everyday basis of your life. Money is essential because you can't have your own land because of love. You can't make other doctors heal you because of love. They don't pity these days, you'll end up dead because of sacrificing because of love." Sa haba ng sinabi niya ay inis kong ibinaba ang kupita ng iniinuman.

"Love can cause you death—"

"Then you don't love me? Because you just need money?" Sa sinabi ko ay hindi makapaniwala niya akong tinignan.

Bahagyang umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang nangisi sa sinabi ko, bigla naman akong nahiya. "Well, if you'll love me. I'll give up all my money and die." My jaw fell open.

"Laze." Seryosong sambit ko sa pangalan niya.

"Seriously." Tumitig siya sa mata ko at kumportable niyang isinandal ang likod sa sandalan tsaka niya kinuha ang kupita at sumimsim doon, napatitig ako sa labi niya ng makita ko na may alak pa ang labi niya.

He's the one who'll make me lose.

Ngumisi na lang ako upang maiba ang usapan, "Joke lang."

Seryoso siyang tumitig sa akin, "I am serious."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya kaya naman napairap ako, "I don't like you, but I can love you effortlessly." Naitikom ko muli ang bibig sa sinabi niya, shit. Lakas makapanindig balahibo ng lalake na 'to.

"Debate lang 'di ba? B-Ba't ka ganyan?" Hindi makapaniwalang sabi ko, hindi ko naman maalis ang titig sa magandang mga mata niya.

"You started it, you made it easier for me to make it personal." Huminga ako ng malalim at napaiwas tingin, sandali akong natulala sa iniinom.

"I'll pretend I didn't hear it," wika ko at tsaka ako tumayo pero pagkatayo ko ay natigilan ako ng makita si Yuno.

"Wait." Paalam ko at tsaka tinanaw siya, mabilis siyang sumenyas na lumapit ako sa kaniya mula sa labas ng rest house. Mukhang giniginaw siya sa malakas na hangin.

"Bakit?" Tanong ko ng makalapit.

"Have you heard about the engagement party for both of you?" Nangunot ang noo ko at umiling.

"Hindi pa, ano ba meron doon?"

"That means they'll announce the upcoming wedding." Nangunot ang noo ko ng hindi siya maintindihan, "Hindi mo gets?" Hindi makapaniwalang sabi niya kaya tumango ako.

Naka-jacket na siya ngunit nangangatog pa rin siya sa lamig, bahagya ring maputla ang labi niya kaya nagtaka ako. "May sakit ka ba?" Kwestyon ko at tumingkayad upang pakiramdaman ang init ng noo niya.

"Wala, okay lang." Sagot niya, "Ibig sabihin no'n malalaman ng lahat na ikakasal ka na, hindi pa alam ng lahat 'di ba?" Natigilan ako ng ituloy niya ang sinabi.

"M-Malalaman at malalaman pa rin naman nila sa takdang panahon," bulong ko.

"Papayag ka lang na ikasal? Sabi ko itatakbo na kita kung ayaw mo makasal doon." Mahina akong natawa at umiling.

"Ayokong mapahamak ang hanap buhay ng pamilya namin." Matipid kong sabi.

"Tange, mayaman naman na kayo. Para saan pa na ikakasal ka para sa hanap buhay niyo." Seryosong sabi niya.

"Nilalagnat ka, bakit ka pa sumugod gabi na?" Nagkibit balikat siya at napabuga ng hangin sa sariling bibig sa pagkaginaw.

"Pumasok ka muna." Matipid na sabi ko.

"Nandiyan si Laze?" Kwestyon niya pa at tumanaw.

"Oo, siya yung main architect eh. Alangan ng wala 'yan." Sarkastikang sabi ko.

"Aawayin ko lang 'yan, hindi na." Mahina akong natawa sa sinabi niya.

"Pumasok ka na, mamaya mamatay ka pa sa kalsada tapos ako huli mong nakausap delikado na, baka i-chismis eh nag-away tayo kaya ka namatay—"

"Yung bibig nito, pasmado." Singhal niya.

"Atat kang patayin ako, hindi halata, ikaw talaga suspect." Natawa kami kaya hinila ko na siya papasok pero pagkapasok ay natigilan ako ng makitang nakaupo si Laze habang ang tingin niya sa amin ay seryoso at matalas.

"Oy Yuno!" Lumapit si Crizel ay inakbayan si Yuno kahit na matangkad at dahil doon ay agad na napalayo si Crizel. "Gago may lagnat ka?" Tanong ni Crizel.

"Wala."

"Meron," sumbat ni Crizel.

"Oh alak," nanlaki ang mata ko.

"Hoy, gamot ipainom mo hindi alak." Sermon ko.

"Pwede na 'to." Ngumisi si Yuno at nang magtama ang mata nila ni Laze ay sumeryoso ang tingin ni Yuno at tsaka umiwas tingin halos magulat ako ng akbayan ako ni Yuno at tangayin.

"Asarin ko muna, ganda pikunin eh." Napalo ko si Yuno pero tuwang tuwa lang siya.

"Ikaw ba si Sha, Yuno?" Biglang natanong ko, natigilan siya at hinarap ako.

"Ako ba siya sa tingin mo?" Kwestyon niya.

"Seryoso nga kasi?" Sumbat ko.

"Parang ako ba siya?" Dahan dahan akong tumango, ngumisi siya at tsaka mahinang natawa.

"You'll find out soon," umawang ang labi ko ng pisilin ni Yuno ang pisngi ko dahilan para mapalo ko ang likuran ng palad niya na ikinatawa niya.

"Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, naging murderer na si Laze." Ngumisi si Yuno at sinulyapan si Laze matapos siyang bumulong kaya lumunok ako at dahan dahan na nilingon si Laze.

Magkahawak ang kamay niya at nakapatong ang siko niya sa mesa habang ang chin niya ay nasa ibabaw ng magkahawak niyang kamay.

Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay matipid siyang ngumiti at binawi rin 'yon agad kaya lumapit ako sa kaniya. "Lend your hand," biglang sabi ko na ikinakunot ng kaniyang noo.

"Lend?" He asked, so I demonstrated it so he could also know what I mean. Napatango siya at inilahad ang kamay niya sa akin, napatitig ako ng mapansin ang daliri niyang payat ngunit may kahabaan.

Ganda naman ng kamay nito, parang pwede i-model. "What now?" He asked, he curiously lent his hand and trusted me. Hinanap ko ang itinago sa bulsa na candy, yung nakuha ko lang sa cafe.

Nang mahanap ay inilagay ko 'yon sa palad niya, It's a heart candy. Natigilan siya at tinignan 'yon ng malapitan ang abo niyang mata ay bahagyang lumaki ang pupils at 'yon ang pinakamaganda sa mata niya sa tuwing dilated yung pupils niya.

He looked at me, and tilted his head a little to the left. "Are you giving your heart to me?" Nanlaki ang mata ko, yes but why did he get it so easily? Syempre itatanggi ko.

"Nope," sagot ko.

"I just think you deserve that candy." Pagdadahilan ko, tumango siya.

"Thank you." Lumunok ako ng ibulsa niya 'yon.

"Tikman mo kaya—"

"Later." Matipid na wika niya, inayos niya ang suot na shirt dahilan para makita ng bahagya ang buto buto niya sa balikat.

"Why did you get a tattoo pala?" I stated and touched his wrist para makita ko, nangunot ang noo ko ng mapansin ang maliliit na line at dots ano 'to?

"Ano 'to?" Tanong ko.

.... -- .-. .-..

Ano 'to?

"Wala." Sagot niya.

"May meaning ba 'to?" Tanong ko.

"Yeah." Tumango siya.

"Hindi mo sasabihin kung ano?" Nagbabakasakali kong sabi not until he stood up that made me lean backwards dahil kung hindi magtatama ang tungi ng mga ilong namin.

"Find out yourself, babe." Nanlaki ang mata ko ng ngumisi siya matapos sabihin 'yon at tsaka niya kinuha ang kupita ng alak at nilampasan ako na para bang wala siyang ginawa o sinabi na mali!

Napabuga ako ng hangin ng mabilis na magwala ang puso kong parati na late react, hindi makapaniwala ko siyang nilingon na ngayon ay nakaupo sa sala habang ang ibang kasama ay nagsasaya doon.

Babe? Babe? Babe? Saan galing 'yon?

Huminga ako ng malalim at lumapit ng tawagin nila ako, "Inom ka." Nilagyan nila ang kupita ko pero nasulyapan ko si Laze na hindi ako tinitignan.

Nagpapa-hard to get ba siya matapos niya akong i-babe?

Panay ang sulyap ko sa kaniya ngunit hindi ko siya naabutan na sinusulyapan ako kaya bahagya ay naiirita ako, si Yuno ay nakitulog muna sa kwarto ni Jem ewan ko ba sa dalawa at close na close sila na para bang ang tagal na nilang magkakilala.

Matapos uminom ay may tama na ang iba at ako ay wala gaano, dahil hindi ko mabilis maubos yung nasa kupita ko. Napansin ko naman si Laze na napapatakip na ng bibig sa tuwing humihikab siya. Naging antukin?

Kumuha naman ako ng grapes sa gitna ng mesa at tsaka ako naupo sa katapat ni Laze pero hindi niya ako tinitignan, nang-iinis ba siya? Gumaganti?

Inaya niya ako mag-saya tapos hindi niya ako papansinin ngayon, "Are you mad?" Hindi mapigilang tanong ko ngunit inaantok niya lang ako na sinulyapan at tumingin na muli sa kung saan dahilan para umawang ang labi ko.

"W-Wala ba akong kausap?" Napipikon na gitil ko ngunit hindi niya ako pinansin.

Luh?

Seryoso ba siya? Hindi niya ba ako naririnig?

Napanguso ako at suminghal, inis kong kinuha ang buong tangkay ng ubas at inubos ko 'yon ngunit hindi pa rin siya umiimik. "Jem," tawag ko kay Jem na napadaan.

"Oh?" Tugon niya at tumigil sa pag-hakbang.

"Si Yuno?" Kwestyon ko.

"Nasa kwarto ko, naglalaro sa cellphone niya. Bakit?" Kwestyon ni Jem, punong puno ng pagtataka.

"Kakausapin ko lang siya." Tumango siya kaya naman kumuha muna ako ng ubas at tsaka ako tumayo, maglalakad na sana ako pero biglang may humawak sa pulsuhan ko dahilan para lingunin ko si Laze na kanina pa ako dinedeadma.

"What?" Kwestyon ko.

"What are you doing?" Tinitigan ko siya at tinaasan ng kamay.

"Namiss ko si Yuno, sasamahan ko muna. I am not having fun, kasi dito." Idiniin ko ang word na FUN para maisip niya na bwisit siya.

Napatitig siya sa akin at dahan dahan na binitiwan ang kamay ko. "If you didn't get to leave that room for 5 minutes, I'll barge in." Seryosong sabi niya at nakapamulsang tumayo upang lumabas ng rest house kaya nangunot ang noo ko at tsaka ako pumunta kay Yuno.

"Yunooooo malaki uloooo—"

"Ano? Kung ano anong iniimbento nito na pang-asar. Ang pangit." Singhal niya, nakatingin sa nilalaro. Natawa ako at tsaka naupo sa tabi niya.

"Ano 'yan?" Turo ko.

"Cellphone." Sa sagot niya ay napairap ako.

"Yunoooo—"

"Miran, parang nantitrip, bakit nga?" Nakakunot ang noo niya habang pumipindot sa cellphone.

"Can you tell me the details for tomorrow's engagement party?" Huminga siya ng malalim at nilingon ako matapos patayin yung cellphone niya.

Wow, itinigil yung laro para sa akin. "What do you need to know?" Kwestyon ni Yuno at seryoso akong tinitigan, nakaupo siya malapit sa headboard ng kama habang ako ay nasa gilid lang.

"The family who'll be there to witness the announcement." Tumitig sa akin si Yuno, umayos siya ng upo at humarap sa akin.

"Get it straight." Seryosong sabi niya kaya huminga ako ng malalim.

"Will he be there?" Matagal niya akong tinitigan, inayos niya ang buhok niya at tsaka umiwas tingin at tumango.

"You can't keep it hidden for long, Miran." Bumuntong hininga ako at napanguso.

"I'll just have to accept this fate then," bulong ko.

"Sabi ko itatakas kita, ayaw mo naman." Umirap ako sa suhestyon niya.

Magsasalita pa sana si Yuno ngunit bumukas ang pinto dahilanara matigilan kami, nanlaki ang mata ko ng makita si Laze na seryosong nakatingin. "5 minutes." He tapped his watch using his point finger and glanced at Yuno.

"Mamaya ka na, bebe time kami." Asar ni Yuno at aakbayan sana ako pero lumapit si Laze at hinawakan ako sa kamay at tinangay na palabas ng kwarto.

"Sleep if you're sleepy, goodnight." Nanlaki ang mata ko ng tangayin niya ako sa kwarto ko pinagbuksan pa nga niya ako ng pinto.

"B-Ba't?"

Seryoso ang mga abo niyang mata. "Tulog ka na, look at your eyes. You look tired," napairap ako tsaka ko siya tinaasan ng kilay.

"Okay, goodnight." Natigilan siya at seryoso akong muli na tinitigan.

"Goodnight." Tumango lang siya.

"Goodnight." Sabi ko ulit, natigilan siya ulit ay nangunot ang noo.

"Goodnight Hakuna Miran." Umatras na ako at kahit pa-unti unti ay isinasara ko na ang pinto.

Matipid siyang ngumiti, at nang masarado ko na ang pinto ay napatalon ako sa kama at mahigpit na niyakap ang unan ko. Wala ng ganito sa oras na malaman niya.

Kinaumagahan ay nagising akong naririnig ang sumbatan sa labas ng kwarto ko kaya inaantok akong bumangon at uminom ng tubig bago lumabas.

Natigilan ako ng matanaw si Laze na halatang stressed umagang umaga, "That's the only blueprint, that's the original copy how could you spill your coffee in it?" He pointed to the blueprint that is a mess.

"What's my advice? Don't get your trash on this table. Why? Because an accident could happen." Nakayuko lang si Ruri at Carl.

"Now, tell me. Paano natin 'to maayos? Maibabalik ba natin 'to? Anong ipapakita niyo sa consultant ngayon sinira niyo yung blueprint?" Natigilan sila ng lumapit ako sa mesa upang tignan 'yon.

"Dapat ba gawin ko ulit 'to? Uulitin ko?" Nang makita na mahirap nga ma-recover 'yon ay bahagya rin akong nanlumo.

"Damn, I still have a lot of things to check yet I'm stuck in here because of your mess." Nakikita ko kung gaano siya ka-strict.

Nakakatakot magkamali.

"S-Susubukan na lang namin ibalik A-Architect Garcia." Kabadong sabi ni Ruri.

"Ako na." Mahinang sabi ko, napatingin sa akin si Laze pati na ang iba na nakikinig lang.

"How?" Kwestyon ni Laze.

"Kabisado mo ba bawat kanto ng bagong original blueprint?" Seryosong kwestyon ni Laze.

"Paano kung sabihin kong oo?" Sumbat ko.

"Paano lang?" Mabilis na tumaas ang kilay ko.

"'Di ba sinabi kong ako na? Ibig sabihin no'n alam ko yung ginagawa ko. Don't start an argument with me just because you're stressed. Kumalma ka nga." Singhal ko at tsaka ko kinuhanan ng litrato ang blueprint.

"Ikaw gumawa?" Tanong ko kay Laze.

"Sino pa ba." Matipid niyang sagot.

"Engineers, sa susunod na mangyari pa 'to. I won't let it slide. Rules are still rules." Paalala ko sa kanila bago ko tinalikuran silang lahat.

May engagement party pa akong pupuntahan pero mukhang kailangan ko 'to matapos bago gumabi. Naligo muna ako at nag-ayos ng sarili tsaka ko hinarap ang blueprint sa kwarto ko, nakaupo ako sa harapan ng mesa habang sinusuri kung papaano ko isa-isa na maibabalik ang blueprint.

Inipit ko ang buhok ko upang walang humaharang habang inaayos ko ang blueprint, nang abutin ako ng dalawang oras ay hindi ko pa rin ito tapos. Hanggang sa may kumatok sa kwarto kaya naman nalingon ko 'yon. Nangunot ang noo ko ng makita si Laze.

"My apologies." Nagtaka ako ng ibaba niya ang ice cream na nasa baso sa dulo ng mesa.

"Hayaan mo na." Mahinang sabi ko.

"I'll help you then, kabisado ko pa naman." Tinignan niya ang natapos ko na tsaka nangunot ang noo niya, dahil doon ay mas naging madali dahil sa mas kabisado niya sa akin ang blueprint.

"I'll go first then, we can do it tomorrow." Paalam ni Laze kaya napatitig ako sa kaniya.

Wala ng bukas sa mga ngiti niya..

"May lakad ka?" Mahinang tanong ko kahit na alam ko na yung pupuntahan niya.

"Uhm, yeah. A party," matipid niyang sagot. Napatitig ako sa mga mata niya bago ko 'yon pinagmasdan ng matagal.

"Have f-fun, ingat ka Laze." Nang mautal ay umiwas tingin ako pero natigilan ako ng ngumiti siya at bahagyang guluhin ang buhok ko.

"You're acting strange but cute, I'll go ahead. You're not gonna ask me to stay anyway." Ngumisi siya sa sinabi kaya mahina akong natawa at napairap.

"Alis na." Bugaw ko pa.

Kinagabihan ay nag-ayos rin ako at sumabay sa family ko papunta sa party, hindi ko pa nakikita si Laze ngunit nang gabing 'yon ay kabang kaba ako dahil nandito rin sila Jem, Yuno, Ate Janella at Crizel.

Kasama rin si Yamato na tahimik lang, nakita ko na ang family nila Laze pero hindi ko pa nakikita si Laze. Nang umakyat na yung lolo at lola ni Terry ay napapikit ako sa kaba.

Ito na 'yon hindi ba? "I'll now announce the engagement of my grandchild, Terry. Come here apo." Nang umakyat na sa stage si Terry ay kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"And the grandchildren of the Lapiz family, Miss Hakuna Miran Romero Lapiz." Napatitig ako sa table namin, "Come here hija." Nang tawagin ako ay nagulat rin sila Janella, at Yamato kahit na si Jem.

"Ikaw?" Gulat na sabi ni Ate Janella.

Nakagat ko ang ibabang labi tsaka ako tumayo dahil sinundo ako mismo ni Terry sa table namin, tinanggap ko ang kamay niya at tsaka kami umakyat sa stage.

Nang nasa harapan na ay natigilan ako ng magtama ang mata namin ni Laze sa hindi kalayuang table, nakakunot ang noo niya ngunit ang tingin niya sa akin ay napuno ng pagtataka.

Napaiwas tingin ako at tsaka ko pinilit ngumiti sa maraming tao, nang matapos ang pagkilanlan na 'yon ay nasa iisang table ang fam namin pati na ang pamilyang Bautista.

"We didn't know about this," biglang sabi ni Ate Janella.

"Hindi mo naman na kailangan, ang mahalaga alam mo na ngayon apo." Nakangiting sabi ni lola.

"Is this a forced marriage?" Biglang sabi ni Yamato na ikinatikom ng bibig ni lolo at lola.

"Because if ever I found out that you forced my sister to marry someone she doesn't like. I don't care if the downfall of this family will be my fault." Mabilis siyang sinita ni mama sa sinabi niya.

"I agreed on this." Mahinang sabi ko.

"Ate?"

"It is not forced." Dagdag ko.

"My sister has a warm heart, you made her pity you?" Napalo ni mama ang kandungan ni Ate Janella.

Natigilan ako ng hawakan ni Terry ang kamay ko at ilagay sa itaas ng mesa, bumuntong hininga ako at tsaka pilit nginitian ang lahat. "I'll meet with businessmen first."  Paalam ni Terry at sumama sa grandparents niya.

Nang pakiramdam ko kailangan ko ng hangin ay nanghihina akong tumayo at iniwan ang pamilya ko para lang pumunta sa maluwag na terrace sa venue na 'to.

Nang makarating doon ay napahawak ako sa railing at huminga ng malalim, napapikit ako at nakapa ang dibdib sa kabang nararamdaman. "Hakuna Miran." Natigilan ako ng marinig ang malumanay ngunit malamig na tinig ni Laze.

Nalingon ko siya at tsaka ko siya tinignan. "Hmm?" Tugon ko, ang titig niya sa akin ay wala pa man ngunit parang nangengwestyon na.

"Nandito ka pala." Maangan ko.

"You knew that I'd be here, hmm?"  Huminga ako ng malalim at ngumiti, tsaka ako umiling.

"I didn't expect to see—" sa gulat ay napahawak ako sa suot niyang damit sa dibdib lalo na ng yumuko siya at hapitin ako gamit ang isang braso ngunit ang isang kamay ay nakahawak sa railing.

Mariin akong napapikit ng halikan niya ako ng may bahagyang diin, umawang ang labi ko ng pumisil siya sa bewang ko ngunit ganoon kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko ng malasahan ang nainom niya kanina.

Tila may nangingiliti sa laman loob ko ngunit ng maalala kung ano ang dapat kong panindigan ay iniiwas ko ang mukha at tsaka ako yumuko nang magkahiwalay ang mga labi namin.

"You're making my heart shattered into pieces again, Hakuna Miran." Mahinang sabi niya at tsaka siya dumistansya sa akin, ang abo niyang mata ay sobrang lamig ng titig sa akin.

I'm sorry Laze.

///

Continue Reading

You'll Also Like

25K 635 55
He didn't want those eyes to meet again, because when his eyes met those eyes he didn't want to lose sight of those girl who have a curse eyes- Her e...
2.1K 64 9
I wasn't happy; I am lonely. Being part of a royal family makes me feel alone. Not until I met him. The dominant and ruthless Hugh Augustus Sandejas...
231K 1.9K 38
Kapag magmomove on ba, kailangan ng kasama? Kailangan ba ng rebounder? Kailangan ba may magpasaya sayo para maka move on ka? Paano kung yung REBOUNDE...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...