Must Have Been The Wind (3G S...

By Maecel_DC

6.1K 780 16.1K

Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigil... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue

Chapter 43

63 7 163
By Maecel_DC

Chapter 43:

Hakuna Miran's Point of View.

After my party, I was never happy.

Ngayon ay nagbubukas ako ng mga regalong hindi ko nagawang buksan kahapon dahil sa pagod, nasa condo ako at mag-isa. Ihahatid raw ni dad ang mga regalong naiwan sa kaniya kahapon kaya naman hihintayin ko na lang dahil linggo naman.

Ang ibang bisita kasi ay hindi ko kilala dahil friends sila ni dad, nakagat ko ang ibabang labi ko ng may ma-receive akong text message from someone who's number is unknown.

From 639*********:

Good afternoon, this is Attorney Kent Axel Sandoval. I'll be calling you so please answer it. I have something to discuss. Thank you.

Attorney? May kaso ba ako? May nalabag ba akong batas?! Hala.

At halos mapatalon ako sa pagkakaupo ng malakas na mag-ring ang cellphone ko, sinagot ko 'yon at dahan dahan na inilagay sa tenga ko upang marinig siya.

"Good afternoon, Attorney Sandoval talking. May I know whom I'm talking right now?" Lumunok ako ng marinig ang malalim nitong boses at may kalamigan ang himig.

'Yon bang boses pa lang, masasabi mong gwapo at may dating na yung nagsasalita.

"Good afternoon po, Hakuna Miran Romero po." Nahihiyang sagot ko.

"Alright, I'm a private attorney. You can call me anytime you need me, I'll be one call away. I can hold cases such as Homicide, Abuse, and a lot more. That's all," napatigil pa siya at parang napaisip.

Hanggang sa may kumatok kaya tumayo ako baka si daddy, "Thank you po. I'll end the call—"

"Don't end the call yet, Miss Romero. You can open the door and tell me who's there." Nangunot ang noo ko at nagtaka, bakit?

"Yung daddy ko lang naman po inaasahan kong dadating," pagsagot ko.

"Sure but don't end the call yet." Wala akong nagawa kundi sundin siya, sumilip ako sa peephole pero nagtaka ako ng wala akong makita dahil madilim yung silipan.

Nawalan ba kuryente?

"Who is it?"

"Wait po," sagot ko at binuksan ang pinto upang silipin at dahil doon ay mabilis kong sinubukan na isara ang pinto ngunit naitulak niya 'yon kaagad.

"Tito Jubal," kinakabahan na sambit ko sa pangalan niya nanlalaki ang mata.

"Miss Romero, sino yung nandiyan?" Mabilis kong inabot ang cellphone ko at mabilis na lumayo kay Tito Jubal.

"Yung step father ko po, tulungan niyo po ako—ah!"

Tumalsik ang cellphone ko ng hablutin ako ni Tito Jubal at ihagis sa pader dahilan para mauntog ako at tumama ang katawan ko doon. "Masaya ka bang nabuo ang pamilya niyo?!" Sigaw ni Tito Jubal at hinablot ang buhok ko.

Nakaluhod ako ngayon dahil hawak niya ang buhok ko at mahigpit ang kapit doon, napaluha ako kaagad dahil sa sakit ng mga 'yon. "Mas mabuti siguro kung burahin na lang kita sa mundo, ngunit mas mabuti siguro kung pahirapan ka muna bago ka mawalan ng hininga." Napapikit ako ng sakalin niya ako at idiin sa pader.

Nahawakan ko ang kamay niya ng mahirapan akong huminga, ngunit napa-daing ako ng hablutin niya ang damit na suot io ngunit kahit na ang kuko niya ay nagalusan ako at sobrang hapdi no'n.

Napunit ang suot ko sa pantaas ngunit mas hindi ako makahinga sa sakal niya, natigilan ako ng bitiwan niya ako ngunit tinutukan niya ako ng kutsilyo sa leeg dahilan para hindi ko magawang gumalaw dahil ramdam ko ang lamig ng talas no'n.

"Subukan mong pumalag." Banta niya, napapikit ako ng alisin niya ang suot na belt, binitiwan niya 'yon at nang mahulog ang pantalon na suot niya ay ni hindi ko magawang tumingin sa ibaba.

Nakakadiri.

Mangiyak ngiyak kong ipinikit ang mata ng muli niya akong babuyin, ngunit napamulat ako ng makita kong tumilapon si Tito Jubal mula sa pagkakapatong sa akin.

"Papatayin kita!" Natulala ako kay dad ng pumatong siya kay Tito Jubal at derederetsong sinuntok ng malalakas ang mukha ni Tito Jubal.

"Gago ka!" Tuluyan akong naluha ng makita ang dugo mula sa mukha ni Tito Jubal at kamao ni dad, panay ang iyak ko sa panghihina. Pakiramdam ko ay sakal sakal pa rin ako at sumakit ng husto ang katawan ko.

Nang mawalan ng malay si Tito Jubal ay agaran na lumapit sa akin si dad, sinapo niya ang mukha ko. "H-Huwag ka ng matakot, nandito na si daddy okay?" Panay ang hikbi ko at hinayaan siyang yakapin ako upang tumahan.

Ngunit ganoon nalaglag ang panga ko ng sumigaw si Tito Jubal at mapadaing si dad, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pag-guhit ng sakit sa mukha ni dad. "D-Dad," sambit ko sa pangalan niya.

"Magkamatayan na tayo Alejandro!" Sigaw ni Tito Jubal, naiyak ako lalo ng tumitig sa akin si dad at tumango siya.

"O-Okay lang, h-huwag kang matakot. B-Bibilang ako ng tatlo, kailangan mong tumakbo papaalis dito." Umiling iling ako ng may makitang dugo sa bibig niya habang nagsasalita siya.

"Dad.."

"Tumakbo ka, h-humingi ka ng tulong. Iligtas mo yung sarili mo anak, okay?" Umiling iling ako at sinulyapan si Tito Jubal.

"A-Ang sama sama mo!" Galit na sigaw ko sa kaniya.

"Magkamatayan na Miran." Gigil na sabi ni Tito Jubal.

"A-Anak, tumakbo ka na. U-Umalis ka na, mahal na mahal ko kayo ng kapatid at mama mo." Nakagat ko ang ibabang labi at mas naluha.

"I-Isa," panimula ni dad hirap na hirap habang ako hindi ko alam ang gagawin.

"Dalawa.."

"Dad."

"Takbo Miran," mariing bulong ni dad kaya tumayo ako at dahil doon ay kinaya kong buhatin ang sariling timbang kahit pa nanghihina ako.

Half way ay nakita ko yung lalake na med student, " Tulungan mo 'ko." Pakiusap ko at dahil doon ay nagulat siya, gulat niya akong nalingon.

"Yung daddy ko nasaksak, tulungan mo—"

"Nasaan siya?" Hinang hina ko siyang hinila papunta sa condo ko, pero bago 'yon ay inalis niya ang suot niyang hospital coat at ipinatong sa balikat ko tapos ay nauna siyang tumakbo.

Sumunod ako kahit pa hindi ko mawari kung papaano hihinga, nang makarating sa condo ay nakasandal si dad sa sofa at nahihirapang huminga. "Sir." Tinapik nito yung daddy ko at mabilis niyang pinunit ang kung anong tela at itinapal doon sa saksak ni dad.

Gigil na gigil kong tinitigan si Tito Jubal na hindi gaano makatayo, pumunta ako sa kusina at kinuha ko ang kung anong kutsilyo doon. Lumapit ako sa kaniya, "Kasalanan mong lahat!" Galit kong sigaw at isasaksak na sana 'yon sa kaniya ngunit mabilis na may humuli sa kamay ko.

"Miran hindi," natignan ko si Jem na hinihingal at kadarating lang.

"Hindi mo pwedeng dumihan ang kamay mo para lang sa isang tulad niyang walang kwenta." Napaluhod ako at umiiyak na yumuko.

"The medics are on the way, your dad will need a surgery." Hindi ko naintindihan ang sinabi nila ngunit inalalayan ako ni Jem ng may mga pulis na pumasok at mga paramedics.

Dinala nila kami sa ospital, ngunit dineretso nila sa operating yung daddy ko habang ako ay nasa emergency room, tila nabibingi na ang mga tenga ko at wala akong nauunawaan sa kahit anong buka ng mga bibig nila.

Makalipas ng oras ay nagising akong may benda sa ulo, may bandage sa leeg at naka-suot ng hospital gown. Dahan dahan akong bumangon at ganoon na lang ang pag-aalala ko ng maalala si dad.

Nandito si Janella at Yamato nagbabantay. "Si dad?" Tanong ko kaagad.

"G-Gising na si ate! Ate Janella!" Napangiwi ako ng kumirot ang gilid ng ulo ko.

"Tumawag ka ng doctor dali!" Utos ni Janella kay Yamato at lumapit sa akin.

"Okay ka na ba? Maayos ka na? Yung ulo mo kumusta?" Nag-aalala niyang tanong at hinawakan ang kamay ko, napalunok ako at hinanap ang orasan.

"S-Si dad nasaan? Siya ang kumusta?" Kwestyon ko.

Huminga ng malalim si Ate Janella at naupo sa gilid ng kama ko, "Okay lang si dad, mas nauna pa nga siyang nagising kesa sa'yo." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong naunang nagising?"

"Ang tagal mo kayang tulog, ni hindi ka uminom ng tubig o gumamit ng banyo." Lumunok ako, "Anong matagal? Gaano katagal?" Kwestyon ko.

"Pag-tatatlong araw na sana kung hindi ka pa gumising diyan," mahinahon niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko sa gulat.

G-Ganoon kahaba?

"Understandable naman kasi sabi ng doctor mo, nag-cause raw 'yon ng trauma sa'yo. Kaya matagal kang natulog para bumawi ka ng lakas kasi nagkaroon ka rin ng mental exhaustion." Kumunok ako ng walang maintindihan ngunit ganoon ako napangiwi ng sumakit ang puson.

"Cr, Ate." Nanlaki ang mata niya at agaran akong inalalayan kasama ang fluid ng IV.

Pagkatapos no'n ay pumasok si dad na nakaupo sa wheel chair at si mama na may dalang mga prutas. "Gising ka na anak, kumusta nararamdaman mo?" Kwestyon ni mama at inayos ang buhok ko.

Inalis niya ang clip niya sa buhok at inipit ang buhok ko sa likod para hindi humarang sa mukha ko. "Pwede na po 'to alisin?" Tanong ko itinuro ang benda sa ulo.

"Aba'y pwede na siguro." Sagot ni mama, dahil doon ay pinaalis na 'yon at bigla hindi ko inaasahan na papasok ang isang gwapong lalake na may dalang black bag na business type at naka-suot siya ng itim na polo.

"Good morning, Miss Romero." Nang marinig ang boses niya ay napalunok ako, siya yung attorney.

"Good morning po, attorney." Mahinahon na sabi ko.

"Good morning," bati niya sa lahat.

"I just came here to discuss you the case of your assault, abuse and the attempted murder and rape." Tumango ako bilang sagot.

"Opo."

"Alright, since you just turned 18, I can't stress you out. Your parents are obligated to go in every trial we'll have, and you can come but if it stresses you I understand." He explained every detail that I need to learn.

Mabilis na lumipas ang araw at medyo nahirapan kami sa kaso na isasampa dahil sa mga ebidensya na na-fabricate na ng pamilyang police ni Tito Jubal. As for moment, nakakulong siya ngayon at hindi siya binigyan ng freedom to have compensation.

Na-stress ako, inaamin ko at the same time kinailangan kong ihabol lahat ng na-miss na lessons and classes ko. Hindi na rin bumalik pa si Laze ngunit hindi ko rin siya maalis sa isip ko.

Sa dami rin siguro ng masasakit na sinabi ko ay talagang mas mabuting lumayo na lang siya sa akin at kalimutan ako.

Matapos ng klase ay umuwi ako sa bahay, "Anak. Lilipat na tayo ng bahay," natigilan ako at tinitigan si mama sa sinabi.

"Saan po tayo?" Tanong ko.

"Sa Canada," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jem.

"S-Seryoso?"

"Joke lang," tumawa siya ng malakas dahilan para sumama ang mukha ko at inis siyang irapan.

"Lumayas ka nga sa harapan ko," inis na sabi ko at ibinaba ang gamit ko.

"Kailan ba mama?" Kwestyon ko.

"Bukas mismo anak, nakahanap na kasi ng bagong malilipatan ang daddy mo." Napatango tango ako, "Wala namang problema mama." Matipid na sabi ko.

"Pero dito pa rin, hindi tayo lalayo rito. Lilipat lang tayo sa subdivision." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni mama, "Mas better mama, hindi maiwan ni Yamato yung comic store dito eh." Natatawang sabi ko, mabilis naman siyang sumumbat.

"Syempre ate," dahil doon ay inayos ko na rin ang mga gamit ko. Nag-stop muna ako sa pagiging part timer dahil sobrang hirap ng 4th semester.

Mabilis na dumaan ang oras at kahit second year college na ako ay naging matagal ang proseso ng kaso ngunit patuloy kaming lumalaban na makulong ng mas matagal pa si Tito Jubal.

"Jusko dzaiii, maaga ba ako kukunin ni lord? Tatlong oras lang tulog ko ngayong araw. Lintek na model 'yan," napangiti ako sa reklamo ni Crizel matapos maupo sa school cafeteria.

"Si Janella asan?" Tanong niya.

"Mas malala 'yon, hindi natulog kagabi." Natatawang sabi ko, "Ikaw ilang oras tulog mo?" Tanong niya at naniningkit ang mga mata.

"Hindi ko bilang, nag-review pa ako sa recitation ni sir—"

"Ay gaga! Oo nga pala!" Mabilis na kinuha ni Crizel ang reviewer niya at nang makarating si Janella ay kain basa ang ginawa namin, wala ng pahinga.

"Doon tayo sa condo mo mamaya, Mare." Suhestyon ni Crizel kaya tumango lang ako.

"Sige lang, hindi naman natutulugan kama doon." Pagsangayon ko.

"Buti na lang single tayo lahat 'no? Dami naghihiwalay na mag-jowa sa college eh." Gitil ni Crizel habang ngumunguya ng nuggets.

"Si Yamato nag-start na siya 'di ba?" Kwestyon ni Crizel.

"Oo, buti nga nandiyan 'yan oh. Hindi gaano naghihirap 'yon." Tukoy ko kay Janella.

"Omsim." Sagot ni Janella at salubong ang kilay na uminom ng gatas at binasa na ang binder niya sa kung saan nandoon ang mga compiled reviewer niya.

"Bilis ng oras, malapit na birthday ni La— ni Miran." Sandali akong natahimik dahil alam ko kung sino naman talaga ang tinutukoy ni Crizel.

Makalipas ang ilang buwan ay natapos na namin ang 3rd semester exam at ngayon ay nakahilata kami sa condo ko not until may kumatok. "Sino 'yon?" Kwestyon ko.

Sa totoo lang nagkaroon ako ng trauma sa pagbubukas ng mga pinto, dahil yata sa mga nangyari sa akin. "Ako na magbubukas," pangunguna ni Crizel.

Pagkabukas ay halos napasigaw kami ng biglang sumigaw si Jem, Yamato at Yuno. "Party party!" Sigaw ni Yuno at pumasok dala-dala ang tatlong pizza box.

"Ambag ko presensya mga ate," nakangising sabi ni Yamato.

Nahiya pa siya.

"Syempre, ambag ko lahat ng kailangan." Natatawang sabi ni Jem hawak hawak ang ibang food at ang nakakatuwa ay may ice cream cake pa at may dvd, chips and etcetera.

"No to alcohol tayo ha," paglilinaw ni Jem.

"Bakit kayo nag-engineer apat?" Tukoy ko kay Janella, Jem, Yuno at Yamato.

"Well, we want to secure safety of every building." Matinong sagot ni Janella.

"Ikaw?" Turo ko kay Yuno.

"Mamaya, isip pa ako sagot." Napangiwi ako at itinuro si Jem.

"Kasi engineering rin siya?" Turo niya kay Janella kaya natawa ako at tinignan si Yamato.

"Kasi architect ka ate," napatango ako sa sagot niya.

"Ako naman wala lang, malaki sweldo. Trip pa ng girls." Umawang ang labi ko sa sagot ni Yuno, "Ayan, kaya wala kang kwenta eh. Pogi lang ambag mo sa kurso mo." Natatawang asar ni Crizel kay Yuno.

"Awts gege." Yuno stated and grabbed the soda in can.

"Buti pinalitan na ni tito yung ibang gamit mo dito," wika ni Yuno at hinawakan ang bagong sofa.

"May malas yata na dala yung sofa," pagbibiro ko.

"Oo 'di ba dito nag-kiss si Janella at—"

"Oy gago! Walang ganoon!" Sigaw ni Janella kaya natahimik ako bigla.

"Ay, j-joke." Bulong ni Yuno, tumabi siya sa akin at inakbayan ako pero mabilis na inalis ni Jem ang pagkaka-akbay ni Yuno sa akin at siya ang umakbay.

"Alis nga kayong dal'wa. Pinag-aagawan niyo pa ate ko, ako ang legal na kapatid alis!" Natawa ako sa singhal ni Yamato at naupo sa tabi ko.

"Penge wantawsan ate ha, naubos na allowance ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yamato.

"Wow, upgraded ka noon isang daan lang. Ngayon isang libo na?!" Ngumiti siya ng matamis at inabutan ako ng root beer kaya ngumiwi ako at ininom 'yon.

Muling tumakbo ang oras at hindi ko namalayan na graduating na pala ako sa kurso ko, sobrang bilis ng panahon. Papunta na akong bente dos, maayos na rin ang pamilya namin at tuluyan ng nakulong si Tito Jubal for 38 years.

Magaling na abogado rin si Attorney Sandoval at pati safety namin ng family ko ay sinesecure niya rin. Ngunit balita ko ngayon ay isa na siyang ganap na prosecutor.

Gagawin ko na yung OJT ko ngayon, halos lahat kami kahit sila Yuno, Jem at Janella. Stress days, hawak ko ang folders ko ay pumasok kami sa isang kumpanya.

Isa itong firm, for architectural courses and engineering. "Huwag ka kabahan," paalala ni Crizel kaya tumango ako.

Ngunit ng nasa harap na kami ng interview ay halos matawa ako ng mangatog si Crizel sa pagkakahawak sa mga folder niya, sabi niya huwag akong kabahan ngunit heto siya oh.

At the end of the day natanggap kami at puwede ng pumasok bukas, nakapasa naman na kami sa exam eh. Gusto na lang namin ng experience talaga, mabilis na tumakbo ang oras at dahil doon ay ibibigay na kami sa assigned projects.

At dahil grumaduate kami ng may mataas na grado, mataas na ranko ay big projects ang mga 'yon. Kaya kailangan talaga naming gawin yung best if bests namin.

Naghihintay kami sa iisang room, nang pumasok ang mas mataas sa amin. "Good morning everyone, for Miss Hakuna Miran Romero Lapiz. Come with me," sumunod ako sa kaniya habang ang mga palad ko ay nanlalamig.

Nakita ko ang ibang makakasama ngunit dalawang engineer sila, isa ay babae at isa naman ay lalake. "This project will be a hotel in a beach, as of now tatlo pa lang kayo but then yung trusted architect ng owner ay uuwi galing Japan." Tumango kami sa sinabi nito.

"Yes ma'am."

"I'll assigned the three of you to fetch the fourth member of this project. I should say siya ang susundin natin sa project na 'to dahil lumapit mismo sa kaniya yung owner." Tumango kami muli.

"What an special architect, porket ibang bansa? Duh." Bulong na sabi ng babaeng engineer.

"Ganyan talaga, special classes 'yon." Sangayon ng isang lalake.

"Classmate ba kayo sa dating school?" Kwestyon ko, tumango sila at ngumiti.

"Oo," tumango ako.

"Ako nga pala si Miran Romero Lapiz." Pakilala ko at nakipag-kamay.

Nagpakilala rin sila sa akin, at dahil doon ay kailangan naming sumakay sa van para sunduin yung fourth member namin, for sure english ang language no'n dahil ibang bansa siya galing.

Nose bleed na naman ba?

Inayos ko ang sarili ko at tumikhim, katabi ko naman yung driver dahil nasa harap ako nakaupo. Para malaki yung space ng susunduin namin. "Hindi man lang binigay yung name 'no. Sabagay separate plane pala gamit mukhang expert at big time." Chismisan nila sa likod habang ako ay tahimik lang sa harapan nakikisabay sa tugtugan ni manong driver na pusong bato.

'Di mo alam dahil sa'yo, ako'y 'di makakakain, 'di rin makatulog buhat ng iyo'y lokohin~

Nang makarating sa airport ay sinuot ko na ang salamin na provided ng company, para daw magmukha kaming presentable. Nakatayo lang kami habang hinihintay ang nag-take off na plane.

"Babae siguro, mukhang metikolosa eh. Kailangan pa ganto kaayos suot natin, so professional." Natawa ako sa sinabi ng kasama ko.

"Hayaan na, mahalaga bagay sa atin." Nakangising sabi ko.

"Ay true!"

Napatingin ako sa sapatos ko ng maalis ang sintas no'n, naupo ako sa sariling paa ko upang matali 'yon. "Siya na ata 'yon." Rinig kong sabi nila ngunit hindi ko matali tali ang sapatos ko dahil sa haba ng sintas.

"Siya na nga!"

"Uy nakakahiya, Architect Lapiz." Sita nito, "Sandali hindi ko matali." Naaburido kong sagot, nang matali 'yon ay tumayo na ako at hinanap ang tinutukoy nila ngunit nangunot ang noo ko ng makita ang lalakeng nala-sun glasses ngunit mas pinukaw ng kwintas nito ang atensyon ko.

'Yung kwintas ni Sha?

///

@/n: Any thoughts?

Continue Reading

You'll Also Like

41K 3.5K 37
[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin an...
2.1K 212 39
Lahat tayo ay may sari-sariling hiling and all she wants is her desired effects. But everything changed in just a snap because of the people who's re...
217K 3.3K 50
Ivan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl...
131K 1.7K 39
He left you with no reason. But what if, one day he came back and begged for you to stay with him for 100 days? Is it a deal or no deal?