Must Have Been The Wind (3G S...

By Maecel_DC

6.1K 780 16.1K

Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigil... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue

Chapter 41

64 9 150
By Maecel_DC

Chapter 41:

Hakuna Miran's Point Of View.

Prente kong hawak hawak ang maraming plates na ipapasa ko at dahil maraming tao sa main entrance ay sa parking lot ako naglakad takbo upang hindi ma-late ngunit nangunot ang noo ko ng matanaw si Laze, ganoon nangunot ang noo ko ng makita sila ni Yuno.

Nang mag-aaway na ang dalawa ay mabilis akong tumakbo papunta sa kanila. "Hoy!" Awat ko ngunit napangiwi ako ng sumakit ang paa ko sa pagkabigla kaya ipinatong ko muna ang gamit sa isang sasakyan at mabilis na pumagitna.

"Mag tigil nga kayong dalawa!" Inis na sigaw ko at itinulak sila papalayo sa isa't isa.

"Laze at Yuno ano ba! Mga feeling bata ha!" Nang mag-layo sila ay salubong ang kilay ni Yuno na tumitig kay Laze.

"Yuno naman!" Sita ko ng susugod pa sana siya pero malakas ko siyang siniko sa tagiliran dahilan para mapahawak siya doon at bahagyang dumaing ng tahimik.

"Isa ka rin Laze! Ano bang pinag-aawayan niyo ha?" Singhal ko, napangiwi ako ng kumirot at humapdi ang talampakan ko.

"Ikaw." Inis na sagot ni Yuno kaya tumaas ang kilay ko.

"Hambalusin ko kaya kayong dalawa sa ulo? Magsi-pasok na nga kayo sa mga klase niyo, late na ako. Nakakainis kayo." Singhal ko at iika ika na kinuha ang gamit ko at tinalikuran sila.

"Ano, angas mo eh. Hindi ka naman maka—"

"Isa pa!" Sigaw ko dahilan para may sumabay sa akin.

"Stupid." Pahabol na sabi ni Laze at sinabayan ako kaya napairap ako.

Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang papunta sa class room namin, "Is your feet okay?" Tanong ni Laze kaya tumango ako, "Is it healing or gettin' worst?" Huminga ako ng malalim sa tanong niya.

"Change its bandage so you'll see." Derektang sabi ko, napatitig siya sa akin kaya umiwas tingin na ako at naglakad na. Sumunod siya at nangunot ang noo ko ng unahan niya akong maglakad.

Epal naman 'to eh.

Nang makapasok sa classroom ay nakita ko kaagad si Crizel kaya tumabi ako sa kaniya, "Ano't nahuli ka sa klase? Nauna ka nga pumasok sa akin eh." Hindi makapaniwalang tanong ni Crizel.

"Umawat ako ng nag-aaway na mga bata." Nakangiwing sabi ko, agad naman lumingon si Laze sa gawi ko ngunit tumingin siya kaagad sa nag-didiscuss na si sir.

Siya yata yung tipo na kahit alam niya na yung inaaral, makikinig pa rin.

Matapos ng klase ay sinuot ko na ang bag ko, para sana pumasok na sa trabaho ngunit pinigilan ako ni Crizel. "Magta-trabaho ka pa? Hindi ka pa ba pinatigil ni tito sa pagtatrabaho para maka-focus ka sa pag-aaral." Nagtataka na sabi ni Crizel.

"Kahit patigilin niya ako hindi naman ako titigil, ayokong humingi ng tulong sa kaniya sa mga pangangailangan ko." Mariing sabi ko, tumitig sa akin si Crizel.

"Galit ka ba sa kaniya?" Umiling ako.

"Hindi, pero hindi ko rin alam kung paano siya pakikisamahan." Matipid na sagot ko ngunit nagsasabi ng totoo, huminga siya ng malalim at tsaka hindi ako makapaniwalang tinitigan.

"Hindi ko inaasahan na magkadugo rin tayo," natawa ako sa sinabi niya.

"Ako rin naman." Sinabayan niya ako sa paglalakad, "Hindi pa magaling paa mo, start ka na kaagad sa work. Si tito naman hindi ka pa lang bigyan ng allowance." Dismayadong sabi niya.

"Hindi ko kailangan no'n," matipid na sabi ko.

"Tigas naman nito, kung hayaan mo kayang patunayan niya sarili niya sa inyo. Wala namang kasalanan si tito kung tuuusin." Ngumuso ako dahil totoo naman ang sinabi niya, "Hindi ko alam."

"Ay grabe mare ha, oh sige balik ka sa step father mong may sanib demonyo." Napangiwi ako sa asar niya, hinatid niya ako sa cafe at tsaka kinuha ang gamit ko. Ilalagay niya na raw sa condo ko dahil makikitulog at idlip siya.

Sinimulan ko na munang ayusin ang sarili, nilinis ko rin ang mga mesang may mga kalat na naiwan. "Miss." Nalingon ko kaagad ang tumawag at tsaka nilapitan ang isang babae, "Pwede bang i-take out na lang ito?" Tinignan ko ang tinutukoy niya.

"Sure ma'am, akin na po." Kinuha ko 'yon at inilagay sa tray tapos ay pumunta ako sa counter at pinabalot 'yon, habang hinihintay ay umatras ako kaya agad na nanlaki ang mata ko ng masagi ang nasa likuran.

"Miran," nagulat rin siyang nakita ako.

"Jem, nagwowork ka pa rin dito?" Tanong ko.

"Hindi na," nakangiting sagot niya. Nanibago ako sa pananamit niya ngayon, parang hindi tulad ng dati. May suot siyang relos, at kahit na simple ang suot niya ay mapapansin ko na mamahalin ang suot niya dahil isang beses ko na rin nakita ang brand na 'to na suot ni Laze at Yuno.

"Nakakapanibago ka ngayon ha," nakangiting sabi ko.

"Ah, may hinihintay lang ako dito. Nice seeing you again, Miran." Ngumiti ako at tumango, ngunit nagtaka ako ng makita ang daddy ni Janell— daddy namin na punasok.

Nagulat rin ito ng makita ako, "You're still working here?" Naitikom ko ang bibig at nahihiyang tinignan si Jem.

"Opo." Nahihiyang sagot ko.

"Let's talk later anak, when you're done." Ngumiti ito sa akin, sinulyapan niya ang paa ko at kalmado akong tinignan ngunit nagtaka ako ng akbayan niya si Jem.

"M-Magkakilala kayo?" Gulat na sabi ko.

"Ah I forgot," ngumiti ang ama ko sa akin at hinarap si Jem na alanganin ang ngiti.

"I'll tell her, let me." Natitigan ko si Jem sa kaniyang sinabi, ngunit pinanood ko ang sariling ama na magkaroon ng private room for us. Nagtataka akong pumasok sa loob at nagtataka na tinitigan ang dalawa.

"I'll help you explain," aniya ni dad.

"Hindi ko po maunawaan." Matipid na sabi ko.

"C-Can I talk to her in private dad?" Halos malaglag ako sa sariling kinauupuan ng marinig ang sinabi ni Jem, natakpan ko ang bibig at hindi makapaniwalang tinignan sila.

"K-Kapatid kita?" Gulat kong sabi.

"I'll give you privacy." Tumayo si dad at iniwan kaming dalawa.

"Jem, ano 'to?" Gulat kong sabi.

"Your father adopted me, 8 years ago. My parents was his best friend," kahit papaano sa narinig ay nakahinga ako ng maluwag.

"So we're not blood related?"

"Yes," sagot niya ngunit mas nagtaka ako.

"I was ten that time, I am an orphan since I don't have any family left. Your father adopted me and treat me like his own son. I was with Janella since we were ten and I was watching you with them from afar." Napatitig ako sa kaniyang sinabi.

"To give back the favor even though your father said it was okay not to do anything and let's me focus on studying engineering, I did something. So I can look out for you, I entered the school and the part time job you have." Huminga ako ng malalim at napatitig sa mga kamay ko.

"We worked hard to find your family, Laze brought us here." Tumango ako sa explanation niya.

"It was them who sent you packages, It was them who send Yamato packages." Nang marinig ang mga 'yon ay wala akong nasabi kundi natulala.

"He's my second dad, Miran. But he's the best, he did everything to be a good father, he worked hard to gain the heir when it's about to fall off and now it's here. He did everything for his family, Janella can't even realize those sacrifices." Mapait siyang ngumiti at umiwas tingin.

"I am not here asking you guys to give him a chance, but I'm here to make you realize that dad did everything kahit wala kayo sa tabi niya. He chose your mother instead of his parents, but your mom left him." I realized how hard it is for him, I know but I am not in the right place to decide for our family.

I am just their daughter. "I understand your mom, but she didn't trust him. Dad can make a living for his own family, whatever work it is. Whatever the circumstances it may," nang maluha ako ay napahid ko ang mga luha sa pisngi.

"Naiintindihan ko," sangayon ko.

"Maybe we just needed time, Jem." Tumango si Jem.

"I know that I am adopted but I'll look out for you as my younger sister." Ngumiti siya at ganoon ako natigilan ng pahidin niya ang luha ko.

"Don't cry, dad will get mad at me." Lumabi ako at hinampas siya sa braso dahilan para mas ngumiti siya.

Nang naging okay na ako ay pumasok na si dad, "Okay na?" Nakangiti niyang tanong kaya naman matipid akong napangiti. Magkahawig sila ni Yamato, ngayon ko lang napansin na parehas sila ng ngiti.

"Hmm how about this Miran, just a suggestion as your dad uhm I'll give you time to settle. I am not forcing you to stop working because somehow it gives you happiness? But I'll give you and provide you anything you need." Sa sinabi niya ay hindi ko alam ang isasagot.

"Just like a father and a daughter anak, uhm giving baon? Like that?" Nakagat ko ang ibabang labi sa suhestyon niya.

"Kayo po yung daddy ko kaya may karapatan po kayong magdesisyon para sa akin, o kung papaano po kayo babawi." Mahinang sabi ko na ikinangiti niya, "Alright, thank you anak." Tumango lang ako at matipid na ngumiti.

"Ganda ng kapatid mo 'no? Mana sa mommy niyang masungit." Nahiya ako bigla sa sinabi ni dad na ikinatawa nila ni Jem.

"When will you introduce me to mother, dad? Ayaw mo yata eh." Pagbibiro ni Jem.

"Baka sabihin niya anak kita sa ibang babae, mawalan ako lalo ng chance." Ngumiti ako at tsaka tumayo na, "Order na po kayo. May work pa ako," dahil doon ay umorder sila at ako ang naghanda no'n.

Pagkatapos no'n ay bumalik ako sa counter to check other costumers pero natigilan lang ako ng makita si Laze sa parati niyang table. Huminga ako ng malalim at nilapitan siya, "What's your order sir?" Tanong ko hawak ang papel at ballpen.

"What would you like to have sir, here's the new menu." Inilapag ko sa harapan niya ang bagong menu na na-release lang kaninang umaga.

Tinignan niya 'yon, "I would like to have you but then I can't so I guess I can have this," umawang ang labi ko sa naging sagot niya ngunit agaran kong isinulat ang sinabi niya. Namumula ang buong mukha, pakiramdam ko ay may nangingiliti sa puso ko dahil sa sinabi niya.

"T-That's all sir?" Kwestyon ko.

"Uhm, yes." Nahihiya akong umalis doon matapos pumunta sa counter at sinabi ang order niya, makalipas ang ilang minuto ay ihinanda ko na sa kaniya ang order niya, in order 'yon from drinks to course meal and dessert.

"Enjoy sir," bahagya pa akong yumuko at umalis na doon.

After 5 minutes ay lumabas si dad at lumapit sa akin, "Una na muna ako anak. Pupunta ako sa inyo," nakangiting sabi nito kaya ngumiti ako at tumango.

"Ingat po." Kinawayan ko siya, lumabas naman na siya hawak ang susi ng sasakyan kaya naupo muna ako habang wala pang nangangailangan sa akin.

Inaantok akong naghintay hanggang sa sampung minuto na ang lumipas ay natanaw ko si Jem na nakangiti dahil nakakausap niya ang ibang nakasama sa trabaho. Nang tignan niya ako ay ngumiti siya, "Sunod ako sa bahay niyo," lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Lil' sis." Napairap ako sa sinabi niya at natawa na lang.

"Go lang," taboy ko.

"Ang sama niyo ni Janella 'no? Hindi nakakakilala ng mas matanda." Natawa ako at inalis na ang pagkaka-akbay niya.

"Pero legit, happy ako na alam mo na." Tumango ako at ngumiti.

"Sige na, alis na. Ingat," ngumiwi siya at halos manlaki ang mata ko ng humalik ito sa noo ko at mabilis na umalis.

"Hoy!" Singhal ko.

"Ganiyan talaga ako hanggang sa isa," pagtukoy niya kay Janella at kumaway na. Umawang ang labi ko at natulala sa pinto, Paano na lang kung iba isipin ng iba?

"Kayo na ni Jem?!" Halos magulat ako sa sulpot ni ateng katrabaho ko na gulat na gulat at nakita ang ginawa ni Jem.

"H-Hindi po!" Mabilis na sagot ko, ngumisi ito at tinaasan ako ng kilay.

"Ate hindi po," mabilis na sagot ko.

"Sige, ganyan talaga minsan dinedeny deny kung ano yung totoo, akala ko pa man din kayo ni Sir Laze." Mas namula ang mukha ko ng mabanggit si Laze, pasimple ko namang nalingon ang gawi ni Laze.

Nakita niya kaya?

Ngunit nakita ko siyang nakatitig lamang sa kinakain niya, nang matapos siya kumain ay tinawag niya ako for his bill kaya naman kinuha ko na 'yon, hindi niya ako nilingon at kumuha lang siya ng cash at inilagay na 'yon.

"Received one thousand pesos sir," I announced.

"Hmm, don't give me the change." Matipid niyang sabi at tumayo na kaya napahakbang ako paatras at pinanood siyang kinuha ang dala niya at lumabas na ng cafe.

Huminga ako ng malalim at matapos ng trabaho ko ay dumeretso ako sa bahay namin, nakita ko naman si Yamato at Jem na nakaupo sa sala kasama si dad na naglalaro rin ng kung anong laro sa bagong TV.

"Ano't nakikibata ka riyan Alejandro," sita ni mama kaya palihim akong nakangiti hanggang sa makita ko si Janella na pababa ng hagdan hawak ang sketch book.

"Uy, Miran. Nakauwi ka na pala, tara dali! May surprise ako sa'yo!" Napakurap ang mga mata ko, surprise pa ba 'yon gayung sinabi niya na may surprise siya sa akin?

Tinangay niya ako sa taas kaya halos mahawakan ko ang sariling dibdib ng makita ang nasa kama ng kwarto ko, "Ano 'to mare, proposal? Tinalo mo pa yung papakasalan ako ha." Hindi makapaniwalang sabi ko, tinitignan ang mga roses.

Can I be your ate?

Natawa ako sa nakasulat sa kama gamit ang mga petals. "Asan yung suhol?" Kwestyon ko dahilan para ngumuso siya at tsaka kinuha sa ilalim ng kama ko ang isang kahon.

"Oh, yan na." Ngumiti ako, at bubuksan na sana pero mabilis niyang pinigil.

"Ano muna sagot, yes or no?" Nagbiro kong nag-isip ng malalim.

"Hoy, huwag mo na pag-isipan." Sita niya kaya natawa ako.

"Oo na, oo na." Natawa siya at yumakap.

"Ate na itatawag mo sa akin, I mean pwedeng mare pero tawagin mo naman akong ate." Ngumiti ako at tumango bilang pag sangayon.

"Buksan ko na ha ate," napangiti siya at ng buksan ko ang regalo ay natigilan ako ng makita ang bracelet.

Napatitig ako doon ng makita ko ang pagkakaparehas no'n sa ginawa ko kay Laze, ngunit ngayon ay si Ate Janella ang may gawa. "Ganda ba?" Nakangiting tanong niya kaya napatango ako.

"Thank you ate," wika ko.

"Isuot mo palagi. Huwag mo aalisin, pwede naman mabasa 'yan." Tumango ako at hinayaan siyang isuot 'yon sa akin.

Bumaba na kami, at nakihalubilo sa kanila. Naupo si Ate Janella sa tabi ni Jem at inagaw ang controller tapos parang sigang lalake na naupo kaya natawa ako, napailing si Jem at tumayo para samahan akong manood.

"Tignan mo ate mo oh, noon pa man aso't pusa na kami." Kwento ni Jem kaya ngumisi ako, "Apat na pala tayo magkakapatid." Nakangiting sabi ko pa.

"May nanay na ako," masayang sabi ni Jem.

"Sus, may cute ka pang kapatid 'no?" Kwestyon ko.

"Ay feeling." Asar niya kaya hinampas ko na naman siya, "Tama na 'yan! Kumain na kayo!" Malakas na sigaw ni mama mula sa kusina.

"Alejandro ano ba't kasi bumili ka na naman ng laruang ganyan, papaano oag hindi nakapag-aral ng maayos yang bunso diyan." Sermon ni mama kaya nagkibit balikat na lang ako ngunit sabay kaming natigilan ng may kumatoi at tumahol.

Si Laze?

Nanlaki ang mata namin ni Jem at agaran siyang naglakad sa kung saan pero lumapit si mama at binuksan ang pinto. "Ay pasok kayo, pasok." Nakangiting sabi ni mama.

Nagtaka si Laze ng makita si Jem, naunang pumasok si Bullet at umakyat agad sa single sofa at naupo doon. Nakakahiya, "Good evening ma'am, sir." Bati ni Laze at bahagyang yumuko sa harapan nila.

"Oy Laze," bati ni Ate Janella.

Nakagat ko ang ibabang labi at hindi na sila pinansin, ngunit pagkalingon ko ay si Jem ang nakaharap ko kaya ngumiwi ako. "Ampanget mo," sambit ko na ikinagulat niya.

"Wow, Hakuna Miran. Pangit 'to?" Itinuro niya ang mukha kaya natatawa akong tumango.

"Kapal ha, porket alam mo na wala ng hiya hiya." Ngumisi ako at tumangong muli.

"Kumain na, kayong dal'wa tama na ang harutan Jem at Miran." Bago unahan si Jem ay mahina ko pa na sinipa ang paa niya.

Nang naupo ay nailang ako ng makaharap si Laze at nagkatabi pa sila ni Jem. Dahil doon ay eyes on the plate lang ako, "Kumusta naman Laze?" Tanong bigla ni mama.

"I'm good, ma'am." Sagot ni Laze, "Mabuti at nakapunta ka rito ngayon, kain ka ng marami ha." Nakangiting sabi ni mama.

"Thank you ma'am." Tugon ni Laze at napansin kong sinulyapan niya ako.

"Wow, couple bracelet?" Tanong ni Yamato kaya agaran kong naitago sa ilalim ng mesa ang pulsuan ko.

"Alin?" Tanong ni Ate Janella.

"Wala ate," nakangiting sagot ni Yamato kaya naman kumain na lang ako.

"Uhm I actually came here to bid my goodbye," nang sabihin 'yon ni Laze ay natignan ko siya kaagad.

"Anong meron kuya?" Tanong ni Yamato.

Saan siya pupunta?

"I'll be gone for a few weeks." Nang sabihin 'yon ni Laze ay iba ang kutob ko, ngunit nanatili akong nakatitig sa kaniya hanggang sa magtama ang mata namin.

///

@/n: Any thoughts?

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 221 45
Cousinhood Series: The Girl in Red Dress a novel written by Hanjmie FIRST LOVE LAST FOREVER. Iyon ang paniniwala ni Marie sa pag-ibig na nararamdaman...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
18K 1.5K 43
Kilala sila bilang mga BITCH, BRATS, QUEENS, sa kanilang pinapasukang university. Paano kapag nag bago ang kanilang buhay dahil lang sa mga lalaking...
310K 5.1K 58
Sabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? La...