Must Have Been The Wind (3G S...

By Maecel_DC

6.1K 780 16.1K

Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigil... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue

Chapter 39

72 9 184
By Maecel_DC

Chapter 39:

Janella's Point of View.

Nang kumalma na ako ay bumalik siya sa dating pwesto niya, huminga siya ng malalim. "I already gave her up, not because I want to but for her to continue studying." Laze explained that made me gasped.

"W-What happened?"

"She blackmailed me that if I won't choose you, she'll never finish college." Mapait siyang tumingin sa akin, kaya nangunot ang noo ko.

"Bakit ka niya pipilitin na piliin ako? Siya nga ang gusto mo." Nagtatakang sabi ko.

"Hindi niya raw ako gusto." Sagot ni Laze kaya umawang ang labi ko, Jusko naman Hakuna Miran hindi ko inaasahan na magiging ganito ka katigas sa lalakeng gusto mo para lang sa akin na wala naman dapat.

Hakuna Miran's Point of View.

Tulaka akong naglalakad habang hawak ang mga pinamili ko sa grocery papunta sa harap ng condo building ko hanggang sa may humawak sa mga plastic bag na 'yon at natigilan ako ng makita si Yuno. "Ano?" Kwestyon ko, ngunit ng maalala ang nangyari ng party ay awtomatikong namula ang mukha ko sa hiya.

"Hindi ka pumapasok." Panimula niya kaya ngumiwi ako, "Pumasok na ako." Matipid na sabi ko.

"Really? Kailan?" Kwestyon niya naman.

"Last week," matipid kong sagot dahilan para tumango tango siya.

"Si Janella kumusta?" Tanong ko kay Yuno.

"Sila na ni Laze," nang sabihin niya 'yon ay natigilan ako ngunit napalunok— "Oh joke lang, ikaw naman. Hindi ko alam, hindi siya okay syempre." Sagot ni Yuno kaya inis kong tinignan si Yuno at malakas na hinampas sa braso.

"Sa tingin mo ba maayos pa kami?" Halos mahiya ako ng bahagyang mamaos ang boses ko, napangiti si Yuno at napalunok ako ng ipatong niya ang palad sa ulo ko at tumango.

"I don't know what she really feels but she's not the type of person to hate someone just because of a guy unless it's a third party." Dahil sa sinabi niya ay kahit papaano nakahinga ako ng maluwag.

"B-Bibisitahin ko siya." Nakangiting sabi ko.

"Pwede," tumango si Yuno matapos sumangayon sa akin.

"How well do you know Janella?" Nagtatakang tanong ko, "I know her well," nakangiting sagot niya.

"How well?"

"Wow, interesado ka ba sa akin o sadyang kay Janella? Linawin mo baka mag-assume ako." Nanlaki ang mata ko at inalis ang palad niya sa tuktok ng ulo ko.

"B-Bahala ka nga diyan." Inis na sabi ko.

"Oh sige, itatakbo ko na grocery mo—"

"Yuno." Gigil na tawag ko sa pangalan niya matapos siya magkunyareng itatakbo ang plastic bag ko, ngumisi siya at sumunod na sa akin.

"Gutom ako, baka trip mo ng palamunin?" Nakagat ko ang ibabang labi ng matawa ako dahil sa pag-puppy eyes niya.

"Kamukha mo na si Bullet." Natatawang sabi ko.

Ngumiti siya at pinindot ang open sa elevator, "Tapusin mo yung kurso mo, kukunin kitang architect sa ipapagawa kong bahay." Nakangiting sabi niya kaya naman natawa ako.

"Sige, basta pag gumuho bahay mo wala akong kinalaman?" Hindi niya ako makapaniwalang nilingon sa sinabi ko, "Ang sama mo naman. Paano pag gumuho 'yon tapos nandoon ka rin sa bahay edi parehas tayong namatay. Goals 'yon?" Natawa ako lalo at sumampa na sa elevator.

"Goals mo mukha mo," ngising sagot ko. "Bakit ako pupunta sa bahay mo ha, bulok." Asar ko pa, "Eh gawa mo 'yon tapos sasabihin mo bulok HAHAHAHHAA." Nang sabihin niya ay napahiya ako, oo nga pala.

"Dami mong says ha, tara na nga. Makikikain ka na nga eh," inis na sabi ko. Sumunod siya hanggang sa condo kaya naman nang makapasok ay isinindi ko na yung aircon dahil nagrereklamo agad ang balat niya sa pawis.

"Yuno, ikaw ba talaga yung nasa party?" Biglang tanong ko matapos ilagay ang avocado na may yelo at gatas, kinuha niya yung mangkok tapos ay tinikman 'yon.

"Secret." Sagot niya at ngumisi, "Pero matamis.." Napalunok ako ng may pahabol siyang sinabi kaya tinitigan ko siya, "Matamis?" Nagtatakang tanong ko.

"Matamis yung alak that night," bulong niyang sabi kaya napairap ako.

"Matamis rin yung avocado dessert ngayon," nakangiting sabi niya dahilan para bahagyang mawala ang mata niya kaya napaiwas tingin ako.

"Nababaliw na ako," bulong ko pa.

"Daldal mo, just eat." Utos niya, napaka-demanding nitong lalake na 'to.

Matapos no'n ay umalis na rin siya kaya naman, ginawa ko na lang ang school activities ko. Makalipas ang ilang araw ay mas lumalapit na ang kaarawan ko ngunit tinotoo ni Laze ang sinabi niya, ni kausapin o tignan ay hindi niya ginagawa.

Buong klase ay ni hindi siya nagsasalita. Habang tahimik ako ay nagtaka ako ng tumayo bigla si Crizel matapos may mabasa sa cellphone niya. "S-Sir, e-excuse me po muna. Emergency lang," nang sabihin niya 'yon ay nag-alala ako.

"Crizel, ano meron?" Aburido siya at pansin ko 'yon, "Si Janella kasi mare, mamaya ko na ieexplain okay?" Sinuot niya ang bag kaya naman kinuha ko ang wallet at cellphone ko tapos ay sumunod sa kaniya.

"Sasamahan na kita," mabilis na sabi ko.

Nang palabas na ay nagtatanong ako, "Ikwento mo kung ano nangyari." Mabilis na sabi ko habang sinasabayan ang lakad takbo na ginagawa niya.

"Nakita ng daddy niya yung iniwan niyang note sa kwarto niya, medyo off yung note pero ayoko ng umabot sa punto na ganoon na naman ang gagawin niya. Nag-away na naman kasi sila ng daddy niya eh alam mo naman na may pinagdadaanan pa si Janella." Nang marinig ang kwento ay parang pati ako nasaktan para sa kaniya.

"A-Ano, h-hanapin natin siya. Maghiwalay tayo," kinakabahan na sabi ko.

"Sige." Sagot niya, "Text mo ako pag nakita mo na siya." Tumango ako at mabilis na naglakad pero bago pa man makaalis ay may pumigil sa akin kaya nalingon ko siya.

Nagulat ako ng makita si Laze. "I am not here to bother you, but I am here to ask you what happened." Lumunok ako sa sinabi niya, "Nawawala si Janella." Mahinang sabi ko.

"K-Kailangan namin siyang mahanap kasi baka wala siya sa tamang pag-iisip ngayon." I explained, si Janella naman eh.

"I'll go with you," napalunok ako sa sinabi ni Laze.

"You can't ride bus, or cab. It will eat a lot of time," mahinahon na sabi niya kaya tumango ako.

"S-Sige." Pag-payag ko, sumakay kami sa sasakyan niya at mabagal namin na nilibot at pinasok ang bawat cafe, restaurant, mall, bookstore, public library at sinehan.

Ngunit wala, kalagitnaan ng paghahanap ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtaka ako ng mag-text si Yamato sa akin.

From Yamato-kudasai:

    Ate, nandito sa bahay yung kaibigan mo ate.

Nangunot ang noo ko, "Nasa bahay namin si Janella, tara." Pagsabi ko.

"Why?" Nagtataka rin siguro si Laze.

"Hindi ko alam." Matipid na sagot ko.

Kinakabahan ako ngunit ng makarating sa harap ng bahay namin ay nagtaka ako ng tahimik, maingat kaming lumapit sa pinto ngunit nagtaka ako ng makita si Yamato na parang tanga na nakasilip sa ibaba nakatanaw sa taas.

"Yamato." Mahinang tawag ko.

"Ate, ano meron?" Kwestyon niya kaya nagkibit balikat ako.

"Ano ba nangyari?"

"Hindi ko alam ate," sagot ni Yamato.

"Laze, dalhin mo muna sa comic store si Yamato." Pakiusap ko, tumango si Laze at inakbayan si Yamato at tinangay sa labas.

Maingat akong umakyat ngunit napansin ko na nandoon sila sa kwarto nila mama, nakabukas ang pinto kaya naman maingat akong naglakad at magsasalita na sana pero natuod ako sa narinig.

"P-Papaano niyo ako nagawang kalimutan?" Napatitig ako kay Janella sa sinabi niya, "P-Papaanong hindi niyo man lang ako nakilala unang beses na nagkita tayo?" Umiiyak siya at nakatayo sa harapan ni mama kaya lumunok ako.

Anong nangyayari?

"Sabihin niyo po sa akin, nakikilala niyo ba ako?" Itinuro ni Janella ang sarili ngunit naguguluhan si mama.

"K-Kaibigan ka ni Miran, hindi ba?" Naguguluhan na sagot ni mama.

"Kaibigan?" Sumbat ni Janella.

"Tama, k-kahit si Miran kaibigan ang tingin sa akin. Kaibigan lang po, ano bang dapat? Isang kaibigan lang naman ako. Sariling nanay ko nga hindi ako kilala eh, sino ba naman ako sa mga puso't isip niyo?" Umawang ang labi ko sa pagkalito.

"Ano bang problema mo hija? N-Nagkaroon ba kayo ng hindi pagkaunawaan ni Miran? Nag-away kayo ng daddy mo?" Kwestyon ni mama at sinubukang hawakan si Janella na derederetso ang pagtulo ng luha sa mata.

"Yung bata na 'yon, nakababatang kaibigan ba talaga? K-Kailan pa maging magkababata si Miran at ako?" Nangunot ang noo ko, dahil nalilito sa usapan nila.

"A-Ano bang sinasabi mo Janella hija," sinubukang pakalmahin ni mama si Janella.

"Yung bata sa litrato, ako 'yon eh! Ako po 'yon!" Mas nagpakita ng emosyon si Janella ngunit napanood ko kung papaano nagbago ang reaksyon ni mama.

"Nang una, natakot ako na baka makilala niyo ako! Na baka maalala niyo ako, pero hindi. T-Tuluyan mo 'kong kinalimutan, tuluyan niyo akong binura sa isip at puso niyo!" Galit na galit at puno ng hinanakit ang sigaw ni Janella ngunit wala akong maintindihan.

Tila nasasaktan ako sa bawat pagluha ni Janella, parang ang sakit sakit ng nararamdaman niya, parang hirap na hirap na siya ipaliwanag yung nararamdaman niya. "Hanggang tanaw na lang ba ako? Hanggang inggit na lang ba? Kahit na ngayon, kahit na yung taong gusto ko si Miran ang gusto! Si Miran! Si Miran na lang papaano naman ako?" Napahid ko ang luha sa mata sa sinabi niya.

"J-Janella." Sambit ni mama sa pangalan niya.

"K-Kinalimutan niyo ako, a-ah hindi tuluyan mo akong ibinaon sa lupa na para bang walang Janella, na para bang sana hindi na lang ako pinanganak!" Napalunok ako na tila may bumabara sa lalamunan ko.

"H-Hindi ko na po alam, ayoko na po, ayoko ng mabuhay." Napatitig ako kay Janella ng pahidin niya ang luha sa mata at hirap na huminga.

"Tinitignan ko si M-Miran sa isip ko, ah kasama ko siya. Ang saya ko kasi napapanood ko siyang lumaki, nag-aaral, pero ang masakit y-yung tinatawag niya akong mare. N-Not knowing na umaasa ako na sana ang itawag niya sa akin—"

"P-Pasensya ka na hija, k-kasalanan ko." Pinilit ni mama na hawakan si Janella ngunit umiwas si Janella.

"N-Nagahasa ako, k-kailangan ko ng nanay no'n. Pero bagkus na nanay ang nandoon mga nurse, yaya ko at doctor!" Sigaw niya, "Yung nanay ko? A-Ano kayang ginagawa niya?" Kwestyon ni Janella.

"Ano kayang ginagawa ni Janine Romero?" Nang sabihin 'yon ni Janella ay natuod ako sa kinatatayuan ko, ngunit parang matutumba ako sa narinig.

T-Tama ako ng rinig hindi ba?

Nang mapaluhod si Janella ay derederetsong tumulo ang luha ko. "K-Kailangan po kita no'n. Sobrang kailangan po kita no'n pero pinabayaan mo ako kay dad! I-Iniwan mo ako sa kaniya!" Hirap na hirap siyang huminga sa pagsigaw ngunit kinakapa niya ang dibdib na para bang pinapakalma niya ang sarili.

"P-Pag gising ko w-wala na kayo sa bahay. P-Pag gising ko si daddy na lang yung kasama ko, p-pag gising ko umalis na kayo. I-Iniwan mo 'ko kay daddy. Na para bang hindi mo ako gustong makasama, kasi iniwan mo 'ko." Pinantayan ni mama ang pagkakaluhod ni Janella.

"I-Inoperahan ako, w-wala ka na magpapatahan sa akin kasi natatakot ako sa ospital. Umalis kayo na para bang sila lang yung anak mo, walang paalam, bigla na lang kayong nawala." Walang masabi si mama sa sinasabi ni Janella kundi pagluha.

"Bakit n-niyo po ako iniwan?" Mahinang tanong ni Janella at sunod sunod ang paghikbi, "Bakit h-hindi niyo po sinabi kay Miran na may ate siya? Bakit po kababata?" Nakagat ko ang ibabang labi ng hindi makayanan ang naririnig.

K-Kapatid ko siya?

"A-Ate niya ako eh, ate niya ako. M-Magkasama dapat kaming lumaki, pero iniwan niyo ako." Natulala ako sa kanilang dalawa, walang masabi at hindi makagalaw.

"N-Nagahasa ako ng d-dalawang lalake, muntik na nila akong patayin pero w-wala akong nanay na makasama. Kasi iniwan mo 'ko, pinabayaan mo ako kay daddy na walang ibang bukang bibig kundi kayo, kundi si Miran, kundi si Yamato." Natakpan ko ang bibig sa narinig.

"H-Hindi ko alam, k-kasi iba ang apelyido mo anak. P-Pasensya ka na—"

"H-Hindi mo ako hinanap." Masamang loob na sabi ni Janella.

"N-Ngayon sirang sira na ako, baka masiraan na ako ng ulo, s-sana nga namatay na lang ako nang operasyon ko para hindi na ako nahihirapan!" Naramdaman ko ang sakit sa bawat pag-sigaw niya.

"Patawarin mo ako a-anak, patawarin mo ako." Niyakap ni mama si Janella at pinatahan kahit na tumutulak si Janella ay ipinilit ni mama na mayakap ito.

Ang paghiyaw niya sa bawat pag-iyak ay hindi ko matagalan, ang paghagulgol ni Janella ay nagbibigay ng matinding pag sikip sa dibdib ko. "A-Anak mo rin naman ako eh, anak niyo rin ako ni daddy pero bakit parang sampid lang ako?" Sumbat ni Janella.

"K-Kahit na alam ko kung nasaan kayo, h-hindi ko kayo malapitan, hindi ko kayo mapuntahan kasi b-baka lumayo kayo ulit sa akin. B-Baka iwan niyo ulit ako, a-ayoko na. H-Hindi ko na po kaya mama." Napaiwas tingin ako ng unti unti na akong humikbi.

"K-Kaya nagmamakaawa po ako, h-huwag na kayong lumayo. K-Kung aalis po kayo ulit isama niyo na lang ako, ayoko na kay daddy. Ayoko na, hirap na hirap na ako." Niyakap ni mama si Janella at hinagod sa likuran.

"H-Hindi na anak, hindi na kita iiwan." Panay ang pag-hagulgol ni Janella sa dibdib ni mama na parang isang bata kaya naman napaupo ako sa hagdan.

Magkapatid nga kami.

Ngunit ganoon ako napatayo ng makita kong pumasok yung daddy ni Janella kasama si Yamato, Laze at Crizel. Napatitig ako sa daddy ni Janella, I-Ibig bang sabihin no'n siya ang tatay ko?

"A-Ate bakit ka umiiyak?" Kwestyon ni Yamato at mabilis na lumapit sa akin.

"Nag-away kayo ni Ate Janella?" Tanong niya, ngunit hindi ko inalis ang tingin ko sa daddy ni Janella.

Ngunit napatingin ako kay mama ng lumabas siya ng kwarto at nagtaka na nakita rin ako. "M-Miran nandito ka pala, a-anong ginagawa niyo rito?" Tanong ni mama at nagtakang tinignan yung daddy ni Janella.

"S-Si Janella mama?" Tanong ko.

"N-Nasa itaas." Hindi niya alam kung papaano ako titignan ngunit nakita ko ang pamumugto ng mata niya.

Ngunit halos lahat kami ay nagulat ng galit ni mama na sampalin ang daddy ni Janella. "I-Ipinagkatiwala ko sa'yo ang pagiging ama, Alejandro!" Nagitla ako ngunit alam ko na ang nangyari.

Naiintindihan ko ang galit sa kanila ngayon, hindi biro.

"Ano't pinabayaan mo siya? Anong klase kang ama!" Sigaw ni mama at naluha, napapikit ako kasabay ng pagluha sa mata.

Ang gulo gulo.

///

@/n: Any thoughts?

Continue Reading

You'll Also Like

25K 635 55
He didn't want those eyes to meet again, because when his eyes met those eyes he didn't want to lose sight of those girl who have a curse eyes- Her e...
11.6K 876 62
May liwanag nga ba na magkagusto ang isang antipatiko, babaero at higit sa lahat ang kanyang amo na magkagusto sa kanya? O mas Malabo pa sa Dim light...
77.3K 2.5K 91
Completed The objective given to Seline, a clandestine agent, was to retrieve a million-dollar ring that had been stolen and was now in the possessio...
Hot and Cold By Tres

Teen Fiction

776K 16.2K 50
Fiero Alexis Azis is the Supreme student president. The most respected student in the university. He's an empire heir, an almost perfect dream guy fo...