Must Have Been The Wind (3G S...

By Maecel_DC

6.1K 780 16.1K

Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigil... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue

Chapter 34

67 12 119
By Maecel_DC

Chapter 34:

Hakuna Miran's Point of View.

Nang bitiwan niya ako ay naguguluhan akong humakbang paatras at hindi siya makapaniwalang tinignan. "B-Bakit?" Litong lito ko na tanong ngunit hindi nagbago ang titig niya sa akin.

"I don't own you, but it feels like I'm losing you." Nangunot ang noo kong tinitigan ang mga mata niyang biglang nagpakita ng emosyon.

"H-Ha?" Naguguluhan kong tanong.

"I know I don't feel anything, but why do I feel your pain?" Bahagyang umawang ang labi ko dahil kahit pa hindi siya nakakapasok ng tuluyan sa condo ay pakiramdam ko na-corner ako kahit kayang kaya kong lumabas sa pagkaka-trap.

"Ano bang sinasabi mo?"

"I am tired talking, can I explain it in different way?" Natitigan ko siya sa mga mata.

"Paano? Sige." Hamon ko ngunit halos mahigit ko ang sariling hininga ng yumuko siya at napanood ko pa kung papaano gumilid ang ulo niya hanggang sa manlaki ang mata ko ng maglapat ang labi naming dal'wa.

"Laze!" Gulat na sabi ko at pakiramdam ko ay nag-init ng todo ang mukha ko, natakpan ko ang labi at napahakbang paatras. A-Anong ginagawa niya? H-Hinalikan niya ako 'di ba?

Nanatili siyang nakatitig sa akin matapos no'n, bagsak man ang buhok niya ay nakikita ko ang mga mata niyang kulay abo na grabe kung tumitig, tagod hanggang buto!

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakatingin sa kaniya.

Anong ibig sabihin nito?

"H-Hindi ko pa rin maintindihan," nagtatakang sabi. Hindi ko mapigil ang pagkautal dahil nakatitig ako sa mukha niyang hindi kakikitaan ng emosyon ngunit ang mata niya ay parang may sinasabi.

Pinanood kong mapayuko si Laze at sapuin ang mukha, "I don't disrespect you, but.." I was caught off guard, my lips were left open as he pressed his lips on mine.

His palms were on the back of my head so I can't pull away but even I had the chance to pull away it feels like I can't. Mariin kong ipinikit ang mga mata ng marahan niyang siniil ang ibabang labi ko ngunit hindi ako marunong humalik kung kaya't buong segundo na 'yon ay para akong estatwa na hindi man lang gumalaw.

"Mare." Sa gulat ko ng marinig ang tinig na 'yon ay napaatras ako papalayo kay Laze dahil nakita kong nakatitig sa amin sila Crizel at Janella na gulat na gulat.

Ngunit mas nag-alala ako ng bumakas ang sakit sa mukha ni Janella, ngunit hindi ko magawang magsalita. Dumapo ang mga mata ko kay Laze at nakatingin lang siya sa akin deretso. Nang mapaatras si Janella ay hindi ko alam kung maiiyak ako dahil lungkot at sakit lang ang nabasa ko sa mata niya at hindi galit.

"J-Janella." Mahinang sambit ko sa pangalan niya ngunit ng talikuran niya kami ay nasapo ko ang sariling mukha. "Janella!" Pagtawag ko at pilit siyang hinabol.

"Sandali!" Tumakbo siya papalayo sa akin dahilan para maiyak ako, nang sumarado ang elevator ay wala akong nagawa kundi maupo sa sarili kong paa at umiyak.

H-Hindi ko sinasadya.

"Mare," itinayo ako ni Crizel at tsaka siya bumuntong hininga.

"H-Hindi ko sinasadya, Crizel. H-Hindi ko alam.." Natatakot kong sabi, ngunit hindi na siya nagsalita at inalalayan na lang akong bumalik sa condo pero nandoon pa si Laze kaya napayuko ako.

"U-Umalis ka na," mahinang sabi ko.

"Umalis ka na Laze." Utos ko.

"Hakun—"

"Umalis ka na sabi eh!" Galit na sigaw ko, "Nakita mo na yung ginawa mo? S-Sinaktan mo yung kaibigan ko! Bakit mo ba naisip 'yon? Ano nakainom ka ba ha!?" Galit kong sigaw at masama siyang tinignan.

"Mare, kalmahan mo lang." Pag-aawat ni Crizel sa akin.

"Paalisin mo 'yan Crizel." Nanlulumo kong sabi.

"Sa tingin ko kailangan niyo munang mag-usap para malinaw yung nangyari mare, ako muna ang aalis susundan ko si Janella." Seryosong sabi niya kaya napaupo ako sa sofa at sinapo ang sariling mukha ko.

What did I do?

"You're making our friendship worst, if you like Janella like her! Bakit kailangang pumunta ka sa akin at gawin 'yon?" Hindi mapigilan kong sumbat.

"I didn't say I like her, why do you keep on making conclusions that is not confirmed by the one you accuses?" He stated, emotions were visible.

"You didn't say? Really? Siya yung ex mo 'di ba? Ikaw mismo nagsabi sa akin?" Sumbat ko, pabulyaw at hindi mapigil ang bibig.

"May relasyon kayong dalawa, nang nakaraan lang kayo yung naghahalikan tapos ngayon hahalikan mo ako na para bang ang dali dali niyang bitiwan! Kaibigan ko 'yon! Magkaibigan kami—"

"Does that matter?" Sa sinabi niya ay hindi ko siya makapaniwalang tinignan.

"Do you think what I did is cheating?" Kumuyom ang kamao ko at tsaka ako tumayo sa inis. "Umalis ka!" Sigaw ko.

"Laze lumayo layo ka sa akin, baka makalimutan kong magkaibigan tayong dal'wa." Nagbabantang sabi ko pero hinawakan niya ako sa braso ng subukan kong umalis.

"Manhid ka ba ha?!" Galit kong binawi ang braso at tinulak siya.

"I like you." Nang pabulong niyang sabihin 'yon ay inaamin ko na nabigla ako at hindi makapaniwala. Hakuna Miran, get it together.

"The feeling is not mutual, Laze. Umalis ka na." Mariing sabi ko, nagsisinungaling.

"Hakuna Miran, I am not asking you to like me back. I am telling you what I feel—"

"I don't care about what you feel," isinampal ko ang kasinungalingan na 'yon sa pagmumukha niya.

"Hakuna.." Nanlulumo niyang tawag sa pangalan ko.

"May iba akong gusto, hindi ikaw 'yon. Nahihibang ka na ba para magkagusto sa akin? Hindi mo ba nakikita yung halaga ni Janella? Para saktan mo siya matapos mo paasahin?" Hindi niya nagawang magsalita at tinitigan lang ako.

"I'll explain to her if it's what you want—"

"Mag-explain ka man sa kaniya o hindi, hindi kita gusto." Pandederekta ko ngunit sa puso ko ay nasasaktan akong sinasaktan ko siya.

Baka nalito lang siya, baka nagkagulo lang.

Napatitig siya sa akin ng matagal bago niya kinagat ang ibabang labi at tumango. "How I wish I've never had the chance to feel this," mahinang sabi niya at tsaka tinalikuran ako at lumabas ng condo.

Mangiyak ngiyak kong sinapo ang mukha, hindi makapaniwala na ganoon karami ang nangyari ngayong gabi. Kanina lang ay kasama ko pa si Yuno ngunit ngayon ay hindi ko na alam kung papaano nauwi sa gan'to.

Inayos ko na ang sarili ko at nang makabalik na sila Crizel ay hinarap ko kaagad si Janella ngunit hindi niya ako magawang tignan at harapin. "J-Janella." Pagtawag ko sa pangalan niya, punong puno ng kaba.

"J-Janella," hinawakan ko ang kamay niya dahilan para pilit niyang sinalubong ang tingin ko, namumugto ang mga mata niya at kinakain ako ng konsensya.

"S-Sorry, h-hindi ko sinasadyang mangyari 'yon. Hindi ko alam na 'yon ang mangyayari." I explained but then she smiled and tapped my shoulders and tried to held her tears.

"O-Okay lang." Mahinang sagot niya.

"Tulog ka na," dagdag niya at tumango kaya nang talikuran niya ako para pumunta sa banyo ay para akong mas kinain ng konsensya at kalungkutan dahil kung ako ang nasa posisyon niya ay sasampalin ko ang sarili ko, magagalit ako ng husto.

Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging trato niya sa akin, mas nalulungkot ako lalo. "Bukas na siguro kayo mag-usap mare, matulog ka na." Mahinang sabi ni Crizel at sinamahan ako papunta sa bed namin.

Kinaumagahan ay nagising akong wala na si Janella sa kama namin, mukhang maaga siya pumasok siguro ay iniiwasan niya ako. Kahit na ganoon ay humanap ako ng pagkakataon para makapag-usap kami ngunit nilulong niya ang sarili sa pag-aaral na para bang hindi siya nasaktan.

Dahil doon ay napapansin ko rin na napapadalas siyang maaga gumigising kahit na anong oras na siya kung matulog. Isang gabi ay nagising ako, ngunit nagtaka ako ng wala sa kama si Janella dahilan para maupo ako at maingat na bumangon.

Ngunit natigilan ako ng makalapit na banyo ay pigil na pag-iyak at hikbi ang nadinig ko, natulala ako sa pinto ng banyo at pagkurap ko ay naluha ako ng maramdaman ko pati na ang hinanakit sa bawat pag-iyak niya.

K-Kasalanan ko 'to.

Nang marinig ko ang tunog ng gripo ay mabilis kong tinakbo pabalik sa kama at nag panggap na tulog. Dahil doon ay napagtanto ko na kailangan ko siyang bigyan ng espasyo at panahon para maging maayos. "Crizel, sa amin muna ako ha. Para makasama ko rin sila mama," nakangiting sabi ko.

"Mare.."

"Para hindi siya gaano mahirapan," mahinang sabi ko at inalala si Janella.

"Hindi na kinakaya ng konsensya ko mare, hindi ko na alam.." Bumuntong hininga siya at tumango.

"Bumalik ka rin kaagad," paalala niya kaya tumango ako at ginawa ang desisyon ko.

Ilanga raw ko na rin na hindi kinikita si Laze, kahit pa tinatawagan niya ako ay hindi ko sinasagot ang kahit isa sa mga 'yon. Nang makarating sa bahay namin ay binati ako ni mama, hindi pa kasi umuuwi si Tito Jubal mula ng gabi na gawin niya sa akin 'yon.

Ngunit naghahatid siya ng mga banta bagay na ikinakatakot namin, "Mama, bakit inaayos niyo ito ngayon?" Nagtatakang tanong ko kay maka habang tinitignan ang mga kahon na may photo albums.

"Sayang naman kung hindi malilinisan, ala-ala rin." Sagot ni mama kaya naupo ako sa harapan doon.

"Patingin mama," paalam ko at naupo sa harapan ng mga 'yon.

"Tignan mo at maalikabok," paalala ni mama. Sinunod ko naman si mama kaya bawal litrato ay pinapagpag ko ngunit awtomatiko akong natigilan sa nakita.

Ganoon na lamang ang pangungunot ng noo ko nang makita ang litrato sa isang nakatagong photo album na galing sa kwarto ni mama. Panay ang titig ko sa tatlong batang nakaupo sa magandang silya at ang isang babae na mahaba ang buhok ay nakangiti habang yakap si Yamato. Kami 'to ni Yamato ng mga bata pa pero sino itong isa?

"Mama, sino 'to?" Mukhang hindi kami nagkakalayo ng taon.

"Huh?" Lumapit si mama sa akin at kinuha ang litrato.

"Kababata mo," matipid niyang sagot at ngumiti sa litrato.

"Nasaan na siya ngayon mama?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko na rin alam anak.." Napatitig ako sa litrato dahil wala akong ala-ala niya sa isipan ko, hindi ko alam kahit na pangalan niya.

Bumuntong hininga ako dahil natapos na ang araw na 'yon ngunit wala akong magawa kundi isipin ang nakababatang sinasabi ni mama. Kung magkikita kami maalala niya pa kaya ako?

Isang linggo na mula ng mapansin kong naging malayo ang loob ni Janella, sa gabi ay naririnig ko siyang nagpipigil ng iyak sa banyo bagay na hindi ko makayanang marinig.

Mahal ko siya na parang tunay kong kapatid at hindi ko inaasahan na ako ang makakapanakit sa kaniya, hindi ko naman sinasadya. Hindi ko alam ang ginawa ko, hindi ko alam kung papaano ako hihingi ng sorry dahil hindi niya binabanggit sa akin 'yon.

Si Tito Jubal ay hindi pa rin umuuwi, dahil paniguradong alam niya ang ginawa niya. Makalipas ang ilang araw ay pumasok na ako dahil may exam kami, hindi rin ako maka-focus sa pagrereview dahil sa nangyari.

Nang makita ako ni Crizel ay humawak siya kaagad sa braso ko. "S-Si Janella kumusta?" Mahinang tanong ko, natigilan siya at napailing iling.

"Hindi rin nag-open sa akin mare eh." Nanlulumo niyang sagot.

"Wala akong ideya sa nararamdaman niya," mahinang bulong ko at nasapo ang noo, "Hindi ko rin ba alam kung dapat pa akong matawag na kaibigan." Ngumuso si Crizel sa sinabi ko.

"Mare, mag focus muna tayo sa exam. Sa susunod na buwan kaarawan mo na." Malungkot akong ngumiti.

"Kaarawan ko man o hindi walang mababago 'yon," wika ko ngunit wala ng nasabi ni Crizel. Nang makapasok sa classroom ay natigilan ako nang magtama ang mata namin ni Laze ngunit mabilis akong nag-iwas tingin.

At dahil magkakatabi ang inuupuan namin ay wala akong nagawa kundi maupo doon, ngunit dahil exam ay mas malaki ang espasyo ng pagitan namin. Hindi naman na siya umimik, ipagpapatuloy ko na ang pag-iwas.

Mas nanaisin ko na hindi saktan si Janella, she only did good deeds, hindi niya deserve masaktan. Natapos ko ang first subject sa second semester test namin, hindi ko alam pero sinagutan ko lang 'yon base sa naaral ko.

Tumayo na ako at inayos ang bag ko ngunit bago pa man umalis ay natigilan ako ng may humawak sa pulsuhan ko dahilan para malingon ko si Laze, binawi ko naman ang pulsuhan ko at huminga ng malalim.

"Don't bother," wika ko at sinuot na ang bag ko bago ako naglakad papaalis.

"Hakuna." Mas binilisan ko ang lakad ngunit nasa labas pa lang ng hallway ay nahabol niya na ako, inis ko siyang tinignan.

"Pwede ba Laze?" Umay na umay kong tanong, nanlumo ang mga tingin niya sa akin kaya peke akong tumawa.

"Isa pang saktan mo ang kaibigan ko, kakalimutan kong naging kaibigan kita. Tigilan mo na Laze." Nagbabanta kong sabi ngunit napatitig lang siya sa akin, blangko ang mga tingin ng abo niyang mata ngunit nanghihimasok.

"You started this, you need to continue." Mariing sabi ko.

"Puntahan mo si Janella, kasi ako? Okay lang ako dahil wala akong pakialam sa nararamdaman mo." Nagbago ang reaksyon ng mata niya ngunit binalewala ko 'yon at muli siyang tinalikuran.

Nakagat ko ang ibabang labi habang pinipigilan ang emosyon na nararamdaman ko at derederetso akong lumabas ng school upang pumasok sa trabaho.

Nang nasa locker na ay sandali akong napayuko, hindi ko alam, halo-halo ang nararamdaman ko, nasasaktan ako para sa sarili ko pero mas nasasaktan ako para kay Janella.

Natapos ang araw na 'yon na inabala ko ang sarili sa pagtatrabaho. "May exam ang college ngayon hija, bakit nagtatrabaho ka?" Natigilan ako at awtomatikong napatingin kay Sir Vince na nakapamulsa habang nakasandal sa counter.

"A-Ah may kailangan lang po akong bayaran." Pagdadahilan ko.

"Umuwi ka na at mag-aral, kailangan mo 'yon." Ngumiti ako at tumango.

"Salamat po sir," tumango lang siya at hinayaan na akong umalis kaya ng makalabas ng cafe ay natigilan ako ng makita si Janella na kaharap ang daddy niya.

Pinababalik na kaya siya sa dati niyang condo? "Why do you even care, dad?" Natigilan ako at napasulyap sa kanila.

"Pinalaki naman kita ng tama ano't ganiyan ka anak?" Mahinahon na sabi ng tatay niya kaya bumuntong hininga ako.

"Pinalaki mo 'ko dad? Pinalaki mo 'ko kasama yung mga body guards, yung yaya ko sana iniwan mo na lang ako kay mommy noon!" Napatitig ako kay Janella ng maluha luha siyang sumagot sa tatay niya.

Tila nasaktan naman ang tatay niya sa sinabi ng anak, "Kung iniwan mo ako kay mommy noon, siguro hindi ako ganito. Siguro hindi ako nagseselos sa mga may nanay, siguro sa tuwing nasasaktan ako may mapagsasabihan ako na nanay dahil ikaw hindi mo naman ako kailan man naintindihan." Napatingala ako sa mga bituin sa taas ng kalangitan.

Samantalang ako ay hinihiling kong magkaroon ng tatay na kaya akong protektahan, para hindi ako magawang saktan ng step father ko. "Anak.."

"Pabayaan mo na lang ako dad, hindi ko kailangan ng tatay na tulad mo na walang lakas ng loob para mag desisyon ng makabubuti sa anak niya." Pilit pang inawat ng daddy niya ngunit umalis na siya at sumakay sa isang taxi.

Nagulat ako ng biglang lumingon yung tatay ni Janella sa akin na tila ngayon lang ako napansin, bahagya akong yumuko at tinalikuran na siya.

Naglalakad ako pabalik sa condo ko at habang naglalakad ay panay ang buntong hininga ko. Si Laze na nga lang ang masasandalan niya sa ganitong panahon pakiramdam ko ay inalisan ko pa siya ng masasandalan.


///

@/n: Any thoughts?

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 221 45
Cousinhood Series: The Girl in Red Dress a novel written by Hanjmie FIRST LOVE LAST FOREVER. Iyon ang paniniwala ni Marie sa pag-ibig na nararamdaman...
49K 788 25
WARNING - SPG: contains mga super poging gangsters, read at your own risk /Azen Del Mercedez/ This is Nicole Athena C.Reyes, silent but deadly. She g...
14.8K 1.1K 50
ENDLESS SERIES # 2 Si Kaizer ay isang playboy. Kung sino-sino ang kaniyang dine-date ngunit ni isa sa mga iyon ay wala siyang sineryoso. Ayaw niya sa...
586K 18.5K 35
(UNEDITED) "She's like a pretty red rose,Beautiful and attractive but if you won't be careful enough,she might easily hurt you with her bloody thorns...