IT was five o'clock in the morning when Sebastian arrived at our house. Katakot-takot na paalala muna ang inabot naming dalawa kina Mom at Dad bago kami makapasok sa kanyang sasakyan. Idagdag pa dito ang pang-gagatong ni Hope. Baka raw pagbalik ko ay naduduwal na ako. Na baka raw magulat na lang sina Mom at Dad na buntis na raw ako.
Ewan ko ba sa batang 'yon!
Iyong totoo, bakit laging sa pepe ko dumadako ang atensyon nila kapag si Sebastian na ang kasama ko?!
"What are you thinking?" Biglang tanong ni Sebastian kung kaya't nawala ako sa malim na iniisip.
"Nothing." I answered.
"Just wondering what your parents might feel after you introduced me to them." Pagdadahilan ko na lang.
Matapos niyon ay hindi na siya nagsalita pa. Tamo 'tong isang 'to talaga, wala man lang bang pag-comfort diyan? Walang don't worry, magugustuhan ka nila kasi gusto kita? Walang kung ano man? Katamihikan lang talaga? Sure na 'yan?
Sa huli ay nag-decide na lang akong ayusin ang suot ko. Right now, I am wearing a pink summer dress. Gusto ko talaga ang dress na ito dahil bukod sa presko sa katawan ay nagagawa nitong itaas ang confidence ko. My arms are exposed and a bit of my cleavage are flashing.
For a plus-size girl like me, hindi ako nahihiyang magsuot ng ganito. I am confident with my own body. I know that I am beautiful even with my weight. In fact, I believe that I am more beautiful now that I embraced it.
Beauty is not just about the physical appearance. I think—well, I firmly believe that it's something that is skin deep. It should be more about the inner side rather than the external. It should be about what the beholder feels about herself. It is something that can only be validated by that person and not by anyone else.
Kaya ako, maganda ako kasi iyon ang nararamdaman ko. Mataba ako at maganda. The society should deal with that and if they can't, they should just shut up because their rants don't really matter to me now.
Samantala, si Sebastian naman ay nakasuot ng puting polo. It is unbottoned down his broad chest. Iyon ang dahilan kung bakit sumisilip ang maskulado niyang dibdib sa mga mata ko. Dahil fetish ko iyon ay talagang hindi ko mapigilan ang paminsan-minsang sumulyap doon. Mabuti na lang at hindi iyon napapansin ng lalaking ito dahil tiyak, mag-fi-feeling na naman 'yan.
"That's my parents." Ang muling sambit ni Sebastian makalipas ang ilang mga minuto.
I smiled. "They are so sweet."
Mula kasi sa kalayuan ay nakikita ko silang magkayakap. Bigla ko tuloy naalala sa kanila sina Mom at Dad. Ganiyan na ganiyan kasi sila.
Ang naunang lumabas ng sasakyan ay si Sebastian. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Inalalayan niya pa akong bumaba. Hanggang sa magkahawak ang kamay namin nang maglakad na kami papalapit sa kanyang parents.
"Dad, Mom." Sebastian started. "This is Chance, nililigawan ko po siya."
Dumako ang mga mata ko sa kanyang magulang. His Mom is really beatiful. With his long straight black hair and her face na hindi mo aakalaing may anak nang 18 years old, I was really stunned.
Nang dumako naman ang mga mata ko sa kanyang Ama ay alam ko na kung saan nagmana ang pagkabusangot ni Sebastian. His dad looks haughty. Nakakunot ang kanyang noo at halatang suplado. Mabuti na lang at gwapo siya. Para nga siyang older version ni Sebastian.
Pero teka, bakit parang pamilyar ang mukha niya sa akin? I think, I already saw him somewhere else . . . hmm, sa TV ba?
"Hello po, Ma'am and Sir." I smiled sweetly at them.
Tumango lang naman ang kanyang Dad. Ang nagsalita ay ang kanyang Mom.
"Ay nako, hija. Call us Tita Gab and Tito Ralph na lang—"
"Tito Ralph?" I blinked.
"Yes." Sagot ni Sebastian.
"Oh my gosh, the great Attorney Ralph Molina?" I am beyond starstruck! "Hala, I am sorry po. Hindi ko po kayo namukhaan!"
Bakit ngayon ko lang ito nalaman?! He is the attorney that I always look up to when I was a child. Siya ang dahilan kung bakit ang childhood dream ko ay ang maging abogado! Palagi ko siyang pinapanood noon. Sumikat kasi siya noon dahil sa galing niyang mag-defend ng mga kaso. Laman lagi siya ng mga balita. At saka, may controversy rin kasi siyang kinasangkutan noon with an actress.
"It's okay. It's not a big deal." His cold voice came. Ako naman ay na-i-speechless habang nakatingin lang sa kanya. Magpapa-picture talaga ako sa kanya mamaya!
"I like her, anak." Rinig ko namang bulong ni Tita Gab.
"Mom, I have something to tell you about her." Sagot naman ni Sebastian. "Surely, you are going to go crazy after this."
"Ano naman 'yon?"
"Mom, Chance is the first daughter of Liv Zoberano and Grace Samonte." .
Kitang-kita ko kung papaano unti-unting nanlaki ang mga mata ni Tita Gab. Then she turned her gaze at me. Punong-puno ng saya ang kanyang mga mata.
"Really?!" She exclaimed and I was never ready when she grabbed me on the arms. "Totoo ba iyon, hija? Anak ka ng LivAce?!"
"U-Uh . . . Yes po, Tita Gab." Nahihiya akong ngumiti.
"Oh my gosh!" This time, para bang si Tita Gab ang na-i-starstruck. "Ikaw iyong itinagong anak ni Grace nung nawala siya sa showbiz?!"
"O-Opo, Tita . . . Ehe."
"Oh my gosh!" Bigla niya akong niyakap. Mahigpit iyon. Natakot ako sa ideyang hindi ako mamamatay sa kung ano mang virus, baka mamatay ako sa higpit ng yakap niya. "I need to meet your Mom and Dad! Anak, kailan ang kasal—"
"Babe, it's too early for that." Ang saway naman ni Tito Ralph sa kanya.
Doon ay binaklas na ni Tita Gab ang pagkakayakap niya sa akin. Umismid siya sa supladong asawa. "Ang KJ mo talaga, kahit kailan."
Nang muli niyang ibinaling sa akin ang tingin ay malawak na uli ang kanyang ngiti. "Tara na sa van, hija. Let me tell you how I became a die hard fan of your parents. Specifically, kung papaano ako nakipagdigmaan sa mga bashers nung mga panahong binabaha sila ng issues!"
Natatawa akong tumango kay Tita. Matapos niyon ay iginiya na niya ako papasok sa van. Before I went inside the vehicle, sumulyap muna ako kay Sebastian. Nahuli ko siyang nakangiti pero bigla niya iyong binawi nang magtama ang mga mata namin.
×××
Author's Note: Hi! Sa mga curious kung ano ang stories ng mga magulang nina Chance at Sebastian, heto ang stories nila!
Sebastian's Parents:
Tequila Baby by IamRedMadison
Currently exclusive on Dreame! 💜
Chance's Parents:
Behind the Spotlight by VChesterG
Still free on Wattpad! 🧡