Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XXXVI

6.3K 209 22
By Invalidatedman

A/n: Salamat po dun sa mga patuloy na sumusuporta sa Hello, Stranger! Nakakatuwa lang na pati ‘yung mga silent readers ko dati ay nagcocomment na din ngayon. Siya nga pala, nalilimutan kong magdedicate! HAHAHA. Sorry na. Isa sa mga araw na ‘to, promise, magdededicate na ako. Gusto ko ding ipaalam na dahil March na, tambak na ang mga gawain at requirements sa school. Alam niyo ‘yan. Kaya baka hindi ako masyadong makapag-update ha? Pero don’t worry kasi kapag may time naman ako, isisingit ko.

P.S. Malapit na din pala sa katapusan ‘tong story na ‘to. Kapit lang po sana hanggang sa huli.

*Gray

 

“MahalNaDinNamanKita”

Tila tinakasan ako ng lakas ko noong mga oras na ‘yun. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko nun. Basta nakatingin lang ako sa mga mata niya. Base sa reaksyon ng mga mata niya, hindi niya sinasadyang sabihin ‘yun. Pero ok lang. Dahil sabi nga sa isang teorya sa Psychology, may ibig sabihin ang mga ganoong bagay.

Nagpa-process pa rin sa utak ko ‘yung limang salitang binitiwan niya kani-kanina lang. Nakakatawa lang isipin na limang salita lang ‘yun pero ang tagal ma-interpret ng utak ko samantalang ‘yung mga iba’t ibang lingwaheng pinag-aaralan namin, kasi nga Communication major ako, eh madali kong naiintindihan.

“A… anong… ano ulit ‘yun?” wika ko.

“A… ayoko na ngang ulitin! Wala ng ulitan. Kung hindi mo nakinig… edi wow!” pagbibiro pa niya.

Tumalikod siya sa akin at saka tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang computer. Akala ko ay lalapitan niya ako pero nilagpasan niya lang ako dire-diretso siya ng lakad hanggang sa mapagtanto ko nga na lalabas siya ng kanyang silid. Pero siyempre, hahayaan ko ba ‘yun? Hindi ‘no! Lalo pa’t malapit ko ng mapaamin ‘tong chippypie ko. Ang tagal ko na ring hinintay ng pagkakataong ‘to. Akala ko nga hindi na ‘to darating eh. All this time, akala ko walang epekto sa kanya ‘yung mga ginagawa ko. O kaya, naisip ko, baka hindi na talaga maibalik ‘yung pagmamahal niya sa’kin. Lahat ‘yun naiisip ko na. Nakahanda na nga ako kung sakaling basted ako sa kanya. Pero hindi eh. Talagang hindi ko lang inaasahan na sa ganitong sitwasyon ko malalaman na mahal na rin pala niya ako.

Sa kabilang banda, medyo nainis ako sa kinikilos niya. Palagi na lang siyang umiiwas o kaya ay umaalis kapag tinatanong ko na ay 'yung nararamdaman niya para sa'kin. Ang gulo lang kasi.  

“ Hep hep hep. Saan ka pupunta?” habol ko sa kanya at pinigil ang pagbukas ng pinto.

“Eh bakit ba? Pati ba pupuntahan ko kailangan mong malaman? Sino ka ba?!” naiinis niyang sabi. Mas lalo tuloy siyang nagiging cute kapag naniningkit ‘yung dalawa niyang mata.

“Ako? Ako lang naman ‘yung mahal mo.” Sagot ko.

Biglang nanlaki ‘yung mata nito at akmang susuntukin ako pero hindi niya natuloy. Kitang kita ko ‘yung unti-unting pamumula ng mukha’t tenga niya. Ang cute niya talagang kiligin. Parang gusto ko siyang isilid sa bulsa ko at iuwi sa bahay. Kaya naman mahal na mahal ko 'tong chippypie ko eh. 

“Ang… ang kapal ng mukha mo ha. A…Anong mahal? Sinong ma…mahal k…ko? Ikaw?” maang-maangan ka pa jan ha.

“Oo. Ako nga. Bakit? Pogi naman ako ah? May muscles din naman ako.” Sabay flex ng muscles ko. “ May abs din.”  Pero pagtaas ko ng t-shirt ko, ayy. Absent sila ulit.

“Ay? Ab lang siya oh.” Tapos sinundot-sundot niya pa ‘yung tiyan ko. “Singular lang siya oh. Akala ko abs? Saan na ‘yung iba? Hahahaha.”

 

“ Pero mahal mo naman.” Napatigil siya sa pagtawa at bigla naging seryoso ang mukha.

“Bababa mu… muna ako, Gray. May ku…kukunin lang.” akmang bubuksan na niya ‘yung pintuan pero hindi ko ‘to hinayaan. Mabilis kong naisara ulit 'yung pinto na siya namang ikinagulat niya. “ Anong… may kukunin ako, Gray. Ano ba? Palabasin mo ako.” Ayan, umiiwas na naman siyaParang nainis ako doon sa inasal niya. Bakit sa tuwing tinatanong ko kung mahal niya ako, umiiwas siya?! 

 

“Hindi ka lalabas dito hangga’t hindi mo nililinaw ‘yung sinabi mo.” Matapang kong saad.

“Ano bang linaw pa ang gusto mo?! Ano bang problema mo?!” medyo tumataas na rin ‘yung boses niya.

Ikaw! Ikaw ang problema ko. Ano ba, Reggo? Hindi ko na maintindihan kung ano tayo. Noon, nagegets ko pa eh. Palagi kang umiiwas sa’kin. Palagi mo akong binabara. Atleast ‘yun, malinaw. Malinaw na ayaw mo sa’kin. Pero lahat ng ‘yun, nag-iba eh. Naging malambing ka bigla, palagi kang pumapayag kapag inaaya kitang lumabas. Nagagalit ka sa’kin kapag may kasama akong iba, lalo na kapag babae. Minsan hindi ko maiwasang isipin na baka may… may gusto ka na sa’kin. Pero tang-!*@ lang, ayoko namang umasa.” Hindi ko alam kung saan ko nakuha ‘yung lakas ng loob para sabihin ‘to mismo sa harapan niya. Pero eto na wala na, hindi ko na ‘to mababawi. Siguro sasagarin ko na lang. " Ilang gabi akong hindi pinatulog kakaisip ng sagot doon sa mga tanong sa isip ko pero wala naman akong makuhang sagot."

“Anong… anong sinsabi mo?” bulong niya.

“’Yung nandito, Reggo! ‘Yung hindi kayang masabi ng bibig ko!sabay kuha ng kamay niya at lagay nito sa’king dibdib. “Litong lito na ‘ko Reggo. Hindi ko alam kung anong tumatakbo jan sa isip mo. Kung parte lang ba ‘to ng pagwiwinback ko sa’yo, o kung talagang mahal mo na rin ako? O baka naman gusto mo lang akong pahirapan tapos gantihan? Hindi ko na alam, Reggo! Tapos ngayon, maririnig ko na mahal mo na rin ako? Tapos ganito, parang ayaw mong panindigan. Ano ba talaga, Reggo? Ano ba talaga tayo?! Mahal mo ba talaga ako?!”

 

Oo!sigaw niya. “ Tinatanong mo kung mahal kita? Oo! Mahal kita kahit ang sakit sakit na. Mahal kita kahit ilang beses na akong sinabihan ng mga kaibigan kong itigil ko na. Mahal kita kahit balde baldeng luha na ‘yung lumabas sa mga mata ko dahil sa’yo. Mahal kita kahit parati mong pinapasikip ‘yung dibdib ko. Mahal kita kahit ginag* mo ako. Kahit ayaw ng utak ko pero pu^@%$-!n@, mahal ka nito oh. “ sabay turo niya sa puso niya. Mahal na mahal ka nito!

“Pero bakit ganito, Reggo? Parang natatakot ka? Ayaw mo bang pagbigyan ‘yung nararamdaman natin? Ano bang kinakatakot mo? Mahal mo ako, mahal din kita. Ano pa bang kulang?mahinahon kong tanong dito.

“Anong kinakatakot ko? ‘Yan mismo! ‘Yang salitang ‘mahal kita’. Ilang beses na ba akong naniwala jan sa salitang ‘yan. Dalawang salita na halos dalawang taon akong pinaiyak, pinahirapan? Natatakot ako na baka kapag sinabi mong mahal kita at kapag tumugon ako ng mahal din kita, baka sa huli, ako na naman ‘yung talo. Baka ako na naman ‘yung umiyak. Baka na naman ‘yung maiwang mag-isa. Alam ko na kung anong pakiramdam ng lahat ng ‘yon, Gray! At lahat ng ‘yun ay naranasan ko ng maniwala ako sa pesteng salitang ‘yan.” Hindi ko napansin na tumutulo na pala ‘yung luha niya.

Umiiyak siya. Umiiyak na naman siya. At tang-*^@ lang, gawa ko na naman. Bumigat ‘yung dibdib ko nug makita ko siyang ganoon. Sabi ko, ayokong nakikitang siyang umiiyak pero ako ‘tong nagpapa-iyak sa kanya. Patuloy lang sa pagdaloy ‘yung luha niya mula sa kanyang mga mata. Kahit ilang beses kong punasan, may tutulo at tutulo pa ring kasunod. Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang yakapin na lang siya ng mahigpit. Noong una, hindi siya tumutugon pero kalaunan, naramdaman kong yumakap na rin siya pabalik.

“ Ssh. Tahan na. Sorry na, ha? Sorry na. Hindi ko sinasadya. Alma ko naman ‘yung mga pinagdaanan mo eh. Naiintindihan naman kita. Gusto ko lang malaman mo na kaya kitang hintayin kahit gaano katagal. Hindi ako mapapagod.Wika ko habang hinahalikan yung noo niya.

“Sorry din kung… kung nalilito ka. Kung nalilito ka sa mga kinikilos ko.” sabay hiwalay nya mula sa pagkakayakap namin. " Sana mahinatay mo pa ako. Alam ko naman eh. Ramdam ko sa puso ko na malapit na ako. Malapit na ako, Gray. Konti na lang.

" Sige, Reggo. Malapit ka na? Putok mo sa loob." 

Napakunot 'yung noo niya noong una. Tila ba hindi niya na-gets 'yung joke ko. Pero biglang nagbago 'yung ekspresyon ng mukha niya. Mula sa parang mukhang nagtatanong, naging mukhang parang manununtok, at tama nga ako! Pero bago pa niya ako mahuli, nakalabas na ako ng pinto.

" Anong iputok sa loob ha?! Hoy manyak, ang manyak mo talaga! Bumalik ka ditong manyak ka!" narinig kong sigaw niya mula sa kwarto niya. 

" Manyak nga, mahal mo naman!

Ganoon lamang at ayos na kami agad. Hindi ko lang talaga maisip na mahal na rin pala niya ako. Kagaya ng sabi ko, akala ko hindi na dadating 'tong oras 'to. Pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Parang mas lalo tuloy akong ginanahan na ipakita kung hanggang saan ang kaya kong ibigay sa kanya maging kami lang ulit. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi pa niya magawang mahalin pa ako ng buong-buo pero gaya nga ng sabi ko, maghihintay ako kahit gaano katagal. Nagawa ko ngang maghintay sa kanya ng dalawang taon at mahigit eh ito pa kaya? 

Continue Reading

You'll Also Like

44.6K 2.5K 37
[BOOK 1 OUT OF 3] What if na-fall ka sa taong tinutulungan mong manligaw sa kaibigan mo? Ano ang gagawin mo? Tuklasan ang kwento ni Tyler at Aldrich...
601K 21.7K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
121K 4.4K 57
Si Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo a...
47.7K 956 33
Second installment of Zambales Series