Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

496K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XXXV

5.9K 214 22
By Invalidatedman

 Idededicate ko 'tong chapter na 'to sa reader na magugustuhan ko 'yung comment. :) HAHAHA.

* Reggo

Isang umaga ng Sabado, malakas ang ulan, maraming iniwang school works at maraming kailangang tapusin. Kanina habang bumabangon ako, parang ang bigat ng likod ko. Bukod kasi sa hindi ko maisip kung ano 'yung gagawin ko at uunahin ko, hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Gray. Bigla tuloy pumasok sa isip ko 'yung pag-uusap namin noong gabing hinintay ko siya mula sa make-class niya. 

* flashback...

" Gray... Gray! Ano ba! Nasasaktan ako. " giit ko sa kanya at saka ko inalis 'yung kaliwa kong kamay mula sa mahigpit niyang pagkakahawak. 

Nag-atras abante lang siya habang sinasabunutan 'yung sarili niya. Paulit-ulit. Nakakahilo. Kitang kita ko kung paano lumitaw 'yung mga ugat sa kanyang ulo at kung paano umakyat 'yung dugo sa kanyang  mukha at naging kulay pula ito. Kitang kita ko kung paano niya pigilin 'yung emosyon niya. 

" Ano bang nangyayari sa'yo ha? Ba't galit na galit ka? " nagtataka kong tanong.

Tumingin lang ito sa'kin at pagkatapos noo'y tila ba humupa 'yung tensyon sa kanyang katawan. Nawala 'yung kaninang mga ugat na namimitig sa kanyang ulo at bumalik sa normal ang kulay ng kanyang mukha. Nawala 'yung apoy sa kanyang mata at tila ba umamo muli 'yung mukha niya. 

" Ayoko lang kasi ng sumasama ka dun sa lalaki na 'yun. " mahina ngunit sapat na para makinig ko. 

" Bakit? Wala namang ginagawang masama 'yung tao ah? Isa pa, sinamahan niya lang ako pabalik kasi medyo madiliim na nga. Ano bang kinakabahala mo dun? " nagtataka kong sagot. 

" E kasi ano... basta. Hindi kasi maganda 'yung pakiramdam ko dun sa lalaki na 'yun. Pakiramdam ko ano... basta... may hidden agenda o anuman. Basta, 'wag ka na lang ulit lumapit dun. " magulo niyang sagot. 

" Ano?! Napaka-unreasonable naman yata nun. Isa pa, sino ka ba para sabihan ako ng mga ganyan? Tayo na ba? Sa pagkakaalam ko, manliligaw ka pa lang diba? " medyo tumaas 'yung boses ko dun. 

" Sorry. " malumanay niyang tugon. 

" Sorry? Pagkatapos 'nung hindi ko maintindihang inasal mo, sorry? Ewan ko ba sa'yo, Gray. Minsan hindi talaga kahit maintindihan. Kahit 'yung rason mo ngayon, hindi ko rin maintindihan. Sasabihan mo na baka may balak na masama 'yung taong 'yun sa akin eh hindi mo pa naman siya nakikilala? Tapos papalayuin mo ako't ayaw pasamahin sa kanya? Bakit? Sino ka ba? Ano bang mabigat dahilan para sundin ki... " 

" KasiNagseselosAko!mabilis niyang tugon. 

Tila nalumod ko 'yung dila ko nung mag-process sa utak ko kung anuman 'yung sinabi niya. Siya, para rin siyang nagitla sa mga salitang lumabas sa bibig niya kaso wala na siyang magagawa, nasabi na niya eh. Bumuntong hininga na lang siya at saka nagsalita muli. 

" Nagseselos ako. Pakiramdam ko, aagawin ka niya sa'kin. Pakiramdam ko, baka bukas, pagmulat ko, wala ka na sa'kin. Nagseselos lang naman ako kasi mahal kita at ayaw kong mawala ka ulit sa'kin. Kasi alam ko na 'yung pakiramdam na wala ka sa tabi ko. Ngayon, kung kasalanan man 'yun... sorry. Guilty na guilty ako. Ang bigat lang kasi dito... " sabay turo niya sa dibdib niya. " Ang bigat lang ditong makita kang may kasamang iba tapos ang saya-saya mo pa. Baka kasi sa sobrang saya mo kasama sila eh makalimutan mo ng mayroong ako. Kasi sa ganoong paraan din kita nakuha noon eh.

" Gray... "

" Nagseselos ako kasi gusto ko ako lang! Nagseselos ako kahit hindi naman tayo. Ayun, hindi nga pala tayo kaya wala akong karapatan. Kaibigan mo nga lang pala ako.

Sa sobrang bigla ko sa mga narinig ko, hindi ko namalayang nag-iisa na lang pala ako. Nawala na sa paningin ko si Gray at hindi ko na alam kung saan siya pumunta. Pakiramdam ko? Ewan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan sa mga pinagsasabi niya. Pero isa lang 'yung nangingibabaw, napatunayan ko kung gaano ako kamahal ni Gray. Pero hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Hindi rin naman tamang ipagtabuyan 'yung tao kasi wala din namang siyang ginagawa sa aking masama diba? Infact, sinamahan pa nga niya ako. 

Dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko noong mga oras na 'yun, naisipan kong dumaan sa bahay nina Jam at fortunately, nandun naman siya.

< A/n: Ito po 'yung nasa Chapter 34. > 

... end of flashback. 

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip na sa kanya nanggaling 'yung mga salitang 'yun. Knowing him, hindi naman siya ganoon ka-vocal sa kanyang nararamdaman eh. Although, mararamdaman mo through his actions pero madalang lang siya talagang maglambing through words. Pero 'yung mga sinabi niyang 'yun, palagi akong hindi pinapatulog sa gabi. 

Bakit ako masaya nung marinig ko 'yung mga salitang 'yun sa kanya? Is it because... No! Masyado pang maaga. Baka naman nasasayahan ko lang being with him. Or baka naman na-flater ka lang sa mga sinabi niya? Napatok ko na lang 'yung Computer table ko.

" God! Of all people, bakit sarili ko pa 'yung napili kong lokohin? Argh! " 

Alam ko na kasi. Alam ko naman talaga kung ano 'yung nararamdaman ko. Hindi ko lang matanggap na eto na nga 'yun. Na nahulog na ulit ako sa kanya. Na mahal ko na ulit siya. After all those sh*ts and sufferings na binigay niya sa'kin, mahal ko na naman siya. Parang sa isang iglap, tuwing lalambingin niya ako, parang nawawala lahat. Nawawala na rin ako sa sarili ko. I hate it, but I love the feeling being with him. Everytime he appears in my eye, my knees gets weak. Parang gusto kong matumba. Tapos 'yung puso ko, pakiramdam ko lalabas na mula sa dibdib ko. Kahit anong gawin kong pagpipigil, wala eh! Ayaw. 

Kung malalaman lang 'to nung mga nakilala ko sa America, for sure, babatukan ako ng mga 'yun. Sila kasi 'yung unang mga tao na nakaalam na babalik ako sa Pilipinas noong nandun pa ako. And their first advice? Make my Ex realize what he lost. At pagkatapos ko daw gawin 'yun ipamukha ko sa kanyang hindi ko na siya kailangan tapos babalik na ako sa America and we'll celebrate. The first goal, making him realize what he lost, na-achieve ko naman 'yun. Pero 'yung pangalawa? Parang hindi ko yata na-achieve. 

Trust me guys, gusto kong pigilan 'tong nararamdaman ko. Kasi para ko na rin siyang binigyan ng another chance na saktan ako ulit. Kung 'yung isip ko lang 'yung susundin ko, gusto ko siyang saktan at iparamdam lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Pero ayaw sumunod ng puso ko. Everytime na gagawin ko 'yun, palagi na lang siyang tumututol. Every night, palagi kong sinasabi sa sarili ko na susundin ko ay iyong isip ko, pero anong nangyayari? Wala! Makikita ko na lang 'yung sarili kong kinikilig, nakangiti't unti-unti na namang nahuhulog kay Gray.  

Maya-maya pa'y nakarinig ako ng mahinang katok mula sa pinto ng kwarto ko.

" Pasok. " 

Napatayo na lang ako ng iluwa nito si Gray. Napakisot pa nga ako ng mata ko noon eh kasi baka dala lang ng pagod 'tong pag-iilusyon kong si Gray 'yung nakatayo sa pinto pero naka-sampung kisot na ata ako ng mata eh talagang si Gray 'yung nakikita kong nakatayo sa harapan ko. 

" Na... napaunta ka y...yata rito? " hindi ako makatingin sa mata niya. 

Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. 

" A... ano bang kailangan mo? Ma... Madami kasi akong gawa kaya pasensya na kung hin... hindi kita maano... maiintindi. " 

Pero still, titig lang ang isinagot niya sa'kin. Tila ba nagpanting 'yung pasensya ko nung mga oras na 'yun. Siguro dahil na rin sa pagod at sa stress kaya hindi na ako nakatiis. 

" Alam mo, kung wala kang matinong sasabihin at kung ang gagawin mo lang ay ang titigan ako makakaalis ka na. Kasi po, marami pa po akong gagawin. Marami pa akong kailangang intindihin. Hindi kagaya mo na may oras pa para lang tumitig sa a... ' 

Nabigla na langa ko ng bigla itong tumayo at saka ako hinigit papalapit sa kanya. Mabilis na pumulupot ang kanyang magkabilang braso sa akin para ikulong ako sa isang mahigpit na yakap. Nagulat ako, siyempre! Hindi ko alam kung magpupumilit ba akong kumawala kasi ito 'yung sinasabi ng isip at utak ko o hahayaan ko na lang siya kasi nasisiyahan na naman 'yung puso ko. Pero sa huli, naramdaman ko na lang na hindi ko siya hinahadlangan. Nakuha pa nga niyang ipatong 'yung kanyang baba sa mga balikat ko. 

Ramdam na ramdam ko 'yung hinga niyang mainit na nagbibigay ng kilabot sa buong katawan ko. 'Yung bawat pagtibok ng puso ko't puso niya, damang dama naming dalawa. Gusto ko mang magtanong kung anong nangyayari, kung bakit niya ako biglang niyakap ay hindi ko na nagawa. Eto nanaman ako, nawalan na naman ako ng lakas. 

" Sorry. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses nung isang gabi. " malumanay niyang sabi. 

" O... ok lang. Kasalanan ko rin naman. Hin... Hindi ko inisip 'yung feelings mo. " nauutal kong sagot. 

" Hindi. Wala kang kasalanan. Wala kang kailangan isipin kasi hindi pa naman tayo. Hindi ko lang talaga napigilan 'yung sarili ko noong mga oras na 'yun. Pag-pasensyahan mo na ako, hindi na mauulit. Sadyang mahal lang talaga kita. " 

" MahalNaDinNamanKita. " 

***

Nadulas si Reggo. Ano kayang reaksyon ni Gray? Anong mangyayari sa dalawa lalo pa't nagkaaminan na? Paki-abangan na lang sa susunod na update. ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 98 29
Scotty Anderson isang brat at anak ng pinakama impluwensiyang tao sa California. Agosto 10, 2010 nasangkot ang sasakyan niya sa isang road accident...
298K 10K 50
I hate you, don't leave me. I hate you, please love me. Book cover: @yuukieee
789K 26.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
200K 7.9K 27
In order to take revenge from those who bullied him during his junior days, Lexus Ethan Alvarez must live with his moody, mysterous and alluring hous...