Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XXXIV

5.6K 205 37
By Invalidatedman

A/N: Hugot chapter lang 'to. Walang eksena dito si Reggo at Gray. Maitawid lang 'tong eksenang ginawa ni Jed at Jam. Pero enjoy pa rin sana kayo. Salamat! 

P.S. Sabayan niyo ng pagplay dun sa kanta sa Multimedia section para damang dama. HAHAHAHA.

* Reggo

" Break na kami. " 

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko 'yung tatlong salita na 'yun mula kay Jam. Hindi kasi iyon ang inaasahan kong sagot mula sa kanya. Oo, may pinagdadaanan sila. Halata namin 'yun kahit na hindi nila sabihin eh. Pero... break na sila? Alam ba nila 'yung sinasabi nila? 

" Ano? Teka... anong break na? Parang ang bilis naman yata? Teka... ano bang nangyari? Hindi na ba pwedeng maayos? " tuliro kong tanong.

Tumingin lang ito sa'kin at ngumiti. Pero 'yung mga ngiti niya, halatang pilit. 

" Hindi ko din alam, Reggo eh. Masaya naman kami nitong mga nakaraang linggo eh. Wala naman kaming pinag-aawayan. Wala naman siyang sama ng loob sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito kabilis 'yung mga nanagyayari. " wika ni Jam. Ramdam ko 'yung bigat na dinadala niya sa puso niya. Ang sakit lang tingnan na 'yung dahilan ng pag-luha ng taong mahal mo ay gawa rin ng taong mahal mo. Hinimas himas ko lang 'yung likod niya at ipinaramdam na nandito lang ako sa tabi niya. 

" Noong una hindi ko talaga maintindihan. Palagi na lang siyang walang time sa akin. Palagi siyang nagmamadali. Pero pinalagpas ko naman 'yun. Pagkatapos 'nun, parang balik ulit kami sa dati. Hindi naman siya nagkulang eh. Ganoon pa rin siya kasweet, ganoon pa rin 'yung communication namin. Pero habang tumatagal, parang unti-unti siyang nawawala. " bumuntong hininga muna siya. Isang malalim na buntong hininga bago magpatuloy sa pagsasalita. " Hanggang sa isang araw, hindi ko na talaga nakayanan 'yung inaasal niya. Hindi na ako pinatahimik ng isip ko. Gusto ko siyang tanungin kung may nagawa ba ako. Handa naman akong humingi ng tawad eh. Pumunta ako sa pad niya mga bandang 9AM. Kakatok sana ako pero nakita kong nakaawang 'yung pinto kaya pumasok na ako. Pagpasok ko, may nakita akong bunton ng damit. Pares ng damit. Isa sa lalaki. Isa sa babae. Doon pa lang, bumigat na 'yung puso ko. Pero sabi ko, baka naman kapatid lang niya, o kaya pinsan. Lumakad ako papalapit sa sala niya. Sumalubong naman sa akin 'yung undies ng lalaki at babae. " bigla siyang tumigil at walang anu-ano'y pumatak 'yung luha niya. 

" Sshh. 'Wag mo ng ituloy. Baka hindi mo pa kaya. " pero umiling lang siya. 

" Noong mga time na 'yun, kahit nakasampal na ang ebidensya sa akin. Ebidensya na nangangaliwa si Jed, umasa pa rin ako, at the back of my mind, kahit gaano kaliit na baka hindi siya 'to. Baka nagkakamali lang ako. Kasi hindi siya ganito at hindi niya magagawa sa akin 'to. May takot man sa dibdib ko, buong lakas ko talagang diniretso 'yung kwarto niya. Papalapit pa lamang ako pero parang hindi ko na kinakaya. 'Yung mga ungol niya, 'yung boses niya... kilalang kilala ko 'yun eh. Kahit hindi ko siya makita, sa loob ng tatlong taon, alam ko na 'yung boses niya. Pero ang masakit dun, hindi lang 'yung boses niya 'yung naririnig ko eh. May kasama siya doon sa kwarto. Babae... " nakatingin lang siya sa malayo habang nagsasalita, 

" Hindi ko alam kung tanga lang ba talaga ako o masokista... " bahagya siyang natawa pero alam mong hindi tunay. " Sumilip pa ako doon sa kwarto. At ayun, parang akong sinaksak ng ilang libong kutsilyo ng makita kong 'yung babae pa mismo ang nasa ibabaw. Tapos konting galaw pa, nakilala ko kung sino 'yun, si Dianne pala. Kaya pala minsan, nahuli ko silang nagpapalitan ng makakahulugang tinginan noong nasa school tayo. May nangyayari na pala sa kanila noon. " 

" Paano mo nalaman? " curious kong tanong.

" Nakita rin kasi nila akong nakatingin sa kanila noong mga oras na 'yun. Si Jed, hindi alam ang gagawin. Si Dianne, alam na. Parang sanay na sanay sa mga ganitong eksena. Lumapit talaga ako sa kanila ng buong tapang noon. Hinubad ko 'yung singsing na binigay niya sa'kin at isinauli ko. Si Jed... hindi alam kung tatanggapin 'yung singsing kasi alam naman niya 'yung ibig sabihin nun. Pero ako na mismo ang nagpumilit na kunin niya. Pagkatapos nun, hinarap ko silang dalawa at humingi ng pasensya. Iniyak ko lahat sa bahay nun kaya kung mapapansin mo, hindi ako active sa SNS nitong nakaraang mga araw... gawa 'yun nun. " tumingin siya sa akin at saka sinuntok 'yung dibdib ko. " Psh. Anong tingin 'yan? 'Wag mo nga akong kaawaan. Kaya ko naman 'to eh. Malayo 'to sa bituka. " 

" Jam... " 'yun lang ang nasabi ko non. Hindi ko maexpress 'yung nararamdaman ko. 

" Tapos kinabukasan, nagkita kami sa school. Iiwas sana ako pero hinarang niya ako. Mag-usap daw kami. Ako naman si tanga, pumayag. Nung nag-uusap na kami sa library, doon ko nalaman na matagal ng may nangyayari sa kanilang ganoon. Pero ang sabi niya ay s*x lang daw talaga 'yun. Lalaki lang daw kasi siya at may pangangailangan. Reggo... " tapos humarap siya sa'kin. " Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Kayang isakripisyo 'yung mga mahal nila para lang sa pesteng pangangailangan na 'yan?

Hindi na lang ako sumagot. Alam kong nilalamon siya ngayon ng galit kaya niya nasasabi 'yung ganitong mga bagay.

" Kaya pala nitong mga nakaraang araw eh ang sweet sweet niya, nagpapa-good shot kasi may nagawang mali. " napailing siya. " Hinihintay kong humingi siya ng sorry at humingi ng panibagong pagkakataon. Mahal ko siya kaya handa akong ibigay sa kanya 'yun kahit pa ang laki nung nagawa niyang kasalanan sa akin. Pero wala eh. Talagang ayaw niya na siguro talaga. Siyempre, ano ba namang panama ko kay Dianne? Maganda na, sexy pa... nabibigay pa 'yung pangangailangan niya. Naisip ko nga eh, bumalik na lang kaya ko sa pagiging tibo? HAHAHA. " 

" Sila na ba? " tanong ko dito.

" Ewan ko. Wala naman pati akong pakialam kung maging sila. " 

" Pero bakit ano... parang ang bilis naman yata? Hindi niyo man lang pinaglaban ang isa't isa? I mean... sayang. Ang tagal tagal niyo na eh. " bakas talaga sa tono ng boses ko 'yung panghihinayang sa love story nila.

Bago siya sumagot, isang makahulugang tingin lamang at isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa'kin. 

" Hindi naman kasi sa tagal ng relasyon niyo nasusukat ang pagmamahal eh. Kung hindi ka na niya mahal, hindi ka na niya mahal. At oo, tama ka. Ang pagmamahal pinaglalaban 'yan, pero minsan kailangan ring isuko kasi kailangan.

Continue Reading

You'll Also Like

47.8K 956 33
Second installment of Zambales Series
121K 4.4K 57
Si Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo a...
1.1K 67 21
Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxB He has been in love with a straight man all of his life, including today. Even though he knew that his new...
206K 3.9K 21
Dice and Madisson