Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

496K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XXXIII

6.4K 215 23
By Invalidatedman

Aww. Aabot na sa 900+ reads 'yung last chapter na naipublish ko pero sa kabila nooon, three comments lang 'yung nakita ko. 

* Reggo

Dumaan ang mga ilang araw at nakita ko na naman 'yung mga pamilyar na mga kulay pulang papel na nagkalat sa daan. 'Yung iba hugis puso, 'yung iba korteng cupid. Valentines Day na nga na naman pala ten days from now. Ang bilis lumipas ng panahon. Parang kahapon lang 'yung bumalik kami dito sa Pilipinas for a vacation, tapos naging for good, then insert Nixon in the picture and the rest was history. Wala lang. Kung iisipin, ang dami na palang nangyari in a span of almost three or four months? 

As for my friends, they're doing good. Except for Jam and Jed. I don't know kung ako lang ba 'yung nakakapansin sa kanilang dalawa o talagang ganoon lang talaga sila at wala sa mood magpansinan. Pero diba kami 'yung unang mgakakaibigan kaya naman kilala ko na talaga sila or talagang marami na ang nagbago simula nung umalis ako dito?

" Guys... " pagbasag ko sa katahimikang bumabalot sa aming apat.

Nakatambay kasi kami dito sa likod ng eskwelahan, sa likod ng gym. Nito ko lang kasi nalaman na na-renovate na pala ito at suitable na para gawing palipasang oras ng mga magbabarkadang katulad namin. Idagdag mo pa 'yung malalaking punong sumasangga sa mainit na sikat ng araw at 'yung malakas na hangin. Talagang pangpawala ng stress na binibigay ng acads. 

Napansin kong napatuon lahat ng atensyon nila sa akin. Si Gray, ibinaba 'yung librong binabasa niya at umusod papalapit sa akin at saka umakbay. Si Miko naman, napaupo mula sa pagkakahiga sa lap ni Trey at si Trey, ibinaba 'yung Netbook niya. Lahat sila suot suot 'yung pamilyar na titig, nagtatanong. 

" Ako lang ba 'yung nakakapansin o sadyang ganoon lang talaga sila? " tanong ko.

" Sino? " segunda ni Gray.

" Si Jed at Jam ba? " tugon naman ni Trey. Tumango lang ako. " Ewan ko nga ba. Akala ko ako lang din 'yung nakakapansin eh. Parang ang awkward nila sa isa't isa. " 

" Pero bakit naman kaya? I mean... parang ngayon lang sila nagkaganito diba? " tugon ko naman dito. 

Sa pangalawang pagkakataon, nabalot na naman kami ng katahimikan. Katulad ngayon, parang napapansin din namin 'yung pag-iwas nila sa pagsama sa grupo. Tuwing aalokin namin silang mag-chill, itatanong muna nila kung sino mga kasama. Tapos kapag narinig nila sa baka kasama ang isa sa kanila, nag-iiba 'yung aura nila. Ewan ko ba. Hindi lang kasi ako kumportable sa ganoong set-up. I mean, diba napagdaanan ko na naman 'yung ganyang set-up and swear, hindi siya maganda sa pakiramdam.

Out of the blue, biglang nagsalita si Miko.

" I think alam ko kung bakit. " 


Mula sa kaninang sari-sariling pagmumuni-muni ay nabaling lahat ang atensyon namin kay Miko. Hindi man kami magsalita ay alam niyang hinihintay namin 'yung eksplanasyon niya.

" Hindi ko 'to sigruado ha? Pero si Jed kasi, madalas kong napapansing may pinupuntahan. Na-open na sa akin 'to ni Jam noon, pero sabi niya, baka dala lang ng pressures sa studies. Pero habang tumatagal, hindi na lang ako nagsasalita, parang Jed is slowly slipping away. Hindi ko lang alam ha? Pero 'yun talaga 'yung nakikita ko. " 

" And then? " wika ko naman tapos naramdaman kong sinusundot sundot ni Gray 'yung tenga ko ng sanga ng damo, tinabig ko 'yung kamay niya. " Sshh. Makinig ka. " 

" Opo, boss. " 

" And then nitong isang araw, nakita ko siya sa tapat ng bahay nina Dianne... " si Dianne. 'Yung bitch sa school. 'Yung halos lahat ng gwapong lalaki eh sinosyota. " Oo kina Dianne nga. Hindi ko lang alam kung anong ginawa niya dun, basta nakita ko siya doon na lumabas mga bandang 6:30 PM. Tapos kahapon, magkasabay silang umuwi. Akala ko, ihahatid niya lang si Dianne kaso after niyang pumasok, hindi na siya lumabas. Hindi ko alam kung doon ba 'yun natulog o ano. " 

Magkatapat lang kasi 'yung bahay nina Dianne at Miko.

" Talaga? Hindi ako makapaniwala. Of all guys, si Jed pa ba? " wika ko naman. 

" Ssh. Kalma lang, bae. Hindi pa naman natin alam kung anong ginawa ni Jed doon diba? Besides, 'yung mga nakita lang ni Pareng Miko 'yung alam natin ngayon. Ang unfair naman kung hindi natin maririnig 'yung side ni Pareng Jed diba? Para saan pa 'yung pagiging magkakaibigan natin ng ilang taon kung tayo-tayo rin pala ang maghuhusgahan? " sa sinabi niyang 'yun, narealize ko 'yung tumatakbo sa isip ko. Tama naman si Gray. " Alam ba ni Jam 'to? " 

" Hindi... hindi ko alam at wala akong balak sanang ipaalam. " tugon naman ni Miko. 

" Bakit hindi? Karapatan niyang malaman 'to. Boyfriend niya 'yung sangkot dito. " tutol naman ni Gray.

Naiintindihan ko naman 'yung pinanggagalingan nilang dalawa. On the other hand, si Gray, siguro natuto na siya dun sa lesson na nakuha niya noong ginawa niya 'to sa akin. Na wala talagang lihim na hindi nabubunyag kaya siguro ganoon na lamang ang pagtutol niya na hindi ipaalam kay Jam ito. Si Miko naman, siguro ayaw lang makialam. Pero nagkaisa kami na kailangang malamn 'to ni Jam. Kung ano man ang mangyayari eh nasa sa kanila na iyon. Relasyon nila 'yan eh. Responsibilidad nila 'yan. Pero kung ako ang tatanungin, 'wag naman sana 'yung iniisip ko ang kahantungan ng lahat ng 'to. 

" Eh ikaw! Hoy... umamin ka! Baka mamaya umaaligid-aligid na rin sa may bahay niyo 'yung babaeng 'yun ha? Tatamaan ka sa'kin! " bulyaw naman ni Trey kay Miko. 

" Aray. " tapos sinangga niya 'yung mga suntok ni Trey. " Pagdudahan ba ako? Ikaw nga lang para sa'kin sapat na diba? Kahit pa ilang buwan na akong tigang. " 

Hindi naman magkamayaw 'yung dalawa sa paghaharutan dahil doon sa sinabi ni Miko. Hindi rin maitatago 'yung kahihiyang gumagapang kay Trey kasi obvious na obvious naman sa pula ng mukha nito. Napatawa na lang ako. Maya-maya pa'y nakaramdam na lang ako ng dalawang pares ng brasong pilit akong inilalapit sa kanya. Nang makalapit na ako ay ipinatong niya 'yung baba niya sa balikat ko.

" I love you. " 

Gray, can you wait 'til the day that I can answer those words I love you, too? 

* Gray

" Medyo matatagalan ako sa loob eh. May make-up class pa pala kami. Sorry. Gusto mo tawagan ko na sila Jed? Sina Trey kaya? Papahatid kita sa kanila? " sabi ko kay Reggo.

" Hindi na. Intayin na lang kita dito. Maano ba naman 'yung Isa't kalahating oras. Tsaka wala naman akong gagawin eh. Intayin na lang kita dito. " tugon naman niya.

" Pero ano... madilim dito oh tsaka wala kang kasama. Baka lang may masamang mangyari sa'yo. " sagot ko.

Nakita ko 'yung ngiti niya pero pinigil niya ito. Ang cute niya talagang tingnan kapag nagpipigil ng kilig. HAHAHA. Ang assuming ko na kinikilig siya eh 'no? Ah basta! Masaya na ako ng napapangiti ko na ulit siya. Pasasaan ba, kung gugustuhin ng tadhana, baka maging kami ulit. At pag nangyari 'yun, sisiguraduhin kong araw-araw siyang masaya at kung iiyak man siya, hinding hindi ko siya iiwan at ako pa mismo ang pupunas sa mga luhang pumapatak galing sa kaniyang mata. 

" Ano ka ba. Para naman akong babae niyan eh. Isa pa, kaya ko 'to. Malakas kaya ako. " sabay flex ng muscles niya sa harap ko. 

" Teka, nasan 'yung muscles? Absent ba? " pagbibiro ko dito at aktong hinahanap pa 'yung muscles sa braso niya. 

" Ang yabang mo ah! HAHAHA. Kala mo. Sige na, pumasok ka na dun. Baka malate ka pa. " tinulak tulak niya pa ako papasok ng room.

" Sigurado ka ba? Hindi kasi ako mapalagay na mag-is... " hindi niya ako pinatapos. Inilagay niya 'yung gitna at pointing finger niya sa labi ko at aktong pinapatahimik ako. 

" Ssshh. I'll be fine here. Sige na. " 

Sa huli, wala na din naman akong nagawa. Kahit pa labag sa kalooban kung iwan siya dun sa labas, kahit pa 'di naman ganoon kalayo sa room namin iyon, hindi pa rin ako kumportable. Pero may tiwala naman ako sa kanya. Wala naman sigurong mangyayaring masama jan. Ang over protective ko ba? Dapat lang! Mahal ko kaya 'yang pinag-uusapan. 

Pumasok ako ng classroom ng parang wala lang. Hindi na naman kasi bago sa mga kaklase ko 'yung sa amin ni Reggo. Diba first year pa nga lang eh alam na nilang may namagitan sa amin noon? Kaya wala ng malisya 'yun ngayon. Isa pa, may kanya-kanya kaming buhay na kailangang unahin, isa na 'tong major na 'to na hindi namin alam kung paano ipapasa. Lintek 'yan. 

Mabagal lumipas ang oras. Kaninang-kanina ko pa gustong lumabas ng room para puntahan si Reggo kasi biglang bumuhos ang ulan kaso ayaw na akong palabasin ng teacher ko. Kaya naman wala akong nagawa kundi hintaying matapos ang klase. Tahimik kong pinagdadasal na sana'y tumigil na ang ulan. Hindi na rin naman ako nakapagfocus sa klase ko dahil 'yung buong pag-iisip ko ay na kay Reggo. Na'san na kaya 'yun? Saan kaya 'yun pumunta? Baka nagpapaulan 'yun ah? Ilan 'yan sa mga tanong na pumapasok sa isip ko noong mga oras na 'yun. 

" Ok, that's all for today. See you next meeting. " 

Dali-dali akong lumabas ng classroom at agad na iginala ang aking mata. Hindi ko siya makita! Wala siya doon sa pinag-iwanan ko kanina. Well, ok lang naman kasi kapag nandoon pa rin siya, mababasa siya pero unti-unti na kasing dumidilim. Mahihirapan akong hanapin siya. 

" Reggo... Reggo! " 

Sigaw ko sa may park. Pero wala akong nakuhang sagot. Tumakbo ako sa pinakamalapit na buildings dito at nag-baka sakaling doon siya sumilong. Hindi ko na inintindi kung madilim man o ano, mas nakakatakot kapag may nangyaring masama sa kanya kesa sa mga kwento kwentong may nagpapakita daw sa mga buildings dito. Pero wala na naman akong nakita. 

Baka naman umuwi na? Dali-dali kong tinawagan 'yung kasambahay nila sa bahay at itinanong kung nandun na ba si Reggo.

" Ah ser... wala pa po si Ser Reggo dine sa bahay. " 

Mas lalo akong nabalot ng takot. Saan naman kaya pupunta 'yun? Nagpabalik-balik na ako sa kahabaan ng building ng College of Arts and Sciences. Pati 'yung mga estudyanteng hindi ko kakilala ay itinanong ko kung nakita ba si Reggo pero bigo akong makakuha ng sagot. Napaupo na lamang ako sa hagdan sa first floor at inihilamos 'yung kamay ko sa aking mukha. Sinubukan ko siyang tawagan pero kapag talagang minamalas ka ay wala talagang paraan. Cannot be reach ang telepono niya. Nasabunutan ko na lang 'yung sarili ko. 

" Sinabi ko na eh. Kaya ayokong iwan 'yun kanina eh. Paano na lang kung may mangyari dun? " 

Alam ko medyo OA 'yung dating pero ayun nga, mahal ko kasi 'yung sangkot dito kaya natural lang na mag-alala ako ng ganito lalo pa't hindi ko siya macontact man lang. 

Maya maya pa ay may narinig akong mga yabag ng paa kasabay ng pag-alingawngaw ng malulutong na tunog ng mga tawa. Kilala ko 'yung tawa na 'yun pero 'yung isa, parang hindi pamilyar. Hindi kaya may kasama siya? Sa hindi kalayua'y nabanaag ko 'yung anino niya. Tama nga ako may kasama siya. Pero sino naman 'yun? Nang unti-unting makalapit sila sa lugar kung nasaan ako, biglang tumaas 'yung dugo sa mukha ko. Biglang uminit 'yung ulo ko't nagsalubong 'yung kilay ko. Ba't niya kasama 'yan? Diba sinabi ko ng 'wag na siyang sumama jan? 

Hindi ko na sila hinintay pang makalapit sa akin. Lumapit na ako ng mabilisan sa kanila at dali-dali kong kinuha 'yung kamay ni Reggo.

" Tara na. " matigas kong utos. 

Mas lalo akong nahihiwagaan sa taong 'to. Sino ba talaga 'tong Tim na 'to? Ba't hindi maganda 'yung pakiramdam ko sa taong 'yan?

***

Demanding na kung demanding pero comments naman kayo. HAHAHA. Para may motivation akong magsulat ulit. Sige na oh. Salamat.

Continue Reading

You'll Also Like

14.8K 882 38
Hopeless Series #1 Isa sya sa ginagalang ng lahat sa buong paaralan, matapang,malakas, at walang emosyon. Ganyan ang ugali ng isang Rome Silverado. ...
15.7K 731 38
Simon De Vera, isang introvert student at discreet na nag-aaral sa isang sikat na school sa lugar nila. Matagal na niyang tinatago ang buong pagkatao...
329K 8.9K 31
Kakaibang drama ni Kash at Kylan. || HEART SERIES: Pounding Heart (boyxboy) [Completed] Copyright © All Rights Reserved.
19.8K 1.3K 54
Bawat tao na naririto sa mundo ay may mga kahilingan. Isa na rito ang mahanap ang kanilang 'one great love'. Lahat ay nais maging masaya. Ngunit nang...