The Virgin Writer

Autorstwa crushyrushy

5M 57.1K 5.9K

(To be published under Red Room/ LIB) (Completed) She is Pollyanna Garcia and She's a Virgin Writer :) Więcej

The Virgin Writer
Virgin no. 1
Virgin no. 2: Revenge?
Virgin no. 3 (Walang kwentang Chapter)
Virgin no. 4
Virgin no. 5
Virgin no. 6
Virgin no. 7
Virgin no. 8
Virgin no. 9
Virgin no. 10
Virgin no. 11
Virgin no. 12
Virgin no. 13 (Walang Kwentang Chapter II)
Virgin no. 14
Virgin no. 15
Virgin no. 16
Virgin no. 17
Virgin no. 18
Virgin no. 19
Virgin no. 21
Virgin no. 22
Virgin no. 23
Virgin no. 24
Virgin no. 25
Virgin no. 26
Virgin no. 27
Virgin no. 28 (LAME chapter -__-)
Virgin no. 29
Virgin no. 30
Virgin no. 31
Virgin no. 32
Virgin no. 33
Virgin no. 34: Misunderstanding
continuation V.34
Virgin no. 35
Virgin no. 36 : Truth
Virgin no. 37
Virgin no. 38
Virgin no. 39
Virgin no. 40
Virgin no. 41
Virgin no. 42
Virgin no. 43
Virgin no. 44
Virgin no. 45
Virgin no. 46
Virgin no. 47
Virgin no. 48
Virgin no. 49
QUESTIONS!
The Virgin Writer - Epilogue
The Virgin Writer BOOK 2
SELF PUBLISHED BOOK
Sorry Guys

Virgin no. 20

92.7K 917 86
Autorstwa crushyrushy

Happy New Year Everyone!!!! Yehey!!

 Wala pang EDIT! Bukas na lang hapit sa TIME!!

______________________________________________________________________

Virgin no. 20

<Polly's POV>

Bumaling ako ng higa sa kabilang side.

At sa kabilang side.

Then sa kabilang side.

"Arggh.." Umupo na ako then tiningnan ko yung orasan malapit sa akin.

Tumataginting na 4:15AM ang nakalagay doon at wala pa akong tulog.

Hindi ako pinapatulog ng KONSENSYA ko. Lalong hindi din ako pinatulog ng pagiisip kung paano ako makakapagSorry kay Mint.

Nang hindi ko na makuha ang tulog ko. Napagpasyahan ko na kang bumaba at magtimpla ng Hot Chocolate. Bukas naman lahat ng ilaw.

Pagkatapos ko magtimpla. Lumabas ako suot ng Tatlong Patong na jacket. Mahamog malamang. Pumunta ako sa may Terrace ng Lobby at doon pinagmasdan ang madilim na bahagi ng Sagada.

NagZip ako sa Hot Chocolate ko.

Ah~~~ Heaven.


Nilagay ko din yung Baso sa may pisngi ko. Grabe. Sobrang lamig pala talaga dito.

Pero, mas masarap kung may kayakap dito.

"Haay.."

Nagdadrama. Feeling ko may tumutugtog na background song sa paligid ko sa pagiging Emo ko ngayon oras na ito.

Paano ako hihingi ng Sorry kay Mint? Tyaka, ang daming Question Mark sa utak ko.

Bakit siya nagalit? Diba naman?! Sabi nga namin, No Strings Attached.

Pero siya na ang nagsabi Possessive siya.

Teka! Nababaliw na ata ako. Nakikipagtalo na ako sa sarili ko. Muntanga lang. Ganito na ata ang mga nabubuang.

"GoodMorning."

Napatingin ako sa nagsalita nasa likuran ko.

Ang aga-aga may Bwisit nanaman dito.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hmmm." Umupo si Hito sa tabi ko. Kitams. Kupal niya hindi naman pinapaupo umupo.

Ilang minuto kaming tahimik. Okay lang sa akin. Ayoko siya kausapin. Wala naman akong balak kausapin siya.

Naubos na yung Hot Chocolate ko. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin lang ito sa tinitingnan ko.

Nang walang mahita tumayo na ako.

"Polly." Tawag nito.

Huminto naman ako. Magkatalikuran kami. Nakaupo siya na nakatingin pa din sa pinagmamasdan ko kanina pa.

"Pwede ba kitang mayaya sa labas?"

"Nasa labas na tayo, Tanga."

Harsh. Harsh. Oo. Paki niyo ba?! Eh, Badtrip ako sa kanya eh.

"Aww." Tinakpan pa nito ang Tenga. "I'm trying to be a Good Guy here."

"Wag mo na i-try, mahihirapan ka." Naglakad na ako palayo pero hinawakan ako nito sa Braso. "Bakit?"

"Kahit ngayon lang, may gusto lang ako ipakita sa iyo." Nakaharap na ito sa akin.

"Pagkatapos nung ginawa mo sa akin kagabi. Sa tingin mo sasama pa ako sa iyo? Mukha mo." Naglakad ako paalis pero this time hinarangan niya ako. "Ano ba? Ang aga-aga ah.."

"Kahit ngayon lang. Pagkatapos nito hindi na kita guguluhin."

Tumaas naman yung kilay ko. Hindi guguluhin? Hello? As if maniniwala ako.

"Pleasse? Gusto ko sana makita mo yung Kiltpean Peak."

"Kiltpean peak?"

"Yeah. Attraction yun sa Sagada. Kaso, mukhang hindi naman tayo makakapunta dun.. So?"

"Di mo ko rarape-in?"

Ngumiti ito ng nakakaloko na ayaw kong ginagawa ni ya tuwing may naiisip na kababalaghan.

"Bakit lagi mo na lang ako binibigyan ng Idea."

"Ganon?" Inalis ko yung kamay nito at naglakad palayo. "Pumunta ka magisa mo."

"Teka lang.." Sumunod ulit ito sa akin. "Biro lang yun." Huminto ako ng huminto ito. "Gusto ko lang talaga makita yung Kipletean Hill."

Tumingin ako dito. Wala naman sigurong gagawin ito sa akin? At sabi niya, titigilan na niya ako pagkatapos ko sumama sa kanya.

"Maganda ba don?"

Ngumiti ito tyka tumango.

Bakit napapayag niya ako pagkatapos kong magalit sa kanya?

Siguro kailangan lang namin ni Mint ng masinsinang Space.

Taaray, magDyowa lang ang Peg, SPACE?

Napailing na lang ako habang naglalakad kami ni Hito paalis.

******

"Wow! Ang ganda!"

"Sabi sayo eh." Binigyan ako nito ng isang tumblr na may Hot Chocolate na laman. "Umupo ka na lang. Kita mo naman kahit nakaupo ka."

Umupo ako sa tabi nito. Sa kaliwa niya.

Halos hindi ako makapaniwala na may ganito pa palang Nature na makikita dito.

Nasa tuktok kami ng Kiltepean Hill. At mula sa kinauupuan namin, kitang kita namin kung paano nagiiba-iba ang kulay ng Clouds sa bawat taas nung araw mula sa bundok. SunRise na. 5:45AM. Halos murahin ko si Hito dahil sobrang taas ng nilakad namin.

Tama nga ang sabi nila..

Di bali ng Pagod, Masarap naman.

Hehe. Masarap? Gawa-gawa nanaman ako ng sarili kong kasabihan. Ibig sabihin lang nung sinabi ko, Masarap yung Feeling na pinaghirapan mo muna, tyaka ka nakinabang..

Iyon.. Kayo talaga..

"Ang ganda talaga.." Nakangiti pa din ako habang tuwang tuwa ako sa mga Clouds na nakita ko.

Maganda din sana, kung kasama ko si Mint..

"Oo, maganda nga.."

Wala sa sariling napatingin ako kay Hito. Hindi ito nakatingin sa mga ULAP.

Sa akin ito, nakatingin!

"It's nice to see you smiling."

Tinigilan ko ang pagngiti. Teka nga, bakit bigla na lang akong napapangiti?!

"Ewan." Kumuha ako ng damo tyaka ko binato sa kanya.

"Aww.. Hindi mo ba talaga ako papaniwalaan kahit kaunti lang.. Kaunting kaunti lang."

"Tss.." Tiningnan ko na lang yung Ulap. Baka may mapala pa ako.

Ilang minuto lang akong tahimik. Ganun din ito, na okey lang naman, dahil ayoko siyang kausapin ng kausapin. Ano akala niya? Bati na kami pagkatapos nung ginawa niya sa akin kagabi? NO.. NO.. NO..

"Polly."

"Oh?"

"Sorry."

Napatingin ako dito. Aba! Marunong pala magsorry itong mukhang hito na ito?

"Kagabi hindi ako nakatulog, kakaisip sayo.."

Astig. Grabe.. Hindi siya makatulog sa akin. Ako naman di makatulog ng dahil kay Mint. Si Mint kaya? Nakatulog?

"Hindi ka pinatulog ng konsensya mo?"

"Parang ganun na nga.." Kumuha ito ng bato tyaka hinagis sa bangin. "Ang dami ko na pa lang nagawa sayo. Mula nung magkita tayo. Naging pervert ako, blinackmail kita, pinahiya kita, tapos.. eto, hinalikan kita.."

Ginaya ko ang ginawa nito. Kumuha ako ng bato, pero binato ko sa kanya.

"Aray."

"Tyaka mo lang narealize iyan pagkatapos nang mga nangyari?"

"Pero may dalawang bagay naman na hindi ako pinagsisihan sa mga ginawa ko.."

"Ano naman iyon?"

"Nung halikan kita, tyaka nung sinabi kong liligawan kita."

Inirapan ko siya. "Liligawan mukha mo."

"Kaya nga kita dinala dito eh.."

(=_______=)????

"Bakeeeet?"

"Gusto ko magsimula ulit tayo.."

"Magsimula ulit?"

Lumingon ako sa kanya. Mayamaya ay inabot nito ang kamay nito.

"Hi Miss. I'm Terrence Legazpi, Senior, Mabait, Maginoo, Dating Manloloko, pero nang makita kita, nagbago ang pananaw ko, sabi ko, kailangan maging stick to one ako. Ikaw anong pangalan mo?"

Doon ako napangiti. "So kailangan talaga rhyme?"

"Hmm. Oo, para kakaiba.."

Napangiti ulit ako.

Is he worth second chance?

Itong makulit, antipatikong mukhang hito na ito??

Hoy, wag kau magisip ng kakaiba, as FRIENDS lang naman..

Inabot ko yung kamay niya.

"Hello. I'm Polly Garcia. Senior. President ng Student Council.." Virgin pa. Pero ng dahil sa pinsan mong si Mint, unti-unti ring napopollute ang utak ko. Parang gusto kong idagdag. Haha. ".. Nice to meet you."

Napangiti na ito ng tuluyan. Ganon din ako. Then we shake hands.

So ito na ba yung sinasabi nilang.. BATI-BATI-na-tayo?

Puwede naman sigurong magiba ang ugali nung Hito na ito.

"Ahm.. Terrence?"

"Woah. You really say my name?"

Napalingon ako dito. Oo nga. Parang ngayon ko lang sinabi yung totoo niyang pangalan.

"Para kang sira."

"Kakaiba talaga! Pramis! Nasanay lang kasi ako sa palayaw ko sayo. Yung Hito."

"Gusto mo ibalik ko?"

"Nah. Mas maganda pangalan ko. Parang sa iyo." Binato ko ulit ito ng bato. "Kidding Aside, teka, bakit mo nga pala ako tinawag?"

"Talaga bang... gusto mo ako? Kahit, sinusungitan kita?"

"Hmm.." Uminom ito bago sumagot sa akin tyaka tumingin sa ulap. "Actually.. Dalawa kayo."

"Ha? Dalawa kami? Bakit di na lang siya para hindi na ako yang kinukulit mo?"

"Di ko siya mahanap eh, Magaling siya magtago."

"Bakit? Nakapatay ba siya?"

"Hindi. Pero may ginawa siya sa akin na ikinatuwa ko."

"Meron bang ganun? Gusto yung masamang ginawa?"

"Oo." Naramdaman kong tumingala ito. "Ang sexy niya. Sobrang Hot. Sobrang bango. Aggressive. Pero, ang pinakamaganda sa kanya yung Mata niya." Tyaka tumingin sa akin. "Parang sa iyo."

Lumingon ako dito. "Parang sa akin?" Uminom ako ng Hot Chocolate.

"Oo, akala ko nga ikaw si SooHee eh, kaso magkaibang magkaiba kayo."

*BOOOOOSSSHH.*

"Ugh! Ugh! Ugh!" Napaubo ako sa narinig ko.

Teka, tama ba ang rinig ko? SOOHEE? Si Soohee yung tinutukoy niya? Yung AlterEgo ko?! Ako pa din yun diba? Gusto niya yung AlterEgo ko? Yung aggressibong Writer ng PlayGirl Magazine? Eh diba ako iyon? Teka, Ibig sabihin aggressibo ako?!

WAAAAAAH! Bakit AKO nanaman?!

"Ayos ka lang ba??" Nirub nito ang likod ko.

"O-Oo." Inayos ko na yung sarili ko bago tumingin sa kanya. "T-teka, yung SooHee ba na tinutukoy mo yung.. W-writer ng P-playgirl M-magazine?"

"Ah! Kilala mo pala siya? Ibig sabihin, nagbabasa ka ng Playgirl Magazine?"

"O-oo. G-gusto mo siya? M-magkakilala k-kayo?" Galing ko talaga magsinungaling. Kung ako si Pinocchio sobrang haba na ng Ilong ko.

"Hindi. Once ko pa lang siya nakita." Tumingala ito ng parang may inaalala. "Alam mo bang pinakidnap niya si Mint, kaso, nagkamali siya ng nakidnap, Ako yung nakuha niya, doon ko siya nakita."

"A-ah.. G-ganun.. Paano m-mo naman nalaman na ak-- este siya y-yung g-gumawa n-nung pangingidnap sayo?"

"Ah, yun ba?" Umayos ito ng upo. "Narinig ko sa guards niya. Alam mo, magkaibang magkaiba kayo. Kung ikaw sobrang INOSENTE, siya sobrang makapagexplore!"

"S-siya siguro si D-dora."

"Patawa ka talaga. Pero, nung mga oras na nakidnap ako, nakatali at nakapiring sobrang natutuwa ako sa kanya."

"B-bakit naman?" Gusto kong makuha yung Statement niya. Naks. MakaStatement. Kaso, sobrang Awkward lang. Na AKO din pala yung gusto niya. IISANG TAO lang.

"Ayoko sabihin. I don't want to pollute your virgin mind."

"Kung alam mo lang.." pabulong na sabi ko.

"Anong sabi mo?"

"W-wala!" Napalingon ako. "Ahm.. S-sabi ko, m-magkwento k-ka pa.."

"Ah. So yun nga, fast forward na natin ang mga nangyari. Nung pagkaalis niya ng piring niya sa akin. Nakita ko siya. Kaso, sobrang kapal nung make-up niya.. Ang naaalala ko lang yung, mata niya. Parang katulad ng sa iyo."

"Ah.. Ha-ha! M-magkatulad kami?"

"Nah. Sobrang layo mo sa kanya. Alam kong di mo gagawin yun."

Pwes, nagkakamali ka! Nagawa ko na nga diba? Mas magandang wag mo na lang malaman na si SOOHEE at AKO ay iisa. Isipin mong magkaibang tao sila. Tama yan, Terrence.

"Hinahanap mo siya."

"Oo. Pero, pinuntahan ko na yung Editor niya. Wala pa din. Sobrang higpit nung Security niya. Pati Identity dahil nalaman ko wala pang nakakakita sa kanya ng personal. I'm lucky, dahil nakita at nahawakan ko siya. Ibig sabihin hindi fictional si SooHee."

Napakunot ako sa sinabi nito at bigla kong naalala yung paguusap namin ni Editor Joyce nung panahon na nalaman ni Colyn na may Secret Chuchu kami ni Mint.

Siya kaya yung lalaking nagpupumilit pumasok para makita Ako?

".. Pero, di pa rin ako nawawalan ng pagasa. Mahahanap ko siya dahil alam kong nandiyan lang siya sa tabi-tabi."

Tanga! Nandito sa harap mo. Kausap mo na! Tss.. Lord, wala naman akong problema dati ah, bakit nagkaganito? Dahil ba sa kagustuhan kung matuto kung ano ang ginawa ng Nanay at Tatay ko para mabuhay ang hinayupak na kapatid ko at ako? Grabe lang.. Ang hirap nito!

"Bakit mo ba kasi siya hahanapin?"

"Para malaman ko kung sino ba talaga sa inyo ang mas gusto ko. Ikaw o Siya. At para na rin makaganti ako sa ginawa niyang kasalanan sa akin."

"K-kasalanan?"

"Pinarape niya ako sa Bading kaya, ipaparape ko siya sa Tomboy. Tingnan ko lang."

AAAAH! Problema nga talaga ito!

Tuloooong naman!!

*******

"Ang ganda ng Hanging Coffins!"

"Sayang lang at hindi natin makikita ang mga Caves!"

"Oo nga! Bakit ba naman kasi biglang umulan?"

"Oo nga. Sana huminto. Para makapasok tayo, diba, Polly?"

"Ha?" Napalingon ako kay Colyn at Khristel na masayang nagkwekwentuhan pagkatapos ng paglilibot namin sa Hanging Coffins.

Kaso, simula nung makabalik kami ni Terrence, halos wala na akong inisip kundi ang sinabi niyang gusto niya ako, at gusto niya si SOOHEE na siyang AlterEgo ko.

Pati na din ang balak nitong ipaRape ako sa TOMBOY!

=_________=

"May problema ba?" Tanong ni Khristel. "Kanina ka pa namin napapansin na medyo tulala."

"P-pagod lang siguro ako. Mabuti pa, mauna na kayo sa Lobby, bibili lang ako ng Chocolate dito."

"Sigurado ka? Gusto mo, samahan ka nanamin?"

"Wag na! Ayos na ako dito. Hintayin niyo na lang ako doon."

"Sige. Bahala ka. Itext mo kami ah."

Tumango na lang ako, bago kami naghiwalay. Nakapayong ako magisa. Gusto ko lang talaga na mapagisa muna. Mahirap kaya ito. Kala niyo?

Problema kay Mint. Problema kay Terrence. Problema sa magpinsan. Problema sa Lalaki.

Kitams! Ang hirap!

Maglalakad na sana ako para makabili na nung Tsokolate ng may tumawag sa akin.

"Ms. President!"

Napalingon ako sa tumawag. Si Den, naaalala niyo ba siya? O sadyang makakalimutin lang kayo? Siya yung secretary ni Kelly, yung Cheerleader na nambastos sa akin sa may Bleacher dahil naiinggit siya na nanlilink sa akin sina Terrence at Mint.

Tumaas ang kilay ko at humarap dito.

"Anong kailangan mo?"

"Si Mint."

Bigla akong kinabhan. Si Mint?

"Anong nangyari kay Mint?"

"Nasa Samaguig Cave siya."

"Teka! Delikado dun diba? Umuulan!"

"Pinapasabi ni ya na gusto niya makipagusap sa iyo. Importante raw."

"Ha? Tanga ba siya?"

"Hindi ko alam. Basta ang sabi niya, importanteng makausap ka niya. Nasa pusod siya ng Samaguig Cave sa may Bukal."

Loko-loko talaga siya! Arggh! Nandagdag pa sa alalahanin. Bakit sa dinamidami ng paguusapan si Kweba pa! Parang TANGA!

Tinext ko muna si Colyn na malalate ako at kakausapin ko muna si Mint bago ako tumakbo papuntang kweba.

Hindi na ako nagpaalam kay Den. Basta, nagaalala ako kay Mint.

at Importante na makausap niya ako. Ito na siguro yung oras para, magSorry ako...

-----

<Kelly's POV>

Eepal? Eepal? Kung di mo ako nakikilala, pwes magpapakilala ako. Ako lang naman si Kelly. Ang seksing-seksing Cheerleader na galit kay Polly, yung haliparot na presidente ng Student Council.

Oh. Geez. Student Council? Mukha niya.. Sa pagkapahiya niya sa akin kailangan gantihan ko siya. Ano aangal ka? Tss. As if makakatulong ka.

Biglang tumunog ang Iphone5s ko. Gulat ka? Wala ka pa ngang Iphone5, may Iphone5s na sa mundo ko. Tss. Mahirap ka kasi.

"Oh?" sagot ko.

"Papunta na si Polly diyan."

"Very Good Den! I treat you Dinner. Sabi ko na nga ba. Effective itong plano ko."

"Wait, anong Dinner? Wag mo sabihing iiwan mo si Polly diyan hanggang gabi?"

"Teka lang." Nilipat ko yung IPHONE5S ko sa kabilang tenga. "Kailan ka pa natutong question-in ang mga plano ko. Pagsinabi kong Dinner Dinner at pag sinabi kong hindi ko din siya palalabasin dito at hahayaan siyang mamatay sa lamig gagawin ko. Dahil ako ang masusunod? Maliwanag?" Binaba ko kaagad yung phone at nilagay sa bag.

Lihim ako napangiti.

"Now, its my time to shine, Ms. President. Payback Time. Psh.."

----

Happy New Year Everyone!

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

6.9M 210K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
91.2K 1.7K 46
Arisse Mae Delos Santos, a perfect woman. Nasa kanya na lahat ng hihilingin mo. Yaman, talino, ganda, mapagmahal na magulang at karelasyon. She's liv...
1.3M 19K 56
High school friendship.
1.4M 28.4K 47
[ Stanford Series #1] [FIN] She tends to forget a lot of things. She often forgets locking her unit. She forgets doing her grocery. She forgets her f...
Apka Wattpada - odblokuj wyjątkowe funkcje