Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

496K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XXXII

9.7K 194 22
By Invalidatedman

* Reggo

Someone's playing with my nose. 

Baka naman panaginip lang. Hindi ko na lang pinansin. Nagbago na lang ako ng puwesto. Tumagilid na lang ako at nagfocus para matulog ulit. Ang sarap kayang matulog.

Pero parang totoo talaga eh. May nanglalaro sa ilong ko. Sinubukan kong bugawin ito kung langaw man 'yun, lamok o kung ano mang uri ng insektong sumisira sa forever namin ng kama ko. Nang maramdaman kong parang nawala naman, bumalik na ulit ako sa pagkakahimbing. Langaw lang pala. Isang bugaw ka lang. 

Sh*t! Talagang ang kulit ng hayop na...

" Good Morning Baeeee! " 

" What the F*ck?! " halos lumuwa 'yung mata ko sa nakita ko. Bakit siya nasa loob ng kwarto ko?! 

" Aww. Ang sweet ng bati mo sa'kin ha. " tapos bigla siyang nagpa-cute. 'Wag ngayon, Gray. Hindi pa nagpaprocess utak ko. 

" Ba't ka... " dali-dali kong kinuha 'yung blanket, unan at lahat ng pwedeng itakip sa katawan ko at saka humiga at tinabunan 'yung katawan ko. Naka-underwear lang kasi ako matulog kagabi. " Ba't ka nandito ha?! " 

" Eh diba may pasok tayo ngayon? Tapos sabi mo sa'kin kagabi, sunduin kita. Oh ayan, sinusundo na kita. Actually kanina pa nga ako dun sa baba eh. Mga thirty minutes na kaya nagsabi na ako kay Manang na aakyatin na kita dito. And to my surprise... may sexy na katawang nakahain sa mga mata ko. Hmmm. Yummy." he said it with very... very seductive voice. God. Tapos nag-lip bite pa siya. Sh*t! 'Wag ngayon, please! Umagang umaga ang dumi-dumi ng nasa utak ko. 

" Gag*! Manyak ka talaga. " bigla akong tumayo at saka siya itinulak palabas. " Sige na, sige na. Magbibihis na ako. Madali lang ako promise. Sige na. " pero parang wala siyang nakikinig. Sa iba siya nakatingin. Nakatingin siya sa... 

" F*ck! Labas na sabi! Labaaassss! " sigaw ko. Nakatingin pala siya sa... sa... alam niyo na! Nalimutan ko, nakaunderwear nga lang pala ako. Takte naman oh. 

" Fine... fine. Hahaha. " tapos dumiretso siya sa labas. Nang maisara ko ang pinto, napahawak ako sa dibdib ko. Bastos na ulupong 'yun. 

Halos kumalabog naman at lumabas 'yung puso ko ng marinig ko 'yung katok sa labas. Nang buksan ko, nagsalubong na lang 'yung mga kilay ko ng makita kong hindi pa rin siya umaalis at bumababa sa baba. 

" What?! " iritado kong sabi. 

" Bilisan mo ha. May forty five minutes ka na lang para magprepare. " wika niya.

" Yun lang ba? Sige. By--- Ano nanaman?! " sasarhan ko na kasi sana 'yung pinto pero biglang pinigil ng kamay niya.

" And by the way, ang ganda pa rin ng legs mo Bae. Parang sa bab... Baeeeeee! " 

" Pakyu! Kausapin mo 'yang pinto! Manyak. "

Padabog ko kasing isinara 'yung pinto. Serves him right. Kaaga-aga, puro kalibugan ang nasa isip. Hayop na 'yun. Akala ko kung anong hayop na ang lumalaro sa ilong ko, hindi lang pala hayop. Hayop na hayop. Pero ano... ang hot niya lang kanina nung naglip bite siya. Hahaha. 

***

All set na ako. Nakapagbihis na ako. Nakapaglagay na ako ng wax, naayos ko na rin 'yung buhok ko. I checked my bag at siniguardo kong lahat ng kailangan ko for school ay nandito na. Nagsuot ako ng polo at kinuha ko 'yung ID ko. Nagspray ako ng pabango and look myself at the mirror. Nang marealize kong ok na lahat, naglakad na ako dahan-dahan papunta sa pinto ng biglang bumukas ito. 

" Waaaaaaaaa! " at biglang iniluwa nito si Gray.

" Putttt*********-in******! " halos mapaupo ako sa pagkagulat. 

Tumayo ako at hinarap 'yung kumag na halos mamatay-matay na naman sa kakatawa. Namumuro na 'to ha. Kanina pa 'tong maga. Ay hindi. Nung isang araw pa pala 'to. Itinulak ko ng bahagya 'yung parteng dibdib niya na parang nanghahamon ng away. 

" Ba't mo ko ginulat ha? Anong trip mo? Ba't mo ko ginulat?! " medyo naiinis kong sabi.

" Ano... " natahimik siya ng bahagya tapos kumamot sa batok niya. Ay kahit pa gwapo ka jan sa anggulong 'yan, inis pa din ako! " Kaya kita ginulat kasi ano... " 

" Ano?! " medyo tumaas 'yung boses ko.

" ParaSHOCKinkanalang! " tapos bigla siyang yumuko. 

Biglang umurong 'yung dila ko. Katahimikan ang bumalot sa amin habang nasa loob kami ng kwarto. Nanatili lang siyang nakayuko habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya, hindi kumukurap. Iniinternalize ko pa 'yung narinig ko mula sa kanya. Nang magsink-in talaga sa'kin 'yung sinabi niya bigla na lang umalingawngaw 'yung malulutong at malalakas na tawa sa kwarto ko. Kanino pa ba galing, eh 'di sa'kin! 

" What?! HAHAHAHAHAHAHA. Seriously, Gray? Anong nakain mo? Hahahahahaha. " napaupo ulit ako. Pero this time, hindi na sa sobrang gulat kundi sa sobrang kakatawa. 

Nakita ko naman siyang umismid. Ang cute. Tapos 'yung mukha niya pulang pula. Parang kamatis. HAHAHA. Pero wala talagang tatalo sa banat niya. Havvveeeeey! HAHAHAHA. 

" Tsk. Sinabi ko na nga ba eh. Tayo na jan! Malalate na tayo. " may halong pagkainis sa boses niya. 

" Hahahaha. Teka.... Hahahaha. Hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya.... hahahahaha! " halos mamilipit na ako sa kakatawa nun. 

Kung hindi pa niya ako hinila ay hindi siguro ako nakatayo kasi sobrang natatawa talaga ako. Hanggang sa sasakyan nga eh pasimple pa rin akong tumatawa eh. Minsan hindi ko napigilan kaya ayun, nahalakhak na naman ako sa sasakyan niya. Napailing na lang siya. Ang corny kasi. HAHAHAHA.

Noong nasa school na kami, hinatid niya ako sa room. Sinalubong ako nung ilan kong kaibigan. Kasama na si Jam at Jed. 

" Uy... may paghatid hatid na ulit. May improvement. " panunukso ni Jam.

" Hahaha. Gag*. " simpleng sagot ko.

" At mukhang masaya ka pa yata. Mukhang maganda ang gising mo ah? Anong meron? " pag-uusisa ni Jed. 

" Wala! Tara na lang at mag-aral! Ang sarap mag-aral! HAHAHA. " 

Nakita ko 'yung pagtatanong sa mata nila at nagkatinginan sila pagkatapos marinig 'yung sinabi ko. 

" Sus! 'Wag kami, Reggo! " 

* Gray

Naglalakad na ako papunta sa canteen. Ang sabi ko kasi kay Reggo ay doon ako intayin. Panay na nga ang text niya na kanina pa daw siya nandoon. Gutom na raw siya. Ito talagang taong 'to, may pagkaisip bata. HAHAHA. Isa 'yun sa nagustuhan ko sa kanya eh. Bigla na namang tumunog 'yung cellphone ko at nakita kong message na naman galing sa kanya. Kaya inopen ko 'yun. 

From: Bae

Ano? Na'san ka na? 'Wag mong sabihing gugulatin mo na naman ako para SHOCKin ka lang? HAHAHAHA! 

Napailing na lang ako. Ba't ko nga ba kasi 'yun naisip! 

Nang makarating ako sa canteen ay agad kaming umorder ng pagkain. Nasa kalagitnaan kami nun ng pagkain ng may biglang tumabi kay Reggo. Tinanong kung ok lang ba daw kung makitabi siya. Nung tingnan ko 'yung buong canteen, occupied na nga lahat ng upuan. Magsasalita pa lang ako na pwede eh nakaupo na pala 'tong lalaking 'to. Pinayagan na pala ni Reggo. Ano pa bang magagawa ko?

" Timothy nga pala, Pre. Tim for short. " nakipagkamay siya sa'kin. 

" Gray pare. " sagot ko naman.

Tapos humarap siya kay Reggo.

" Tim, pre. " inilahad niya 'yung kamay niya kay Reggo.

" Reggo. " simpleng sagot ni Tim.

" Alam ko. I know you.tapos ngumiti siya at para bang may kakaiba dun sa pakikipaghand shake niya kay Reggo. Napatighim na lang ako kasi parang ayaw niyang bitawan 'yung kamay ni Reggo.

Hindi maalis 'yung tingin ko kay Tim habang kumakain kami. Inoobserbahan ko bawat kilos niya Madalas siyang tumingin kay Reggo tapos kapag nahuhuli ni Reggo at ngumingiti ito. Kapag ako naman ang nakakahuli sa kanya, ngumingiti lang din ito sa akin pero parang kakaiba. Parang may laman. Ganun lang ang ginagawa niya hanggang sa matapos kaming kumain. Kaya naman pagkatapos naming kumain ay hinigit ko agad si Reggo palayo dun sa weirdo na 'yun. 

" Oy! May sasabihin pa kaya 'yung tao. Ba't mo ko hinila agad? " inosenteng sabi ni Reggo. 

" Wala. Basta 'wag ka na lang lumapit ulit dun sa lalaking 'yun. " 

Tim. Tim. Tim. Timothy. Ngayon lang kita nakita sa school na 'to ah. Sino ka ba talaga? 

***

Si Tim/Timothy sa Multiedia Section.

Continue Reading

You'll Also Like

15.7K 731 38
Simon De Vera, isang introvert student at discreet na nag-aaral sa isang sikat na school sa lugar nila. Matagal na niyang tinatago ang buong pagkatao...
166K 3.9K 54
What will you do if you end up in someone else body?
1.4K 98 29
Scotty Anderson isang brat at anak ng pinakama impluwensiyang tao sa California. Agosto 10, 2010 nasangkot ang sasakyan niya sa isang road accident...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...