Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapater XXX

6.5K 195 17
By Invalidatedman

A/n: Exam week na sa darating na Wednesday, Thursday at Friday so... alam niyo na? Walang update sa mga susunod na araw. Mabuti na lang at nanalo ang UST kaya sinipag akong mag-update :) Isa pa, parang ang awkward ng title ng chapter na 'to. HAHAHA.

* Reggo

Ewan ko pero pagkatapos akong kausapin ni Trey at ni Miko, para akong sinampal. Ganoon na ba ako kasama? Sumosobra na ba ako? Oo, bukal naman sa kalooban ko na bigyan siya ulit ng second chance hindi dahil ginusto ni Nixon o ng kung sino man, kung hindi dahil ginusto ko rin. Ilang gabi ko rin kasing pinag-isipan 'yung desisyon kong 'yun. Hindi madali sa akin na bigyan siya ulit ng pangalawang pagkakataok dahil para ko na rin siyang binigyan ng isa pang pagkakataon para saktan ako ulit. Pero sa huli, nanaig 'yung gusto ng puso ko. 

Kasabay ng pagpayag ko ay ang kondisyon ko sa kanya na hindi na ako 'yung dating Reggo na niligawan niya noon. Mas maingat na ako dahil ayoko na ulit masaktan, siguro naman walang taong gustong masaktan lalo na at sa pangalawang pagkakataon. Binalaan ko na din siya sa pagbabago ko, sinabi niya namang handa naman siya para doon. Nakikita ko naman talaga sa kanya na pursigido siyang makabawi sa akin. Minsan nga, kahit medyo below the belt na 'yung ginagawa ko sa kanya, ngumingiti na lang siya. Ako naman, parang nadudurog 'yung puso ko sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan. Kaso, bigla na namang bumalik sa akin 'yung nakaraan. Ganitong ganito rin kasi ako noon eh. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko to the point na naging bulag na ako. Bulag na ako sa pagmamahal ko sa kanya. Kaya naman hindi ko man lamang naulinigan na ginagag* na nila ako kapag ako ay nakatalikod. Kaya nabuo sa isipan ko na bawal akong magpadaig sa emosyon ko. Bawal akong lumambot. 

Hindi ko naman kasi akalaing sa paghahangad ko na maprotektahan lamang ang sarili ko ay napapasobra na pala ako. 

" Napapasobra na ba ako? Sorry. " bulong ko mula sa bintana ng classroom nina Gray habang nakatitig sa bakante niyang upuan.

Hindi pala siya pumasok. Bakit kaya? Baka may sakit siya? O baka naman galit siya at hindi maganda ang timpla? Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ganoon 'no? Kung kailan nagawa mo na, saka mo lang marerealize 'na mali pala?

Tatalikod na sana ako ng mahagip ng paningin ko si Jandrix na nakatingin sa akin sa hindi kalayuan. Nakipagtitigan ako. Akala niya papatalo ako? Nagpatuloy lang ang mainit naming pagpapalitan ng mga matatalim na tingin hanggang sa magsimula siyang lumakad papalapit sa akin. Biglang gumuhit sa labi niya ang isang mapanuksong ngiti. Napataas naman ako ng kilay doon.

" Pinsan! Tagal na nating hindi nagkita ah. Buti buhay ka pa. " bungad ko.

" Again, Reggo? Bitter ka pa rin sa'kin? Come on. Akala ko ba sinasayang mo lang ang oras mo kapag nakikipag-usap ka sa'kin? Eating your own words, eh? " mapang-asar niyang tugon sa akin.

" Sinabi ko ba 'yon? Aww. Sorry. " tsaka ako nag make-face na parang nagsosorry talaga. " You were never a waste of time. Let's just that... umm.. you were just the harsh realization that I could do so much better. " take that! 

Ngumiti lang siya. 'Yung ngiting pang-demonyo, alam niyo 'yon?

" Wala akong panahon sa mga cheap catfights mo ngayon, Reggo." bigla namang dumako ang tingin niya sa kung saan kanina ako nakatingin. Sa upuan ni Gray.  " Nalaman ko kasi na absent si Gray. Bakit kaya 'no? " mapang-asar niyang tanong. " Siguro kasi... napuno na siya sa'yo. " 

I was caught off guard. Hindi ko alam na alam niya pala 'yon.

" Ikaw naman kasi eh. Nasa'yo na pero tinutulak mo pa rin palayo. Natatandaan ko pa naman noong kami pa, nabanggit niya sa'kin na ayaw na ayaw niya sa lahat ay 'yung binabalewala 'yung mga efforts niya. 'Yung katulad ng ginagawa mo. " ngumiti siya sa akin at saka nagsimula ulit maglakad. 'Yung bag niya, bahagyang nakasabit sa isang braso niya lang at saka niya ako binangga, balikat sa balikat. Hindi pa siya nakakalayo ng magsalita siya ulit. " Ikaw din. 'Wag kang iiyak kapag nalaman mong na sa akin na siya ulit.  " 

Para akong binuhusan ng tubig sa narinig kong 'yon. Bigla akong napako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw. Iniisip ko pa lang na posible ngang bumalik si Gray kay Jandrix dahil sa pinaggagagawa ko ay nanghihina na ako. Parang hindi ko yata kaya.

Lutang akong lumabas ng school. Nakatulala lang sa kawalan. May mga ilang estudyante at tao na rin akong nababangga pero wala akong pakialam. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, gusto kong malaman kung nasaan siya at humingi ng sorry. Kaso, wala akong lakas ng loob. Hindi ko nga alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya eh. agkatapos ng mga ipinakita ko sa kanya nitong mga nakaraang araw, hindi pa rin yata sa sapat kahit ang ilang sorry kapalit ng mga kagag*han ko sa kanya.

***

Bagsak ang balikat kong tinahak ang daan papunta sa bahay namin. Nalaman ko kasing wala pala si Gray sa bahay nila. Napaisip ako, nasaan naman kaya 'yun? Kung ganun, wala siyang sakit. Pero saan naman kaya iyon pupunta?

Bigla na lang pumasok sa isip ko si Jandrix. Napailing na lang ako. 'Wag naman sana.

Dahil sa hindi naman ganoon kalayuan 'yung bahay namin ay nagdecide na rin akong maglakad. Isa pa, kailangan kong magpahangin. Kailangan ko ring mag-isip. Ang daming nangyari sa loob ng maiksing panahon. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Kailangan ko munang huminga. Napadaan ako sa isang lugar kung saan matatas ang mga damo't halos walang dumadaan na tao. Hindi naman ako likas na matatakutin kaso parang bigla akong napaisip kung talaga bang dadaan ako dito. May isa pa kasing daan papunta sa bahay kaso sobrang layo at isa pa, hindi maayos ang daan. Ilang minuto rin ng pag-iisip ng maisipan kong lunukin ang takot ko't magpatuloy na lang sa paglalakad. Isa pa, may araw pa naman.

Sa aking paglalakad ay gumagala ang mata ko. Pakiramdam ko kasi ay mga matang nagmamasid sa akin. O baka mamaya may bigla na lamang tatalon mula sa matatas na talahib at saka ako lalapain. 'Yung kabog nung puso ko parang tambol sa lakas. Binilisan ko ang lakad ko. Nang maulinigan kong parang may nakasunod sa akin ay nagsimula ng mag-unahan ang mga butil butil kong pawis na tumulo sa aking mukha pati na rin sa aking likod. Habang binibilisan ko ang paglalakad ko ay ganoon din siya. Nang marinig ko ang mga yabag niya na para bang tumatakbo ay nagsimula na din akong tumakbo kaso huli na. Bigla niyang nakuha agad ang kamay ko at mabilis na nailagay sa bandang likod ng katawan ko dahilan para hindi na ako makagalaw. Habang ang isang braso niya ay nakapulupot sa leeg ko na tila ba sinasakal ako. Kasabay nito'y may naramdaman akong matulis na bagay na bahgyang tumutusok sa may balak ko sa leeg. 

" Akin na wallet mo. Kung hindi, ito na ang magiging libingan mo. " 

Nakita ko na lamang ang isang patalim na nakatutok sa aking leeg. Handa ng itarak sa akin anumang oras na lumaban ako. Wala na akong nagawa kundi magdasal sa aking isipan na sana'y may mapadaan man lamang kahit isang tao.  Pero sa pag-oobserba ko sa paligid ko, sino namang tao ang dadaan dito? 

Nawawalan na ako ng pag-asa. Labag man sa loob ko'y unti-unti kong dinukot ang wallet ko. Nang walang anu-ano'y bigla na lamang tumalsik 'yung mamang kaninang nakapulupot ang braso sa leeg ko. Napaubo ako at tila nabunutan ng tinik ng bumalik sa normal ang paghinga ko. Nakita ko na lamang na nakasalampak sa semento ang katawan nito at nang makabawi ng lakas at makatayo'y tumakbo ng walang kasing tulin. 

" Gag*! 'Wag ka ng babalik dito! Tang-!^@ mo! " sigaw niya. 

Pagkatapos noon ay bigla siyang tumakbo ng mabilis papunta sa akin at saka ako hinawakan sa mukha. Kitang kita ko sa mata niya 'yung pag-aalala. Nanginginig din 'yung katawan niya. Ako nama'y nanatili lamang na nakatitig sa kanyang mga mata. Akala ko katapusan ko na. Mabuti na lang palagi talaga siyang najan tuwing kailangan ko siya. 

" Chippypie, ano ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? May ginawa bang masama sa'yo 'yung ulupong na 'yon? Ano... magsalita ka? Hoy! " 

" Ah! Ano... wala. Wala. Ok lang ako. " tapos tumayo ako ng maayos. " Salamat pala, Gray. Kung hindi dahil sa'yo baka kung ano ng nangyari sa akin. " 

" Ikaw naman kasi eh. Ba't ka ba kasi naglalakad ng ganitong oras sa mga ganitong klaseng lugar. Delikado 'to ah. " bakas pa rin 'yung pag-aalala sa boses niya. 

" Ano... sorry. Galing kasi ako sa... sa inyo. " nahihiya kong sabi.

" Sa amin? Bakit? Anong mayroon? " 

" Nabalitaan ko kasing hindi ka ano... pumasok kanina. Nag-ano... nag-alala ako. Akala ko maysakit ka kaya naisipan ko sanang bisitahin ka man lang. Kaso wala ka daw sabi nung kasambahay niyo kaya ayun... pauwi na sana ako kaso biglang nangyari 'to. " nahihiya kong sabi. " Ikaw? Ano.... ok ka lang? May nangyari ba sa'yo? Nasugatan ka ba? " habang chinecheck ko 'yung katawan niya kung may sugat, napansin ko namang nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. 

" Ano?! " pabulyaw kong sabi dito. 

" Wala. Natutuwa lang ako. Concern ka pala sa'kin. " tapos kumamot siya sa batok niya. God! Bakit ang pogi nito? 

" Hindi concern ang tawag 'don. Pagtanaw ng utang na loob ang tawag 'don! Tara na nga! Kung anu-anong naiisip mo. " 

Nauna ako sa paglalakad para naman hindi nakakahiya. Baka kasi makita niyang namumula ako. At mahalata pa niyang kinikilig ako. 

* Jandrix

" F*ck. Heto na ako. Ah... Ahh...I'm cumming!  Ahh... sh*t! Ahhhhhhhhh. " 

Matapos ang mainit naming pagniniig, bumagsak siya sa aking ibabaw na tila walang lakas. Naghalo 'yung mga katas nami't mga pawis. Ramdam namin ang init ng katawan ng bawat isa. Dama ko rin 'yung tibok ng puso at init ng hininga niya. 

Matapos mabawi ang aming mga lakas ay nag-ayos na kami kaagad. Nang ayos na lahat-lahat, humarap ako sa salamin at siniguradong walang anumang bakas sa akin na kakakitaang kakagaling ko lang sa isang mainit na pakikipagtalik. Ayoko namang masira ang imahe ko. Ang laki ng ininvest ko marating lang kung ano 'yung narating ko ngayon pagkatapos sa isang iglap, mawawala lang. 

" Jandrix... " 

" Ummm? " simpleng tugon ko.

" Ano... gusto ko lang linawin kung anong meron sa pagitan natin. " diretsa niyang sabi. Napaharap ako ng diretso sa kanya. 

" Sa'tin? Hmmm. " nilagay ko 'yung daliri ko sa may gilid ng labi ko. " Friends. Friends with benefits.at saka muling bumalik sa pananalamin. 

" Ano... 'yun lang? Wala ba talagang pag-asa? 'Yung mga halikan natin... wala lang ba 'yon sa'yo? Bawat pagsesex natin, balewala lang 'yun sa'yo? " maemosyon niyang sabi.

" Diba napag-usapan na natin 'to? Kilala mo kung sino talaga 'yung mahal ko. Oo, nagsesex nga tayo pero hanggang dito lang 'to. Hanggang kama lang kung ano man ang meron tayo.napatingin na lang siya sa malayo at napatungo. 

" Talaga bang walang pag-asa? Kaya ko namang gawin lahat eh. " 

Napatigil ako sa ginagawa ko at napaharap sa kanya. Isang gwapong nilalang. Halos perpekto na, nagmamakaawa sa pagmamahal ko? Ang gwapo ko naman! Kahit sinong babae maloloko dito eh. Gwapo, maganda ang mata, makinis ang balat, matangos ang ilong at makapal ang kilay. Makinis. Maganda ang katawan at may ipagmamalaki pa. Performance level pa parati. Wala ka ng hahanapin pa. Pagkatapos heto... halos nagmamakaawa na sa'kin. Ibang klase. 

Napaisip ako sa sinabi niya. Anong sabi niya? Kahit ano daw gagawin niya diba? Biglang may nabuong plano sa isip ko. 

" Anong sabi mo? Kahit ano kamo gagawin mo? You mean... kahit ano?paglilinaw ko. 

" O...oo. Kahit ano. Bigyan mo lang ako ng chance. " kita ko 'yung seriousness sa mga mata niya. 

Napangiti na lamang ako. Bakit nga ba hindi? 

***

Alam ko naman na matagal niyo ng hinintay si Jandrix. Kaya ayan :) HAHAHA.

Continue Reading

You'll Also Like

121K 4.4K 57
Si Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo a...
770K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
598K 21.6K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...