Chapter 28

2.4K 88 7
                                    

Biglang tumulo ang mga luha sa pisngi ko. Walang kumakawalang hikbi kundi luha lang.

"Best bat' ang tagal mon--- Gosh! Why are you crying?!" Ani melissa pero di maalis ang tingin ko kela Ethan. Napansin ko namang sinundan ni Melissa nang tingin yung tinitignan ko.

Pinunasan ko yung luha ko at tinakpan ang mukha ko, c'mon shaira don't be like this. Masyado kang mahina.

Lumapit sakin si best at tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko.

"Tara na best, ihahatid na kita. Come on." Tumango ako at pumasok na sa kotse ni Best.

Nagulat ako nang ihinto ni best yung kotse nya sa tapat nila Ethan at bumusina nang sunod-sunod.

Napatigil naman sila sa ginagawa nila at halos madurog ang puso ko nang magtagpo ang mata naming dalawa nakita ko yung mata niyang punong puno nang galit at pagkamuhi.

Pagkahatid sakin ni Best, walang anu-ano'y dumiretso agad ako sa kwarto. Iniwan ko na sya sa baba habang kausap si Mama tungkol sa nangyari. Inis na inis ako sa sarili ko, bakit ang hina ko? Bakit ganito? Hindi ganito yung Shaira na kilala ko nung hindi pa siya dumadating sa buhay ko.

Napapitlag ako nang magvibrate ang phone ko, kinuha ko yon' sa bulsa nang palda ko at tinignan iyon. Nakatanggap ako nang text mula kay Drake.

From: Drake.

We need to talk Shai, punta nako dyan. :)

Pagkabasa ko nun' pinunasan ko yung mga luhang umaagos sa mukha ko, tama na shaira' stop crying. Masyado kang mahina.

Nakarinig ako nang busina sa labas at sumilip sa bintana nakita ko naman si Drake na kabababa lang nang kotse niya. Inayos ko yung sarili ko at bumaba na.

Pagbaba ko nakapasok na siya sa loob at nagmano kay Mama.

Umupo siya sa sofa namin at matamang nakatingin sakin.

"Kukuha lang ako nang miryenda, sige magusap kayo dyan." ani Mama at tumungo na sa kusina.

"Ano bang paguusapan natin ha'?" Tanong ko gamit ang mababang tono.

Imbis na sagutin ay bigla niya kong niyakap nang mahigpit na talaga namang ikinagulat ko.

"Im sorry Shaira' imbis na matulungan kitang magkaayos kayo ni Ethan parang lalo ko pang ginawang kumplikado ang lahat." Pagsabi niya non' ay naitulak ko siya nang bahagya at tinitigan siya sa mata.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Diba sinabi ko sayo na kakausapin ko sya para ipaintindi sa kanya ang lahat? Hindi ko nagawa, hindi ko nagawa nang tama. Sinapak ko siya nung gabing puntahan ko siya sa Bar na lagi niyang pinupuntahan. Hindi ko napigilan dahil nahuli ko siyang may hinahalikang babae nasaktan ako para sayo, im sorry shaira." Biglang kumawala sa mata ko yung mga luha nang sabihin niyang may hinahalikang babae si ethan, muling bumalik sa alaala yung nasaksihan ko kanina, ang sakit sobra habang tumatagal yung araw at lumilipas ang oras na nagkagulo kami lalong sumasakit yung dibdib ko, mukhang wala na talagang pag asang magkaayos kami.

Narinig ko ang sigawan at pagsigaw nila sa pangalan ko, hindi ko na alam ang sunod na nangyari basta ang alam ko nanikip bigla ang dibdib ko at unti unting lumabo ang paningin ko.

--

DRAKE's POV

Nataranta kaming lahat nang bigla-bigla ay nahimatay si Shaira, kasalanan ko to' kung hindi ko siya hinalikan sa pisngi nang gabing yon hindi kami makukuhanan nang litrato at hindi mamimis-interpret nang lahat ang totoo. Dali dali kaming tumawag nang ambulansya at naidala naman namin kaagad si Shaira sa Hospital. Stress at sobrang pagkadepress ang naging sanhi nang pagkahimatay niya, Emotionally affected nadin daw sya sabi nang doctor na nagcheck up sa kanya. Sa ngayon nandito na kami sa kwarto kung saan siya inilagay, kanina ay umiiyak sila Tita Aira dahil nga sa nangyari. Ilang oras nadin simula nung hindi pa nagmumulat nang mata si Shaira, at kinakabahan ako dahil don' sabi kasi nung doktor kapag di pa sya gumising matapos ang pitong oras ay mas matatagalan pa daw ang pag-stay niya dito sa Hospital.

Nagpaalam na muna ako kela T8 lumabas upang bumili nang pagkain oras nadin kasi nang hapunan at hindi pa sila kumakain sakto namang paglabas ko ang siyang dating ni Melissa kasama ang iba pa nilang kaibigan. Hindi na nila ako pinansin at nagmadaling pumasok sa loob nang kwarto.

Nang makabili na ako nang pagkain ay dumiretso na ako pabalik sa taas, pero pagpasok ko sa loob nang hospital nakita ko sa information desk si Ethan.

Nagawi naman ang tingin niya sakin at nagkatinginan kaming dalawa, lumapit ako sa kanya.

"Sumunod ka sakin." Pagkasabi ko nun ay nagsimula na akong maglakad. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sakin.

"Anong nangyari?" Tanong niya at bigla akong napalingon sa kanya at ngumisi,.

"Nahimatay, emotionally stressed sya at dahil sayo yon." sabi ko at nagsimula na ulit maglakad. Nauna akong pumasok sa loob nang kwarto para sabihan silang nasa labas si Ethan at gustong makita si Shaira, sa una ayaw pumayag nina Melissa pero dahil sa nagdecide si Tita na hayaan nalang, wala na din silang nagawa. Sabay sabay kaming lumabas nang kwarto at nakita kong sinamaan nila nang tingin si Ethan at si Tita Aira naman ay tumango lang.

Tinap ko siya sa balikat at pumasok na siya sa loob.

ETHAN's POV

"Nakakainis kana kuya ha! Susumbong talaga kela Mom and Dad! Lagi ka nalang umiinom nang alak!" Bulyaw ni Kaira sa akin, nakakainis! Kanina pa siya dada nang dada ang tinis pa naman nang boses niya!

"Tapos lagi mo pang kasama yung malanding Venus na yon! My ghaaad! I can't believe na pumapatol ka pala sa Mukhang Aso! Nagbago kana--asdffhjkl!" Bigla kong tinakpan yung bibig niya nang tinapay na kinakain namin, bigla kasing nagring yung phone ko at nakita ko sa caller's id yung pangalan ni Oliver.

"Oh baket'?"

"Si Shaira..."

Bigla nagbago ang timpla nang mukha ko nang banggitin niya ang pangalang yon.

"Kung tungkol lang sakanya pwede ba wag mo nang ituloy. I will end the call now." Akmang pipindutin ko na sana yung end call button pero bigla pa siyang nagsalita.

"Sinugod sa Hospital si Shaira!"

--

A/N: Sorry sa super tagal na di pag update. Super busy lang talaga sa work. :'( Habang tinatype ko to' papikit pikit yung mata ko, (Pagod kasi.) sorry kung di nyo magustuhan pero sana keep on supporting guys! Happy 2.3k reads, ansaya koooo! ♡

Super Mahal ko kayooooo. Vote po, isang click lang naman eh. :)

Thank you sa mga nag aantay nang update, silent reader, active supporter, friends. Basta! Thank you sa inyong lahat :D Lovelovelove ;D Happy Valentines Day! ♡

Spread the love ♡

Eightfinity♕

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon