Chapter 41

2.5K 76 4
                                    

"Are you ready?" tanong sakin ni Drake, nandito na siya ngayon sa bahay, alas-otso kasi nang umaga ang flight ko, at alas-singko palang ay nandito na siya upang sunduin ako.

Tumango ako at ngumiti nang mapait.

"So, let's go?" aya niya at siya na ang naghila nang maleta ko at pinasok sa compartment nang sasakyan niya.

Nagpaalam at humalik ako kay Mama bago sumakay sa sasakyan ni Drake. Habang nasa byahe ay hindi ko din napigilang hindi umiyak. Panay ang agos nang luha ko kakaisip kung ano ang pwede pang mangyari sa pag-alis ko? Makakamove-on ba ako? Makakalimot ba ako? Ano? Mahirap. Sobrang hirap sabihin na makakalimutan ko agad sa isang iglap ang lahat, sa dami nang masasaya at mapapait na alaala kasama siya basta ko na lamang ba makakalimutan yon? Napakalabo. Siguro nga lalayo ako, pero nanatili pa din sa puso ko yung hapdi at sakit nang mga nangyari sa amin, pati yung masasayang alaala na pinagsaluhan namin, lalo na yung nangyari nung gabing yon.

Nagulat ako sa biglang pagdapo nang kamay ni Drake sa mukha ko at marahang pinunasan ang luha ko.

"Ssssh.. Wag ka nang umiyak, magiging maayos din ang lahat." ani niya, at ngumiti sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na kahit lugmok ka na sa kalungkutan ay may mga taong nandyan para sabihin sayong magiging maayos din ang lahat...

Tumingin ako sa mga mata niya at ipinatong ko yung kamay ko sa ibabaw nang kamay niya.

"Salamat Drake, salamat sa lahat. Masyado ka nang maraming nagawa sa akin, hayaan mo at mababayaran ko din yon." hindi sapat ang salamat para sa mga naitulong niya, napakabait na tao ni Drake at dapat na magantihan din ng kabaitan ang mga nagawa niya.

"Wala yon' mahal kasi kita kaya ginagawa ko to." bigla akong napatahimik sa sinabi niyang iyon halos walang salitang lumalabas sa bibig ko. Ilang beses naba siyang umamin na may gusto siya sa akin? Bakit hindi pa rin ako nasasanay? Para sa akin kasi ay isang lalaki lang ang nakasanayan kong magsabi sakin na mahal ako.

Naramdaman niya siguro yung pananahimik ko kaya naman ginulo niya na parang bata yung buhok ko.

"Psh, kalimutan mo na yung nasabi ko."

Bumaba na kami nang kotse pagkadating namin sa Airport at ibinaba na ni Drake yung maleta sa compartment, pero nagulat ako nang makita kong dalawang maleta ang ibinaba niya. Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

"B-bakit dalawa yan? Isa lang yung dala ko ah!" taka kong sabi, ngumiti lang siya nang pilyo at may kinuha siya sa bulsa nang coat niyang suot yung Passport at Plane Ticket.

"Sasama ako sayo," simple nyang sagot at hinila na yung dalawang maleta, napanganga ako sa sinabi niya at hinabol siya.

"T-teka nga! Anong ibig mong sabihin? Naguguluhan ako, ano? Bakit ka sasama? Sira ka ba?! Tsaka pano yung kotse mo?" sunod sunod kong sabi.

"Simple lang, sasama ako sayo papuntang New York, don't worry settled na lahat, at yung condo unit na ookupahin mo ay katapat lang nang unit na inokupahan ko. Ayaw kong mag isa kang umalis kaya sasamahan kita. Yung kotse ko naman ay ipapa-pick up ko nalang sa Driver namin." pagkasabi niya nun ay di na ako nakapagsalita pa. Nakatingin lang ako sa mata niya at hindi makapaniwalang sasama talaga siya sa akin.


Kahit nahihirapan pa akong i-sink in sa utak ko yung sinabi niya ay sumunod na din ako sa kanya papunta sa Departure Area.

"Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" tanong ni Drake pagkalabas ko nang unit ko, nagulat pa nga ako dahil sa bigla niyang pagsulpot.

"Ah, oo. Nabawi ko naman yung pagod natin sa byahe." sagot ko.

Nandito na kami ngayon sa New York. 19 hours din ang byahe namin at talaga namang nakakapagod. Pagkadating kasi namin dito sa Condominium ay pumasok na agad kami sa kanya-kanyang unit namin at nagpahinga.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon