Chapter 45

2.4K 79 4
                                    

A/N: 20 Votes na nga lang ang request ko di pa nagawa. Nakakatampo na. Guys, puro basa na lang ba? I need your support. Just do Vote and Comment. Salamat! :)

ETHAN's POV

"Binabalaan kita Ethan, oras na atakihin nanaman ang Anak ko at malaman kong ikaw ang dahilan sinasabi ko sayo, hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." galit na sabi ni Papa habang nakahawak sa kwelyo ko. Nakatungo lang ako habang pinapakinggan ang sinasabi niya. Simula nung maging mag-asawa kami ni Venus ay siya ang humawak sakin. Lahat ng oras pati buhay ko ay hawak niya na. Kaya wala akong magawa kundi sundin ng paulit-ulit ang kagustuhan niya kahit pa sawang-sawa at sukang-suka na akong gawin iyon. Ayoko din kasing madamay pa si Kaira dito kaya mas pipiliin ko pang manatili sa ganitong sitwasyon kesa mapahamak ang kapatid ko.

"Hindi ka muna papasok sa opisina hangga't hindi bumubuti ang lagay ni Venus, dito ka lang sa bahay at wala kang ibang gagawin kundi bantayan siya, naiintindihan mo!?" ma-awtoridad na sabi niya at patapon akong binitawan. Buti na lamang at nabalanse ko ang sarili ko kaya naman di ako natumba. Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Opo, Papa." sagot ko, nakita ko ang magkasalubong na kilay niya sandali pa niya akong tinitigan ng masama tsaka bago lumabas ng library dito sa loob ng mansyon at pabagsak na isinarado iyon.

Nang maramdaman kong nakalayo na siya ay walang alinlangan kong sinuntok yung pader, nakita ko kung paano nagkaroon ng Pingas iyon dahil sa pagkakasuntok ko. Paulit-ulit akong sumigaw.

"HANGGANG KELAN PA BA?!!! HANGGANG KELAN PA BA AKO MAKUKULONG SA GANITO!!! SAWANG SAWA NA AKO!! AYOKO NA NG GANITO NA MINAMANIPULA ANG PAGKATAO KO!!!!" sigaw ko habang paulit-ulit na sinusuntok yung pader. Panay na din ang pagdugo ng kamao ko pero hindi ko pinansin iyon. Napatigil ako sa pagsuntok ng marinig kong may kumakatok sa pinto.

"Sir! Sir! Okay lang po ba kayo?! Sir!" pumunta ako sa pinto at binuksan iyon. Bumungad naman sakin si Manang Wila.

"Sir Ethan may problema po ba?" tanong niya.

"W-wala naman ho."

"Narinig ko po kasi na sumisigaw kayo, tsaka po pala gising na po si Maam' Venus hinahanap po niya kayo." magalang na sabi ni Manang Wila.

"S-sige pupunta na ako."

Lumabas ako ng library at umakyat na sa Second Floor kung nasan nandoon ang kwarto namin ni Venus.

Binuksan ko yung pinto at nakita ko na siyang nakasandal sa Headboard ng kama at malamig na titig lang ang ibinigay niya sakin. Nakangiti siya pero mahahalata mong nahihirapan siya sa sitwasyon namin. Nahihirapan siya sa lahat.

Umupo ako sa kama sa tabi niya. Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.

"E-ethan." namamaos niyang sabi.

Nakatingin ako sa mata niya habang inaantay ko ang susunod niyang sasabihin.

"N-nagdesisyon na ako." nauutal niyang saad, kasabay noon ang sunod sunod na pagtulo ng luha niya.

"Kung may sasabihin ka wag na, baka mag-seizure ka nanaman at baka..."

"No, hindi. Kailangan ko na tong' masabi sayo bago pa mahuli ang lahat." naguguluhan akong nakatingin sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Sa susunod na araw, dadalhin na ako sa America para magpa-heart transplant. Narinig kong magkausap sina Mama at Papa kanina. At gusto nila, kasama ka Ethan at doon na tayo mag-stay for good pagtapos ng operasyon ko."

"Ayoko Ethan, kahit gustuhin kong kasama ka pero hindi pwede. Ayoko nang makulong ka ulit sa isang bagay na ayaw mo. Gustuhin ko mang maging makasarili pero ayoko na, mas gugustuhin ko na lang na mamatay kesa masaktan kita. Kesa masaktan ko ang taong mahal ko." humihikbi niyang sabi.
Maging ako ay napatulo na ang luha ko. Gagawin niya yon? Pero paano? Alam kong hindi papayag ang Papa niya.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon