Chapter 14

3.5K 141 7
                                    

ETHAN's POV

Habang nagmamaneho ako kanina, hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa Rear-view Mirror para matitigan si Shaira. Hindi ko alam basta i have this urge na gawin yun. Alam kong napapansin ni Luke at Vanessa ang pagsulyap ko kay Shaira, samantalang si Shaira di ako nakikita dahil nakayuko siya habang kausap si Melissa.

Pagdating namin sa bahay, sinalubong agad ni Kaira si Shaira nang isang mahigpit na yakap. Para namang hindi sila nagkita nang ilang taon -,- Minsan ang kapatid ko napaka-OA!

Pagkabitaw nila sa yakap, hihilahin na dapat ni Kaira si Shaira papasok sa loob pero bigla kong pinigilan yon' sa paghawak sa braso ni Shaira.

Napatingin naman sakin si Kaira na nagtataka.

"Mauna ka na sa loob. May sasabihin muna ko kay Shaira." ma-awtoridad kong saad. Wala nang nagawa si Kaira kundi sumunod saakin.

"Bakit Ethan? Anong sasabihin mo?" takang tanong niya sakin pagkapasok ni Kaira sa loob.

"Mag-ingat ka sa mga isasagot mo kela Mama at Papa pag tinanong ka nila nang kung ano, baka madulas kang peke lang ang relasyon natin." sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko, at nagsalita.

"Okay, walang problema." sagot niya at tumalikod sakin. Bakit parang may napansin akong kakaiba sa mata nya? Bakit parang may namuong luha?

Mauuna na sana sya maglakad pero hinabol ko sya at hinigit papalapit sakin. Pinaikot ko ang braso ko sa baywang niya dahilan para maging gulat ang rumehistrong reaksyon sa mukha nya.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagsimulang maglakad.

"Nasa labas pa po sila Kuya at Ate Ma, may pag-uusa——-"

"Ayan na pala ang Kuya mo! ETHAN! Musta kana Anak?" masayang usal nang Mommy ko, lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"A-ayos lang po." sagot ko. Bakit parang kinakabahan ako? Para kasing yung mga tingin ni Mama, sinusuri ako e.

"Claire pinalagay ko na yung——- Oh! Andyan na pala kayo!" saad naman ni Papa pagkalabas niya sa kusina.

"Siya ba si Shaira? Ang Girlfriend mo?" tanong ni Papa. Hinawakan ko ang kamay ni Shaira, ramdam ko yung kaba niya. Syempre, first time niyang ma-meet ang mga magulang ko.

"Opo. Siya po ang Girlfriend ko." sagot ko kay Papa.

"Tara na Iho, dito na tayo sa hapagkainan, pagkatapos tsaka tayo mag-usap usap." masaya paring saad ni Mama. Masayahing tao talaga siya, minsan lang talaga may pagka-metikulosa at mahilig mag obserba sa kapwa. Pero di naman mapanlait si Mama, napakabait at mapagmahal na ina samin ni Kaira. Si Papa naman, Ka-close ko sa lahat nang bagay at kalokohan, katunayan siya ang nagsabi saking di masamang magkaroon nang maraming babae sa buhay, basta pagdating nang tamang panahon dapat magseryoso at maging stick-to-one ka na sa isang babae na makakasama mo hanggang pagtanda. Silang dalawa ni Mama ay nagiistay sa US para asikasuhin yung Business namin doon. Pagmamay-ari namin ang pinakamalaking Kumpanya roon.

Habang kumakain kami walang tigil si Kaira sa kakadaldal nang kung ano ano. Siguro'y di na nagustuhan ni Mama kaya tinignan siya nito na ang ibig sabihin ay 'Tumahimik ka mamaya ka magsalita'

"Ohh. Sorry." saad niya. Ayaw kasi ni Mama na mausap sa hapagkainan. Pag kain, kain lang.

Pagtapos naming kumain pumunta kami lahat sa Leaving Room.

"So, ilang buwan na kayo?" panimula ni Mama. Nakita kong nakatingin siya kay Shaira at ngumiti naman ito.

"Mag-tutwo months po." sagot ni Shaira. Napatango naman si Mama.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon