Chapter 52

2.4K 75 7
                                    

SALAMAT SA PATULOY NA PAGBABASA, PAGBOTO AT PAG-ADD NITONG STORY SA READING LIST NIYO :'> Super na-appreciate ko po yun. Kahit onti nalang kayong sumusuporta dito sa SWAFR super thankful ako *u* Mwah :'*
--

MELISSA's POV

Abala ang buong barkada dahil ngayon gaganapin yung surprise ni Ethan para kay Shaira. Nang malaman nga namin na balak niya nang gawin yon' ay tuwang tuwa kami. Masaya ako para sa Bestfriend kong si Shaira, at buti na lang talaga ay naging maayos na ang pagitan sa kanila ni Ethan.

"Mag-start daw tayo ng 7pm, kakatawag lang sakin ni Ethan. Papunta na din daw siya dito." sabi ni Oliver at bumalik na din sa ginagawa niya.

Nandito kami ngayon sa Paradise at dito gaganapin yung sorpresang hinanda ni Ethan for Shaira.

Buti na lang at 4pm pa lang ay nagsimula na kaming mag-ayos dito, inabot din kami nang isang linggo para sa pag plano ng mga dapat na mangyari ngayong araw.

Napaigtad ako ng may biglang sumundot sa bewang ko.

"Busyng-busy ka Babe ah? Tulungan na kita." nakasimangot akong lumingon kay Luke at tinaasan din siya ng kilay. Badtrip kasi ako sa kanya kagabi! Pano ba naman, magkausap kami sa cellphone then salita ako ng salita nakatulog na pala! Kungdi ko pa narinig hilik niya di ko malalaman na tulog na ang loko!

"Wag mo nga akong bini-babe dyan! Shuu!! Layo!" inis kong sabi at bumalik na ulit sa ginagawa kong pagaayos ng candle sa sahig.

Hindi siya umalis sa likod ko at panay pa din ang kalabit niya, nabigla pa ako ng bigla niya akong nakawan ng halik sa gilid ng labi ko!

Humarap ako at ngumiti ng.. peke.

Tumayo ako at tumayo din siya. Inayos ko kunyari yung Kwelyo ng Polo Shirt niya, nakangiti pa din ako.

"Aray naman babe! Nasasakal na ako eh." reklamo niya. Hinila ko kasi yung kwelyo niya.

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis na nagpangisi sa kanya, nilapit ko yung mukha ko sa kanya at aakmang hahalikan siya. Nang malapit na magdikit ang labi namin tsaka ko ginawa ang plano ko..

Tinuhuran ko siya under his belt.

"WTF! OUCH! YOUR SO HARD BABE! DI MO SINABING GUSTO MONG MADAMA YUNG AKIN, IPAPADAMA KO NAMAN SAYO EH!"

Pinaltukan ko pa siya bago ako umalis sa harap niya.

"HARD HARD MO MUKHA MO! DAPAT SAYO YAN!"

Nag-walk out ako at nakabangga ko naman tong' si Oliver at Vanessa na sweet na sweet sa isa't isa. Lalanggamin na nga sila sa sobrang sweet eh.

"Oh best, tapos na yung pag-arrange mo sa candles?" tanong ni Vanessa sakin, habang nilalaro-laro naman ni Oli yung daliri niya.

"HINDI!" pasigaw kong sagot. Hay nako, nagiging bitter talaga ako pag beastmode ako eh!

"Bat ka galit? Si Luke nanaman? Oh luke! Ano ginawa mo dito? Bat badtrip to?" ani Vanessa. Napalingon naman ako sa likod ko and then i saw Luke na nakasimangot at halatang iniinda pa din yung pagsipa ko dun sa ano niya.

"Ganyan ka pala magmahal babe. Ang sakit! Grabe ka! Bati na tayo, kiss mo na ako!" may halong pang-aasar niyang sabi.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin, at buti naman nakuha ko siya don.

"Oh, hindi na! Mukha ka nanamang tigre dyan eh!"

Di ko siya pinansin at lumingon ako kela Vanessa.

"Tampururut ka nanaman best, ito naman. Mag-ayos na kayo, buti pa kami ni Cupcake okay na okay." yung badtrip kana pero inaasar ka pa? Kainis!

"EWAN KO SA INYO! WALANG FOREVER!"

Inis kong aniya pero nagtawanan lang sila at naglakad na ako palayo, sakto nakabangga ko pa si Ethan.

"Oh, san ka pupunta? Ano nangyari?" tanong niya, kita ko sa mukha niya na excited na siya sa mangyayari mamaya.

"Wala, dun lang! Badtrip ako!" sabi ko at padabog na naglakad ng mabilis.

Hay nako, edi sila na masaya at happy happy -__- ako na hindi! Bwisit kasi si Luke eh! Lagi nalang napapasama loob ko!

--

SHAIRA'S POV

Kanina ko pa tinetext at tinatawagan sina Melissa at Vanessa maging yung Barkada pero walang reply at laging out of reach. Hayst, kung kelan naman wala akong magawa at wala akong kasama dito sa bahay tsaka naman sila mahirap hagilapin! Natatakam pa man din ako sa Mangga ngayon, gusto kong pumunta ng palengke pero wala naman akong kasama! Ay! Bahala na nga pupunta ako mag-isa!

Umakyat ako sa kwarto ko at kumuha ng Pera sa wallet ko tsaka ako lumabas ng bahay at nagpara ng tricycle.

Madali naman akong nakarating dun at naglakad lang ako ng kaunti at nakarating na ako sa ale na nagtitinda ng mangga.

"Magkano po sa isa't kalahating kilo ng mangga?" tanong ko.

"130 nene, pero bibigay ko nalang sayo ng 100 magsasara na din kasi ako." ani nung matanda, napangiti naman ako na binigyan niya na agad ako ng tawad.

"Talaga po? sige, kunin ko na po." Inilagay na nung ale yung mangga sa plastik at halos magningning ang mga mata ko dahil sa tuwa. Kanina ko pa gustong kumain ng maasim, di ko nga alam kung bakit eh!

Inabot ko yung bayad ko at nagpasalamat ako, naglakad na ako papunta sa terminal ng tricycle pero napatigil ako ng may humarang na Van na kulay itim ang tumigil sa harap ko.

Agad namang bumilis tibok ng puso ko at sobra akong kinabahan ng may bumaba na dalawang lalaki na may malalaking katawan at may takip sa mukha!

Lumapit sila sakin at hinawakan sa magkabila yung braso ko at sapilitan akong ipinasok sa Van. Nagkanda-laglagan na yung mga mangga na binili ko! Jusko! Kating-kati na akong kumain nun bat bigla pa nangyari to?

Pumiglas piglas ako pero dahil sa malalaki sila ay wala ding' nagawa ang maliit kong katawan.

"S-sino ba kayo? san niyo ko dadalhin?! Nagkamali kayo ng kinidnap dahil wala din kayong mahihita sakin!" pilit kong tinapangan ang boses ko pero deep inside takot na takot ako sa posibleng mangyari at gawin nila sakin.

Tinali nila ang mga kamay ko sa likod at nilagyan din ako ng takip sa mata. Di ako nakapiglas dahil ang lalakas nila!

Salita ako ng salita pero di nila ako pinapansin at nanatili silang tahimik. Pumikit nalang ako at nagdasal na sana walang mangyari sakin at mailigtas ako ni Ethan.

Tumagal ng ilang minuto ang byahe, naramdaman kong huminto yung Van at bumukas ang pinto. Inalalayan nila akong bumaba at patuloy lang ako sa pagbulong ng panalangin. Nagulat ako ng bitawan nila ako at huli ko nalang narinig ay yung pag-alis nung Van. Nadama ko sa paa ko yung madamong paligid. Kinakabahan ako na baka gawan nila ako ng masama at baka patayin nila ako!

Damang dama ko yung bilis ng tibok ng puso ko. Halos magtayuan ang balahibo ko at nagulat ako ng may madama akong mga kamay sa braso ko.

"S-sino ka? Bitawan mo ako!" ani ko, tuloy tuloy na din ang pagluha ko sa sobrang takot. Di nagsalita yung nakahawak sa braso ko at inalalayan ako na maglakad.

Natatakot man ako ay sumunod ako sa kanya dahil baka saktan niya ako.

All thing i was knew ay may bigla nalang tumugtog na gitara, napakasarap pakinggan sa tengga because it was a soft melody na nagpapaalis ng kaba at takot na nararamdaman ko.

--

to be continued ..

UPDATE KO YUNG CHAPTER 52.1 SA THURSDAY :) Sorry kung bitin, busy talaga sa school next week na Finals. :'<


Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon