Chapter 38

2.6K 94 20
                                    


WARNING: Medyo SPG :D

SHAIRA's POV

"Di ba sabi ko sayo umuwi kana? Tignan mo! Nagkasakit ka tuloy! Hinayaan mo yung sarili mong mabasa sa ulan!" naiinis kong saad kay Ethan. Oo, nandito ako ngayon sa bahay niya, kanina kasi nakatanggap ako nang tawag mula kay Kaira at nanghihingi siya nang tulong sakin na alagaan ang Kuya niya, gustuhin ko mang tumanggi pero di ko na ginawa. Naalala kong wala pa palang alam si Kaira sa mga nangyayari samin nang Kuya niya.

"G-gusto lang naman kitang bumalik, please baby' ayusin natin to. " mahina niyang saad, naramdaman kong parang tutulo yung luha ko kaya tumalikod ako.

"Please, don't leave. Dito ka lang sa tabi ko. " dagdag pa niya.

"G-gagawa lang ako nang Mushroom Soup, para may makain ka. B-babalik din ako." pagdadahilan ko, gusto kong iwasan yung gusto niyang pag-usapan, dahil kapag nanatili ako dun baka mapaiyak pa ako sa harap niya.

Narinig ko ang pagpakawala niya nang hangin, "S-sige." ani niya at tumalikod na ako.

Pagkasarado ko nang pintuan nang kwarto niya napasandal pa ako dun at doon di ko napigilan ang luha ko sa pagtulo, pinunasan ko iyon at pinigilan ang paglabas nang mga hikbi ko. Inayos ko ang sarili ko at bumaba na papunta sa kusina niya.

Matapos kong gumawa ay inalagay ko sa Tray ang soup na ginawa ko pati ang gamot at tubig niya. Pagpasok ko sa kwarto nakita kong nakapikit ang mga mata niya.

Dahan dahan kong nilapag sa Bedside table yung tray at ginising siya.

"Ethan, nandito na yung soup na ginawa ko." pagkasabi ko nun ay dumilat agad ang mga mata niya at diretsong nakatingin iyon sa akin. Naramdaman ko ang pagbilis nang tibok nang puso ko dahil sa paraan nang pagtitig niya sa akin na humahalukay sa buong pagkatao ko, ilang minuto lang ay ako na ang unang umiwas nang pagtingin niya sakin at itinuon yun sa pagkain na ginawa ko para sa kanya. Umupo siya at sumandal sa Headboard nang kama.

"K-kaya mo na bang kumain?" tanong ko, umiling siya.

"Ganun ba? Sige susubuan nalang kita." sagot ko, kinuha ko yung mangkok nang soup at kutsara sumandok ako at hinipan yon'. Nakaramdam ako nang pag-ilang dahil alam kong titig na titig siya sa akin.

Pagkatapos kong hipan yun ay sinubo ko na sa kanya, bigla akong napatigil dahil bigla kong naalala yung panahon na siya ang nag-aalaga sa akin nung nagkasakit ako. Alam kong nahalata niya yung bigla kong pagtigil.

"May problema ba Baby?" tanong niya, napalunok ako, tinapos ko na ang saamin pero bakit sa ganung paraan parin niya ako tinatawag?

"W-wala, sige kain kana ulit." sabi ko at sinubuan ulit siya nang soup, nang maubos niya yun ay pinainom ko na siya nang gamot at tubig.

"Thank you for caring me Sweetheart." ani niya na nagpabilis nanaman nang tibok nang puso ko, hindi kayang ikaila nito na gustong gusto niya ang pagtawag sakin ni Ethan sa ganung paraan.

"Wala yun." simple kong sagot. Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko.

"E-ethan." nauutal kong sabi.

"Just let me hold your precious hands baby' namiss ko to." sabi niya, wala na akong nagawa kundi ang hayaan nalang siya sa gusto niya, yung puso ko naman ay parang nagwawala, maging ako ay namiss ko yung ganito, namiss kong hawakan niya ang kamay ko.

Humiga siya ulit at sinabi ko sakanyang matulog siya, ipinikit niya ang mata niya habang nakangiti. Dahil sa nakaramdam nadin ako nang pagkaantok ay itinungo ko ang ulo ko at natulog din.

~

Nagising ako nang maramdaman kong may humihipo sa buhok ko at para bang pinaglalaruan iyon, inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Ethan na gising na at sinusuklay niya nang mga daliri niya ang buhok ko. Napatingin din ako sa kamay naming magkahawak pa.

"Im sorry, nagising ata kita. I-i can't help myself not to brushed your hair with my fingers. " paghihingi niya nang tawad.

"No, it's okay." sagot ko, tumingin ako sa orasan at nakita kong Ala-singko palang nang umaga.

Itinanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko at hinipo siya, hindi ko napigilang di mapangiti nang maramdaman kong bumaba na ang lagnat niya.

"Bumaba na ang lagnat mo, " nakangiti kong sabi, bumangon siya mula sa pagkakahiga at umupo.

"Your the best nurse kaya gumaling agad ako," hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa mata ko, "Thank you baby' i love you." ani niya, nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niya at ganun din siya sa akin, hindi ko alam pero parang ayaw ko nang lumayo ulit sa kanya kahit pa hindi na pwede, gusto ko.. Gusto ko dito lang siya sa tabi ko, gusto ko sakin lang siya.

Huli na nang marealize ko na hinahalikan na pala niya ako, dama ko ang init nang labi niya dahil sa lagnat niya, gusto kong bumitaw pero parang may sariling utak yung katawan ko at gustong-gusto itong ginagawa namin. He stood up without breaking the kiss, hinigpitan niya ang hawak sa mga pisngi ko at naramdaman kong naihiga niya na ako sa kama niya, nadama ko ang init nang kama dahil siguro sa mataas ang lagnat niya kagabi kaya naiwan dun yung init niya.

Gusto ko siya itulak dahil hindi tama ito, ikakasal na siya at hindi na kami pwede. Gusto nang isip ko na itigil ko na ito pero iba ang sinasabi nang puso ko, sinasabi nitong hayaan ko siya sa ginagawa niya, na pagbigyan ko naman ang sarili ko sa huling pagkakataon.

Naramdaman kong bumaba ang mga halik niya sa leeg ko, naihawak ko na din ang mga kamay ko sa buhok niya. Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman kong nag iwan siya nang marka sa leeg ko at ang pagpisil niya sa lock nang bra ko dahilan para lumuwag iyon.

Bumalik siya sa labi ko at sinimulang halukayin ang bibig ko gamit ang dila niya, nakakabaliw. Nakakaadik yung halik niya, i really miss this. Sobrang namiss ko to.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at sumuntok sa pader.

"Sht!" bulyaw niya, napaupo ako at humarap siya sakin. Lumapit siya sakin at lumuhod sa harap ko.

"Im sorry baby, hindi ko dapat ginawa yun' im sorry!" pagpapaumanhin niya.

"E-ethan ano ka ba, tumayo ka diyan." ani ko, sa ginawa niyang yun ay bigla akong natauhan, mali. Maling-mali yung ginawa naming iyon.

"No, im sorry' i-its almost---" i cut him by covering his mouth with my fingers.

"I-i understand," nauutal kong sabi, "S-sorry din, sige uuwi nako samin since okay ka naman na." dagdag ko. Tumayo ako at ini-lock ulit yung bra ko, iniayos ko yung gamit ko at kinuha ko yung phone ko na nakapatong sa Bedside table niya.

Patalikod na sana ako nang magsalita siya.

"S-shaira. "

Napaharap ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"S-salamat sa pag-alaga sakin."

"Your welcome, Sige' uwi na ako." paalam ko, bubuksan ko na sana yung pintuan pero napatigil ako ulit.

"W-wala na ba akong chance? Wala na ba tayong Chance? G-gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako, i can be a perfect boyf---" humarap ako ulit sa kanya, at nagsalita.

"We talk about this, Stop making things hard Ethan, Im sorry pero wala na talagang chance. Let just accept the fact na hindi talaga tayo para sa isa't isa" sagot ko na nagpadurog sa puso ko at alam kong ganun din sa kanya, alam nang diyos na hindi ko gustong sabihin yun sa kanya pero yun ang dapat, yun ang tama. Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa akin, tumingin ako sa mata niya at nakita ko ang pagmuo nang luha doon. Hinawakan niya ang kanang kamay ko.

"G-ganun ba? Then, i'll respect your decision. But... Can i ask you a favor?" tanong niya, medyo kinabahan ako sa gusto niya pero siguro dapat pagbigyan ko siya, at pagbigyan ko ang sarili ko.

"What is it?" tanong ko,

"Just spend your wholeday to me, i promise hindi na kita guguluhin, i will not force you anymore, just.. Just let me to be with you.... For the last time."

--

Sorry sa late na update! :( Thank you po sa pagbabasa :)

Hindi ako makapag-mention ngayon kasi nawala ko yung listahan ko :'( Bawi nalang ako next chapter. Mianhae -/\- Thank you for voting and reading ^^ Hope you guys leave some comments, Kamsa~ <3

|Eightfinity|

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon