Chapter 27

2.5K 88 3
                                    

Sorry kung natagalan! Thank you for reading and please keep voting guys! Kamsahamnida ;)

THIRD PERSON's POV

"Cheers pa tayo! Whoooo! Tangina." sigaw ni Ethan. Nakarami na siya nang inom, gusto niya lang makalimot sa nangyari kanina sa kanila nang babae, sa babaeng minahal niya pero pinagtaksilan siya.

"Pwede ba tumigil ka na Bro! Lasing na lasing ka na oh!" bulyaw sa kanya ni Oliver, kahit anong pigil sa kanya nang kaibigan ay hindi siya nagpapatalo panay lang ang tungga niya sa bote nang whisky.

"You know what? I love her but he cheated on me! Walangya!" malakas pa niyang sabi, galit na galit siya sa sarili dahil nagmahal siya nang todo sa maling babae pa.

"Ang tanga mo Ethan! Bakit ka naniwala agad kay Venus? alam mo naman kung gaano kademonyita ang babaeng yon! Bat hindi mo hinayaang magpaliwanag si Shaira!?" usal sa kanya nang kaibigan, napaisip siya.

"Paliwanag?! Hahaha De'puta ka pala e. Sapat na ang litrato hindi na kailangan pa nang paliwanag!" sarado na talaga ang isip at puso niya para pakinggan ang mga tao sa paligid niya.

"I know na hindi ko pa ganoong kakilala si Shaira pero kita ko sa kanya na hindi niya kayang gawin yon! Why don't you try to listen at her? Walang masama Ethan!" umiling iling lang sya at pinasawalang bahala ang sinabi nang kaibigan niyang si Luke. Tinungga niya yung Bote nang Whisky. Pagewang-gewang siyang nagpunta sa pwesto nang mga kababaihan na kinulang sa tela ang suot. Humigit siya nang isang babae at walang alinlangang binigyan ito nang mapusok at napakalalim na halik. Nabitawan niya ang hawak na bote nang whisky kaya naging sanhi nang pagkabasag nito. Pinagpatuloy niya ang paghalik sa babae at mas lalo siyang naging aroused dahil ginantihan nito ang bawat halik na ibinibigay niya dito. Nakatulala namang nakatingin sa kanya ang dalawang kaibigan, gusto nitong bugbugin siya para bumalik sa sariling katinuan pero hindi nila magawa dahil kaibigan nga nila ito.

Hindi sila makapaniwalang mabilis na naniwala ito sa litratong pinakalat ni Venus nang hindi man lang pinagpapaliwanag ang naturang kasintahan.

"Ohh. S-shaira." ungol niya sa gitna nang pakikipag-halikan niya sa babaeng hindi niya kilala. Pansin sa kanya na namimiss niya na ang babae, sa lahat nang babaeng dumaan sa buhay niya kay Shaira lang talaga siya nabaliw nang husto. Pero ano pang magagawa niya? Galit at poot ang nangingibabaw sa puso niya. Galit para sa babaeng mahal na mahal niya.

Biglang tumilapon ang huli sa sahig dahil sa malakas at mapwersang pagsuntok sa kanya nang isang lalaki. Galit na galit ang mga matang nakatingin sa kanya ito, siya naman ay masama din ang tingin niya at pinunasan ang dugo sa gilid nang labi na sanhi nang pagsuntok sa kanya.

Kahit hirap makatayo ay tumayo siya, aakmang susuntukin niya na sana ang pinsan niyang si Drake pero nahawakan agad siya nang dalawa niyang kaibigan sa braso.

"Fck! Bitawan niyo ako! Bullshit!" bulyaw niya sa kaibigan at panay ang pagtanggal niya sa pagkakahawak sa kanya pero sadyang malakas ang mga kaibigan niya, may tama na kasi siya nang alak kaya nanghihina na din siya isama pa yung panghihina dahil sa sakit na nararamdaman niya sa puso niya.

"Tangina mo! Ang kapal nang mukha mong makipaghalikan sa kung sinong babae! Bakit gumaganti ka dahil sa nakita mong litrato? Pvtangina mo Ethan! Ni hindi mo nga pagpaliwanagin kami ni Shaira sa nakita mo, tapos ikaw ganyan ang gagawin mo? Hayop ka! Kung noon nirerespeto kita pero sa ngayon nawala na lahat yon! Mas pinaniwalaan mo ang ibang tao kesa sa kasintahan mo! Anong katangahan yan Ethan? Napakabobo mo!" galit na galit na bulyaw sa kanya nang pinsan.

"Nasasabi mo lang yan dahil ikaw ang humalik sa Girlfriend ko! Hayop ka! Hindi ko rin kayo masisisi dahil malandi siya at kupal ka, bagay naman kayo!" nag-igting ang bagang ni Drake at binigyan pa nang malakas na suntok si Ethan sa mukha.

"Bobo! Isa kang malaking Bobo, akala ko matalino ka! Okay! Masaya nga yon' e ang maghiwalay kayo ni Shaira, hayaan mo aalagaan ko siya at hihilumin yung sugat sa puso niya at kapag nawala na yon? Wag ka nang umasa na makukuha mo pa siya sa akin!" huling sambit ni Drake at lumabas na nang Bar na iyon. Panay ang paghabol niya sa hininga nang makalabas siya nang bar na yon' hindi naman talaga yon ang plano niyang gawin, gusto niyang kausapin nang maayos ang pinsan niya pero naiba ang dapat na plano niya nang makita niyang nakikipaghalikan ito sa ibang babae.

God knows kung ano ang totoo, alam niya naman kung hanggang saan lang ang limits niya, oo may kakaiba siyang nararamdaman para kay Shaira pero hindi siya hibang para sirain ang relasyon na meron ang pinsan niya at nang babaeng lihim niyang minamahal.

"Ang kapal nang mukha! Sila na ngang nagtaksil ako pa ang sinuntok! Pvtangina!" galit na sigaw ni Ethan sabay suntok sa pader nang Bar.

--

SHAIRA's POV

Ilang araw na din ang lumipas simula nang mangyari ang araw na yon' maraming beses ko nang sinubukan na itext at tawagan siya. Oo, alam kong napakatangang gawin na itext pa ang taong umayaw na sayo pero anong magagawa ko? Mahal na mahal ko siya. Mahal na Mahal ko si Ethan.

Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba gagawin niya ang lahat para maging matatag kami? Para manatiling masaya ang relasyon namin? Pero bakit ganun? Mas pinili niyang paniwalaan ang litratong iyon nang hindi man lang pinakikinggan ang side ko.

Halos araw araw tinetext ko siya at tumatawag sa kanya pero sa lahat nang yon' isang beses niya lang sinagot ang tawag ko at sinabi pa ang katagang lalong nagpadurog sa puso ko, "Who you?" Ganun na ba kadali para sa kanya ang kalimutan ang lahat sa amin? Ganun na ba kadaling binura niya na ako sa sistema niya? Ang numero ko sa telepono niya? Ang sakit. Sobrang sakit. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam nang matinding sakit bukod sa pagkawala ni Papa, Kung gaano pala kasarap ang umibig, ganun din palang kasakit ang kapalit.

--

Sabay kami ni Melissa na pumasok sa School, isang beses lang akong umabsent simula nung nangyari yun at pinagpatuloy ang pagpasok kahit pa ako ang top list sa listahan nang chismisan dito sa school. Kakayanin ko naman ang pang-bubully nila sa akin, ang di ko lang makayanan ay yung ginawang pag-iwas saakin ni Ethan. Sa twing' makakakasalubong ko siya gusto ko siyang yakapin dahil miss na miss ko na siya pero di ko magawa dahil nakakapit si Venus sa kanya. Ang sakit na makitang magkasama sila at parang may something na.

"Best are you okay? Iniisip mo pa din siya right? C'mon best kung mahal ka niya talaga hindi siya basta maniniwala sa litratong kinalat nung bruhildang yon'! Can't you see? He's now happy with that Bitch! I know na di kadaling mag move on but best, come to think of it wag mong lunurin yung sarili mo sa pagmamahal sakanya, do something! Look at you' para ka laging walang gana pag pumapasok. Hayss." Well, Melissa's right, pero di kasi madali e' tsaka wala pa naman kaming Formal Break Up. Ang gusto niya lang naman ay wag na akong makita, pero parang ganun nadin yon? Ugh! Ang tanga mo Shaira!

"Yung mga kasama sa Auction Night tomorrow be ready okay? Especially

you Ms. Mondejar. Kasama ka sa i-bibid okay?" ani Prof.Villegas. tumango-tango ako, yung iba ko namang classmates panay ang hagikgik at bulungan.

'Hahaha. Well, serves her right. May bibili kaya sa kanya?"

"Syempre wala! Malandi yan eh!"

Pinasawalang-bahala ko nalang yung mga sinasabi nila at mas itinutok yung sarili ko sa pakikinig kay Prof.

Pagtapos nang klase lumabas din agad kami ni Melissa, sa parking lot kami nagdaan dahil dala ni Melissa yung Toyota BB niya. Bago ako makasakay ay hindi inaasahang natanawan nang mga mata ko sina Ethan at Venus na..

Naghahalikan.

--

Sorry for waiting so long :( Busy talaga ang Author niyo. T___T Fagood sa work e. Don't forget to vote and leave comment guys please?

Saranghaeyo! ;'*

EIGHTFINITY♕♡

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon