Chapter 36

2.5K 85 7
                                    

Kaninang umaga kinausap ko na si Mama about sa pinagdadaanan ko at syempre tungkol iyon sa relasyon namin ni Ethan. Sinabi ko na rin sa kanya yung naging pag-uusap namin nang magulang nito, pati nadin yung pagbigay nila sakin nang ticket at ang balak kong pagpunta nang New York para magpakalayo.

Hindi siya pumayag sa naging desisyon ko, Pero sigurado nako sa sarili ko na itutuloy ko iyon. Nagkaiyakan pa kami sa naging pag-uusap namin, sino ba namang hindi? Yung anak mo na nakasama mo nang matagal ay bigla nalang aalis at iiwanan ka. Sinabi niyang hindi ko naman daw kailangang umalis, dahil di naman daw yun ang tamang gawin para makamove-on, pero tingin ko yun ang tama. Kasi kung mananatili ako dito malapit sa kanya baka hindi ko kayanin.

Ayoko din namang i-torture yung sarili ko at hayaang makita nang dalawang mata ko na makita silang dalawa na magkasama. Hindi kayang tamggapin nang sistema ko at lalong hindi matatanggap yun nang puso ko.

Naasikaso ko na din yung pag-drop ko dito sa Stanford, at nag-quit narin ako siyempre sa pagiging School Writer. Nabigla ang mga Professor at Classmates ko sa biglaan kong pag-alis. Tinanong nila ako kung anong dahilan pero pinili ko na lang na huwag magsalita at magkwento sa kanila. Tanging ang mga Kaibigan ko lang ang nakakaalam at si Drake.

"So, kailan mo balak kausapin si Ethan?" pagtatanong ni Melissa sakin, kasama ko siya sa pag-asikaso ko kanina  nang mga Drop Papers ko.

"Hmm. Mamaya siguro pagtapos nang klase niya, 3pm tapos nang klase niya sa Psycho eh." sagot ko, Oo kakausapin ko siya ayaw ko namang umalis bigla nang hindi nalilinaw ang lahat sa aming dalawa. Alam kong masasaktan siya pero mas masakit sa part ko bilang babae na malamang ikakasal ang taong mahal mo sa iba.

ETHAN's POV

"Happy Birthday Dude!" bati sakin nila Oliver at Luke. Ngumiti lang ako nang mapait sa kanila, hanggang ngayon di ko pa rin naikwento sa kanila ang huling pag uusap namin ni Shaira nung nakaraang araw.

"Tumatanda kana! Hahaha! Ano? Lights out mamaya?" ani Luke sabay akbay sa akin. Umiling ako.

"No, kayo na lang. Wala akong ganang pumunta sa Bar." sabi ko at tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. Umuna ako maglakad sa kanila pero napatigil ako nang hablutin ako ni Oliver.

"Teka nga, teka nga. Ano bang problema mo Bro'? Nung nakaraang araw ka pa ganyan ah! Sabihin mo nga ano bang problema?" ani Oliver habang nakakunot ang noo. Wala nakong nagawa kundi sabihin sa kanila ang nangyari.

"Wtf? Alam mo kung hindi mo lang pinsan yon' matagal ko nang binanatan yon!" galit na sabi ni Oliver, "He fvcking seduced your girl! Alam mo magandang gawin Bro' kausapin mo si Shaira kung ano ba talagang meron sa kanila at sa inyong dalawa." dagdag pa ni Luke.

"I already did that, pero galit siya sakin. Di ko na alam ang gagawin ko! Naguguluhan na ako sa nangyayari!"

"Just try it once again, bro. Kaya mo yan." pagpapalakas nila nang loob sakin, Luke tap my shoulder. "Sige, mauna na kami, mag-start na yung klase namin sa NSTP." ani nito at umalis na sila, ako naman tumungo na din sa klase ko sa Psycho.

Natapos ang klase, kahit papano naman ay may naintindihan ako sa pinag-aralan namin, paglabas na paglabas ko nang room tumakbo na ako papunta sa Building nila Shaira.

Nang nasa hallway na ako sa building nila saktong nakita ko si Shaira at Melissa na parang may pinag-uusapang seryosong bagay, nagkatinginan kaming dalawa. I see sadness in her eyes. Dali-dali akong lumapit sa kanya at pilit kong nilakasan ang loob kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay nagkaka-ilangan kaming dalawa.

"Ah, sige best mauna na ako. You two need to talk. Bye best, bye Ethan." sabi ni Melissa at umalis na. Naunang maglakad sakin si Shaira at sumusunod lang ako sa kanya hanggang sa nakarating kami sa Music Room, pumasok siya don' at ganun din ang ginawa ko.

Narinig kong huminga siya nang malalim bago nagsimulang magsalita.

"I already know it." ani niya na nagpataka sakin, what is she talking about?

"You know, what?" tanong ko, bigla akong kinabahan nang husto.

"I already know it... B-between you and V-venus." putol putol niyang sabi. "Alam kong... Ikakasal na kayo." dagdag pa niya, gulat ang nakapinta ngayon sa mukha ko. P-panong nalaman niya ang bagay na yon?

"How did you know that? Sino nagsabi sayo? Si Venus ba? Ano? Ginulo ka ba niya? Kaya ka ba nanlalamig sakin dahil don? Ano baby? Tell me!" hindi ko na napigilan yung bugso nang damdamin ko, sigurado akong si Venus lang ang nagsabi sa kanya wala nang iba.

"H-hindi na importante kung si Venus ba ang nagsabi sakin o hindi. Oo Ethan nilayuan kita dahil don. At... Simula palang naman... Hindi kita minahal." basag na boses na sabi niya ramdam kong may tumutulo nang luha sa mata ko. No, hindi ako naniniwala. Naramdaman ko, naramdaman kong minahal niya ako, and she changed everything to me, nagbago ako dahil sa kanya.

"That's not true baby, that's not fcking true." hindi ko makapaniwalang sabi.

"Yun ang totoo Ethan, i used you. Ginamit lang kita para mapansin ako sa school, at para mapalapit ako kay Drake. Si drake.. Siya ang mahal ko. At yung... Kumalat na picture namin dati? Totoo yon. Hindi yun kasinungalingan." biglang nanghina ang katawan ko sa mga naririnig kong sinasabi niya. She look at me in the eyes at parang sinasabi nun' na totoo lahat nang sinasabi niya.

"W-why did you say that. No, i don't believe in you, that's not true. Your just fooling me para layuan kita. No, baby. No."

"PERO YUN ANG TOTOO! HINDI KITA MINAHAL! HINDI KITA MINAHAL ETHAN! I HATE YOU!" imbis na magalit ako dahil sa sinasabi niya kinabig ko siya at niyakap nang mahigpit. Kahit sabihin pa niya nang paulit-ulit di ako maniniwala, She loves me. I know that and i feel it.

"Stop hugging me! Let go of me!!!" sigaw niya, sinusuntok niya na din ang balikat ko para maalis ang pagkakayakap ko sa kanya pero hindi, lalo kong hinigpit ang yakap sa kanya at binaon ko ang ulo ko sa balikat niya. Pahina nang pahina yung suntok niya hanggang sa mapagod siya. Narinig kong umiiyak na siya.

"Let me go. Let me go. Let me go." paulit-ulit niyang sabi, na hindi ko naman pinakinggan.

"I will not let you go baby, i feel your heart beating and i know that it's all for me."

Linuwagan ko yung yakap ko sa kanya. I look at her in the eyes and held her chin. Nakatingin din siya sa mata ko at kita ko ang pagmuo nang luha doon. Pinunasan ko yon gamit ang thumb ko. I kiss her nose and the tears flowing down on her cheeks.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan ko siya sa labi, she did't respond at first but after a minute she's starting to respond my kiss.

Nabigla ako nang bigla niya akong itulak and he slapped me straight on my face.

"You should'nt do that. How many times do i have to tell you na hindi kita minahal? Hindi mo parin ba naiintindihan ang point ko? Im breaking up with you. Let's end this stupid relationship. We're over." wala akong masabing iba, nanatili lang na tikom ang bibig ko.

"I don't want to hurt you, so please.. Don't make things hard. We're over Ethan, ikakasal kana kaya sana maging fair ka kay Venus at sakin.. Samin ni Drake." she said before she turned her back and leave me there again, dumbfounded.

--

A/N: Thank you sa masipag na pag-vote
@Linalonajana7j,  @mayvisda93, @reza_isay and @rizalyrealiz <3
Super Duper Thank youuu!  Love you guys!  :* Thank you sa pag-support at sa mga Nag-aantay nang update!  :))

PS.  Paramdam naman yung mga Silent Readers dyan oh' :(

Lovelots.

|Eightfinity|






Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon