Chapter 3

4.7K 176 13
                                    

Don't forget to vote and comment! Thank you! Hope you like this update! Enjoy!
--

Chapter 3

Force

ETHAN's POV

"Talagang ginawa mo yun Pare? Hahaha! Ayos yun Dude! Nice Revenge. Gagamitin mo din siguro siya katulad sa mga Chix mo no?" reaksyon ni Oliver nang ikwento ko sa kanila yung kapalit nang katangahan nung Shaira na yun. Itong hayop na to, Pervent din e no? Ofcourse not! Di ko gagamitin yun! Hoy! Walang ibang meaning! Flat Chested kasi siya, Anong mapapala ko dun? tsk. Baka pag hinawakan ko ang harap niya ay para lang din akong humawak ng likuran eh. Haha!

"Hindi mo ba naisip na pwede siyang dumugin nang mga Fangirls mo pag nalaman nilang may Girlfriend ka na I mean Fake Girlfriend?" saad ni Luke. Itong lalaking to, hindi ko alam kung kaibigan ba talaga to eh! Parang lumalabas na concern pa siya sa babaeng yun!

"Alam ko yun Luke. Kaya nga yun ang sinabi kong kapalit, para maging kalbaryo yung buhay niya dahil sa katangahan niya. Napahiya ako dun no! Pagkalalaki ang nabawas sakin." sabi ko pa dito. I know it's over acting, pero napahiya ako! Me with a Chocolate shake dripping on my uniform and infront of many people!! Whaat?!!

"Siraulo ka talaga Ethan." sabi pa niya. Napangisi na lang ako. Well, she deserves that.

"That's a game dude. At alam kong mag-eenjoy ako dito." naka smirk na saad ko at ininom na yung Jack Daniels na nasa Wine Glass ko.

Nandito kami ngayon sa Lights Out Bar. As usual, madaming Chix dito. Im a Casanova afterall. Wala akong sini-serious na relationships. Relationshits really. Girls are just crap for me, well except for my younger sister and mom. First time in my life na matapunan nang Chocolate Shake sa harap nang madaming tao.

I want her to fall for me, and after that, iiwan ko siya. Thats all. I will make her life, a living hell.

--

SHAIRA's POV

"Ano? Pumayag ka naman? Ano bang katangahan yan Best? Strike two kana ha?" sermon sakin ni Melissa matapos kong ikwento sa kanila. Nakahalukipkip lang ako habang nakayuko.

"Ewan ko ba kung anong nangyari sayo at nagpauto ka sa Mayabang na yun." Charlie said.

"Tumpak! Katangahan talaga ang pagpayag mo!" Mica and Jen said.

"No choice din naman si Shai e, dudumugin siya nang mga Fangirls nun pag umayaw siya." sa lahat nang komento yung kay Sam lang ang nagpaangat nang ulo ko at napangiti ako sa kanya.

"Wala lang talaga akong Choice Guise kundi mag-pretend girlfriend nung Ethan na yun! Sorry." nakatungong sabi ko sa kanila. Ang bilis nang pangyayari, i didn't expect na dahil lang sa shake na yun e, masisira ang College life ko.

"Suportahan nalang natin si Shaira." Vanessa said. "Kapag sinaktan ka nun nandito lang kami ni Sam para Bugbugin siya. Diba tol?" Maangas na sabi ni Charlie sabay suntok nang kaliwa niyang kamao sa kabila.

Wala nang nagawa pa sila Melissa, Jen and Mica but to accept the fact na isa na akong pretend girlfriend nung Ethan na yun.

---

*After 1 week*

"Hoy Girls bilis-bilis! Marami pa tayong gagawin oh!" reklamo ni Melissa sa iba naming Schoolmates.

Inaayos kasi namin yung Stage ngayon dahil sa Saturday may Welcome Party daw para sa Chairman nang School namin.

"Oh eto na oh!" abot ko kay melissa nang mga Ginupit kong Letters. "Thanks Girl. Ang galing mo talaga mag-lettering!" puri nito sakin. Ako kasi nag-lettering nun tapos ginupit ko.

Balak ko na sanang abutin yung Crepe Paper nang biglang may umapak non. Since, nakaupo ako hindi ko agad makikita yung umapak kung hindi ko iaangat ang ulo ko.

"Hoy Babae tumayo ka dyan! Bilis!" matapang at nang-uutos na sabi ni Venus sakin. Ano bang kailangan niya?

Tumayo ako at pinantayan siya.

"Anong kailangan mo? May gagawin pa kasi ako." mahinahong sabi ko.

"Anyway, gusto ko na ring matapos to' dahil nakakahiya namang makita ang isang Queen Bee na nakikipag-usap sa Katulad mong Stupid Girl, mag-iba pa ang tingin nila sakin." sabi niya sabay irap sakin.

"Well, gusto ko lang naman na.. Layuan mo si Prince Ethan, dahil sakin lang siya! Tandaan mo yan! At pag hindi mo ginawa, Dudumugin ka lang naman nang mga Fangirls niya at.." tinapat niya yung hintuturo niya sa leeg niya sign na 'Patay Ka' "Lalo na saakin. Binabalaan na kita. ETHAN IS MINE ALONE!" huling sabi nito sabay duro sa dibdib ko at itinulak ako at lumakad siya palayo kasabay ang dalawang alipores niya.

Pansin kong lahat nang mga nag-aayos nang stage ay nakatingin sakin. Wala ni isa akong salitang naisagot sa kanya, dahil sa totoo lang, sa lahat nang Students dito sa Stanford Academy, siya ang kinakatakutan ko. Oo, duwag man kung iisipin takot ako kay Venus, dahil katulad nang mga Prinsipe nang School na to, She can get what she wants. Nang isang salita lang. Dahil isa ang pamilya nila sa Partnership nang Academy na to.

"Uy sis, are you okay?" kita ko sa mata ni Melissa ang pag-aalala.

"Uhh, okay lang ako. Don't mind me. Sige balik na tayo sa ginagawa natin" sabi ko nalang at tumungo naman siya. Melissa knows me, alam niya kung kailan ako seryoso o hindi, since pansin niyang seryoso ako hindi nalang siya umimik pa.

Babalik na sana ako sa gagawin ko nang bigla namang may naghawak nang Wrist ko. Sino nanaman ba yun? Lumingon ako at bumungad sa harap ko si Ethan.

"Tara sumama ka sakin." bakit ano nanaman bang kalokohan niya?

Bigla ko tuloy naalala yung pagbanta sakin ni Venus, parehong pareho din nung kay Ethan. Palibhasa Mayayaman. Kaya matapang. Sa katunayan, ginagamit lang naman nila ang pera nila para magpasunod ng tao.

"Ano ba? Di ba nakikita mong may ginagawa ako!!?" pasigaw kong sabi sa kanya. Alam ko namang wala pang kahit na sino ang gumagawa sa kanya nito pero hindi ako takot sa kanya, sa Fangirls niya at kay Venus, OO!

"Pag sinabi kong sumama ka sumama ka" huling sabi niya at hinila nanaman ako. Napatingin nalang ako kay Melissa at sa iba, nag-mouthed nalang ako nang 'Sorry' at napangiwi nalang sila.

Hindi naman nila ako matutulungan, dahil kagaya nga nang sabi ko Takot sila sa mga Prinsipe-kuno dito! Kaya di nako aasa na may tutulong sakin.

Pero sa kabilang banda, naisip ko na...

Hanggang ganito nalang ba ako? Hihilahin nalang nila bigla kapag nagustuhan?!

--

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon