Chapter 19

3.5K 138 20
                                    

SHAIRA's POV

Saktong pagbaba ko nakita ko kaagad si Ethan na nakikipag-usap kay Mama. Napapangiti ako kapag naririnig kong tinatawag niyang 'Mama' din si Mama. Napatunayan niya lang talaga kung gaano niya nirerespeto si Mama.

"Oh anak! Kanina ka pa?" hindi ko na napansin na nakita na pala nila akong nakatayo dito sa hagdan.

"Ah.. O-opo!" hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang makita ko siya, kusang nagsilikutan nanaman yung mga paru-paro sa tiyan ko.

"Hi Sweetheart!" kumalabog yung puso ko sa pagtawag niya sakin sa ganung paraan. Biglang namula ang mukha ko!

Lumapit ako sa kanya at itinulak na siya palabas.

"Ah.. Aalis na po kami Mama!" sigaw ko, napapatawa nalang si Mama sakin.

"Sige po Mama, alis na kami ni Sweetheart!" pahabol pa niyang sigaw, tawa siya nang tawa samantalang ako balot nanaman nang hiya.

"Baliw ka talaga!!" saway ko sa kanya.

"Bakit? Sweetheart naman talaga kita ah? And im your Baby!" saad niya at tumawa nanaman siya! Napabusangot ako at inis na pumasok sa passenger seat. Oo, dala niya na ulit yung Ferrari niyang Color Gray! Psh -__-

Pumasok na siya sa loob at panay pa din ang tawa niya, sinamaan ko siya nang tingin.

"Alright. Hands up na ako Sweetheart." saad niya at itinaas yung dalawang kamay niya na parang aarestuhin nang pulis.

Inirapan ko siya at inilayo ang tingin. Nagulat ako sa bigla niyang paghawak sa Chin ko at iniharap sa kanya.

"Wag ka nang magtampo Sweetheart, that's my way to make you feel how much I love you.." saad niya at binigyan ako nang napakagandang ngiti. Nakasimangot padin akong nakatingin sa kanya. Naiinis padin ako kahit ang sweet niya! Hmp!

"Hmm. Ang Sweetheart ko talaga!" saad niya at tumingin sa labi ko! Alam ko na yan! Pag once na tumingin siya sa labi ko, alam ko na talaga!

Pilit kong iniwas yung tingin ko sa kanya, pero bago pa yun' mabilis niya na akong binigyan nang isang mabilis pero malalim na halik!

Napapikit na lang ako at dinamdam yung pagdampi nang labi niya.

"I love you Sweetheart!" saad niya sa ibabaw nang labi ko at pinaghiwalay na ang labi naming dalawa at nagsimula nang magmaneho.

"Sabay tayo nang Lunch okay? Susunduin kita dito ulit, mahirap na baka may binabalak nanaman yung Venus na yon!" saad niya pagkahatid sakin sa harap nang room at binigyan ako nang halik sa Noo, ilong, pisngi at panghuli... Sa labi.

Nginitian niya ako at nagpaalam na. Panay ang usapan nang mga tao sa paligid, ganun pa din.. Ang iba tingin sakin Malandi pero yung iba naman kinikilig saaming dalawa ni Ethan.

Natapos ang long exam namin sa History of Tourism, tatlong oras din ang klase namin doon.

"Naku! Sana pumasa ako Best!" saad ni Melissa.

"Papasa ka dun ano! Baka nga ako tong' hindi pumasa dahil di ako pumasok sa klase kahapon!" saad ko.

"Pssh. Kahit yata isang linggo kang magcutting e' papasa ka pa din! Ang tali-talino mo eh!" puri sakin ni Melissa, "Nga pala' sabay ka saming Lunch?" tanong niya. Napailing ako. Hmm, siguro'y may tampo na sakin si Melissa dahil hindi ko na siya nasasabayan, ilang araw na din kasing kami ni Ethan ang magkasabay palagi.

"Sorry Best ha? Si Ethan kasi." saad ko at napayuko, nahihiya ako kay Best dahil di na kami nakakapag-bonding.

"Hmm. Tsk! Pinagpalit mo na talaga ako kay Ethan!" tampo niyang saad. Napataas ako nang tingin, "Joke lang Best, Ayos lang kasama naman namin si Luke mamaya! Hihihi" kinikilig niyang saad. Kasabay? Parang may hindi ako nalalaman ah!

"Kasabay???" tanong ko.

Tumango-tango siya at nakita ko ang pamumula nang mukha niya!

"Ah.. ano kasi best, f-friend kami ni Luke! Tama! Friend kami. Hehe." nauutal niyang saad. "S-sige mauna na ako!" saad niya at tumalikod na. Napapailing nalang ako sa inakto ni Melissa, may sikreto yun! Alam ko.


"Where's Shaira?" rinig kong tanong ni Ethan kay Melissa.

Tinuro naman ako ni Melissa at lumapit na sakin si Ethan.

Ngumiti siya at agad niyang kinuha yung Bag ko at siya na ang nagbitbit non. Inaagaw ko pero ayaw niya!

"Im your Boyfriend, ako dapat nagbibitbit ng Bag nang Girlfriend ko!" sambit niya na nagpainit sa pisngi ko.

"Yun na nga, Boyfriend kita hindi tagabitbit." saad ko. Nagtinginan kami at di ako nagpatalo! Totoo naman kasi, Boyfriend siya hindi alalay!

"Yeah i know, Pero Baby.. Hayaan mo ako okay?" saad niya at pinagsalikop yung kamay namin at nagsimula nang maglakad.

Pagdating sa Cafeteria pinaupo muna niya ako at siya na yung umorder, Choco Mousse Cake at Pineapple Juice lang yung pina-order ko, di naman kasi ako masyadong gutom.

Ganun ulit, wala pang ilang minuto nakabalik na siya..

Inilapag niya yung order ko at umupo na sa harap ko.

Ngiting-ngiti siyang nakatingin sakin, napansin kong wala siyang inorder na pagkain niya.

"H-hindi ka kakain?" tanong ko.

"Hindi na Baby, makita lang kitang kumakain nabubusog nadin ako!" kung kanina nag-init yung pisngi ko mas lalo naman ngayon! Pakiramdam ko mapapaso ang kung sinong humawak sa pisngi ko!

"Your Blushing again Sweetheart," naka-smirk niyang saad at nakatingin sakin. Hindi ako makakain dahil nakakailang!

"Stop staring Ethan! Naiilang ako." saad ko.

Ngumisi lang siya at nanatiling nakatitig sakin. Sa bawat tingin niya pakiramdam ko hinahalukay niya ang buong sistema ko, at yung puso ko nagwawala nanaman sa bilis at lakas nang pagtibok!

"Ethan!!!" napalakas ang saway ko sa kanya na naging dahilan nang pag-tingin samin nang mga tao sa paligid. Ugh!

"Hahahaha. Hindi ko mapigilan Baby, it has a nice view when im looking at you!"

"Ugh!" yan na lang ang nasabi ko, bakit ba sobrang sweet niya? Bawat lumalabas sa bibig niya hindi nabigo sa pagpapakilig sakin!

Sinimulan ko na yung pagkain ko, pinigilan ko yung pagkailang ko, nakaramdam na din kasi ako nang kaunting gutom.

Natapos akong kumain nang di siya pinapansin! Titig na titig kasi siya!

Pupunasan ko na dapat nang tissue yung gilid nang labi ko nang bigla niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko at hinalikan yung gilid nang labi ko!

Narinig ko yung tilian sa buong cafeteria at may sumigaw pa nang..

"Whoo! I got a nice shot! Ipapalagay ko to sa diyaryo natin!"

"ShaiThan Foreverrrrrr!!"


Kusang nanlaki ang mga mata ko, at napaawang ang bibig ko sa sunod niyang sinabi.

"Ang sarap Baby! Ang tamis!"

--

Maikling update, Ongoing po kasi kaya Bitin :'>

Next Update: January 11, 2015 :'>

Thank you sa pagbabasa! <3

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon