Chapter 13

4K 161 4
                                    

Hi Msnogood! :) Thank you po sa pagvote! :* <3

Updateeeeee!

ETHAN's POV

I really don't know what im feeling towards her. Basta kapag nasa tabi ko siya, pakiramdam ko kumpleto ang araw ko. Masaya ako. Laging sumisilay sa labi ko ang ngiti na kahit kailan ay di ko namang ugaling gawin maliban sa kanya. Ano nga ba ang ibig sabihin nito? May gusto naba ako sa kanya? Or worst, Mahal ko na ba siya?

"Oy pre! Aalis nako!" malakas na sabi ni Oliver.

"Anong sabi mo?" takang tanong. Kitang nag-rereminisce yung tao eh! Istorbo!

"Tangna pre' kanina pa ako nagsasalitang aalis nako, leche yan!" iritadong salita ni Oliver. Aba? malay ko ba. Eh iniisip ko yung feelings ko para kay Shaira. Di ko na nga maintindihan, dumagdag pa to'!

"Pucha' edi umalis ka. Pake ko?"

"Grabe. Harsh. Mean. Ansama mo dude! Sige na nga! Aalis nako!" paalam niya. Psh.

"Hahahaha! Nakakatawa ka talaga Ethan, space out na space out ah? Anong lagay? hahaha!" tumatawang sabi ni Luke. Tatahi-tahimik kanina tas' ngayon biglang tatawa? Late reaction? tss.

"Wala fck you ka!" inis kong saad. Ayoko naman sabihin sa mga gagong to' yung problema ko. Paniguradong tatawanan lang nila ako. Kilala ako bilang Casanova, Jerk, Monk etc. Tapos bigla nalang ako makakaramdam nang ganitong klaseng pakiramdam? Anong klase yun? Sabagay, hindi naman natin basta makokontrol yung nararamdaman natin. As long as, pakiramdam natin na nakukumpleto tayo, na buo tayo kapag kasama yung mga taong mahahalaga satin, walang masama. Ika nga 'Be true to yourself'

Shinake-shake ko yung Shot Glass ko bago ako nagsalita. "Dude, give me some signs kapag inlove kana sa isang tao." seryosong saad ko. Si gago naman natulala sakin at biglang..

"Hahahahahaha! tangna' pre? Yung totoo? Naka-shabu kaba? Hahahahaha! Oliver need to know this.. hahaha!" aakmang itetext niya pa yung isa pang gagong si Oliver nang bigla kong hinigit yung Phone niya sabay tapon sa Carpet!

"Putspa! Ang mahal nang bili ko dyan binato mo lang? dafuq!" reklamo niya. "Pero pre' natawa talaga ko sa tanong mo hahahaha!" sabi niya sabay tawa ulit.

Nilaklak ko yung Rhum na nakalagay sa Shot Glass ko. Leche' sana di ko na tinanong. Lecheng 'Be true to yourself' yan' napahiya pa ko! Pwe!

Nagsalin pa ako nang Rhum sa Shot Glass ko, nga pala' andito kami ngayon sa Bahay ko, ito naman lagi naming tambayan maliban sa Lights Out Bar e.

"Kapag tumibok yung puso mo nang mabilis kapag nandiyan siya." out of nowhere na saad ni Luke.

Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ako nagsalita.

"Kapag palagi kang nakangiti sa tuwing kasama siya.."

Di pa rin ako kumikibo. Nakikinig lang.

"Feeling mo kumpleto na ang araw mo kapag kapiling mo siya."

"Yun lang yung alam kong signs pre' pero kasi di ka dapat dumepende dun. Dito dapat.." saad niya sabay turo sa puso niya. Gusto kong matawa sa ginawa niya pero hindi bagay sa ganitong usapan, ako naman ang nagtanong e. Kaya dapat im the one who serious here.

"Bakit? Naiinlove ka na ba kay Shaira?" tanong niya sabay laklak sa shot glass niya. Hindi ako sumagot, ni kumibo.

Ano nga ba? Hindi ko maintindihan. Parang maliit na bagay na nawawala, mahirap hanapin.

"So inlove ka na nga." ngumiti si Luke nang makahulugan. Again, tahimik pa rin ako nag iisip.

Parang tanong sa math na mahirap sagutin, kung di gagamitan nang Utak.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon