Chapter 30

2.7K 89 10
                                    

"You are mine now Ethan! Akin kana! Whether you like it or not!"

Napakunot ang noo ko sa sinabing yon' ni Venus, totoo ngang may sira na sa ulo ang babaeng to. Kelan pa niya ako naging pag aari? Dahil ba mas kumampi ako sa kanya non? Pero isang malaking pagkakamali ang maniwala ako sa larong ginawa niya.

"This is nonsense Venus, i gotta go now." i said using my cold voice. Imbis na umalis na siya mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa pinto nang kotse kaya naman di ako makapasok sa loob, napatigil ako sa sunod na sinabi niya.

"Wala ka nang magagawa, wanna know why? Because, im your FIANCE Ethan Bartolome." Para akong nabingi sa sinabi niya, napatawa ako.

"Hahaha, are you crazy? Fiance? Are you serious Venus? Aalis nako, enough this stupid play of yours. Masyado kang baliw." Itinabig ko yung kamay niya kaya nakapasok na ako sa loob nang kotse at mabilis na pinaandar yon' nakita ko sa side mirror ang pagkairitable at galit niyang mukha dahil sa ginawa ko, habang nasa byahe, nagring ang phone ko, hindi ko na sana sasagutin yon dahil baka si Venus lang ang tumawag, pero nang makita kong tawag yun galing sa unknown number sinagot ko iyon.

"Hello? Sino to?" Tanong ko, narinig ko ang malalim na buntong-hininga sa kabilang linya,

"Hello?" Tanong ko pa ulit, papatayin ko na sana ang tawag pero nagsalita ito at agad ko namang nabosesan yon.

"We need to talk son, go to our home now nandito kami nang mommy mo." Pagkasabing pagkasabi ni Dad nun in-end niya na yung call. Umuwi sila ni mom? Bat biglaan ata? Bat di man lang sila nagsabi? Kahit gusto ko nang pumunta sa Hospital, di na ako tumuloy at iniba nalang yung route na tinatahak ko, mabilis din akong nakarating agad sa bahay.

Humalik ako kay Mom at Kaira, nag bro hug naman kami ni Dad na lagi naming ginagawa.

"So, ano pag uusapan dad?" I asked. Nagtinginan sila Mommy at Kaira pati si Daddy, bakit parang may hindi sila magandang sasabihin? Parang... parang may mali?

"Hey? Ano nga paguusapan natin? Mom? Dad? Kaira?" Tanong ko pa, bumuntong hininga muli si Dad, si mom naman ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko, hindi ko alam pero nakaramdam ako nang kaba sa sasabihin nila.

"Your going to marry soon, with.. Venus Ramos."

---

Nilaklak ko yung isang bote nang beer nang maubos ko ay agad kong binato sa kung saan kaya naging sanhi nang pagkabasag iyon. Fck! Bakit ba parang napakamalas ko? Bakit kailangan pang ikasal ako sa iba para lang sa letseng business na yan? Si Shaira lang! Siya lang ang gusto kong pakasalan. Kaya pala, kaya pala sabi sakin ni Venus na Fiance ko siya ay dahil ikakasal na pala kami, bullshit! This is really bullshit! Naalala ko nanaman yung naging paguusap namin nila Dad kanina.

|FLASHBACK|

"Your going to marry soon, with.. Venus Ramos." Malamig niyang sabi.

"WHAT?!! WHAT ARE YOU SAYING? ARE YOU CRAZY DAD? HUH?" Sigaw ko.

"Im serious son, magpapakasal kayo ni Venus,"

"Your really insane Dad, i don't like that fcking girl! All i want is Shaira to be my wife! Wala nang iba!" Bulyaw ko, tumayo ako sa pagkakaupo ko at nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko, baliw na sila. Ipapakasal nila ako sa babaeng muntik nang sumira nang relasyon namin ni Shaira? Fcksht!

Naramdaman ko ang pagyakap ni Mom sakin, "Im sorry anak, pero binlock mail kami ni Mr. Ramos, sabi niya pag hindi mo daw pinakasalan ang anak niya, ipapabagsak niya ang negosyo at kumpanya natin, at kapag nangyari yon' paano na? Paano na tayo? Alam kong mahirap pero anak, para satin din to' hindi lang samin kundi para sayo din." Paliwanag ni Mama pero ayaw ko, hindi!

Itinanggal ko ang kamay ni Mom sa pagkakayap niya,

"Hindi ako magpapakasal, and that's final!" Sabi ko at agad na naglakad palabas pero sadyang mabilis si Dad at nahigit niya ako, iniharap niya ko sa kanya at binigyan ako nang malakas na suntok. Napatumba ako sa sahig,.

"Dad!"

"Kuya!!"

Tumakbo si mom palapit sakin pero itinaas ko ang kamay ko at tumayo mag isa.

"Wala akong pake kung bumagsak yung negosyo niyo, basta di ako magpapakasal," sabi ko at tumalikod na. Alam kong nabastos ko sila sa ginawa ko, pero wala kong dahilan para di magawa yon' Arranged Marriage? Goddamn it!

|END OF FLASHBACK|

Kumuha pa ako nang isang bote at ininom ulit yon' pakiramdam ko makakalimutan ko yung pag uusap na yun kanina sa pamamagitan nang pag inom. Alas diyes na nang gabi pero nandito pa din ako sa L.O.B, hindi ko na inaya sila Oliver at Luke dahil gusto kong mapag isa. Malakas ang tugtugan at sobrang ingay nang mga tao dito, pati na din ang sari-saring amoy, pero kahit na ganun parang lumuluwag ang pakiramdam ko pag nandito ako. Naglabas ako nang isang stick nang sigarilyo, sinindihan at hinithit yon'.

SHAIRA's POV

"Kumain ka pa anak, para makabawi ka." Ani Mama sakin, simula nung nagising ako kaninang madaling araw wala silang tigil sa pag abot at pagbigay nang pagkain sakin, sabi nila ay bigla daw akong nahimatay kaya ako nandito sa Hospital, naging emotionally stressed daw ako, hindi na din ako magtataka kung bakit nangyari yun, dahil nitong mga nakaraang araw wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak dahil sa nangyayari samin ni Ethan, speaking of him, nabanggit sakin ni Mama na dinalaw daw niya ako dito, halos di magkaumayaw ang pagwawala nang puso ko nang banggitin ni Mama yon' okay na ba kami ulit? Babalik na ba kami sa dati? Sinantabi ko ang isiping iyon, ayokong umasa nanaman, kasi mas masakit, pero sana.. sana maging maayos ulit kami.

"WELCOME HOMEEEEEEEE!!!" Malakas na sabi nila, natawa naman ako sa ginawa nila, tinignan ko ang paligid at parang may Fiesta sa loob nang bahay namin dahil sa mga nakasabit na banderitas at marami ding nakahain na pagkain sa mesa at para akong nasa buffet sa dami nito.

"OMG BEST! SA WAKAS! OKAY KANA ULIT!" tuwang sabi ni Melissa, nahampas ko siya,

"Ano ba naman kayo? Para naman akong isang taong nawala kung welcomin niyo ako hahaha! Eh isang linggo lang naman ako don' sa hospital!" Natatawa kong sabi, lumapit sakin si Charlie at ginulo ang buhok ko, "Namiss ka kaya namin! Namiss ka nang barkada!" Ngiting-ngiting sabi nito, "Diba Guys?!!" dagdag pa niya.

"SUS! Eh halos araw araw niyo din nga akong dinadalaw eh! HAHAHA! Pero salamat para dito, ang swerte ko dahil naging kaibigan ko kayo!" Sabi ko at sabay sabay naman silang sumugod sakin at nag-group hug kami.

Kumain kami nang kumain, NO! Pinakain pala nila ako nang pinakain, pano' nangayayat daw ako. Natutuwa ako dahil inaalagaan talaga nila ako. Nandito na kami ngayon sa sala at napagpasyahang mag-kwentuhan, kwento lang sila nang kwento tungkol sa mga nangyayari sa school nung wala ako tsaka yung mga napag aralan nila, huling huli nanaman ako sa klase pero kaya ko namang humabol basta magrereview ako.

"Oo nga pala Best! This coming Friday na gaganapin yung Auction Night, may color coding yung susuutin natin, sating mga Juniors Black Attire at sa Seniors Red Attire, ang weird nga e kasi parang horror pero yun daw kasi request nang Seniors." Tumango tango ako, oo nga pala maalala ko' kasama pala ako sa game na Bid to Big, gustuhin kong tumanggi pero ayoko namang ma disappoint ang mga Prof ko.

Pagkatapos nang masayang handaan, at kwentuhan nagsipag uwian na din sila, tumingin ako sa orasan Alas onse na pala nang gabi kaya pala kanina pa ako nakakaramdam nang antok, tumungo na ako sa kwarto ko at natulog.

--

Super thank you po sa pagbabasa! Lovelove! Anyway may 2 upcoming story po ako, EXO fanfic siya, isang rated Spg, lol :D at isang teenfic ;) so i hope na i-support niyo siya katulad nang pagsupport nyo dito :) kamsahamnida! :* :*

Saranghaja! :D

|Eightfinity♡|

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon