Chapter 46

2.4K 117 4
                                    


SHAIRA's POV

"Best okay ka lang ba? Parang wala ka sa sarili eh!" puna sakin ni Melissa.

"Ha? Hindi ah! Okay lang ako." sagot ko.

"Sigurado ka? Eh bakit panlalaking damit yang' hawak mo? Duuh." bigla akong napatingin sa hawak kong Damit, Gosh! Wala nga yata ako sa sarili ko.

"Ah eh-- Wala ano, Ibibigay ko kay Jared. Tama ka Jared. Haha." nauutal kong sabi. Nung nakaraang araw pa ako ganito simula nung nakita ko nang gabing yon si Ethan.

"Hay nako sis, ewan ko sayo. Palusot ka pa eh! Sya punta na ko dun sa counter babayaran ko na to." saad niya at iniwan ako. Sumunod din ako sa kanya at kinuha ko na din yung Long Sleeve Polo na hawak ko, buti na lang sakto kay Jared to.

Pagkatapos naming bayaran yung mga damit ay pumunta naman kami sa Spa at nagpa-body massage. Parang sandalian ay nakalimutan ko si Ethan. After nun ay nagpasya na kaming umuwi. Pero may nadaanan kaming Korean Restaurant at napasilip ako sa loob nun. Nanlaki ang mata ko ng makita ko na nakapwesto si Drake malapit sa Glass Window at may kasamang babae. Hawak niya yung kamay nung babae at parang umiiyak pa ito. Hindi ko alam kung anong iisipin ko pero parang may ibig sabihin ang nakikita ko. No, nahihibang na ata ako.

"BEST!! Let's go na! baka abutan tayo ng ulan. Madulas ang kalsada nakakatakot mag-drive!" bulyaw ni Melissa na malayo na pala sa pwesto ko, pinilit kong ngumiti at sumunod sa kanya pasakay sa Elevator pababa ng Parking Lot.

Nandito na ako sa bahay at halo-halo ang iniisip ko, yung kay Drake at yung kay Ethan. Ewan ko!! Naguguluhan na ako. Napabalikwas ako ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Kinuha ko yon at nakita kong unknown number.

"Hello?"

walang sumasagot sa kabilang linya at tanging paghinga lang nun ang naririnig ko.

"Hello?!" ulit ko.

[S-shaira..] biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses niya.

"E-ethan? Ikaw ba yan??" tanong ko.

[Yes. Pupunta ka ba mamaya? Sa usual spot natin? Please Shaira, gusto lang kitang makausap. Just.... Just give me a chance..] tuloy tuloy niyang sabi.

"I-im not sure, may date kasi kami ni Drake mamaya. Basta itetext kita." kahit na sa totoo wala talaga. Hindi ko alam wala lang akong lakas ng loob na pumayag sa gusto niya. Parang natatakot lang ako.

[O-okay. Pero mag-aantay pa rin ako dun.]

at binaba niya na ang tawag.

"Shaira, Anak!! nandito si Drake." ani Mama. Tumayo ako at bumaba. Sasalubungin sana ako ng yakap ni Drake pero lumayo ako sa kanya na ikinagulat niya.

"Tapos na ba yung Business Meeting na pinuntahan mo?" i folded my arms over my chest.

"Oo, by this month gagawin na yung another branch ng Le Breu Cafe sa Manila." saad niya habang nakangiti.

"Ohh i see. Kaya pala nakita kita sa Korean Restaurant na may kasamang babae. Siya ba ang business partner mo?" nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Nakakaramdam na ako ng galit at pagkainis sa kanya.

"Ha? anong sinasabi mo? Pano mo ako makikita doon kung nasa Business Meeting ako?" pagtatanggi pa nya.

"Hindi ako bulag Drake, okay lang naman sabihin mo sakin yung totoo di yung magsisinungaling ka pa! akala ko ba ay di ka gagawa ng bagay na ikasasakit ko? eh ano tong' ginagawa mo!" nilagpasan ko siya at isinarado ko ang pinto ng kwarto ko. 

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon