Chapter 54

2.5K 88 7
                                    


ETHAN's POV


Umupo ako sa sofa ng sala namin para magpahinga, kanina kasi ay inutusan ako ni Shaira na bumili ng Strawberries sa Baguio. Oo, sa Baguio. Kahit pagod ako galing sa opisina ay kinaya ko pa rin na magmaneho patungo doon, mabuti na lamang at hindi ganoong ka-traffic kaya inabot lang ako ng 3 hours bago makarating doon.

Nagpahinga lang ako sandali at umakyat na ako sa kwarto namin ni Shaira. Tinanong ko ang maid namin na hinired ko kasabay ni Mang Bert kung nasaan si Shaira at sinabi nitong nasa kwarto na ito at nagpapahinga.

Dahan-dahan kong inikot ang seradura ng pinto para hindi siya magising mula sa pagkakatulog pero halos mapabalikwas ako at buti na lamang ay naiwasan ko ang tsinelas na lumipad sa akin, na marahil ay inihagis ni Shaira sa akin.

"BWISIT KA ETHAN!!! BAT ANG TAGAL MO!" nakasigaw niyang reklamo, lumabas siya ng kwarto at kinromponta ako.


Napakamot nalang ako sa batok ko ng makita ko ang galit na galit niyang mukha.


Hindi ko alam pero simula nung malaman naming buntis siya ay bigla nalang siyang nagkaroon ng mood swings at madaling pagka-inis at pagka-maininitin ng ulo. Sabi ng OB niya, ay maselan ngayon ang pagbubuntis niya at anytime ay magrerequest siya ng pagkain na gusto niyang kainin basta natripan ng panlasa niya.


"Easy ka lang, baby. D-dala ko na yung strawberries. Ito oh!" kinakabahan kong aniya dahil halos magkadikit na ang dalawa niyang kilay.Bigla siyang ngumiti ng matamis at lumapit sakin para kuhanin yung Basket ng Strawberries na binili ko.


"Thank you, mahal." malambing na sabi niya at ginawaran ako ng sandaling halik sa labi tsaka siya pumasok sa kwarto at ni-lock ang pinto. Hindi agad ako nakagalaw dahil napakasarap ng halik na ginawad niya sakin.

Kumatok ako at narinig ko ang pagsigaw niya mula sa loob.


"DUN KA MUNA SA GUEST ROOM MATULOG! AYOKO NG MAY KATABI NGAYON!!" bulyaw niya at napabagsak nalang ang dalawa kong balikat dahil sa sinabi niya. Kung kailan ba naman mas higit kong kailangan na yakapin niya ako saka naman siya nag-tantrums nanaman ng ganyan.Pero kahit ganon, ni minsan di sumagi sa isip ko na magsawa. Naiintindihan ko siya dahil ngayon palang damang-dama ko na yung hirap na dala-dala niya.

Nasa limang buwan na ang tiyan niya kaya naman mas lalong tumindi ang paglilihi niya. May mga buntis daw kasi na kahit nasa lima hanggang sa manganak sila ay naglilihi pa din, kumporme daw kasi iyon sa nagdadala.Hindi na ako mahihiya pero paminsan ay nagsasarili na lang ako sa banyo kapag inabot ako ng pangangailangan ko, Sabi nang OB niya pwede pa naman daw hangga't di pumuputok ang panubigan niya pero itong si Shaira ang ayaw na dahil masakit daw at natatakot siya. Inintindi ko nalang dahil simula't sapul ay ginusto ko lang na magkaanak kami at hindi ang makitang nasasaktan siya.


Tumungo na ako sa Guest Room sa First Floor at doon nagpahinga. Nilapat ko ang likod kong nananakit sa kama at napahinga nalang ako ng malalim ng madama ko ang malambot na kama sa likod ko. Nangawit siguro kanina dahil sa pagmamaneho. Tumingin ako sa orasan at alas-dos na pala ng madaling araw kaya pala parang may humihila na sa talukap ng mata ko. Buti na lang at linggo bukas at walang opisina.


---


SHAIRA's POV

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon