Chapter 24

3.3K 104 2
                                    

SHAIRA's POV

"Good morning sweetheart!" saad ni Ethan, pagkakita sakin. Bumaba na kasi ako galing kwarto at lunes na ngayon kaya nandito sya para sunduin ako' papasok sa school.

"Ready?" tanong niya. Tumango naman ako. Nagpaalam na kami kay Mama at syempre humalik at nagmano muna si Ethan bago kami lumabas ganun din ako.

Pinatunog niya yung sasakyan niya at pinagbuksan ako nang passenger seat.

Pumasok na ako at sya din ay pumasok na, bago paandarin ay kinabitan niya muna ako nang seatbelt na palagi niya namang ginagawa sa akin.

"Ang ganda mo talaga Baby," puri pa niya. Napangiti naman ako at panay ang pagrambol nang paru-paro sa tiyan ko. Pakiramdam ko natural na yung ganito sakin lalo na kapag nasa harap ko si Ethan.

Hinalikan niya muna ako nang mabilis sa labi na ikinagulat ko at nagsimula nang magmaneho. Hindi naman mawaglit sa mukha niya yung ngiti niya, at yung mata niyang naniningkit dahil sa wagas na pagngiti.

Naisip ko bigla, paano kaya kung magkaproblema kami ni Ethan, diba posible yon' sa isang relasyon? Saamin kasi ni Ethan ay puro Sweets at Kilig moments. Although, dati nag-aaway kami palagi pero simula nung maging Kami na ay iba na. Mas lalo siyang naging Attach at Clingy sa akin.

Pano kaya kung sakaling, maghihiwalay kami? Kakayanin ko kaya? Kakayanin kaya namin? Iniisip ko palang nasasaktan na ako.

Nagulat ako sa biglang paghinto nang sasakyan. Bigla naman akong nabalik sa realidad at napatingin kay Ethan.

"Why did you stop?" tanong ko.

"Red Light," turo niya sa Stop light. "Bakit ka nakasimangot baby? May problema ba?" tanong niya at hinawakan yung kamay ko at hinalikan yon' pinagtagpo niya yung mata naming dalawa.

"Nothing.. may naisip lang ako bigla." sagot ko.

"C'mon baby' spill it out, makikinig ako." pagpupumilit pa niya, wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanya.

"Fine, Ahmm. Ethan, pano kaya kung... Kung magkaproblema tayo? Tapos.. Mag-away tayo? Hindi ba posibleng mangyari yun' sa isang relasyon?" tanong ko habang nakatingin padin sa mga mata niya, bigla naman nag-iba yung aura nang mukha niya.

"Bakit mo naman naisip yan? Psh." nasabi niya na lang.

"Paano kung magkahiwalay tayo? Pano kung kailangan natin isuko ang isa't isa sa isang personal na dahilan?" dagdag ko pa. Binitawan niya yung kamay ko at he cupped my face.

"Huwag kang mag-isip mang ganyan Baby, kakasimula pa nga lang natin nag-iisip ka na agad nang negative sa relasyon nating dalawa, Oo alam naman natin na sa bawat relasyon di maiiwasan ang di pagkakaintindihan, pero Sweetheart, gagawin ko ang lahat para di mangyari yun' okay? I'll do my best to make our relationship the most perfect and happy, and ofcourse to be the most stronger.." ani niya,

"Nababahala lang kasi ako Ethan, im sorry." saad ko, binigyan niya ulit ako nang halik sa labi but this time, matagal na.

Humiwalay siya sa halik nang makarinig kami nang sunod-sunod na busina. Sabay pa kaming napatawa ni Ethan nang makita naming naka-greenlight na.

Pagdating namin sa school, hinatid na ako ni Ethan sa Room ko at nagpaalam na sa akin.

"Your late again, Ms. Mondejar." saad ni Prof. Vega, napatingin ako sa relo ko at nakita kong 11:10 na pala. 10 minutes akong late. Ayst.

"Im sorry sir," sabi ko at nakayukong pumunta sa upuan ko.

Nagsimula nang magturo si Prof. Vega. Nang nasa kalagitnaan na may biglang kumalabit sa likod ko.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon