Chapter 39

2.6K 78 6
                                    

SHAIRA's POV

"Amusement Park?!" gulat kong tanong sa kanya pagkababa namin nang sasakyan niya. Tumango-tango naman siya at ngumiti. Bigla akong nakaramdam nang takot, hindi naman sa Hindi pa ako nakakapunta dito natatakot lang ako sa mga Rides dahil masyadong matataas ang mga yon' sabi sakin ni Mama, bata palang daw ako nakitaan na nila ako nang Fear of Heights.

"Bakit? May problema ba Baby?" nag-aalalang tanong niya. Umiling iling ako pero hindi siya nakumbinsi.

"I know there's a problem, c'mon tell me." pagpupumilit niya pa. Wala na akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya.

"I'm scared. Natatakot ako Ethan." sabi ko sabay takip sa mga mata ko. Hindi ko Alam pero naiiyak ako.

"You don't have to be scared Sweetheart, im here to protect you, You'll safe with me." Ani niya sabay yakap sa akin, bigla ko nanamang naramdaman yung kalampag nang puso ko, siguro nararamdaman niya na yun dahil sa higpit nang yakap niya. Sa tuwing yayakapin niya ako, pakiramdam ko ligtas ako, na walang makakasakit sa akin kahit na sino. Kusang nawala yung takot na nararamdaman ko dahil sa yakap niya. Bumitaw na siya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong braso.

"Patingin nga nang ngiti mo baby!" hiling niya kaya naman ngumiti ako, isang magandang ngiti din ang ginawa niya at nagsimula na kaming pumasok sa loob.

"Wag ka nang matakot baby ha? Let's enjoy this day together okay?" malambing niyang sabi at tumango naman ako.

--

Walang bahid nang takot akong naramdaman nang sumakay kami sa mga Rides, buong magdamag kasing hawak ni Ethan ang kamay ko at ni hindi niya iyon binitawan, medyo namamawis na nga yung kamay ko at nahihiya ako dahil alam kong dama niya yun pero hindi niya pa rin ako pinakawalan, para bang takot siyang mawala ako sa tabi niya, at lalong sa paningin niya.

Pero kahit bali-baliktarin ang mundo, ito na ang huling araw na magsasama kaming dalawa nang masaya.

Matapos naming mag-enjoy sa amusement park ay napagpasyahan ni Ethan na pumunta kami sa Batangas kung saan kami nagswimming noon nila Kaira, at kung saan naganap ang unang halik naming dalawa.

Kahit hanggang sa byahe ay hindi pa rin binitawan ni Ethan ang kamay ko, dahil sa mahaba pa naman ang byahe ay ipinikit ko muna ang mata ko para magpahinga.

--

ETHAN's POV

Hindi ko kayang bitawan ang kamay niya, mula kanina nung nasa amusement park palang kami ay hawak ko na ang kamay niya, hanggang ngayong nandito na kami sa Batangas ay ayaw ko pa rin yun bitawan. Ilang minuto na ang nakakalipas simula nang makarating kami dito pero hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog niya.

Tinitigan ko ang maamo niyang mukha na nagpabaliw sa akin, natatakot akong mawala siya sa tabi ko, pero ano pang magagawa ko kung siya na din mismo ang sumuko? Kayang-kaya ko siyang ipaglaban sa pamilya ko maging kay Venus at sa tatay niya pero gaya nang hiling niya at nang pangako ko sa kanya magpaparaya ako, hindi ko na sya guguluhin pa ito na ang huli. Kahit pa sobrang sakit sakin, That is almost like physical pain, titiisin ko para sa kanya, para sa kanila.

Naramdaman kong tumulo sa mga mata ko ang luha, hinayaan ko lang na tumulo yon.

Bigla naman akong nagulat nang gumalaw si Shaira at nang dahan dahan niyang imulat ang mga mata niya.

"Ethan? U-umiiyak ka ba?" bigla siyang napaayos nang upo at tumingin sa akin.

"Hindi, Napuwing lang." pagrarason ko, alam kong hindi siya maniniwala sa dahilan ko kaya naman inaya ko na siyang lumabas sa kotse.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon