Chapter 20

3.6K 150 9
                                    

SHAIRA's POV

Mag-isa akong pumasok ngayon sa School, hindi kasi ako nasundo ni Ethan dahil may gagawin daw sila nila Oliver at Luke! Si Melissa naman kino-contact ko kanina pero hindi sinasagot ang tawag, panay lang ang ring! Sila Charlie, Sam, Mika at Jen naman alam kong busy sila ngayon kasi sila yung inatasan sa pag-fafinalized nang stage para sa Acquiantance. Oo, bukas na yung Acquiantance Ball, napaaga dahil pagtapos daw nun, Two weeks lang at may Auction Night daw kami para sa mga ga-graduate na Seniors!

Pagpasok ko sa school, iba yung tingin nang mga tao sakin, well lagi namang ganito simula nung sabihin sa kanila ni Ethan na Girlfriend niya ako.

Pero bakit pakiramdam ko mas lalong lumala ngayon?

Hindi ko nalang pinansin at sinikap na iwasan ang tingin nila, bago ako makarating sa room nadaan muna ako sa Field.

Nagkakagulo ang mga estudyante don' at panay ang tili!

"Ang swerte talaga nung Shaira na yon!"

"Ahhhh! Kiliiiiiig!"

"ShaiThan Foreverrr!!"

Napapangiti na lang ako sa mga naririnig ko, buti naman at di masyadong negative. Kahit papano, positive yung narinig ko.

Paakyat na ako nang Building namin pero may mga humarang saking mga Lalaki! Base sa uniform nila mga I.T students sila.

Hinawakan ako nung dalawa sa braso at pilit akong hinila papunta sa mga nagkakagulong estudyante! Di ko alam pero nakakaramdam ako nang takot, mauulit nanaman ba yung ginawa sakin ni Venus??

Kusang nahati yung mga tao sa gitna at dinala ako nang mga lalaki sa unahan, Napalulok ako sa nakikita ko sa harap ko.

Mini stage na maraming bulaklak na nakakalat sa paligid, tarpaulin na nakasulat ay "ShaiThan Forever" may Upuan at Mic doon.

Maya-maya lang may narinig akong boses na kumakanta, at alam ko kung sino yun.

[HEAVEN BY YOUR SIDE]

~ YOU AND I, CANNOT HIDE
THE LOVE WE FEEL INSIDE,
THE WORDS WE NEED TO SAY.

~

Bigla siyang lumabas sa back stage, at diretso ang tingin sa mga mata ko. Nagmamabilis nanaman ang pagtibok nang puso ko. Panay ang tilian dito sa Paligid ko pero pakiramdam ko, kaming dalawa lang, Ako at Siya..

~
I FEEL THAT I
HAVE ALWAYS WALKED ALONE.
BUT NOW THAT YOU'RE HERE WITH ME,
THERE'LL ALWAYS BE A PLACE THAT I CAN GO.
~

Sobrang lalim nang pagkakatingin niya sakin, parang bawat letra nang kanta sakin niya iniaalay.

~
SUDDENLY OUR DESTINY
HAS STARTED TO UNFOLD.

WHEN YOU'RE NEXT TO ME
I CAN SEE THE GREATEST STORY LOVE HAS EVER TOLD.

~

Gusto kong tumili dahil sa nararamdaman kong kilig, pero tila napipi na yata ako at napako sa kinatatayuan ko.

~
NOW MY LIFE IS BLESSED
WITH THE LOVE OF AN ANGEL.

HOW CAN IT BE TRUE?

SOMEBODY TO KEEP THE DREAM ALIVE.

THE DREAM I FOUND IN YOU.

I ALWAYS THOUGHT THAT LOVE
WOULD BE THE STRANGEST THING TO ME

~

Sumabay na din sa kanya sina Oliver at Luke sa pagkanta, at masasabi kong sobrang ganda nang pag-blend nang boses nila.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon