Chapter 21

3.5K 126 3
                                    

SHAIRA's POV

"Omiiiigaaaad Best! Ang Ganda-Ganda Mo!!" tili ni Melissa, ka-skype ko kasi siya ngayon, at nakabihis na ako para sa Acquiantance! Hindi kasi siya makapunta dahil susunduin daw siya ni Luke mamaya sa kanila at yun daw Escort niya! I smell something Fishy talaga e.

"Hahaha Thank you Best! Ikaw din, Ang ganda mo sa Red Cocktail na yan!" pambawi ko.

"Ako pa ba Best? Ako pa? Hahaha! Teka lang best, may kumakatok sa Pinto!"

"Po? Sige po! Bababa na!" rinig kong sigaw ni Melissa, tamad ang babae di tumayo! Hahaha.

"So pano Best? Una na ako, nandyan na si Luke my loves! Kyaaaaaah!" tili niya at in-off na yung Skype.

Tumayo ako at tinignan ang salamin sa Sarili, maya-maya lang may kumatok at bumukas ang pinto, iniluwa naman nun si Mama.

"Wow! Ang ganda ganda naman nang Anak Ko!" puri sakin ni Mama, Napangiti naman ako. Medyo naiilang ako sa suot ko dahil hindi nga ako sanay magsuot nang mga Dress, Pero kapag sa mga ganitong pagkakataon, Tinitiis ko nalang.

"Oh bat ganyan ang itsura nang mukha mo Anak? Para kang nalugi?" natatawang tanong ni Mama.

"Eh.. Mama kasi... Naiilang ako talaga.." nakayuko kong saad.

"Nako naman ang Anak ko, masanay ka na. Dalaga ka at mas bagay sa katulad mo ang naka-dress! Anong gusto mo pumunta ka sa Party nang naka-jeans?" natatawa pa ring wika ni Mama. Ayst.

"Mag-smile ka nga, ang ganda ganda mo anak e." ngumiti ako kagaya nang hiling ni Mama.

" Ayan mas maganda kapag nakangiti ka, Ganyang-ganyan ang itsura ko nung dalaga ako Anak, kamukhang-kamukha tayo! Iba ang ganda! Unique!" napatawa ako sa sinabi ni Mama, "Maiba tayo Anak, Yang' si Ethan napakabait na Bata, gusto ko siya sayo bilang Boyfriend mo! Biruin mo tawag agad sa akin e' Mama? Nakakatuwa naman dahil nirerespeto niya ako, Basta Anak.. Kapag nasaktan ka wag kang mahihiyang lumapit kay Mama ha? Kasi ang Pag-ibig masarap sa pakiramdam yan, pero ang Pag-ibig hindi magiging Pag-ibig kung di ka makakaramdam nang Sakit dito.." saad ni mama sabay turo sa Puso ko.

"Nga pala anak' nandyan na si Ethan sa Baba, kausap nya si Jared, sige bumaba ka na. Mahal na Mahal kita Anak!" saad ni Mama at niyakap ko naman siya, Si Mama talaga kung makapag-drama.

"I love you too Mama." wika ko at bumitaw na sa yakap, nauna nang bumaba si Mama, sinulyapan ko muna ulit ang sarili ko sa salamin at Bumaba na.

Bigla akong nakaramdam nang pag-init sa pisngi nang makita ko sa dulo nang hagdan si Ethan na ngiting-ngiti. Ang gwapo niya sa suot niyang Tuxedo. At yung buhok niyang Messy na lalong mas nagpagwapo sa kanya pati yung mata niyang naniningkit dahil sa pagngiti.

Panay ang pagwawala nanaman nang Paru-paro sa tiyan ko, Lalo akong kinabahan nang dalawang hakbang na lang kaya naman..

"Ateeeeee!"

"Jusko Anaaaaak!!!"

"Sht Baby!" bulyaw ni Ethan, at mabilis na sinalo ako, nadulas ako sa paghakbang buti na lang at nasalo niya ako! Nakatingin lang siya sa mga Mata ko at parang may sinasabi yung mga tingin niyang yon sa akin.

"Be Careful Baby! Paano kung wala ako, hay nako." sermon niya sakin at maingat akong itinayo.

Pinagsalikop ni Ethan ang kamay naming dalawa na naghatid sa akin nang libo-libong boltahe nang kuryente sa aking katawan, isabay pa noon ang pag-init nang pisngi ko at pagbilis nang tibok nang puso ko.

Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ang response nang katawan ko sa tuwing' makikita ko siya o kaya dadampi ang balat niya sa Balat ko.

"Alis na po kami Mama," saad ni Ethan kay Mama at humalik pa siya sa pisngi nito.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon