Chapter Six

203 11 0
                                    


After that night, at least my irritation to Simon lessen. For some reason, I still have a hunch that I can't trust him, but there was no wrong to treat him a fair kindness after saving me. At school this morning I gained a trauma, which was why I refrain from looking at boys or listening with Swanda and Kailli about their venture anymore. Actually, I am more worried to see Ashton, I am praying not to see him and I wish I could transfer somewhere to avoid him but what will I reason out to my father?

"Okay na ang internet connection mo rito, ganoon lang ang gagawin mo."

Nagningning ang aking mga mata ng makita ang full signal sa screen ng laptop ko. Totoo ngang magaling pagdating sa computer si Simon.

"Bakit kasi ngayon mo lang ginawa 'to?" Hindi ko inalis ang aking atensyon sa screen, ngunit alam kong nilingon niya ako

"Malay ko bang ayaw mo na may pumapasok na lalaki rito. Hindi naman ako bastos." May ginalaw siya sa settings at binuksan ang browser.

Nakita ko ang mabilis na pag-load ng isang video sa youtube. Sa aking tuwa, inagaw ko mula sa kanyang kamay ang mouse at nag-search ng video. "Alam kong hindi ka bastos. Sino ba may sabing bawal ang lalaki rito? Tsaka, dipende naman sa akin kung papapasukin kita o hindi." Ngumiti ako ng makitang mabilis ang pag-load ng video kahit pa one hour iyon. Lumingon ako sa kanya.

Nahuli ko siyang sa akin nakatingin at hindi sa screen.

He cleared his throat and made a distance. "May ipapagawa ka pa ba?"

Sa totoo lang, bukod sa galing niya sa computer humahanga rin ako sa math skills niya. May isang formula kasi ang naguguluhan ako sa tinuro kanina. "Puwede bang magpaturo sa math?"

Bumakas ang iristasyon sa kanyang mata, saglit na sumulyap sa wall clock bago nag-isip. "Ngayon na ba? May gagawin pa kasi ako."

"Oo sana, pero okay lang. Kapag free ka na."

"Okay. Babalik nalang ako mamaya."

"Siguro sa veranda nalang tayo." Muli akong bumaling sa screen ng laptop, pero sa gilid ng aking mata ay sinusundan ko siya ng tingin habang patungo sa pinto. Tumango siya bilang sagot kahit alam niyang hindi ako nakatingin. O baka naman alam niyang nakatingin ako sa kanya?

Nang maisara niya ay tumuwid ako sa pagkakaupo.

Simon was exempted to my trauma. Kaya kong makipag-interact o lumapit pa sa kanya, pero sa ibang lalaki, kakaiba ang takot na nadarama ko. Sinubukan din akong lapitan ni Brandon, ngunit umiiwas ako.

Naligo ako at nagbihis ng bestida na madalas kong suotin na pangtulog. Tapos ko na ang ilan sa aking takdang aralin, hinihintay ko nalang si Simon na bumalik. Nagpupunas ako ng basang buhok ng umilaw ang screen ng aking laptop. Nabitawan ko ang hawak na tuwalya nang makitang si Auntie Axis ang tumatawag.

I miss her!

Dumapa ako sa kama at ngumiti agad sa agarang pagsagot sa tawag.

"It's already Eight in the evening Malleury Suniga... and yet you are still online? What are you doing?"

The smile on my face grew wider. Auntie Axis was my father's twin but I don't see their resemblance. Mukha siyang local ng Australia, tipong happy go lucky at hindi umaayon ang edad sa mukha. Mukha siyang eighteen years old, sobrang puti na bagay na nakuha namin. Samantalang si Daddy ay mukha ng matanda, stress at medyo moreno.

Bumungisngis ako. "Hindi pa po ako tapos sa assignment ko."

"Really?"

"Where's my little sister?"

Naked EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon