Chapter Twenty Two

150 11 0
                                    

Maaga akong gumising kinabukasan para mag-ayos. Simple lang sana ang susuotin ko, kaso ng masuot ko na nakaugalian kong plain dress ay nagpalit muli ako. Sa dami ng damit ko sa tukador, hindi ko alam kung bakit wala akong mapili na maganda. Sa huli isang plain t-shirt at loose pants ang sinuot ko. Hindi na muli ako nagtitirintas ng buhok. Nakaugalian ko ng kulutin ng kaunti ang dulo ng aking buhok at mag-apply ng light lipstick. Turo sa akin ni Kailli.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Simon na saktong kakalabas lang din ng kuwarto niya.

Natulala ako sa kanyang tindig. Itim na t-shirt at acid jeans lang ang isinuot na tinernohan ng brown na boots, simpleng gaya ko pero bakit nagmukha siyang may pupuntahang Fashion Show?

"Mag-agahan muna kayo rito, Eury!"

"Opo, Auntie." Nauna ako sa kanya sa hagdan. Mula sa gilid ng aking mata, napansin ko ang kanyang paghabol. "Naglalagay ka na rin pala ng lipstick ngayon."

Napapikit ako. Sumobra ba? Alam ko light lang ang kulay na pinili ko, gano'n ba siya kahalata?

We just took a light breakfast then we headed right away.

Tatlong oras ang ginugol namin sa byahe kaya naman muli akong nakatulog. Boses nalang ni Auntie ang nagsilbing alarm ko ng makarating kami sa aming destinasyon.

"Pastel color ang gusto niya, Auntie. Ideas lang po para sa kulay na pipiliin po nila sa furniture."

"Salamat, Hija."

It took us three hours to buy half of the list. Nagugutom na ako kaya inaya ko siya sa paborito kong Italian Restaurant. Si Manong at Simon ay dinala sa sasakyan ang mga pinamili. Ang ilan sa malalaking furniture ay for delivery nalang. Naka-order na kami ng pagkain ng dumating sila Simon. Ilang minuto ay na serve ang mga iyon.

While slicing the pizza, I glanced at my Auntie who sat across me. "After po nito. Gusto ko sanang bumili ng damit at regalo para sa kapatid ko."

"Pagod na ako kakalakad, Hija. Magpasama ka nalang muna rito kay Simon."

Napiga ko ang laylayan ng aking suot na t-shirt. Kung noon ay kaya kong makasama si Simon sa pamimili. Ngayon ay hindi ko yata kakayanin. Sino ang tatanungin ko kung bagay ba ang napili ko na damit para sa akin? Siya?

Ang mga pinamili ko, siya ang magdadala? Ano ang iisipin ng ibang taong makakakita? Kahit pa nagawa na namin iyon noon, may dahilan naman ako. Pero kasi ngayon parang 'di ko yata gusto.

"Hijo, samahan mo itong si Eury."

Hindi ko na napigilan ang mapapikit.

"Wala pong problema."

Dumilat ako at tumingin kay Simon. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin, inosenteng sumubo ng pagkain ngunit nananatiling nakatitig sa akin.

"Tumatanda na kasi ako. Tatlong oras na lakaran, nakakapagod din. Dalhin mo itong card ko, Hija."

"May pera naman po ako."

"Gamitin mo na itong akin. Bumili ka ng bagong damit. Samantalahin mo, bihira tayong umalis na Casa De Rios."

Wala akong nagawa. Matapos kumain ay humiwalay sila Manong at Auntie sa amin. Tinunton ko ang boutique na gusto ko at kahit hindi magsalita, alam kong nakasunod si Simon sa akin. International at malaking boutique ang napili ko, naroon kami sa pile ng mga matured tops ng mapansin ko ang babaeng pumipili ng crop top. Base sa ayos niya, mukhang modern ang estilo ng pananamit nito.

Lalapit sana ako, ngunit napahinto ng mapansing wala na ang tingin ng babae sa damit kung hindi sa likuran ko.

Paglingon ko kung sino iyon ay si Simon.

Naked Eyeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें