Thirty-Three

120 11 0
                                    


I tried to dial Simon's number but he was out of reach

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I tried to dial Simon's number but he was out of reach. I checked his messenger if he was online but it was already 3days ago online. Frustrated by my action a while ago, I went downstairs, walked inside the kitchen going out to the backyard.

Minasdan ko ang daan patungo sa secret place, ngunit sa dilim at hindi makitang daan ay pinapangunahan ako ng takot. Hindi kaya ay naroon siya at naghihintay sa akin? Bumalik ako sa kuwarto para kunin ang guwantes na ginawa ko para sa kanya.

Alam kong pagbibigyan ako ni Daddy.

Kailangan kong maibigay ito at magkausap kami.

Bago makalabas ng pinto, parang spring akong bumalik sa loob mula sa malakas na paghila. My heart almost jumped at the sudden adrenaline.

"Let's talk."

"Anong ginagawa mo rito Brandon?"

Nagpakawala siya nang malalim na hininga. "I came back. Your father didn't accept my request, I'm sorry."

Hindi na sana ako magugulat ngunit ang malaman din ito sa kanya, kumpirmadong kahit siya na ang kumausap ay wala talagang makakabali sa desisyon ng aking ama. Muling nangilid ang aking mga luha. For some reason, when Brandon caught the swelling tears on my eyes, pain crossed his eyes. A pain that he wished never seen on me. As if his presence caused me more heartache. That I don't like him yet I don't have a choice but to choose him.

"Persuade him," bulong ko nang hindi nakatingin sa kanya.

Ilang segundong nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Lakas loob ko siyang tinanaw, nahuli ko siyang gulat. Why? You didn't expect these words from me?

"Convinced him, Brandon? I love somebody else, it is not you. I can't love you—" my voice faltered. Umiwas ako ng tingin ng bumagsak sa baba ang kanyang atensyon. Tila ba hindi lang ako ang nasasaktan ngayon. Maging siya ay labis ng nasasaktan.

Hindi ko gustong mangyari ito, pero ano bang silbi ng pamimilit ko kung balewala naman iyon?

Ang desisyon ni Daddy ang masusunod.

Siya ang batas. At ako? Wala akong choice.

Iniwan ko siya roon at dumiretso sa labas. Pagkaraan ko sa manukan, isa roon na tingin ko ay si Kailli na tumilaok. Ginamit kong ilaw ang flashlight sa cellphone ko at binagtas ang madilim na gubat. Takot ako, ngunit mas nangingibabaw sa akin ang kaisipang naroon si Simon. Alam kong hinihintay niya ako.

Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makalagpas doon at madaanan ang maputek na bukid. May parte roon na tuyo ngunit mas marami ang basa. Nahirapan ako at pakiramdam ko ang bigat na ng rubber shoes ko sa bawat hakbang. Nang makapasok sa ikalawang gubat, nananaig na sa akin ang excitement. Malakas ang kutob kong naroon si Simon.

Itinaas ko ang hawak na cellphone upang tanawin ang kubo.

Nang makita kong may ilaw roon ay napatakbo ako. He was there! I dashed the slippery road until I reached the broken door and entered it. Taas-baba ang aking balikat at dibdib, nakita ang papaupos ng kandila at walang Simon.

Naked EyeWhere stories live. Discover now