Twenty Nine

144 15 2
                                    


"Okay na ba? Wala na kayong nakalimutan?" Sabi ni Brandon ng ilagay sa trunk ang mga bag namin ni Sky

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay na ba? Wala na kayong nakalimutan?" Sabi ni Brandon ng ilagay sa trunk ang mga bag namin ni Sky.

Nagkatinginan kami ng kapatid ko. Pasakay na siya sa back-seat at ako naman sa shotgun. Naalintana ako at lumingon sa mansyon, nag-iisip kung may nakalimutan nga ba ako?

Nahuli ko mula sa gilid ang pagdaan ni Simon patungo sa tabi ng garden house. Hindi siya nakatingin sa akin, may hila na dalawang sako ng mga buko. No shirts at all and I am worried on his pants that was lazily hanging on with his tote waist. Kumikinang ang mga braso dahil sa pawis. Marumi siya at magulo ang buhok, halata iyon kahit pa may suot na straw hat ngunit hindi siya madungis tingnan. Sinundan ko siya nang tingin hanggang pumasok sa loob ng Garden house.

"Hurry yup, Ate Eury. Sabi nila Paige naroon na sila."

Sumakay na ako. Habang naglalagay ng seatbelt ay naitanong kong, "Sila Kailli at Swanda."

Sky do something on her phone before she glanced at me. "All of them are already there except us."

Hinanap ko ang suksukan ng seatbelt. Napansin ni Brandon ang dilemma ko kaya umabante siya patungo sa akin at siya ang nagkabit.

"Thanks."

"No problem," he said. There was a content smile on his lips. It was there the first thing he saw me when I opened the door of our house. It was pasted there until we reached the rest house too.

It was supposed a long journey but he took a shortcut. It was a rough and muddy road.

Akala ko nga ay hindi kami makakaraan doon, mabuti nalang at malaking sasakyan ang dinala ni Brandon na may malalaking gulong. Naabutan naming abala na ang lahat sa picnic. Sila Kuya Joffrey at Zedrick ay abala na sa barbecue. Ang dalawang kaibigan ko naman ay abala sa pagkuha ng pictures mula sa suot nilang colorful summer dress.

"You said you want to try the fishing?"

Nilingon ko si Brandon at ang hawak niyang fishing rod. Lumapit ako sa kanya, manghang hinawakan at tinitigan. "Mahaba pala ito."

"Oo naman, Eury. Hindi puwede ang maikli sa ganyan. Kailangan mahaba, super haba," si Kailli sa aking gilid. Mahihimigan ng kalaswaan ang tinig, masama ang titig sa braso ng kaharap ko.

"Siya nga pala, bakit hindi mo sinama si Fred?"

"Eury, hindi niya na kailangang sumama. Busy iyon sa exam nila." Hindi inaalis ang titig kay Brandon, kinalabit niya ako sa hangin.

Talaga ba? Bakit parang hindi iyon ang nakikita ko? Kung makatitig ka kay Brandon at Zedrick parang wala kang boyfriend?

"Marunong daw si Kailli mag-fishing, Brandon. Kaya na namin nila Swanda ito." Hinila ko na si Kailli bago pa sila maghiwalay ni Fred, patungo kay Swanda na kasalukuyang nakapuwesto na sa gilid ng ilog.

Naked EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon