Thirty-Eight

145 13 25
                                    

I covered my face with a handkerchief and watched the sand mixed with the strong breeze of air as it flies around touching the huge black gate of our old Ancestral Mansion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I covered my face with a handkerchief and watched the sand mixed with the strong breeze of air as it flies around touching the huge black gate of our old Ancestral Mansion. It was been seven years of not seeing it, it should be old and rusty but I think the new owner managed to make it look brand new and tidy.

Being an Architect with my experience, I saw the major changes in the backyard. It looked fully furnished with plants, making it looked refreshing and naturally good in the eyes.

Mabibili ko kaya ito?

Siguro kahit double o triple sa presyo ng pagkakabenta ni mommy, bibilhin ko pa rin. Ang lugar na ito ang naging pride ni daddy, bagaman dito naganap ang mapait kong nakaraan ay hindi ko kakayaning mabigo si daddy kapag nalaman niyang hindi na siya ang may-ari nito.

Tumalikod ako at aalis na sana ng may makita akong gumalaw mula sa gilid.

"Sino po ang hanap nila, Ma'am?"

Namilog ang aking mata ng makilala ang matandang lalaki na siyang driver namin noon. "Manong, ako po ito. Si Malleury Suniga."

Malabo na yata ang paningin niya. Nakatingin siya sa akin ngunit hindi ako makilala. May edad na siya noong bata ako, mas lalong dumagdag ang panahon at mukhang tama ang aking hinala. Mukhang bingi na rin ito.

"Malleury Suniga po! Eury," sigaw ko.

"Eury? Anak ni Gregery?" Tumawa ito. "Imposible. Patay na ang batang iyon. Baka nagkakamali lamang kayo ng pinuntahan dito."

"Pero manong—" Wala akong nagawa ng talikuran ako nito at umalis.

Kailangan ko pa naman makausap ang bagong may-ari ng mansion. Medyo maghahapon na, tanghali na ng mag-land ang eroplano kanina idagdag pa ang biyahe ko mula Owl City main patungo rito.

Siguro ay babalikan ko nalang ito pagkatapos namin mag-usap ng kapatid ko. Sa ngayon, manunuluyan muna ako sa bayan. Malaki ang ipinagbago ng Casa De Rios. Maliit na mall lang mayroon noon, kanina ay naligaw pa ako ng sinakyan patungo sa mansyon dahil sa kalituhan kung saan ang terminal na naroon pala sa mas malaking mall.

Sakay ng kaparehas na grab taxi, pumunta ako sa Traveller's Hotel at kumuha ng budget friendly na kuwarto. Kanina sa biyahe, hinanap ko si Kailli sa Instagram, hindi ako makapaniwalang kasal na siya kay Fred Villareal at may isang anak. Si Swanda ay hindi ko mahanap sa kahit saang social media. Ganoon din sila Brandon, buti pa si Zedrick.

Profile picture niya ang picture ng kapatid ko.

Napagod ako sa dalawang araw na biyahe na connecting flight sa Dubai. Nagsisi ako sa heels na sinuot ko, sana pala ay nag-rubber shoes nalang ako. Hindi ko aakalain na ganoon kalaki ang Cristobal Airline roon.

Nagpadala ako ng dinner sa kuwarto, ngunit hindi ko nakain. Gawa ng sobrang pagod, nakatulog ako. Hindi ako nakapag-reply sa kausap na isa sa staff ni Majesty. Kinabukasan, hindi rin agad ako nagising ng maaga. Tirik na ang araw ng makita ko.

Naked EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon