Thirty

152 11 6
                                    


Parehas kaming balisa ni Sky nang makaalis sa Hidden Falls

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Parehas kaming balisa ni Sky nang makaalis sa Hidden Falls.

Alam kong kabado siya para kay Daddy, ako rin naman. Ngunit kanina pa sumisingit sa isip ko si Simon at hindi maalis ang tingin ko sa nauunang pick-up na lulan niya. Malayo ang biyahe, nakasakay ako sa sasakyan ni Kuya Joffrey, katabi si Brandon. Hindi na ako nakapagpalit ng damit. Pinatong ko lang ang nadampot kong t-shirt kani-kanina nang magising sa katotohanan.

Ngayon siya na naman ang iniisip ko. Naabutan ni Simon ang posisyon namin ni Brandon. Matapos niyang sabihin na hinahanap ako ni Daddy, hindi na siya nagsalita. Mula sa side mirror, nahuli ko siyang pinapanood ako na likumin ang aking mga gamit.

Gusto ko siyang lapitan at magpaliwanag pero hindi ko magawa. Ano nalang ang iisipin nila Kailli? Wala silang alam sa amin ni Simon. Isa pa, kailangan kong paghandaan ang mainit na buga ng dragon. Gaya ng aking inaasahan, malayo palang ay natatanaw ko na siya, umuusok ang ilong, handa ng sumabog sa galit at sa likod ang aking tiyahin at katiwala.

"Sa mismong araw ng laro ay uuwi kami para suportahan ka. Anak ko."

Walang pagsabog ng bulkan na naganap. Kalmado ito, marahil dahil sa prisensiya ng tatlong magkakapatid na Hetch at ni Paigerine Amorsolo. Kausap na ni Daddy si Simon habang papasok sa loob kasama si Auntie Criselda. Nagpaalam na ang magkakapatid ganoon din sila Kailli at Paige.

Hinahatid ko ng tingin sila Simon at Daddy, inaasahan kong lilingon ang nauna sa akin ngunit ng hindi dumating kaya bumaling ako kila Brandon.

Siya nalang ang hindi pumapasok sa sasakyan.

"Ingat kayo," sabi ko.

Lumapit siya sa akin. Kung kanina ay walang paglagyan ang ngiti sa labi niya, ngayon naman ay seryoso at wala ng bahid ng kasiyahan ang mukha.

"Aalis na ako ngayong gabi pabalik sa Owl City Main. Pagbalik ko rito, kakausapin ko ang daddy mo."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko rin mabigyang expression ang aking mukha, sa kadahilanang nakukunsensiya ako sa sakit na muli kong naidulot sa kanya. Ayaw ko ng nasasaktan ulit siya dahil sa kagagawan ko.

Aalis na sana siya, ngunit pinigilan ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Lumingon siya. Mabigat ang bawat paghinga.

"Hindi man ako ang magpapasaya sa'yo, alam kong mahahanap mo rin siya. Buksan mo lang ang iyon mga mata," sabi ko.

Piniga niya ang aking mga kamay. Yumuko. Ilang saglit siyang ganoon bago ako hinila at niyakap. Sinubukan kong humiwalay ngunit mas lalong humigpit ang kanyang yakap. "Five seconds. Please."

Tikom ang aking mga bibig. Marahan akong tumango.

"You are my only love, Eury. No one can take your place in my heart."

Parang sinasaksak ang aking puso. Mabigat sa akin ang pasyang gagawin, ngunit mahirap turuan ang pusong iba na ang nilalaman. Hindi ako magiging masaya kapag sinunod ko ang gusto nila Daddy. At alam kong hindi siya magiging masaya, kung matabang ang magiging pakikitungo ko sa kanya.

Naked EyeWhere stories live. Discover now