Fifty-One

207 18 49
                                    

"Siya ang gusto ni Ashton

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Siya ang gusto ni Ashton. Hindi ako. Kailanman, hindi ako!"

"Tama na!" Agad akong sumalampak para mahawakan siya sa magkabilang balikat.

She looked at me with raw madness. "Alam mo kung ano ang masakit? Ako ang kahalikan niya, pero ibang babae ang nasa isip niya. Kahit noong mag-sex kami sa old library. Nagawa niya iyon sa akin sa pag-aakalang ikaw ay ako. Ikaw ang gusto niya. Ikaw lang. Kaya huwag mo sabihin sa akin iyan, dahil kahit mali. Kahit panandalian ay nagagawa kong magtiis. Kasi masaya ako sa panandalian na iyon. Kahit iba ang iniisip niya, basta ako naman ang kasama niya. Okay lang. Buti ka pa, na sa'yo ang lahat. Hindi mo alam ang pakiramdam ko. Kahit nasasaktan, nagagawa kong maging masaya sa pansamantalang akin."

Umiling ako. "You don't know my pain, Swanda. Stop acting as if you are the only human here."

"Lahat ay nakukuha mo. Maganda, matalino at maganda ka, lahat ikaw ang gusto. Anong pinagsasabi mo?"

Pumikit ako para kalmahin ang puso ngunit patuloy akong nasasaktan, naalala ang hirap at sakit na dulot ng lahat ng pinagdaanan ko. Sana nga ay hindi nalang ako naging maganda, matalino at mayaman.

Dumilat ako at tumitig sa kanya. "Sana nga ay hindi nalang ako naging maganda, matalino at mayaman—" Lumapat sa aking pisngi ang kanyang duguan na kamay.

"Swanda!" Simon thundered from the open door.

Nahintatakutan si Swanda nang makita siya. Tumayo ito para lumapit dito, agad na yumakap. Ang kanyang mukha ay ibinaon sa dibdib nito. "Babe, let's go! Let's leave. I've changed my mind. Let's not do it anymore. Let's go back to Thailand."

Confused, I remained on my position and felt my cheek for a possible wound. But all I could felt was Swanda's hard slap and the blood on my face.

Nagtangis ang bagang ni Simon habang nakatingin sa akin. Lalapit sana sa akin ngunit pinigilan siya ni Swanda. Mas humigpit pa ang yakap. "Don't. Please!"

You were fool, Swanda. He was my Simon. He wasn't your Ashton.

Swanda looked up. She cupped Simon's face with her both palm. "Don't do it. Come with me. I'll do anything for you. For us. Hmm? I love you so much."

Parang pinipiga ang puso ko. Hindi dahil sa selos, kung hindi sa sakit ng pakiramdam na hindi pinili. Mahal na mahal niya si Ashton. Kaya niyang gawin ang lahat para rito, kaya nagawa niya ang bagay na kahit alam niyang masasaktan ang best friend pa niya ay ginawa niya para sa kanyang mahal. Ngunit ngayon, paano kung susundin naman niya ang puso niya?

Susundin kaya siya ng lalaki?

Paano kapag sumama si Ashton? Sana maging masaya sila.

Ngunit sa totoong buhay ay alam ko at ni Swanda na malabong mangyari iyon. Sunod-sunuran siya kay Ashton, at masakit sa pusong sa kabila ng sakripisyo niya para sa lalaki ay hindi nito sinuklian.

Naked EyeWhere stories live. Discover now