Forty-Two

173 20 25
                                    


Bago ang araw ng event

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bago ang araw ng event. Sinadya ko talagang hindi pumasok para asikasuhin ang ticket at mga documents na kailangan para sa pagbawi ng mansyon sa pangalan ulit ni daddy.

Naging abala ako. Mahabang paliwanagan kay Isaac habang patungo kami sa airport para sunduin sila mommy. Hindi siya kumbinsido sa gagawin ko, pero nang mabanggit ko ang kalagayan ni daddy ay bumigay din siya. Isa yata sa masalimuot naming yugto sa buhay noon ang kamuntikang pagkamatay ni daddy.

Nang makauwi kasama sila mommy, humanap pa ako ng tsempo. My father was very tired that he rested for about five hours. Naghintay pa kami, samantalang si mommy ay hindi naman nagtanong. Buhat ng makilala niya si Johannes, parang naging kampante siya sa mga lakad ko. Kahit kakampi ko siya sa lahat ng ito, ayaw ko ng dagdagan pa ang stress niya. Tama ng makita ko sila ni daddy na masaya.

We were in the middle of dinner when I repeated my sudden need to go back at the Philippines.

"Johannes. The younger son of Stanfield Zuelda, right?"

"Yes, dad."

"He is a difficult person, after this... don't go along with him. Better befriend the oldest, he is smart and humble."

Dad never changed his taste, he like that categories as he also thought about Brandon way back. And I think I go that attitude from him, I had one interest to a man, the more he look dangerous and difficult I am falling hard to him, but not with Johannes. He was like a brother to me, just like Isaac.

"It is a pure job, dad. Nothing lingers about that."

Iyon lang naman ang concern niya. Hindi na siya nagtanong kung paraan saan ang party at bakit kaming dalawa lang ang kailangan magpunta. Pagbalik ko sa kuwarto, muli kong tiningnan ang email ni Mr. Pete Dela Vega. Nang walang makita ay naligo at inabala ko ang aking sarili sa pag-aayos ng mga dadalhin ko sa pag-alis.

Nang matapos ay humiga ako saglit, plano ko sanang tingnan ang malaking box na pinadala sa akin ngunit sa pagod ko'y nagtuloy-tuloy ang pagtulog ko. Nang mag-umaga, iyon agad ang tiningnan ko. Pagbukas ko noon, nagulat ako sa allover floral print crop cami top at knot waist skirt.

Para sa akin ba ito? May kasama pang summer hat at itim na sunglasses na may tatak ng Balenciaga. Pag-angat ko ng summer hat, may nalaglag na sticky note.

From Johannes Zuelda

See you tomorrow, Malleury.

Teka? Akala ko ba intimate party?

I was about to reach for my phone to text him but I realized we will see each other later at work. May isa pang designs na kaunting kembot nalang ay maipapasa ko na. Ngunit wala si Johannes, si Engineer Stanfield ang pumirma.

Matapos pirmahan ay ibinigay agad sa akin ni Engineer. "Why are you still here? My son will pick you up by two in the afternoon, if I'm not mistaken."

Naked EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon