Fifty-Nine

231 18 22
                                    

"Who's that?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Who's that?"

Nang nainip ako sa tagal pindutin ni Simon sa notification bell, tumayo ako at nagtungo sa kanya para silipin sa maliit na screen kung sino ang bisita. Nang makita kong si Condessa iyon ay napatingin ako kay Simon.

Bakit alam ni Condessa ang lugar na ito?

Did Simon let him sleep here? On the bed where he worship me, he did the same thing to her? Umahon ang kakaibang init sa aking batok, init sa nagbabadyang galit at kahit anong pigil ko na huwag ay hindi ko mapigilan. Sa tuwing si Condessa ang sinisingit sa usapan ay naiinis ako. Pakiramdam ko ay mas fit siya kung saan ako naroroon.

Hindi dapat ako ang nasa bisig ni Simon, kung hindi ay siya!

"Don't mind her. We should sleep, you are tired."

Hindi ako nagpahila sa gusto niyang mangyari. Imbes ay pinindot ko ang notification bell at tiningnan ang screen. Hindi maganda ang disposisyon ni Condessa base sa pagkakatayo niya. Mukhang tama si Simon, dapat yata ay hindi ko nalang pinansin. Lasing si Condessa!

Walang minuto ay nagbukas ang pinto ng elevator at iniluwa ang susuray-suray na si Condessa. Si Simon ang pakay niya, dito siya padiretso ng harangin ko siya habang nakahalukipkip.

"Ikaw?" Masama ang titig niya sa akin bago ngumisi. "Bakit ang ganda mo? Maganda nga ako, pero noong tumabi ka... tss, taob ako!"

Nangunot ang aking noo. Pinagsasabi nito?

Tinuro niya ako. "Sumali ako sa iba't-ibang pageant para patunayang maganda ako. Magaling ako! Matalino! Sporty! Pero para sa mga pinsan ko, ikaw ang maganda at kahanga-hanga. Kahit nga si Ate Bianca, ikaw ang gustong makilala. Ano bang mayroon sa'yo na wala sa akin?"

Nawala ang agam-agam ko, napalitan iyon ng reflection sa kaparehas na nararamdaman ko rin patungo sa kanya. Ikinukumpara rin ako ni Dad sa kanya. Hindi ko alam na pressured din pala siya... at teka, sa akin?

"Do you know who I am?" hindi nakatakas sa aking boses ang sarkasmo.

"Of course, I know you a lot! You are the princess of Casa De Rios. Malleury Suniga, daughter of the handsome businessman, Gregery Suniga. Tinalo mo ang award ni Ate Priscilla. Sa school namin, marami ang gustong makuha ang number mo para maligawan ka. Fuck, fame! I have that in our school... but why they have to see you who is far away from the Owl City Main. Don't you find it ridiculous? Fuck that shit on my nerves!"

"Don't use that word in front her, Condessa!"

Naiiyak at hindi makaniwala si Condessa na tumitig sa kanya.

"Princess?" Tumawa ako.

Binalingan ko si Simon na umiiling hindi kalayuan sa likod ko. Sinubukan niyang lumapit para hawakan ako ngunit hindi ako nagpaunlak. I want to hear out Condessa's sentiment. She had all the valid reasons anyway.

Naked EyeWhere stories live. Discover now