Chapter Twelve

152 12 0
                                    


"Sabi ko na nga ba! Totoo ang sinasabi kong, malandi kang babae. Kapag wala si Simon, si Brandon ang kinakalantari mo!"

"Excuse me? Who are you?" Brandon pulled me behind his back.

"Bakit? Naniniwala ka ba kay Eury na gusto ka niya?"

"What do you mean?"

"Kapag wala ka, si Simon ang nilalandi niyan. Iyan ang kakayahan niyang santa santita na 'yan! Magpaikot at paglaruan ang mga lalaki."

Hindi ko na napigilan ang umabante. "Walang namamagitan sa amin ni Simon. Si Brandon ang boyfriend ko. Si Simon, isa lang siyang katulong namin sa bahay."

Pagak na natawa si Erin. "Lumabas din ang totoo mong ugali. Maganda ka nga, masama naman ang ugali mo. Kahit kasambahay niyo si Simon, matino siyang tao para landiin mo at saktan." Nilapitan niya ako at tinulak.

Sa gulat ko'y natisod ako sa batuhan at natumba. Tumama ang binti ko sa malaking bato sanhi para ikaimpit ko ng tili. Tears escaped from my eyes. Ang bilis ng pangyayari, hindi pa ako nakakausad sa sakit na nadarama ng agad akong paimbabawan ni Erin upang sabunutan at sirain ang suot ko. Pinipigilan siya ni Brandon, ngunit tumulong ang kasama nito sa pananakit sa akin. Brandon did his best to help me, but Erin already ruin my dress.

Dumating ang ilang security guard para ilayo sa akin si Erin at ang kasama niya. Ilang saglit ay si Mayor ang dumating kasama si Peter.

"Anong nangyari?" Mayor's voice thundered.

I felt awful that all I could do was to cry in despair. Brandon immediately removed his coat, not minding his Uncle.

Mayor turned to Erin. "Trespasser!"

"Hindi po, Mayor! Anak po ako ni Kapitan."

"How could you make a scene here. Security! Get this intruder!"

"Mayor, wala po akong kasalanan. May pruweba po ako—"

"A plan footage to sabotage my girlfriend," Brandon exclaimed. His eyes were furious then when he turned to me they became weary and gentle. "Hush. You'll be fine."

Nanginginig ako sa galit. Hindi ko matanggap ang paratang sa akin ni Erin. Sinira rin nila ang damit na pinaghirapan ng aking tiyahin. Gusto ko siyang sugurin ngunit nananaig ang sakit ng aking binti. Kinakatakot ko, baka nabalian ako. Huwag naman sana!

Itinakip sa akin ni Brandon ang suot niyang coat, pagkaraan ay binuhat sa loob ng mansyon nila Mayor. I was very tired. Humilig ako sa bisig niya, hindi humihiwalay ng kapit sa kamay niya kahit ng maihiga.

"I shouldn't let those strangers touch you," he murmured. His eyes were about to wet as he clean the blood on my arms. Tuluyan niyang sinira ang sleeves ko na may mantsa ng dugo para malinis ang aking braso.

Hindi naman ako makatingin sa kanya. Kahit ang ipaliwanag ang aking sarili. Hindi ko rin kasi alam kung saan magsisimula.

Bumukas ang pinto.

Nagulat kami ni Brandon ng si Simon ang iniluwa noon. "Sinong may gawa sa'yo niyan?"

Magpapaliwanag at haharangin sana ni Brandon si Simon, ngunit isang malakas na tulak ay nakalapit si Simon sa akin. Ang kinikimkim kong galit at hapdi sa natamong sugat ay kusang umahon sa aking dibdib. Kumawala ang luha sa aking pisngi at parang may sarili itong utak sa pagdaloy. Gusto kong maglaho sa kahihiyan ng aking naging reaction, ngunit impit na hikbi sa akin labi ang lumabas. Umiwas ako nang tingin ng hawakan ni Simon ang aking braso. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, ngunit hindi ko mapigilan ang maiyak!

Naked EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon